Professional Documents
Culture Documents
PanPil 269 Panggitnang Papel Ni Anthony Gabumpa Sa Mula Tarima Hanggang Ni Ericson Acos
PanPil 269 Panggitnang Papel Ni Anthony Gabumpa Sa Mula Tarima Hanggang Ni Ericson Acos
Mula Tarima Hanggang At Iba Pang mga Tula at Awit ni Ka Eric Acosta
Una kong binili ang aklat sapagkat nais kong matutong sumulat ng tula. Naniniwala akong
matutuhan ko ang ganitong kasanayan at higit pang mamumunga kapag may solitaryong pagbabasa
bilang pataba sa aking pagnanasa. Tagahanga ako ng mga tula bilang maiikling anyo ng panitik na
anumang lalim at babaw ng kabilugan na buwang pinaglilingkuran nito. Kung kaya habang naglalayag
sa aklat ay walang pagkabigong pumunan ang aklat sa pagkauhaw na patuloy na matuto. Ang tula ay
lumulusong sa dugo at tulad ng may-akda ay naghahangad ang kaniyang bawat salita ng silakbo mula
sa piitan at malasakit mula sa bumabasa. Sa pagkakataong ito binalikan ko ang aklat tungo sa layag at
layon ng papel na ito na isakaranasan ang pagbasa ng “Mula Tarima Hanggang” ni Ericson Acosta
tungo sa pagsusuri ng mga tula sa hapag ng kinasadlakan ng mga anakpawis at pinili nitong kilusan.
Pilipinas, Diliman at higit pang pinagyaman ang sarili sa pakikisangkot sa mga organikong intelektuwal
sa nakalipas na dalawang dekada. Isinulat niya ang lipon ng mga tula ng “Mula Tarima Hanggang”
noong ikinulong siya sa Calbayog Sub-Provincial Jail sa Samar sa loob ng dalawang taon bilang
ni Ka Eric ang buhay, mga tunggali at kamatayan ng mga magsasaka na may malayong lunggati upang
maiiangat ang ekonomikal na lagay ng mga Pilipinong kasapi sa sektor agrikultural. Samakatuwid,
ipinapakilala nito na may aasahang talas sa mga titik na isisilang ng isang Ericson Acosta o Ka Eric
Bukod dito, matingkad din sa kaniyang pagiging manunulat ang nauukol sa kategorya ng tulang
pambilangguan buhat sa mga nirehas na pagtatagpo-tagpo nito dahil sa kanilang mga politikal na
prinsipyo. Aniya sa isang panayam ng palimbagan at aklatan ng UP, hindi niya isinusulong na
pagsusulat subalit nagiging pangangailangan ito sa sirkumstansyang kanilang kinasapitan. Kung kaya
sa kabila ng di masikmurang reproduksyon hindi maikukubli na masasalamin pa rin nito ang panitikan
ng pook. Ito ang kasasapitan ng pakikibaka hanggat hindi tuwirang nabubuwag ang kasamaan ng
kontra-mahihirap at kontra-magsasaka. Mula sa mga danas na ito, mababakas ang may-akda bilang
isang tunay na bayaning buhay at magpapatuloy ng mga nakakakuyom na kamao habang pinipitpit sa
loob nito ang mga butil at dugo mula sa kanilang pawis. Ang karanasan ni Erikson na ipipinta sa tula
ay bunga ng mas organikong pakikisangkot sa mga suliranin at kung may hampas ng galit at luksa ang
mga ililinya ng mga akda ay hindi ito masisisi bilang inampon siya ng mga katotohanan at sinisilaban
Hindi tinipid ni Ka Eric ang kanyang mga mambabasa mula sa mga tahi ng kaniyang
pananaludtod sa koleksyon. Makikita ang yaman ng aklat na binubuo ng 100 tula na binigyang
kompilasyon mula sa lahat ng kaniyang sariling pangunguna. Bilang bungad, ipinangkat ito ayon sa
mga sumusunod na tahi: a.) Pitong Sundang [Kaingin, Hapag, Sipat Tala, Tula, Gabud, ***], b.) Mula
Tarima Hanggang, k.) Pambihira, d.) Paglapat sa Lupa, at e.) Cubao. Ang unang bahagi ng tahi ay
mga magsasaka bago ang aktwal na pagkapiit. Metaporikal sa gitna ng ligalig ng pakikibaka ang
paggamit ng pinatalim na sundang na tunay na katangian ng tula. Armas ang kabatiran na hinahasa pa
Samantala, ang ikalawang bahagi na nauukol ang mga taludtod ng “Mula Tarima Hanggang”
sa loob ng bilangguan mula Pebrero 2011 – Enero 2013. Ang mga ito ay kapwa bumibitbit ng pasaring
at dusa. Bumungad noon sa akin ang tulang “Rehas,” gusto ko ang nararamdaman ko habang binabasa
ito, ipinakilala nito ang sundang na kumikilala sa lahat ng mababaw ni pinakamalalim na sugat. Mas
bumaon sa akin ang tarimang itinatarak ni Ericson sa kanyang mga mambabasa nang ihanay niya ang
kaniyang rehas bilang talaan ng unos; ang tula bilang listahan ng ngalan – kilabot ng karanasan ng
pakikipaglaban at pagtitiiis – isang mahabang listahan na ang pakay ay isambulat ang mapapait na
pagpapabaya sa likod ng seldang nagbigay hatol sa di nasiguradong katwiran. Bilang mambabasa, may
ilang ulit ko ring binalik-balikan ang akdang “Praktis.” Sa lahat ng tula ay naririto ang inaasam-asam
na hinga mula sa mga nakadagang bato sa dibdib. Marahil may binibitbit itong damdaming iba sa
rudbod ng mga kapatid nitong tula sa kompilasyon. Nasa bahagi nito ang pagdiriwang sa kalayaan ng
bilanggong makabayan at tangan nito ang damdamin para sa persona at iba pang bahagi ng pakikibaka
paghimas ng mga salita inukit ang katagang hindi buo ang diwa na sa basa’y hindi matatapos na
hanggahan kundi lamang sa isinisilang na kamatayan ng persona. Ang lahat ng ito’y nauuwi sa pag-
aalay sa pambansang kalayaan. Ang ikatlong pagtatahi’y nauukol sa mga awit mula 1995-2005 na
nakahanay sa lupon ng “Pambihira.” Tangan sa pagpapamagat ang pagsasakatangian ng mga awit. May
mga pagnanais ang makata na kung unang sisipatin ay mukha ng mga imposibleng pangarap sapagkat
maaaring ibinunga ito ng idealismo. Ngunit mababanaagan ang pagkamangha sa mga manuskrito lalo
pa’t taglay nito ang senaryo ng pagpupumiglas at mahiwagang pag-asang bumubukal sa bawat persona.
Tulad ng tulang “Awit ng Kasaysayan,” na may mahikal na dating ang dramatikong tagpo sa paraan
ng romantisasyon ng pakikidigma buhat sa kasaysayan tungo rin sa nilililok pang kasaysayan gamit ang
pagkakaisa.
Maging ang pagbuo ng “Alamat” bilang pagwasak sa paraan ng pagtanggap ng nakararami sa mga
katwiran. Ikaapat na tahi ang mga tula ng “Paglapat sa Lupa” na binuo ng makata mula 1994 hanggang
2005. Nangungusap ang mga salitang pinili ni Ka Eric sa paglalahad ng mga tula sa bahaging ito ngunit
buhay ang imahen na nais niyang iparating sa bumabasa. Usapin ito ng lupa, ng kapayakapan ng buhay,
pagkakaalipin. Ang mga talinghaga’y waring pinaliliyab pa ng makapal na hamog mula sa iba’t ibang
manunulat sa mga tulang “Walang Kalabaw sa Cubao,” “Papunta sa Cubao para Magpa-mimeo,” at
“Sabat sa Cubao na ibinunga ng panahon ng pagpasok ng ika-20 siglo. Makabago’t may lalim ang mga
kasangkapan ng wika at talinghaga. Sa dakong ito ng aklat, nagtatalaban ang pakikiangkop ng paligid
lagi’t laging bahagi ng gawaing rebolusyonaryo ang mga gawaing kultural. Kaya’t buo at maningnging
ang mga imahen sa panulat ni Acosta dahil nag-uugat ito sa ideolohiya. Patunay na gamit na gamit ang
mga senses ng bumabasa habang binabagtas ang mga akda. Makabuluhan din ang paggamit ng mga
senaryo bilang miliu at metapora ng pagtitiis. Bagaman hindi mailalayo na ang mga persona sa tula at
Nababatid din sa bawat pilas na may galit ang mga persona sa tula bilang pagbulalas ng damdamin
sa kawalang katarungan ng lipunan. Binabasag nito ang mga pagkakakondisyon nang hindi lamang
pag-upo kundi pakikialam sa mga usapin ng pagsisilid sa mga nakikibaka para sa nakararami. Ang mga
ito ang nagsilbing panandang-bato upang patuloy na basahin at busisiin si Ericson Acosta at ang
kaniyang panulat para sa uring marhinalisado. Walang tunay na bayaning nakalilipad o may
supernatural na lakas at mahika, sapagkat karamihan sa mga ito ay nagbubungkal ng lupa, pinandidilig
ang dugo at nilulusaw ang laman bilang pataba, samantalang ang iba’y nagsusulat sa piitan at
binubusabos ang pagkatao. Bagaman bilang mambabasa ay nais ko ring ihatag ang bagabag na ano ang
inaasahang pagbasa ni Ka Eric sa mga nasa loob ng rehas sa kaniyang mga akda? At paano nga ba
Sa huli, isa ring matingkad na tagapagtuyod si Ericson Acosta ng panitikan ng anakpawis tulad
nina Amado V. Hernandez at Rolando Olalia na kapwa may mga tapang sa pagsasalita at dilang gintong
layon nito na makamit ang kabutihang sosyo-ekonomikong panlahat at makibaka sa hangaring dapat
walang api sa pinaglilingkurang bayan. Bilang panapos sa pagkawala sa selda, ihahatag ko ang
natatanging katagang tumagos sa aking kaluluwa’t pakikiasam sa lunggati ni Ka Eric, bilang manunulat,
Sa oras na malubos