You are on page 1of 2

KAGABI

kagabi, umalis ka
at ibinilin mo sa huli mong mga halik
na ikinahon mo palabas
ang lahat ng gamit mo
na maaaring magpaalala sa
bawat sinulsi nating kuwento.

kagabi, nilisan mo ako


ngunit naiwan mo sa akin ang lahat mong alaala
na nagtanggal sa pagkasabik ko sa umaga.
na dahan-daha’y nagturo ring tumutugtog
ng lungkot sa lumuma kong gitara,
at hanggang sa panaginip ay binitbit
ko bilang luha ng aking pag-iisa.

kagabi, ibinilin ko sa bulawan


na sa susunod na aalis ka’t
alam mong hindi na muling
magbubukas ang pintong iyong nilabasan
iwanan mo sanang nakabukas ang bintana
nang makadungaw ang lahat ng aking tanaw
at may paglagusan ang ipinipinid kong pamamaalam.

kagabi, pinaalala ng mga ningning ng mga tala


na ikaw sa lahat, ang pinakapaborito kong pakiramdam
ang habambuhay na piitan ng
pinakamatamis kong ligaya
at sugat sa pinakamahapdi
kong pagdurusa.

Pangalan: Balatik (Ihihingi ko sana ng permiso ang paggamit ko ng sagisag-panulat bilang makata.)
Edad: 23
Tirahan: Lungsod ng Valenzuela

You might also like