You are on page 1of 1

“Gabi ng Lagim Dekada dos Mil veinte”

Ni Bitoy

Ako si Bernadette, bente dos anyos.. Isang labandera.. Nakatira sa isang apartment sa liblib na
lugar ng Taguig.. May asawa ako na taga katay ng baboy sa palengke. Masaya at simpleng
naninirahan.. Sa pag kagat ng dilim, Hindi ko inaasahan na sa gabing iyon ay bigla nalang may
sapilitan na pumasok sa aming kuwarto, ng mga lalakeng di ko maaninag na bigla nalang
sumulpot mula sa kadiliman at dinampot ang aking asawa, sinubukan niya magpumiglas ngunit
marami sila na tila anino.. Nakasara na ang pinto at mga bintana naming magkakapit bahay.
Humingi ako ng tulong ngunit walang naglakas loob na kami ay puntahan.. Pinapatakbo na ako
ng aking asawa at sa gitna ng dilim nakarinig ako ng malakas na putok na tila’y kulog habang
hinahabol ako ng kidlat.. Sa bawat paglagpas ko sa mga ilaw sa mga pintuan at sa punong
nakasubaybay sa akin ay padilim nang padilim ang aking nakikita, hanggang sa napunta ako
sa kaduluhan ng kalye.. Dinampot nila ako, at dinala sa masukal na parte ng gubat at doon ay
binaboy nila ang katawan ko at dinungisan ang pagkatao ko.. Katabi ko ang asawa ko nung
mga oras na yon.. Butas ang noo hawak hawak ang baril na pinilit ilagay sa kanang kamay ng
aking asawa.. Hanggang sa kawalan ay nasigaw ako ng tulong “Tulong, tulong.! Kahit sinong
nandiyan tulungan niyo ako! Parang awa niyo na! Tulong! Nahihirapan na ako.. Patayin niyo
nalang ako! Bago niyo pakeelaman ang katawan ko! Hindi ko na kaya to! Mahal gumising ka ,
tulungan mo ako! Hindi ko na kaya hirap na hirap na ako!” Nagpumiglas ako ngunit bawat
tadyak at kalmot ko.. dagdag na pasa at pasakit ang natatamo ko.. Sinubukan akong patayin ng
lalake ngunit hindi nila tinuloy dahil pag aakalang di na ako aabutin ng umaga.. Sa aking pag
gising sa maulap na umaga kapagitan ng makulimlim na tanghali.. Kinukuwento paano nila
pahirapan kaming mahihirap.. Di na sila naawa sa akin, sa amin! Kami’y isang kahig isang tuka
lamang.. Maliliit ang trabaho. Hindi ko kayang lumban sapagkat ako’y isang dukha walang pinag
aralan hindi marunong bumasa o sumulat.. Na pati ang pagkain kakainin kahit balut ng putik..
Mga wala silang awa.. Ang pasa sa katawan ko, ay marka ng trauma na nakuha ko sa mga tao
na hindi ko naman kilala, sila ang nagbigay pasa sa aking puso at sa aking utak dinumihan ako
na parang isang inodoro lamang.. Pumiglas ako ngunit hindi nila ako pinakikinggan.. Sinubukan
kong tumakas ngunit ang kamay na nakagapos sa aking braso ay tila posas na dadalhin ka sa
impyerno.. Ang sabi nila porket wala kang perang papel at puro barya lang ang meron ka, wala
kang laban.. pero hindi kakayanin ng isang pirasong libo na papel ang libong pisong barya.. Ang
kailangan ko ay tulong.. Ang bawat luha na dinilig ko sa lupa habang dinudumihan ang aking
katawan ay katumbas ng bawat sugat na dinagdag nila sa akin.. Bakit maraming natatakot sa
inyo na kalabanin ang nasa taas at ipantay ang tatsulok.. Sa paglipas ng mga araw na
binabalewala ng “Hustisya” ang aking hinanakit ay siya rin ang mga araw na binabawas ko sa
sarili ko.. Tila’y nagtetengang kawali si Justicia.. Tila’y inalis na ni Justicia ang kanyang piring..
Sana, sa susunod na henerasyon.. Sa ating kabataan ngayon, bigyan niyo ako ng matinding
pag asa.. Kayo ang magtutuwid ng Hustisiya ibalik ang Piring ni Justicia.. Upang tenga ang
gamitin niya.. Alisin niyo sana ang pera sa timbangan.. Boses namin ang ilagay ninyo.. Sana
kung mabubuhay akong muli.. Ang Justicia na pagkakakilala ng lahat ay siya pa rin..

You might also like