You are on page 1of 4

Ang Bariles ng Amontillado

Isinulat ni Edgar Allan Poe

Ang isang libong sakit ni Fortunato ang naging dahilan upang pag-ibayuhin ko ang lahat ng aking
magagawa sa huling sandali ng aking makakaya. Ang labis niyang pag iinsulto ay sumugat sa aking
pagkatao kaya naman sa muli niyang panggagahis ay pinangako ko ang maghihiganti. Ikaw na may alam
sa aking kalikasan ng kaluluwa na hindi ako nagbanta sa kanya, kahit gaano katagal ako ay
makapaghihiganti. Hindi ko lamang siya parurusahan, parurusahan ko sya ayon sa nararapat sa kanya.

Naiwawasto lamang ang isang mali kapag naparusahan na ang may gawa nito.Hindi rin maitatama kung
hindi maipapaalam na naghihiganti,na sya ang nagbigay ng kaparusahan. Kailangan ninyong
maintindihan na kahit salita at sa gawa na hindi ko binigyan si Fortunato ng kahit anong dahilan upang
pagdudahan ang aking intensyon. Pinagpatuloy ko lamang ang pagngiti sa kanyang harap at hindi niya
naisip na ang aking ngiti ay dulot ng pag-iisip ko sa kanyang pagdurusa. May isang kahinaan itong si
Fortunato, ngunit sa ibang bagay siya ay isang taong dapat irespeto o katakutan. Pinagmamalaki niya
ang kaniyang kaalaman tungkol sa alak. Hindi lahat ng mga Italiano ay may ganitong galing at dedikasyon
sa paggawa ng alak. Sa aspektong ito ay hindi kami nagkakalayo.

Ako rin ay may kaalaman sa mga alak at tuwing makakakita ako ng kakaibang alak ay bumibili ako.
Lulubog na ang araw ng isang hapon sa gitna ng kaguluhan dahil panahon ng perya at karnibal ay
nakasalubong ko ang aking kaibigan. Binati niya ako ng may kaligayahan sapagkat siya ay medyo lasing
na. Saking sobrang kagalakan ay hindi ko mabitawan ang kanyang kamay.

Sabi ko sa kanya, “Fortunato! Buti nalang at nagkita tayo. Tila ba ang saya-saya mo ngayon! Ngunit alam
mo ba na may natanggap akong Amontillado? Kaya nga lang, ay meron akong duda kung tunay ito.”

“Paano?” tanong ni Fortunato. “Amontillado? Imposible. At sa kalagitnaan pa ng ating mga kasiyahan?”

“Medyo pinagdududahan ko nga kung ito ay tunay, at sa aking katangahan ay nagbayad ako ng buo para
sa Amontillado ng hindi ka kinokonsulta. Hindi kita mahanap at natakot akong lumampas ang
pagkakataon. “

“Amontillado?”

“Meron akong mga hinala na ito ay mali.”

“Amontillado?”

“Parang may ginagawa ka naman.. Pupunta nalang ako kay Luchesi”

“Hindi alam ni Luchesi ang pinagkakaiba ng Amontillado sa Sherry!”

“Pero sabi ng iba ay pantay lamang ang kaalaman ninyo ni Luchesi sa alak”

“Hali ka na” “Saan?” “Sa iyong bahay,sa lagayan ng alak”“Ay pare, wag na. Ayokong abusahin ang iyong
kabaitan. Ayokong abalahin ka sa iyong ginagawa, Luchesi-”

“Wala akong ginagawa, tara na.”


“Wag na. Malamig sa silong na pinaglalagyan ko ng alak at ayaw kitang magkasip-on. Basa ang mga
dingding at nababalotan ito ng mga nitro.”

“Kahit na. Punta parin tayo, wala lang sa akin ang lamig. Amontillado? Baka naloko ka lamang.”

Habang siya ay nagsasalita ay hinawakan niya ang aking braso at hinila ako pauwi. Walang ibang tao sa
bahay, silang lahat ay nasa karnibal at nagpapakasaya. Sinabi ko sa kanila na sa umaga pa ang aking balik
at iwanan na lamang ang bahay. Kumuha ako ng dalawang sulo at ibinigay ang isa kay Fortunato.
Inalalayan ko siya papunta sa aking silong na catacombs pala.

Matapos madaanan ang iba’t ibang hagdan, narating din naming ang silong ng mga Montresor.

“Ang Amontillado?” sabi niya.

“Kunting layo pa.” sabi ko.

“Ngunit obserbahan mo ang mga puting tilang sapot na nasa dingding.”

“Nitro?” “Nitro.” Sagot ni Montresor.

“Gaano katagal ka na ba inuubo?” tanong ni Montresor habang inuubo si Fortunato. Hindi nakasagot
ang aking kaibigan ng ilang minuto.

“Wala lang ito.” sabi niya. “Hali ka na, bumalik na tayo. Importante ang iyong kalusugan. Mayaman ka,
respetado, masaya, kagaya ko noon, at maraming nagmamahal sayo. Bumalik na tayo, magkakasakit ka
lamang at ayoko ako ang magiging dahilan. Andiyan naman si Luchesi.”

“Hayaan mo na, wala lang ang ubong ito. Hindi ako mamamatay sa ubo lamang.”

“Sabagay.”

Kumuha ako ng isang bote sa mga nakapaligid sa amin at ibinigay ko ito sa kanya.

“Inumin mo ito.”

“Ang inumin kong ito ay para sa mga patay na nakapaligid sa atin.”

“At ang sa akin ay para sa iyong mahabang buhay.”

Kinuha niya uli ang aking braso at itinuloy.

“Ang lawak ng silong na ito”

“Ang mga Montresor ay isang malaking angkan.”

“Nakakalimutan ko ang iyong simbolo.”

“Isang malaking paa ng taong nakalagay sa telang asul. Tinatapakan ng paa ang isang ahas at nakabaon
ang pangil ng ahas sa talampakan nito.”

“At ang iyong salawikain?”

“Nemo me impune lacessit” na nagsasabing “Walang umaatake sa akin ng walang parusa.”

“Magaling..” sabi ni Fortunato.


Naglalakad habang umiinom ng alak. Hinawakan ko ang kanyang braso upang siya ay huminto at itinuro
ko ang mga dingding.

“Ang nitro. Tignan mo kung paano dumami habang palalim ng palalim ang ating tinutungo. Mas lalo
pang lumalala ang iyong ubo.”

“Sinabi ng wala lang ito. Tumuloy na tayo.”

Nang maubos ang bote ay tinapon niya ito ng pataas sa isang galaw na hindi ko naintindihan. Tinitigan
ko siya ng may gulat at inulit lamang niya ang galaw.

“Hindi mo naintindihan?”

“Hindi.”

“Ah, hindi ka kasapi sa aming kapatiran.”

“Ano?”

“Hindi ka isang Mason.”

“Oo”

“Ikaw..? Isang Mason? Imposible.”

“Isang Mason nga..” kinuha ko ang dulos mula sa aking manto.

“Hahaha..patawa ka ha..” sabi ni Fortunato. “Ngunit hali ka na, puntahan na natin ang Amontillado.”

Sa dulo ay may isang maliit na kwartong napaliligiran ng mga kalansay, mga buto ng aking mga kamag-
anak. Itinaas ni Fortunato ang kanyang sulo upang mas makita ang nakalagay sa dulo ng kwarto.

“Tumuloy na tayo, dito nakalagay ang Amontillado. Idaan mo ang iyong mga kamay sa mga dingding,
mararamdaman mo ang nitre.

“Ang Amontillado?” sigaw niya.

“Oo nga pala, ang Amontillado.”

Sa kalasingan ni Fortunato ay naikabit ko ang kanyang mga kamay sa mga kadena sa pader.

Nagpapatuloy lamang siya sa pagsasalita ay kinuha ko na ang mga nakahandang semento at bato, at
nagsimulang lumikha ng pader para isara ang maliit na kwartong ito habang siya ay nanonood. Nasa
pangatlong lebel palang ako ng mga nilalagay kong bato nang marinig ko ang pagbabago ng mga salita ni
Fortunato. Tila ba nawawala ang kanyang pagkalasing. Binilisan ko na ang aking ginagawa habang
palinaw na palinaw ang mga sinasabi ni Fortunato.

Sa wakas ay natapos ko na ang pagsemento sa nag-iisang daan patungo at paalis sa kwartong iyon na
puno ng mga kalansay. Naputol ang aking mga iniisip ng bigla kong narinig ang pagsigaw ni Fortunato.
Sandali lamang ito at ng siya ay para bang kumalma na.

Kanyang sinabi, “ Ha ha ha , he he he, isa tong magaling na biro! Napakagaling. Siguradong matatawa
ang mga tao sa plaza kapag kinwento natin ito sa kanila. He he he.. Para sa alak! He he..”
“Ang Amontillado?” sigaw ko sa kanya.

“He he he, oo nga, ang Amontillado..pero, hindi pa ba gabi? Hindi kaya hinahanap na nila tayo sa plaza?
Ang aking asawa at mga kaibigan, umalis na tayo!”

“Oo nga, aalis na ako.”

“Parang awa mo na Montresor!”

“Oo! Parang awa nga!”

Ilang minuto ang lumipas at walang sumasagot.

“Fortunato?” Walang sumasagot at sumigaw ulit ako. “Fortunato?”

Ang aking puso ay nahahapis - dahil sa kahalumigmigan ng catacomb. Nagmadali akong tapusin ang
aking paghihirap. Pinilit ko ang huling bato sa posisyon nito, at sa bagong pagmamason ay iniligay ko ang
lumang kuta ng mga buto. Sa loob ng kalahating siglo, walang mortal ang nakagambala sa kanila. In
pasce, requiescat!

You might also like