You are on page 1of 5

Pangkat 2 (FILIPINO)

Introduction – Magandang araw! Mga kaeskwela heto nanaman


tayo panibagong araw panibagong akda nanaman ang ating
susuriin, ngayong araw ay ating tatalakayin ang maikling
kwentong “ANG BARILES NG AMONTILLADO” halinat Samahan
mo kami ng aking mga kaibigan!

Ano ang pangalan ng akda at kahulugan nito?


Alex- Ang pamagat ng takdang ating susuriin ay ang barilles ng amontillado
o ang “The cast of Amontillado” sa wikang ingles. Ang amontillado ay isang
uri ng alak na tila nahintulot si sheryn. Ang literal na kahulugan ng pamagat
ay bariles o lalagyang kahoy ng alak na siyang ginamit ni furtonato bilang
instrumento sa kanyang pinaplano sa paghihiganti, ang amontillado rin ang
ginagamit ng kontrabida upang mapukaw ang atensiyon ni furtonato
papuntang silo.

Sino ang may-akda? Ano ang kaugnayan ng buhay at


karanasan ng may akda sa kaniyang sinulat na akda.
Margaret- bago tayo tumungo sa kwento ating pahapyawan ang may-akda.
Ang maikling kwentong ito ay sinulat ni “EDGAR ALLAN POE” nung
ENERO 19, 1809 sa posto. Ang maikling buhay na dinanas ni poe ay tila
isang bangungot ngunit wala naman na kumperma inspirasyon ng author
na siyang nagaganyak sa kanyang pagsulat ng akda. Marami rin nagging
teorya kung saan talaga nakuha ang inspirasyon niyang isulat ang akda at
isa narito ang kadahilanang ito ay naging tugon niyang sa kanyang karibal
na si “THOMAS DYNN ENGLISH” na napunta sa isa pa niyang sinulat na
nobela.

Sino-sino ang mga tauhan?


Martin- Sa akda makikita na mayroong dalawang pangunahing tauhan ito
ay sina FORTONATO AT MONTESSOR. Si furtonato na siyang bida sa
akda ay mahilig sa alak at may angking galing sa kanyang kaalaman sa
mga ito siya ay kilala sa kanilang lungsod sa kanyang detekasyon sa mga
alak kung kaya’t hindi na sila nagugulat kung makikita itong lasing sa
daanan. Sa kabilang panig naman si montessor na siyang itinuturing na
kontrabida ay isang lalaki na mapaghiganti na may kaalaman din sa alak
sinasabi niyang tila sumugat sa kanyang pagkatao ang insulto na tinipan ni
furtonato kung kaya’t nagaganyak siyang maghiganti rito.

Ano ang implikasyon ng tagpuan sa pang-yayaring naganap sa akda?


Lucky- Ang implikasyon ng tagpuan sa pangyayaring naganap ay kung
ating matatandaan ito ay nangyari sa bayan ng italya na kung saan ay
kilala ang mga tao sa pagiging matalino at masuyasid pagdating sa alak
na isang dahilan at paraan kung paano nakipaghiganti at naisagawa ang
masamang balak ni montessor kay furtonato na kaniya nitong mapaniwala
na meron siyang natanggap na amontillado at dito ay nagtungo sila sa
bahay ng mga montessor sa isang silid na tila kahirap puntahan at makita
na tinatawag na silo. Ito ay naisagawa ang plano kay furtonato at naganap
ang mahahalagang pangyayari at ang wakas ng kwento.

Ano ang suliraning kinakaharap ng pangunahing tauhan?


Alex- Ang suliraning kinakaharap dito ay kung paano nga ba maisasagawa
ni montessor ang kanyang masamang balak na paghihiganti kay furtonato
ng matagumpay lalo pa’t nagkaroon siya ng pangamba habang
isinasagawa ito. Nung unting unti nang bumalik ang diwa ni furtonato mula
sa pagkalasing na kung kaya’t siya ay mabigo sa kaniyang plano.

Ano ang tatlong mahahalagang pangyayari sa akda?


Margaret- Ang tatlong mahahalagang pangyayari ay una noong nilapitan ni
montessor si furtonato at sinabing na mayroon siyang ns tanggap na
amontillado na isang alak na di pangkaraniwan at kunyari na siya ay
naghihinala dito kaya nilapitan si furtonato kalapit ang masamang
binabalak niya dito.
Pangalawa ay nagtungo na si montessor at furtonato sa bahay ng mga
montessor sa isang silid na tinatawag na silo at dahil sa kalasingan ni
furtonato ay hindi na niya namalayan na naigapos na pala siya ni
montessor.
At patatlo ay nung isinagawa na ni montessor na plano na pagtakip ng
simento kay furtonato at maya maya ay narinig ang sigaw nito na
nagmamakaawa at tila natauhan at makalipas ng ilang minute ay nawalana
ang sigaw at matagumpay ang plano ni montessor at namatay si furtonato.

Ano ang naging kalaksan ng akda?


Martin- Ang naging kalakasan ng akda ay ang barilles ng amontillado o ang
The cast of amontillado ay sa pagkalasing ni furtonato ay hindi nito
namamalayan ay mayroon nang masamang binabalak si montessor kinabit
niya sa mga kamay ni furtonato ang mga tanikala at unting unti tinakpan ni
montessor ang maliliit na kwarto gamit ang simento at bato ngunit hindi
namalayan na nahimasmasan na pala si furtonato kung kaya’t binilisan pa
nito ang pagtatakip ng mapagtagumpayan na ni montessor na takpan an
muntig silid ay agad ito lumisan at umaktong parang walang nangyari
naputol ang iniisip ni montessor nang narinig niya ang pagsigaw ni
furtonato maririnig ang pagmamakaawa kaagapay ng pag uuyam nito sa
susunod na hakbang ng istorya ay matutuklasan natin ang susunod at
huling nangyari sa kwento.

Ano ang naging wakas nito? Tama ba ang naging wakas ng


kwento?
Lucky- Bilang pagpapatuloy ang naging wakas nito ay sa saglit na
pagsigaw ni montessor ay tila na wala nang boses na sumagot at
pagsasabing tila ba patay na si furtonato sa aking tingin naging tama ang
wakas nangkwento sa pagkat kung babalikan natin ang mga pangyayari ay
iginapos ni montessor si furtonato sa isang silid at hindi lamang iyon
nilagyan pa niya ito ng harang na ni isang hangin ay walang
mararamdaman ito na siyang naging dahilan ng kaniyang pagkamatay
hindi man ito ganon naging malinaw ang wakas ng nangyari kay furtonato
ngunit sa mga paglalarawan ay pagbibigay ng mga kahulugan dito ay tila
ba namatay si furtonato.

Ano ang bisang padamdamin. Bisang pangkaisipan. At


bisang pangkalakasan ang nangingibabaw sa akda?
Lahat- sa aming pananaw ang bisang padamdamin, bisang pangkaisipan
at bisang pakalakakasan na ang nangingibabaw sa akda ay amg kung ano
ang mabigat na resulta kung ikaw ay gumawa ng hindi maganda sa iyong
kapwa nararapat na dapat nating pagisipan ang ating mga sinasabi sa
pagkat hindi natin alam nakakasakit na pala tayo sa iba at dahil dito
nagkakaroon ng paghihiganti sa bawat panig na malalagay sa atin sa
kapahamakan tulad ng sa istorya hindi magkakaroon ang paghihiganti si
montessor kung walang pinagsimulan ng ugat.

Ano ang teoryang pampanitikan ang nangingibabaw sa


akda? Ipaliwanag at magbigay ng kongkretong halimbawa.
Lahat- Ang teoryang pang panitikan ng akdang ito ay ang marxismo ang
marxismo ay ipinapakita ang pagtutunggalian nina furtonato at ni
montessor sa kadahilanang gusto maghiganti ni montessor kay furtonato
sa pagpapasama ng loob nito.

Ang pagtatapos :
Lahat- at dito na nagtatapos ang ating pagsuri sa ang barilles ng
amontillado, Maraming salamat sa panonood at pakikinig mga ka eskwela
at mulit ito ang istorya na pinamagatang ang barilles ng amontillado.
Punong puno ng aral pag dating sa akda ay maaasahan hanggang sa muli
paalam!

You might also like