You are on page 1of 13

John Michael F.

Dela Calzada
Baitang 10-Aguinaldo (3)
H.E Bldg. Silid Blg. 303
7:20-8:30 N.U.
Gng.Rebalos
(Guro)
I-Pamagat
II-Talambuhay ng May-akda

Lazaro V.
Francisco
(Pebrero 22, 1898 -
Hunyo 17, 1980)

Si Lazaro Francisco (Pebrero 22, 1898 - Hunyo 17, 1980) ay pang-apat na anak ni
EulogioFrancisco at Clara Angeles. Siya ay isinilang sa Orani, Bataan ngunit pumunta at
tuluyangnamalagi sa Nueva Ecija. Siya ay itinuturing na isa sa matibay na haligi ng panitikang
Filipino. Ilan sa mga isinulat niyangmga nobelang ay ang Singsing na Pangkasal, Bayang
Nagpatiwakal, Sa Paanan ng Krus, Ilaw saHilaga, Binhi at Bunga, Cesar, Sugat ng Alaala, Ama,
Maganda Pa Ang Daigdig, at ang pinakahuli niyang nobela, ang Daluyong. Maliban sa Bayang
Nagpatiwakal, lahat ng kanyangnobela ay nalathala sa Liwayway. Taliwas sa inaakala ng iba, ang
mga nobela ni Francisco ay magagaan ang rendisyon, at káyang maunawaan ng mga estudyante
sa hay-iskul o kolehiyo. Ginamit na behikulo ni Francisco ang mga magasing komersiyal, gaya
ng Liwayway at Alitaptap, sa paghahatid ng mga napapanahong paksa na kung minsan ay
yumayanig sa paniniwala ng madla. Ang kaniyang mga akda’y walang pangingimi kung
tumalakay sa usapin ng pakikisamá at repormang agraryo, gaya ng Ama (1929); ng pagtatangi sa
saliwang panunulisan at makabansang pakikidigma, gaya ng Maganda pa ang Daigdig (1955); ng
pagliliwanag sa kapangyarihan ng negosyo at nagkakaisang lakas-paggawa, gaya ng Daluyong
(1962); ng pananalig sa pag-ibig at pagtanggap ng malalagim na tadhana, gaya ng Sugat ng
Alaala (1949) at iba pa. Si Lazaro Francisco o "Saro" ay isa sa apat na napiling parangalan ng
2009 Gawad Pambansang Alagad ng Sining (Panitikan). Kinikilala rin siya na ama ng Kapatiran
ng mga Alagad ng Wikang Pilipino (KAWIKA). Iginawad sa kanya ang mga karangalang
”Patnubay ng Lahi” ng Maynila. ”Dangal ng Lahi” ng Lungsod ng Quezon, at noong 1970 ay
ipinagkaloob sa kanya ang ”Republic Cultural Heritage Award” sa Panitikan. Ang nobelang
_Ama_ ay isinalin sa wikang Pranses ni Jean-Paul G. Potet sa ilalim ng pamagat na _Maître
Tace_.

Maaksiyon kumbaga sa pelikula ang mga nobela ni Francisco, ngunit nabubudburan yaon ng
pag-iibigan, gaya ng dating gerilyang si Lino at gurong si Luring sa Maganda pa ang Daigdig
(1955). Tungkol ang nobela sa paghahanap ng ama sa kaniyang nawalay na anak na si Ernesto,
makaraang pumanaw ang esposang ginahasa ng mga sundalong Hapones. Nakilala ni Loreto
(Luring) Sanchez si Lino nang ipagtanggol nito ang dalaga laban sa masasamang loob. Si Luring
ang magpapatibok muli ng puso ni Lino, at siya ring mag-aalaga sa anak niyang si Ernesto.
Makakaharap ni Lino si Kumander Hantik na hihikayatin siyang sumapi sa Huk (Hukbalahap)
upang pabagsakin ang mga panginoong maylupang nagpapairal ng bulok na sistemang agraryo.
Tumanggi si Lino, at maghahasik ng alternatibong pagbabago sa payo ni Pari Amando. Hindi
magtatagal sa pag-iisa si Lino, dahil pagbibintangan siyang pumatay ng isang lalaki nang
magtrabaho noon siya sa piyer. Mabibilanggo siya, subalit makatatakas kapiling ang ibang
bilanggo, magtatayo ng sariling armadong pangkat, at magtatago sa lupaing sakop ni ni Don Tito
na bantog na panginoong maylupa. Ipagtatanggol ng pangkat ni Lino ang mga inaping
magsasaka, hanggang sumapit ang sandaling magbakbakan ang kaniyang pangkat at pangkat ni
Kumander Hantik. Susuko sa awtoridad si Ang naturang nobela’y dinugtungan ng Daluyong
(1962), na sinimulan sa pagkakalaya ni Lino sa bilangguan makaraang mapawalang-sala ng
hukuman, at mag-isang maglilinang ng bukid na ibinigay sa kaniya ni Pari Amando. Ngunit
hindi magtatagal ang gayong masayang tagpo dahil mababatid ni Don Tito na ang patubig ay
daraan sa lupain ni Lino at iyon ang makaaapekto nang malaki sa kaniyang mga bukirin.
Hihimukin ni Don Tito na maging bakero si Lino at mangalaga sa mga lupain niya ngunit
tatanggi si Lino. Ang anak ni Don Tito na si Benigno Sityar ang magtatangkang mamuno sa
bayan ng mga magsasaka. Magkakasagupa ang mga armadong hukbo ni Benong at ni Lino,
magwawagi ang pangkat ni Lino ngunit masasawi naman si Loreto Sanchez sa dulo ng nobela.
Ang daluyong sa nobela ay ang mahihinuhang di-mapipigilang armadong pag-aaklas ng mga
magsasaka laban sa mapanupil na sistemang agraryong pumapabor sa mga panginoong maylupa.
Ang daluyong ay mahihitiwagan din na sanhi ng mga problemang panlipunang gaya ng
prostitusyon, maruming pamumulitika, pang-aagaw ng lupain, panggagahasa at pagpatay, at di-
makatarungang negosyo.

Mahihiwatigan ang transpormasyon ng pagkatao ni Lino sa dalawang nobela. Kung sa unang


nobela’y napilitang pumanig si Lino at maging bakero ni Don Tito, sa ikalawang nobela’y
iwawaksi niya nang ganap ang pakikipagkutsaba sa panginoong maylupa at magsisikap na
makamit ang kalayaan sa mapanupil na sistemang agraryo. Ngunit hindi magagawa iyon nang
mag-isa ni Lino. Hindi rin sapat ang tulong nina Pari Amando, Luring, at Koronel Roda.
Kinakailangan ni Lino ang tulong ng iba pang magsasaka at malawak na lipunan upang mabago
ang baluktot na sistemang agraryo.
Ang mga paksang tinalakay noon ni Francisco ay kakatwang nagbabalik ngayon sa ating piling.
Pinaslang kamakailan ang isa sa mga pinuno ng mga magsasakang taga-Sumilao, Bukidnon at
dating nagmartsa tungo sa Maynila, samantalang pinagtatalunan ang pagpapalawig sa batas
hinggil sa repormang agraryo. Nagpapatunay lamang ito na hindi pa nagwawakas ang mga
baluktot na patakarang sumasagka sa paglago ng mga magsasaka, at waring lalong umiilap ang
paghahanap ng katarungan sa Filipinas. Makabubuti kung gayon na balikan ang mga nobela ni
Lazaro Francisco, at alamin mula roon kung tumpak o hindi ang mga pagsusuri niya sa agos ng
kasaysayan. Ipagugunita ng kaniyang mga nobela na ang paghahanap ng katarungan ng mga
magsasaka ay hindi kathang-isip lamang, bagkus tunay at tumitibok—na marapat pakinggan ng
mga awtoridad nang makamit ang kapayapaan at kaunlaran ng lahat ng mamamayan.Lino sa
dulo ng nobela.
III-Buod
Natatalisod ng tao kung minsan sa landas ng buhay ang isa o dalawa o ilan mang pangyayaring
nauukit nang malalim sa gunita at di nalilimot. Maaaring yaon ay isang pangyayaring naging
sanhi ng malaking poot o galak o lungkot o habag o lagim o sindak, nguni’t magkaiba-iba man
sakali ay gayon ding may iisang matingkad na kintal sa alaala na di napapawi. Sa linakad-lakad
ng mga araw, ang alaala ng mga nangyari ay maaaring mahimbing at lumabo sa gunita, subali’t
ang alaalang iyan ay naroroon ding hindi nagbabago at di nawawala: napupukaw, huwag na di
mapingki; nagigising at nananariwa, huwag na di masalang-tila isang aninong lumapad-kumitid,
humaba-humiksi, tumingkad-lumabo ay nakakawil ding di hurnihiwalay at bubuntut-buntot sa
pinagmumulan.Ganyan ang uri ng alaala ng isang pangyayari na minsa’y natalisod ni Miss
Loreto Sanchez sa landas ng buhay, alaalang muli na namang napukaw sa kaniyang gunita nang
hapong yaon ng isang araw ng Huwebes ng buwan ng Abril ng 1953 nang matunghayan niya sa
binabasang pahayagan ang larawan ng isang malaking simbahang bato na naliligiran ng makapal
na taong umiilaw sa isang prusisyon.Nakaupo noon si Miss Loreto Sanchez sa isang butakang
yantok sa loob ng sariling tahanan sa nayon ng Pinyahan ng bayan ng X. Hawak ng kaliwang
kamay ng dalaga ang binabasang pahayagan at ng kanan ang isang pamaypay habang nakatitig
naman ang paningin sa dako pa roon, sa labas ng katabing dungawan, na tila binabakas sa gunita
ang alaala ng isang makulay na tagpong nagpapasikdo tuwina sa kaniyang puso at di malimut-
limutan.Maaaring dahil sa pambihirang ganda’y mabanlag ang paningin ng ninomang titingin sa
anyo ni Miss Loreto Sanchez at sa gayo’y makubli sa pansin ang tunay na laman ng kalooban ng
dalaga. Nakatayo ang magninang sa mataong gilid ng Simbahan ng Kiyapo at nag-aabang ng
taksi upang pahatid sa Ospital Heneral nang biglang labnutin ang handbag ni Miss Sanchez ng
isang mandurukot. Napamulagat ang dalaga at magpapagibikna sana, nguni’t ang nalabnot na
handbag ay mabilis na nabawi sa kamay ng mandurukot at naisauli sa kaniya ng isang lalaking
nakapantalon ng maong at neka-skipper ng dungisang puti na kataong nagdaraan.

Ang mandurukot, na nabigo at tila napahiya, ay pairap na umurong ng isang hakbang sa


nakamaong at binigwasan ito ng isang mariing suntok. Nakilingan ito ng nakamaong at nasuklian
ng isa ring lalo pang mariing suntok na dumapo sa kaliwang panga ng mandurukot. Umilandang
pa ito halos bago natimbuwang.Nalaginlin ang makapal na tao. Nagpanakbuhan ang marami.
Nabigyan ng sapat na puwang ang dalawa. Matatag na hinintay ng nakamaong na tumindig ang
nakatimbuwang. Walang imik. Walang sinabi kaputok man. Nguni’t ang mandurukot ay tumayo
lamang at di na nagtangkang lumaban. Subali’t may tatlong matipunong lalaking pahangos na
pumasok at napagitna mula sa karamihan. Dalawa sa kanila ang palimid na lumapit sa
nakamaong at biglang pinagtig-isahang hinaklis at binaliti ang magkabilang bisig nito. Ang
ikatlo, na naiwan sa agwat na may dalawang dipa sa harapan, ay mabilis na nagbukas ng
balisong sa tangkang suruin, sa malas, ang nakahantad na dibdib ng nakamaong. Patiling
sumigaw ang ilan. Si Miss Sanchez ay buong pagkasindak na napatutop sa sariling
bibig.Datapwat, ang pagkabaliti ng dalawang bisig ng nakamaong ay siya ring nagamit nito sa
pagsasanggalang sa sarili. Nang malapit na ang nanlilisik na nakabalisong, na inakalang maaabot
na ng tadyak, ay panabay na biglang isinimbayog nang pasalubong ng nakamaong, ang dalawa
niyang paa, at hinaklis na pakabig ng kaliwa ang kaliwang hita ng nakabalisong na sinabayan ng
matinding tadyak ng kanan sa sikmura, kaya bumulagta ito at pumutok ang ulo sa pagkabayo sa
lupa. Iglap lamang halos na nangyari ang lahat.Noon pa lamang nakadalo ang isang pulis na
sumipol nang sunud-sunod, kaya may dalawa pa manding dumating na kasunod ang isang
ambulansiya ng pulisya na kataong sa-daraan naman. Nguni’t, nakatakas na ang mandurukot at
ang dalawang bumaliti sa nakamaong. Ito na lamang at ang nakabalisong ang naratnan at
siniyasat ng mga pulis. Pagkatapos ng kaunting pag-uusisa ay inilulan na ang dalawa sa
ambulansiya na kasama ang may tatlo pang nakasaksi sa mga nangyari at dinala sa
himpilan.Maputlang-maputlang nakatayo si Miss Sanchez sa gitna ng marami’t yao’t ditong mga
tao na parang di maalaman kung ano ang dapat niyang gawin. Ibig-ibig niyang sumunod sa
himpilan ng pulisya upang pakilala na siya ang pinagbuhatan ng lahat ng nangyari at tuloy
humandog na saksi sa dako ng nagmasakit sa kaniya. Nguni’t hintatakot ang dalaga. Di ibig
masangkot ang pangalan sa anomang uri ng basag-ulo. Ayaw makaladkad ang katauhan at
pagkababae sa isang maligalig na pagsaksi sa hukuman, bukod pa sa may hinaharap na lakad na
madalian at di maipag-papaliban. Kinagat na lamang ni Miss Sanchez ang kaniyang labi at
yumukong tila napapahiya sa sarili hanggang sa nang makalayo na ang dalawang nag-uusap.
Isang taksing sa-daraan ang kinambatan ng dalaga at lumulan na ritong kasama ang walang imik
na inaanak upang pahatid sa patutunguhang pagamutan. Buhat noon, ang pangalang “Lino” ay
naukit na nang napakalalim sa gunita ni Miss Sanchez, pangalang huwag na di mapingki sa
alaala ay pumupukaw sa puso at budhi ng magkakalangkap na lungkot, habag at pagsisisi,
hanggang sa unti-unting tumubo sa kaniyang puso ang isang lihim na pagtatangi sa pangalang
“Lino,” pagtatanging naging kaakibat ng pangakong katumbas na halos ng isang panata, na,
makita lamang niya at makilala ang magiting na may-ari ng butihin at pinagpalang pangalang
yaon, gagantihing-loob niya at gagantimpalaan sa abot ng buo niyang magagawa.Gayonma’y
ipinasiya ni Miss Sanchez sa sarili na huwag nang ipamalay kaninoman ang mga nangyari, pati
na ang kaniyang paghanga sa pangalang “Lino,” kundi bagkus ingatan na lamang iyon na isang
tanging lihim sa kaibuturan ng kaniyang puso. Hindi niya ibig na mawika o maisaloob ninoman
na kinaligtaan niya at kinatakutang yakapin at panindigan ang isang maliwanag na tungkulin sa
sarili at sa kapwa nang minsang kailanganin ng pagkakataon.

Natitiyak ni Miss Sanchez na halos babahagya na siyang nasulyapan at namukhaan ng magiting


na lalaking nagmasakit sa kaniya laban sa mandurukot na lumabnot ng kaniyang handbag,
bagaman siya (si Miss Sanchez) ay nagkaroon naman ng sapat na pagkakataong mamasdang
mabuti ang mukha at anyo niyon upang matandaan. Kaya nga, natitiyak din naman ng dalaga sa
sarili na makitang-makita lamang niya ang lalaking yaon saanman at kailanman ay
makikilala.Iyan ang mga alaalang pamuling napukaw sa gunita ni Miss Sanchez nang hapong
iyon sa loob ng sariling tahanan sa nayon ng Pinyahan matapos tunghayan sa hawak na
pahayagan ang larawan ng isang malaking simbahang bato na naliligiran ng makapal na taong
umiilaw sa isang prusisyon. At, iyan din ang panatang muling nanariwa sa alaala ng dalaga na
ipinaghihintay lamang ng pagkakataong makita at makilala ang lalaking yaong nakamaong at
may pangalang “Lino” upang isagawa.Isang magalang na tawag mula sa may-hagdan ng
balkonahe ng tahanan ang pumukaw sa tahimik na pagmumuni-muni ng dalaga. Tumindig ito at
sumalubong upang papanhikin ang tumawag na diU iba kundi ang kaniyang labanderang si
Aling Ambrosia na naghatid noon ng mga nilabhan.Matapos magbilangan, magbayaran, at
magtanggapan ng mga bagong labahin, ang dalawa ay nagkaroon pa mandin ng nakaugalian
nang pagbabaHtaan hinggil sa kung anu-anong bagay na humantong sa pag-uusisa ni Aling
Ambrosia kung totoo nga ang nabalitaan nito na nangangailangan si Miss Sanchez ng isang
mauupahang maghulip ng bakod sa kanilang duluhan. Nabalitaan ngayon na si Lino at ang mga
kasamahan nya ay humuhuli ng mga Huk. Ang mga Huk ay mga manggagahasa at magnanakaw.
Noong nagkita si Kumander Hantik at at si Lino sa isang kweba, inanyayahan niya ito na sumali
sa kanilang samahan. Tumanggi si Lino. Bilang ganti, ikakalat raw ni Kumander Hantik na si
Lino ang nagsisimula ng gulo sa mga lalawigan. Nagkaroon ng Operation Scarlet subalit hindi pa
rin mahuli si Lino at ang samahan niya.Habang nangungumpisal ang isang rantsero, nalaman ni
Padre Amado ang kinaroroonan ni Lino. Sinabi nyang tumitigil nang tumakas at binalitang alam
na na wala siyang kasalanan sa kaso. Tumigil nga si Lino at sa dulo, nalaman niyang iniibig siya
ni Bb. Sanchez.
IV-Tauhan
A.Mga pangunahing tauhan:
Lino Rivera -
Galing lamang siya sa mahirap na pamilya ng mga magsasaka. Nakapagaral siya hanggang sa
ikaaapat na baitang. Masipag naman siyang magtrabaho. At marami na rin siyang pinasukang
trabaho. Dalawang beses siyang nabilanggo sa buong kwento. Parehas ay para sa bagay na hindi
niya ginawa. Noong unang beses dahil walang saksi. Sa pangalawa naman, pinagbinatangan
siyang pumatay.

Ernesto -
Anak ni Lino Rivera. Sa kurso ng storya, si Ernesto ay 11 na taong gulang. Mayroon siyang
isang krusipiho lamang mula sa kanyang ina na namatay na. Isa siyang matalino na bata at siya
ay nasa ikaapat na baitang na. Inaalagaan siya ni Bb. Sanchez. Minsan ay sinabihan siya ng isang
bata na anak siya ng tulisan. Pero kahit anong problema ang dinaraos ng ama niya, mabait pa rin
na anak si Ernesto.

Bb. Loreto Sanchez -


Ang nag-alaga kay Ernesto noong pangalawang beses na mabilanggo ni Lino. Siya ang punong
guro sa paaralang bayan ng Pinyahan. Siya rin ang taga payo ng samahan ng mga magulang at
guro. Mayroon siyang inaanak na si Ernestina. Inaalagaan rin niya ito. Anak siya ni Aling Basilia
at tiyo niya si Padre Amando. Isa siyang napakagandang babae. Iniibig siya ni Kapitan Roda.
Mabait siya at lagi niyang tinutulungan si Lino makahanap ng bagong trabaho.

Kapitan Carlos Roda -


Ang mangingibig ni Bb. Sanchez. Guwapo siya, mabait at may magandang kinabukasan. Mataas
ang posisyon niya sa hukbo ng bansa. Nakapagaral din siya sa mga kilalang paaralan. Sa banda
gitna ng kwento, kinuhanan siya ng orasan at rebolber na ibinalik ni Lino. Siya rin ang
nakatuklas kung sino talaga ang pumatay kay Tarantella (ang akala na pinatay ni Lino).

Kumander Hantik -
Ang nagnakaw ng rebolber at orasan ni Kapitan Roda. Kumander siya ng Huk. Iyon ay isang
samahan na laban sa pamahalaan.
Pari Amando Echevaria -
Ang tiyo ni Bb. Sanchez. Kura siya ng Pinayahan at siya ay 57 na taong gulang. Tumulong rin
siyang mahanap ni Lino ang trabaho niya bilang janitor at siya ang tumutulong sa kaso nito dahil
naniniwala siyang walang sala si Lino. Nangingialam siya sa mga pangyayaring relihiyon,
panlipunan, at pamahalaan.

B. Pangalawang tauhan o mga minor characters:


Si Aling Ambrosia ay ang labandera ni Bb. Sanchez. Binalita niya kay Bb. Sanchez na
nahuli si Lino. Si Ignacia ay ang kawaksi ni Bb. Sanchez. Si Aling Basilia ay ang ina ni Bb.
Sanchez.

Si Don Tito ay ay may ari ng bakahan sa Pinyahan. Araw araw, nawawalan siya ng trabahaor
at nananakawan siya ng mga baka. May anak siyang nagtapos sa New York City. Si Albino
naman ang kaibigan ni Lino na pamangkin ni Aling Ambrosia. Siya ang nagsabi kay Pari
Amando tungkol sa kalagayan ni Lino. Si Rosauro Ablana ay isang matalik na kaibigan ni
Kapitan Roda. Si Estanislao Villas ay ang may ari ng gasoline station sa Pinyahan at pati na rin
sa Maynila. Asawa niya si Ms. Rosalina Dolor na isang kagawad. Ang isa pang kagawad ay si
Ms. Genoveva Riegos.

Si Marcelo Ligon ay ang abogado ni Lino. Si Mr. Orozco ang superintendent ng mga
school. Si Ernestina ang inaanak ni Bb. Sanchez. Nagkatampuhan sila ni Ernesto, na kaidad niya.
Si Ms. Minda Lavadia ay ang guro ni Ernesto at Ernestina. Si Kabo Lontoc ay ang gwardiya na
nangdakip kay Lino. Si Diego Sakdal ang nagbunsod kay Lino na pumunta sa Pier X. Si
Cayetano Tarantella ay pinatay ni Lupo Pinlak gamit ang isang tubo. Ang abogado de opisyo
naman ni Lino ay si Abogado Teoposto Garcia. Binigyan siya ni Pari Amando ng 200 pesos para
sa kanyang serbisyo.

Si Ester Matthews ay isang amerikanang mestisa na penpal ni Bb. Sanchez. Sina Bandino
Runes, Dimas Solitario at Juan Rompe ang mga saksi na “pinatay” ni Lino si Tarantella. Pero sa
totoo lang, kasabwat sila ni Lupo Pinlak. Siya ang Kumander Kalpin ng mga Huk. SI Tisyo ang
kasama ni Lino sa kanilang kasamahan, kasama rin siyang tumakas sa bilangguan.

Si Dr. Margarito Castro ang doktor na tumingin kay Lino nang magkasakit ito. Si
Dinong ay isa pang kasama ni Lino na tumakas mula sa bilangguan. Si Felix ay isang sakristan.
Si Pedro Sinsak ay pinalitan ni Lino sa trabaho. Si Santiago ag katiwala ni Pari Amando.
V-Tagpuan at Panahon
Tagpuan
Kiyapo
Nagsimula ang storya sa kiyapo kung saan nahablot ang bag ni Bb. Sanchez, Nabawi naman
agad ang bag ng isang taong di kilala. Binugbog pa niya ang mga magnanakaw. Nahuli ang mga
suspek at nalaman ni Bb. Sanchez na ang pangalan ng tumulong sa kanya ay Lino.

Sa Bahay ni Lino
Sa bahay ni Lino na kung saan ay ginahasa ng mga sundalong hapon. Sa pag uwi ni Bb. Sanchez
sa bayan ng pinyahan, nalaman niyang nakikipirmi si Lino kasama ang anak niyang si Ernesto.

Kweba
Sa Kweba na kung saan nagkita sila Kumander Hantik at si Lino sa isang kweba dito
inaayayahan na sila ay sumali sa kanilang samahan tumanggi si Lino. Bilang ganti, ikakalat raw
ni Kumander Hantik na si Lino ang nagsisimula ng gulo sa mga lalawigan. Nagkaroon ng
Operation Scarlet subalit hindi pa rin mahuli si Lino at ang samahan niya.

Ospital Heneral
Lumuwas si Miss Loreto Sanchez sa Maynila. Laman ng kaniyang handbag ang mahigit sa
animnaraang piso upang ibayad, ang bahagi, sa Ospital Heneral

Tahanan sa nayon ng Pinyahan ng bayan ng X


Na kung saan nakaupo noon si Miss Loreto Sanchez sa isang butakang yantok sa loob ng
sariling tahanan sa nayon ng Pinyahan ng bayan ng X.

Abenida Rizal
Ang bahagi’y sa isa namang punerarya sa Abenida Rizal na kinalalagakan ng bangkay na
ipinasiyang iuwi sa sariling nayon sa lalawigan upang doon malibing.
Maruhat
Karamihan ng mga pangyayari sa nobela ay dito naganap.

Narito ang lupang tinanggap ni Lino

Ayon sa mga sabi-sabi, inagaw ito ni Don Tito mula sa mga nuno ni Huli dahil sa

ito’y may katagang agrimensor. Ayon kay Bidong, dito makakakita ng magagandang dalag

Panahon
Hapong yaon ng isang araw ng Huwebes ng buwan ng Abril ng 1953
nang matunghayan niya sa binabasang pahayagan ang larawan ng isang malaking simbahang
bato na naliligiran ng makapal na taong umiilaw sa isang prusisyon.

Ika-14 ng Abril ng 1950


Sa Ospital Heneral na pinagpasukan niya sa kaniyang mananahing kumare na namatay roon nang
tinalikdang araw, ika-14 ng Abril ng 1950.
VI-Pagsusuri
A. Theory
Ang teoryang ito ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitong pinapaksa ang
kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at
diskriminasyon. Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno. Mahalaga din sa
nagsusuri ng mga akda na sinusuri sa teoryang ito na maiugnay ang mga pangyayari sa akda
o teksto sa lipunan.Sa pagbasa sa isang akda sa pananaw realismo, tinitingnan ng mambabasa
ang mga pangyayaring inilahad sa akda na masasabing angkop na angkop sa tunay na buhay.
Bahagi ng pagiging realidad ang mga pangyayaring buhay na buhay at nararanasan ng tao sa
totoong buhay.

B. Tauhan
Lino Rivera
Siya ang aking napiling naibigan dahil sa kanyang sipag na kahit sila ay mahirap na pamilya na
magsasaka. Nakapag aral siya at kahanga hanga ang kanyang sipag sa pagratrbaho para sa
kanyang mga pamilya mabait na tao na tumutulong sa mga may kailangan. Pinuno siya ng
kanilang kilusan, subalit nung inalok siya ni Kumander Hantik na sumama sa kanyang samahan,
siya ay tumanggi. Siya ay may halagang 10,000 pesos sa paghuli, patay man o buhay.

Kapitan Carlos Roda

You might also like