You are on page 1of 16

SI ANTO

Tinitigan ako ni Anto at napansin ko ang malalaking matang iyon na waring laging nagtatanong, nanunuri, na parang ibinagay sa medyo sarat niyang ilong at maluwang na bibig na nanatiling nakalapat. Pinsan ko yan, Anto, sabi ni Mando. Si Manong Roger nagbabakasyon dito. Saka lamang binawi ni Anto ang pagkakatitig sa akin. Di ako bumabarik, Manong, halos pabulong nitong sabi. Sigarilyo, muli kong alok. Alay di rin ako naninigarilyo, Manong. Alay walang bisyo yan kundi mangisda at magtanim, pakli ni Mando. Napatawa ako. Ni hindi man lamang ngumiti si Anto. Dinampot nito ang lambat, pinasan, sinulyapan kami, at nagpatuloy sa paglakad. Hindi ko siya naiwasang sundan ng tanaw hanggang sa ikubli siya ng makapal na niyugan sa di kalayuan. Doon lang nakatira si Anto sa kabila ng niyugan, parang nahulaan ni Mando ang iniisip ko. Alay nag-iisa na siya, Manong. Tumungga ako ng tuba at naglaro ang mga mata ko sa kalawakan ng dagat na mapayapang-mapayapa ngayon at parang isang dibdib na hindi humihinga. Nagulat pa ako nang kumislot sa loob ng bangka sa tabi ng paa ko ang isa sa mga isdang iniwan ni Anto. Ang mabuti pa, Manong, sabi ni Mando, ay iuuwi ko muna ang mga yan, maiihaw at nang mapulutan na natin. Hindi ako umimik. Hindi ko maipaliwanag kung bakit, kangina, sa saglit na sandaling iyon, nang titigan ako ni Anto, parang may nakita akong kung anong kahiwagaan sa likod ng malalaking mga matang iyon at sa pagkakalapat ng maluwang na bibig na waring may gustong sabihin at isigaw. Hindi ko namalayan ang pag-alis ni Mando at mapupulang latay na lamang ang sikat ng araw sa kalawakan nang magbalik ito. Nakabalot sa dahon ng saging ang inihaw na mga isda, mainit na mainit pa, mamangu-mango, at naisip kong sa

Iyon ay isang panahong ang kaluluwa koy nilalagnat, nagdedeliryot nag-aapuhap ng mga bituin habang patuloy akong tinutugis ng karalitaang hindi ko matakasan. Naglalagablab na mga dambuhalang kalansay ang tingin ko noon sa mga gusali ng lungsod at nanlilisik ang mga neon lights; mga nitso ang mga bangketa, mga kabaong ang mga eskinita, naghuhumindig na kandila ang bawat poste, at prusisyon ng mga robot at plastik ang nasasalubong ko sa bawat panulukan at lansangan. Iyon ay isang panahong labis kong pinaghihimagsikan ang kawalanghiyaan ng buhay sa siyudad at ni hindi ko na makilala kung sino ang kaaway at kung sino ang kaibigan at, sa bawat gabi, sa aking pag-iisa sa inuupahan kong marumit makipot na kuwarto ng nakaluhod na entresuwelo sa gilid ng nangangalingasaw na estero, ang nakikita ko sa tagpitagping dingding ay isang matahimik na kapaligirang matagal ko nang pinangungulilahan, at patuloy akong kinakawayan ng mga punong niyog, binubulungan ng mga talahib, at inaawitan ng mga alon. Bitbit ang aking makinilya at isang maletang damit, naisipan kong magtungo, isang mahalumigmig na madaling-araw, sa isang liblib na lugar sa Batangas na hindi abot ng atungal ng mga tambutso at ng alimura ng kuwarta at ng tinatawag na makabagong sibilisasyon. Nakipanuluyan ako sa isang kamag-anak ng pamilya, sa isang karaniwang bahay na pawid sa tabing dagat na niyugan ang paligid. At nadama ko, sa gayon palang matapat na kapaligiran, sa piling ng mga karaniwang taong walang pagpapanggap, mahalimuyak maging ang karalitaan. Doon ko nakilala si Anto, isang dapithapong umiinom kami ng tuba ng pinsan kong si Mando sa nakatiwangwang na bangka sa pasigan. Malagihay na ako nang mapansin ko ang isang matipunong binatilyong sunog ang balat sa araw na dumaong malapit sa amin. Parang walang anumang hinila niya ang kanyang bangka, iniahon sa tubig at sa loob ng pasan-pasan niyang lambat, nagkislut-kislot ang huli niyang mga isda na marami-rami rin sa tingin ko at baka umapaw sa isang timba kung isasalin. Alay marami ka yatang huli ngayon, Anto? bati ng pinsan kong si Mando. Alay katamtaman lamang, malumanay na sagot ni Anto sabay lapag ng lambat sa tabi namin. Kumuha ito ng ilang isda at inilagay sa loob ng inuupuan naming bangka. Pamulutan man lamang ninyo. Lumulundag-lundag pa ang mga isda. UminoAm ka muna, bigan, alok ko at pinuno ko ng tuba ang tangan kong baso at akma ko iyong iaabot sa kanya.

probinsiya nga pala ay talagang sariwa ang mga isda, gayundin ang mga tao, di gaya sa siyudad na bilasa ang lahat pati na mga kaisipan at pangarap. Manamis-namis ang mga isda at sanay nakapagpasalamat man lamang ako kay Anto, naisaloob ko. Sabi moy nag-iisa na siya? parang wala sa sariling bigla kong naitanong kay Mando. Sinong siya, Manong? Napatigil sa paglagok ng tuba si Mando. Si Anto. Ay, oo, Manong. Ang mga magulang niya? Muling lumagok ng tuba si Mando. Ay, Manong, masaklap ang nangyari sa pamilya nila. Ay, putang ina, talagang masaklap, Manong. Anong masaklap? Nagsindi ako ng sigarilyo. Nakikita mo ga ang niyugang yon? at itinuro ni Mando ang karatig na niyugang dinaanan kangina ni Anto. Dati, Manong, kanila yon. Alay may kagandahan din ang bahay nila noon doon, at muling itinuro ni Mando ang niyugan na nakukumutan na ngayon ng manipis na karimlan. E, nasaan ngayon ang bahay? Dumahak si Mando. Alay di giniba na ng bagong may-ari. Alam mo ga, Manong, patuloy ni Mando, nagisnan ko nang sa ama ni Anto ang niyugang iyon. Ano gat isang araw, mga sampung taon na siguro noon si Anto, may dumating dito na taga-bayan, nakakotse pa, at pinaaalis doon sina Anto. Kanya raw ang lupang yon. Alay di nagalit si Ka Basilio, yong ama ni Anto. Kumuha ng gulok. Ay, putang ina, Manong kung hindi agad nakatakbo at nakasakay sa kotse yong taga-bayan, malamang na naundayan ng taga ni Ka Basilio. Pagkatapos? Sinaid ko ang tubang laman ng aking baso.

Ay ano pa ga? patuloy ni Mando. Alay di nagdemandahan. Natalo si Ka Basilio dahil wala raw titulo. Mga ilang araw, muling dumating dito yong taga-bayan, may kasama pang mga pulis. Tinaningan sina Anto para umalis doon. Ay, Manong, nagiiyak si Ka Benita, yong ina ni Anto, at sa sama ng loob ay biglang inatake sa puso namatay noon din. Alay pagkalibing naman ni Ka Benita, muling lumagok ng tuba si Mando, ay dumating isang araw yong mga tauhan ng taga-bayan, may kasama na namang mga pulis, at gigibain na yong bahay nina Anto. Alay di sa galit ni Ka Basilio ay binunot ang kanyang gulok. Ay, Manong, nanghabol ng taga. Bago siya nabaril ng mga pulis ay dalawa ang napatay niya. Yong isa, Manong, sanay nakita mo, parang nanghihinayang na patuloy ni Mando. Ay, Manong, laslas ito! sabay turo sa kanyang tiyan. Inurakan nang inurakan alay luwa ang bituka at yong isa naman, alay muntik nang matanggal ang ulo. Di mapuknat-puknat ng mga pulis si Anto sa pagkakayakap sa bangkay ni Ka Basilio at hinimatay yong kapatid niyang dalaga, si Juliana. Ay, Manong, alay magandang dalaga yong si Juliana. Kursunada ko pa nga sana, napabuntong-hininga si Mando. Sinunud-sunod ko ang pag-inom. Parang wala nang lasa ang tuba. E, si Juliana? Ay, putang ina masaklap din ang nangyari, Manong, parang maiiyak si Mando. Ano gat nanilbihan siya sa bayan, sa bahay ng isang mayaman, yon gang magandang bahay malapit sa munisipyo. Alay isang araw natagpuan siyang nakabitin sa silid nagbigti raw. Ay, putang ina, Manong, aywan ko ga sabiy ginahasa raw ng anak na binata noong kanyang amo. Mabuti na lang si Anto, kinupkop ni Ka Masyong yon gang inuuwian niya ngayon. Ay, Manong, talagang naguguluhan ako sa nangyari sa pamilyang yan. Alay putang ina, yan gay kalooban ng Diyos, Manong? Matagal akong napatitig sa kawalan. Hindi na manamis-namis ang isdang iniwan ni Anto. Hindi ko na makain. Nang gabing iyon, nakapako sa aking balintataw ang malalaking mata ni Anto at kahit masakit ang aking ulo, kinuha ko ang aking makinilya at sa tulong ng aandapandap na ningas ng gasera, nakasulat ako ng dalawang linya. Ikaw ang mga mata ng budhi ko Ikaw ang bibig ng mga layunin ko.

MULA noon, lagi ko nang inaabang-abangan ang pagdaong ng bangka ni Anto sa dalampasigan at tuwing daratnan niya ang pag-iinuman namin ni Mando sa nakatiwangwang na bangkang iyon, parang naging ugali na niya na bigyan kami ng ilang isda, at naging ugali ko naman ang magpasalamat. Manaka-naka, binibiro ko siya, sinasabi kong sa kanila na ako uuwi upang maging lubos na ang kanyang kagandahang-loob sa akin. Minsay tinudyo ko pa siyang baka siya tumandang binata kung pangingisda at pagtatanim ang lagi niyang inaatupag sapagkat, ayon kay Mando, hindi man lamang daw nanliligaw si Anto, hindi pinapansin at lalong hindi kinakausap ang mga kadalagahan sa lugar na iyon. Sa kabila ng mga pagbibiro kong iyon, kahit minsay hindi napatawa, ni ngumiti man lamang si Anto. Isang hapon, nang magpunta sa bayan si Mando at maghatid ng mga gulay at niyog doon, uminom din ako, kahit nag-iisa, sa tabing dagat. Maagang dumaong si Anto sapagkat maalon ang dagat, waring may nagbabantang sigwa. Luminga-linga ito nang mapansing akoy nag-iisa ngunit hindi siya nag-atubiling lumapit sa akin upang bigyan ako ng ilang isda. Huwag na lang, Anto, tanggi ko. Walang mag-iihaw niyan ngayon. Nasa bayan si Mando. Hindi umimik si Anto. Ibinalik nito sa lambat ang mga isdang ibibigay sa akin. Kumislut-kislot ang mga isda pagsayad sa lambat, waring tuwang-tuwa at hindi ko sila mapupulutan. Walang paalam na umalis si Anto at inisip kong baka ipinaghinanakit niya ang hindi ko pagtanggap sa ibinibigay niya. Dumidilim ang kalawakan at nag-iipun-ipon ang maiitim na ulap. Ang utak koy untiunti nang pinamamanhid ng tuba nang gulantangin ako, sa likuran ko, ng malumanay at malamig na tinig na iyon na waring sumasanib sa ihip ng hangin at hindi kayang lupigin ng ragasa ng mga alon. O, Manong pamulutan mo. Nasa tabi ko na si Anto. Nakakahiya sa iyo, sabi ko. Ikaw pa ang nag-ihaw ng mga iyan. Tinitigan lamang ako ni Anto at naupo ito sa gilid ng bangka, sumulyap sa karagatan at tumingala sa kalawakan. Alay uulan, Manong. Malakas na ulan yan, Manong, parang wala sa sariling sabi niya. Kumurot ako ng isda. Tumatalab ang init sa mga daliri at dila ko.

Masarap ka palang mag-ihaw, Anto. Tumingin siya sa akin na waring sinasalamin sa mga mata ko kung totoo sa loob ko ang sinabi ko, at napansin ko sa malalaking matang iyon ang bahagyang kasiyahan. Waring ngayon lamang siya nakarinig ng papuri, ng pagpapahalaga sa nagawa niya. Alay pagpasensiyahan mo na yan, Manong. Iilan kasi ang huli ko kangina, parang nahihiya ngunit masiglang sabi ni Anto. Aba suwerte ko pa nga ito, pakli ko. Alam mo ba, Anto, sa Maynila, laging galunggong ang kinakain ko, saka tuyo o bilasang bangos kung minsan. Ang pulutan namin doon ay sipol kung may kaunting pera ay inihaw na mabahong tuyong pusit na parang kuwero ng sapatos. Parang hindi makapaniwala si Anto sa kanyang narinig, lalo na sa isang gaya kong alam niyang galing sa balitang marangyang lungsod. Akma akong dudukot ng sigarilyo sa kaha ngunit wala na palang laman, at napansin niya iyon. Alay ako na ang bibili, Manong, at tumayo ito sa pagkakaupo sa gilid ng bangka. Hindi na bale, Anto. Pagdating ni Mando galing sa bayan, tiyak na may uwi iyong sigarilyo. Ay, gagabihin yon, Manong, kapag inabot ng ulan. Alay wala ka nang mahihithit, parang nag-aalaala niyang sabi. Nakakatiis nga akong di manigarilyo kahit ilang araw, paliwanag ko. Alam kong malayo ang tindahan, mga kalahating kilometro siguro mula kina Mando at, isa pa, wala akong pera sa bulsa. Hindi na nagpumilit si Anto. Muli itong tumingin sa kalawakan ng dagat na ngayoy marahas, dumadagundong sa pagdamba ang naglalakihang alon. Makapal na makapal na ang maiitim na ulap, nagbabantang bumagsak anumang oras. Katunayan, umaambun-ambon na, ngunit hindi ko pa napangangalahati ang isang galong tubang iniwan sa akin kangina ni Mando bago ito nagpunta sa bayan pero iisa na ang inihaw na isda sa dahon ng saging. Alay ang mabuti pa, Manong, ay sa bahay ka na bumarik. Mababasa ka dito, mungkahi ni Anto.

Gusto ko ngang maligo sa ulan. Masarap uminom, Anto, sa ulanan. Ikaw kasi, ayaw mong tumikim man lamang. Masarap uminom, Anto, lalo nat itinatanong mo sa sarili kung sino ka, kung ano ka, at kung para ano ka. Tinatangay na ako ng aking utak dahil marahil sa impluwensiya ng tuba. Matagal akong tinitigan ni Anto, waring inaarok ang ibig kong sabihin. Bigla, bumuhos ang ulan, masisinsin at malalaki ang mga patak, parang mga palasong ibininit mula sa kalawakan. Akala koy iiwan ako ni Anto, ngunit hindi ito tuminag sa pagkakaupo, nakamata sa akin habang sinasalinan ko ng tuba ang baso. Lumagok ka nang kaunti para di ka ginawin, sabi ko sa kanya. Alay talagang hindi ako bumabarik, Manong. Halos alipin na ako ng bisa ng tuba at ni hindi ako giniginaw sa kabila ng patuloy at malakas na ulan. Namalayan ko na lamang, sa gitna ng ulanan, sa saliw ng dagundong ng mga alon, sa harap ng basang-basat nakahalukipkip na si Anto, ikinukuwento ko sa kanya ang maraming bagay ang kalupitan at kawalanghiyaan ng buhay sa lungsod, ang mga pagsasamantalang dinanas ko sa ibat ibang trabahong pinasukan ko, ang mga pangyayaring nagbunsod sa akin upang talikuran ko ang kursong binuno ko sa loob ng limang taon sa isang pamantasan at ganap kong harapin ang pagsusulat ng mga katha, artikulo, komentaryo at mga tula. Naisalaysay ko marahil sa kanya ang lahat, maging ang pagkakatanggal ko bilang kagawad ng patnugutan ng isang pambansang magasin dahil natutuhan kong ipaglaban ang karapatan ng mga kapwa ko trabahador, hanggang sa malimit na akoy napaggugutom. Alam mo, Anto, natatandaan kong nasabi ko noon sa kanya, di ka igagalang ng gutom, ng kahirapan sa siyudad, kundi ka marunong makibagay sa tugtog at kalakaran ng kaisipan at ng lipunan doon. Hindi ko alam kung gaano kami katagal noon ni Anto sa ulanan ngunit naalaala ko, matapos ang aking pagkukuwento, namumula ang malalaking mata ni Anto, kikisapkisap. Kinabukasan noon, sinisipon ako at nilalagnat, at nabalitaan iyon ni Anto. Agad siyang dumating sa bahay nina Mando, may dalang isang boteng gatas ng kambing para sa akin. At, buhat noon, hindi lamang kakilala ko si Anto kaibigan ko na siya.

Alay nagtataka ako sa iyo, Manong, sabi minsan ni Mando. Alay naging malapit na malapit sa iyo. Bihira ang kinakaibigan ni Anto dito. Ano gat parang mailap na manok-labuyo na napaamo mo. Ako man ay nagtataka rin, sabi ko. Ngunit ang higit kong ipinagtataka, sa kabila ng mga araw ng pakikisalamuha niya sa amin ni Mando, lalo nat kung akoy malagihay at nagkukuwento ng mga kabalbalan at katatawanan, ni hindi man lamang tumatawa si Anto, ni hindi man lamang ngumingisi o napapangiti. Laging mamata-mata lamang siya sa amin ni Mando,pinapanood ang aming pag-iinuman, matamang nakikinig sa aming usapan at kapag napansin niyang kailangan namin ang anumang bagay, halimbaway sigarilyo o inumin, agad siyang kikilos at parang tungkulin na niyang gampanan ang mga bagay na iyon. Kung hindi namin siya kausapin ay hindi siya kumikibo, maliban na lamang kung may iniaalok siya sa akin. At, ni minsan, hindi niya nabanggit ang mapait at malagim na nangyari sa kanilang pamilya na pinakaiwas-iwasan ko ring ungkatin sa kanya. HALOS ISANG buwan na ako kina Mando, sa mapayapang lugar na iyon na paraiso ng mga punong niyog at kahalikan ng mga alon. At naramdaman kong parang akoy bagong silang, nasalinan ng bagong lakas, ng bagong mumunting pangarap, ng bagong katatagang harapin ang anumang hamon ng buhay. Ang larawan ng iniwan kong lungsod ay malabo na, pira-piraso na lamang at tinangay na ng mga alon. At, isang araw, sa nakatiwangwang na bangkang iyon sa pasigan, sa harap ng isang galong tuba, sa harap nina Mando at Anto, nasabi ko: Baka sa darating na Linggoy magpaalam na ako sa inyo. Nangulimlim ang mukha ni Anto. Alay di ka naman namin pinaaalis, Manong, sabi ni Mando. O baka nalulungkot ka dito at hinahanap-hanap mo na ga ang buhay sa siyudad? Hindi naman. Ang totoo nga, ayokong-ayoko nang manirahan sa Maynila. Uuwi na lang ako sa probinsiya ni Itay, sa bukid. Hindi na pinanood ni Anto ang pag-inom namin ni Mando. Malimit na nakatuon ang tingin nito sa kalawakan ng dagat, at parang walang sigla ito sa pag-iihaw ng pulutan. Mayamaya, nagpaalam si Anto, diumanoy may bibilhin sa tindahan. Matagal bago ito nagbalik, halos ubos na ang tubang iniinom namin ni Mando. May dalang isang kahang sigarilyo si Anto at iniabot sa akin.

Itoy para sa iyo, Manong, mahinang-mahina ang kanyang tinig. Pagkaabot na pagkaabot ko ng bigay niyang sigarilyo, agad siyang tumalikod, lumakad patungo sa niyugang dinaraanan niya pauwi. Dalawang araw na hindi ko siya nakita at naisip kong hindi siya nangisda dahil masamang-masama ang panahon, pabugsu-bugso ang hangin at gising ang mga alon sa karagatan. Ngunit kinasabaduhan, isang araw bago ako umuwi sa kinamulatan kong probinsiya, sa Kabite, maaga pay biglang sumipot si Anto sa bahay ng pinsan kong si Mando. Bitbit ni Anto, sa kaliwang kamay, ang isang galong tuba at pasan-pasan niya ang isang bagong kapapatay na kambing na hindi pa nababalatan. Sa may tarangkahan pa lamang ay sumisigaw na siya, at malamig ang kanyang tinig, parang may kinikimkim na kahiwagaang mahirap arukin. Manong Roger! Manong Roger! Abay para ano yan? Wala namang handaan dito, bungad ko. Alay bago ka man lang umalis bukas ay makatikim ka naman ng isa sa mga alaga ko. Nagniningning ang kanyang malalaking mga mata. Ikakaldereta namin ni Manong Mando. Mahusay akong magluto ng kaldereta, Manong. Nagpabili pa ng isang galong tuba si Mando. Magkakasarapan ang inuman, sabi niya, at isa pa, ayon sa kanya, kailangang isagad namin ang barikan sapagkat aalis na nga ako bukas. Abalang-abala naman si Anto sa pagkatay sa kambing, si Mandoy sa paghahanda ng mga rekado. Sa harap ng dalawang galong tuba at umuusuk-usok at namamangong kaldereta, hindi ko malaman kung paano ko pasasalamatan ang isang taong halos ay paglingkuran ako sa hindi ko maisip na kadahilanan. Aywan ko kung sa mga araw na ikinalapit sa akin ni Anto ay nasalamin niya sa mga mata ko ang aking malalim na pagkaunawa sa trahedya ng kanilang pamilya. Makagaganti rin ako ng utang na loob sa iyo, Anto, balang araw, nasabi ko sa kanya. Hindi siya umimik, sumulyap lamang sa akin, habang nginunguya niya ang isang pirasong kaldereta, ngunit napansin kong parang may malalim siyang iniisip, patingin-

tingin siya sa dalampasigan at, kalimitan, ay matagal siyang napapatitig sa niyugang iyon na dating kanila sa di kalayuan. Marami na akong nainom at tumatalab na sa utak ko ang tuba, at naisip kong maglakad-lakad sa baybay-dagat, suyurin ng tingin ang mapayapang kapaligirang iyon na mahal ko na ngunit iiwan ko bukas. Napansin kong sinundan ako ni Anto at nang malayu-layo na kami sa kinaroroonan ni Mando, umagapay siya sa akin. Manong, akoy may ipakikiusap sa iyo, parang nagmamakaawa ang tinig ni Anto. Napatigil ako. Sa akin ay di mo na kailangang makiusap, nakangiti kong sabi. Alay talaga ga, Manong? lalong lumaki ang malalaki nang mga mata ni Anto. Tumango ako. Ako gay puwede mong isama bukas? Iyon lang pala, abay oo! Ay hindi mo ako naiintindihan, Manong. Napatitig ako sa kanya. Tumungo siya. Ang ibig ko gang sabihin, Manong, parang nabubulunan si Anto, ay alay sa iyo na ako makikipanirahan. Napanganga ako. KINABUKASAN, hindi pa naglalagos ang sikat ng araw sa niyugan, nasa may hagdanan na ng bahay nina Mando si Anto at bitbit ang isang bayong ng mga lumang damit. Ang suot niyang polong puti, bagaman malinis, ay halos puputok sa kanyang katawan. Bitin ang kupasin niyang pantalong maong at naka-sapatos na de goma siya, ngunit walang medyas. Gayunman, maayos na maayos ang mahabang buhok ni Anto, sadyang sinuklay, hinatian sa gilid, at nalahiran ng pomada.

Bago kami tuluyang naglakad papunta sa kabayanan, pinilit ko muna siyang dumaan sa dati niyang tinutuluyan, kina Ka Masyong, upang sabi ko ay makapagbigay-galang man lamang ako sa matanda. Alay utoy, sabi sa akin ni Ka Masyong, ikaw na sana ang bahala sa batang iyan. Alay hindi ko ga maintindihan kung ano ang nakain niyan at hindi ko mapigil sa pag-alis. Alay hindi ko naman iyan kinagagalitan. Kung hindi iyan mawili sa iyo, utoy, alay ipinakikiusap kong ihatid mo man lamang dito. Nangingilid ang luha ni Ka Masyong nang iwan namin. Napansin ko na matagal na tinitigan ni Anto ang makapal na niyugang iyon na dating kanila karatig ng niyugan ni Ka Masyong. Waring may saglit na balasik na dumalaw sa malalaking matang iyon na parang laging nagtatanong, nanunuri. BUHAT NOON ay hindi ko kakilala lamang si Anto, hindi lamang kaibigan, kundi kapatid ko na. Ang totoo, akoy talagang walang kapatid at, naisip ko, makatutulong din siya kay Itay sa paghahalaman, sa pagbubungkal ng kapirasong lupang iyon na minana pa namin kay Lolo. Paggising na paggising ni Anto, isang oras makaraang tumilaok ang mga manok sa madaling-araw, nakaugalian na niyang linisin ang bakuran, walisin ang nangalaglag na mga tuyong dahon ng mangga, alisin ang anumang sukal. Pagkatapos, didiligin niya ang mga tanim na gulay ni Itay at, bago mag-almusalan, napakain na niya ang tatlo naming alagang baboy, gayundin ang mga manok. Akoy kalimitang sa bahay lamang nagbubumabad sa harap ng aking makinilya, habang kasama ni Itay sa bukid si Anto. Manaka-naka, lumuluwas ako ng Maynila, nagbibigay ng mga katha o artikulo sa mga pasulatan at hindi iilang ulit na niyakag ko si Anto upang makarating man lamang ka ko siya sa lungsod. Alay dito na lamang ako, Manong. Walang makakatulong si Itay, lagi niyang idinadahilan sa buo, ngunit malamig na tinig na iyon. Sa tingin ko, parang nawiwili at nasisiyahan na rin si Anto sa paninirahan sa amin; maganda naman ang pakikitungo sa kanya ni Itay, para na ring anak. Ngunit sa kabila niyon, hindi ko pa siya nakikitang tumawa ni ngumiti man lamang. Ang maluwang na bibig na iyon ay waring ganap nang inulila ng kahit bahagyang pagngisi. Masipag na bata yang si Anto, minsang nasabi sa akin ni Itay. Pero di ba marunong tumawa yan?

Napansin din ho pala ninyo, nasabi ko. Talaga bang ganyan yan? parang hindi makapaniwala si Itay. Matapos kaming makapag-ani noon sa bukid at maibenta ni Itay ang ilang kabang palay, gayundin ang tatlong baboy na halos si Anto na ang nagpalaki, bumili si Itay ng ilang damit para kay Anto saka dalawang daang sisiw upang diumano ay maging aliwan ni Anto sapagkat ni hindi man lamang nakikibarkada si Anto, ni ayaw manood ng sine sa kabayanan kung Linggo, at lalong hindi nga umiinom. Kung gabi, saglit itong makikinig ng radyo, mga awitan at tugtugan, at pagkatapos ay matutulog na. Alagang-alaga ni Anto ang mga sisiw, halos ayaw na ayaw niyang gagapangan man lamang ng langgam ang kulungan o bahay ng mga iyon na mismong siya ang gumawa mula sa mga kawayang siya rin ang pumutol ngunit, isang umaga, halos kagigising ko lamang, narinig ko ang tinig ni Anto, hindi mahina, kundi malakas, hindi malamig, kundi galit. Alay putang ina! noon ko rin lamang siya narinig magmura. Alay papatayin ko ang mga dagang yon! Mga limang sisiw marahil ang patay sa kulungan, kinagat ng mga daga. At, kinagabihan, hindi natulog si Anto. Dala-dala ang isang lente at pamalo, nakita kong nagtuloy siya sa kulungan ng mga sisiw, naupo sa madilim na sulok habang mahigpit na tangan ang isang malaki-laki rin namang piraso ng kahoy. Nang magising ako kinaumagahan, ang bumungad sa akin ay si Anto, halos sagad hanggang tainga ang pagkakangisi, parang gustong tumawa, habang hawak sa buntot ang dalawang malalaking dagang muntik nang malasog ang katawan sa pagkakapalo. Alay, Manong, napatay ko ang mga putang ina! sabi ni Anto. Nakikita mo ga ang mga ito? at bahagya pa niyang iwinasiwas ang mga patay na daga. Napanganga ako. Isang hapon naman, pagkagaling ni Anto sa bukid, pinabili ko siya ng hinebra sa tindahang malapit sa amin. Hindi ko maituluy-tuloy ang sinusulat ko noon, parang tubig na ayaw umagos ang aking utak, parang may mga bakal na dumadagan sa aking dibdib. Ilang saglit lamang, humahangos na dumating si Anto, dala ang isang boteng hinebra, nakangisi na naman at maligayang-maligaya ang malalaking mga mata. Nabalitaan mo na ga, Manong? agad niyang tanong sa akin.

Ang alin? Alay, Manong, halos lumitaw ang buong gilagid niya sa pagkakangisi, ano pa ga? Alay namatay si Ka Berta iyon gang usurera sa lugar natin. Binangungot daw at nakangiwi daw. Ay, Manong, kagat-kagat pa raw ang dila. Lalong hindi ko naituloy ang aking sinusulat. Uminom na lamang ako. At nang sabay-sabay kaming kumain ng hapunan nina Itay, maganang-magana si Anto sa pagsubo, malalakit sunud-sunod. Matagal bago ako nakatulog nang gabing iyon. Naglalaro sa utak ko ang ngisi ni Anto. Ang pangyayaring iyon ay naulit isang araw na galing ako sa Maynila matapos magdala ng isang katha sa isang diumanoy sikat na magasin. Sapagkat pinalad akong makasingil, bayad sa artikulo kong nalathala, naisipan kong ibili ng sapatos de goma at dalawang medyas si Anto upang, naisip ko, kung sakaling maisipan niyang mamasyal sa kabayanan, may maisuot naman siyang maayus-ayos dahil butas-butas na ang dati niyang sapatos at parang mahihirapan magkahusto sa malalaki niyang mga paa. Agad akong sinalubong noon ni Anto, nakabungisngis siya, waring tumatawa pati mga mata. Pasalubong ko sa iyo, Anto. Ngunit ni hindi man lamang niya pinansin ang iniaabot ko sa kanya. Ay, Manong Roger, parang gustong bumunghalit ng tawa si Anto. Ay, Manong tiyak na hindi mo pa alam. Alay nasunog kangina ang bahay ni Ka Ignacio tupok na tupok. Ano gat ni damit ay walang nailigtas. Alay hanggang ngayon daw ay iyak nang iyak si Ka Ignacio para daw maloloko! Ang tinutukoy ni Anto ay isa sa mayayamang propiyetaryo na may-ari ng mga dalawampung ektaryang bukid sa lugar namin na, ayon sa kanyang mga magsasaka, ay napakatuso sa partihan at iniuuwi pati tulyapis at kung maningil ng pautang, hahakutin ang ani ng kanyang mga magsasaka kahit walang matira sa mga iyon makabayad lamang agad sa kanya. Ni hindi binuksan man lamang ni Anto ang kahon ng sapatos. Ni hindi man lamang niya itinanong kung ano iyon.

ANG KAMALASAN ay ipinagkaloob na yata sa amin, kakambal na namin, at ang karalitaan ay talagang mahirap matakasan, parang isang aninong laging aali-aligid saka biglang sasalakay, walang pinipiling oras ni pagkakataon, at walang iginagalang na damdamin o kaisipan. Biglang-bigla, isang dapithapon, akay-akay na iniuwi ni Anto buhat sa bukid si Itay, namimilipit sa sakit ng tiyan, nanlalamig ang halos buong katawan. Sapagkat malayo ang kabayanan at ni wala namang doktor sa nayon namin, ipinasundo ko kay Anto si Ka Mentong allbularyo. Nagsangag kami ng bigas, ginawang parang kape, at ipinainom kay Itay. Nagpakuha pa si Ka Mento ng ilang dahong banaba, sinalab sa apoy, saka itinapal sa tiyan ni Itay. Ngunit nasira ang pagka-albularyo ni Ka Mento. Maagang-maaga pa, kinabukasan, kinuha ko sa munting baul sa sulok ng silid ang kaunting halagang naimpok ni Itay. Umarkila ako ng karitela at pinagtulungan namin ni Anto na maisakay doon si Itay, dinala namin sa bayan sa isang diumanoy mahusay na doktor. Ngunit iminungkahi lamang sa amin ng doktor na dalhin agad sa ospital si Itay, diumanoy malala na ang ulser at kailangang operahin. Inihatid ng ambulansiya ng munisipyo sa ospital ng probinsiya si Itay. Napilitan naming isangla kay Ka Mamerto, isa ring propiyetaryo sa bayan namin ang kapirasong lupang iyon na minana pa ni Itay mula sa kanyang ama. Napilitan akong pumirma, sa kapahintulutan na rin ni Itay, sa isang kasulatang kung hindi namin matutubos ang lupa pagkaraan ng anihan, may karapatan si Ka Mamerto na ilitin iyon, embarguhin. Maayos na si Itay, nailabas na ng ospital, ngunit kailangan niyang magpahinga ng mga ilan pang buwan sa bahay kaya si Anto ang bumalikat ng lahat niyang gawain sa bukid. Nakita ko sa mukha ni Anto ang matibay na kapasiyahang gawin ang lahat niyang magagawa, mapangalagaan nang husto ang mga pananim, alisan ng mga insekto, bunutan ng mapaminsalang mga damo. Laging sibsib na ang araw kung siyay umuwi ng bahay. Mahalimuyak ang magandang ani, mabubulas ang mga palay, malulusog ang mga gulay, at matataba na ang mga manok ni Anto. Ang pag-asay naroroon lamang, bibitin-bitin, at naghihintay lamang ng tamang panahon para pitasin. Kung papalarin tayo, sabi minsan ni Itay isang gabi sa harap ng hapag-kainan, makababayad tayo kay Ka Mamerto. Napakalaki ang utang na loob natin kay Anto. Masiglang-masigla si Anto nang gabing iyon, hindi agad natulog, matagal na nakinig ng awitan at tugtugan sa munti naming radyo.

Ngunit, mga isang buwan na lamang bago mag-anihan, ang kamalasan, parang sinasadya ng pagkakataon o kalooban diumano ng Diyos, ay waring dambuhalang buwayang nanibasib, sinakmal at nginatngat maging ang kaliit-liitang hibla ng aming pag-asa. Nanalasa ang isang malakas na bagyo, bumaha, at ganap na napinsala ang lahat ng mga pananim ni Itay at ang matatabang manok ni Anto ay dinapuan ng peste, isa-isang naghingalo at nangamatay. Hindi bale, matibay pa rin ang loob ni Itay. Makikiusap ako kay Ka Mamerto na sa susunod na anihan na tayo magbabayad. Mauunawaan niya tayo. BUHAT NOON, naging tamilmil na sa pagkain si Anto, sumubo-dili. Kung umaga, hindi na niya pinagkakaabalahang walisin ang bakuran at malimit siyang natitigilan. Sa bukid, kung kasama niya si Itay upang linisin ang mga pininsala ng baha, malimit ding nauupo lamang siya sa pilapil, tititig sa kalawakan. Hindi na rin siya nakikinig ng radyo kung gabi, agad na hihiga at isusubsob ang mukha sa unan. Hindi napakiusapan ni Itay si Ka Mamerto. Alay paano ga tayo ngayon, Manong? Saan ga tayo lilipat? Hindi na malamig ang tinig ni Anto noong gabing iyon mga tatlong araw bago nakatakdang ilitin ni Ka Mamerto ang lupang iyong waring mahal na mahal na ni Anto. Si Itay ay nasa may bintana, nakapangalumbaba, parang may inaaninaw sa madilim na kalawakan sa labas. Bahala na, parang wala sa loob kong sabi. Ang mabuti pay ibili mo ako ng hinebra. Alay pabarikin mo ako ngayon, Manong mga dalawang tagay lamang, mariin ang pagsasalita ni Anto at may balasik sa malalaki niyang mga mata. Nakadalawang boteng hinebra ako nang gabing iyon, at hindi ko matandaan kung uminom nga o hindi si Anto. Kinabukasan ay kumalat ang balitang pinatay si Ka Mamerto, ginilit ang leeg, nilaslas ang tiyan, at lumuwa, diumano, ang bituka. Buhat noon ay nawala na si Anto. May asawa na ako, at dalawang anak. At magpahanggang ngayon ay hinahanap ko siya. #

UTOS NG HARI NI JUN CRUZ REYES


Para naman akong si gago na isip nang isip kung ano na naman ang sasabihin nito sa akin. Nawalan tuloy ako ng ganang mananghalian. Halos tiyak ko nang sermunang umaatikabo na naman ito. Kamakalawa lamang ay halos ilabas niya ang kanyang calculator para ipakita kung gaano ako katanga at kung gaano katama ang kanyang pagsuma sa aking mga 5. Hindi naman maikatwirang paano ko di masi-5 kung kalian ako absent ay saka ka magbibigay ng quiz. Kung kelan tinatamad mag-recite saka mamimilit. Saka pag sinabi ko naman ang gusto kong sabihin kakapain yung pulang ballpen. Pero tipong maganda naman ang kanyang mood sa klase kanina. Katunayay yung kanyang paboritong paksa ang pinag-uusapan namin. Yung kanyang dazzling Malaysian at ang kanyang paboritong pabango. Nagtsismis din siya (tulad ng dati). Kesyo si Mr. Espejo raw, kaya tumandang binata, dahil dalawang beses niyang binasted noong dalaga pa siya. Si Miss Kuwan daw kaya wala sa eskwelahan hindi dahil nag-study leave: nagpaabort sa America. Magbi-bell na nang maalala niya ang leksyon naming, ang normalization process sa gobyerno. Sabi nya kangina, Para tayo maging fully democratic kailangang mataas ang literacy rate. (Sinabi na yon ni Rizal.) May sapat na communication system ang pamahalaan at may mataas na moralidad ang mamamayan. At higit sa lahat, kailangang maging westernized ang ating pamantayan. By so doing, hindi tayo magiging unicivilized sa wetern standards.

Nang tanungin niya ako, sabi koy mas basic ang dapat na pamamaraan sa pagtingin sa problema. Halimbaway bakit hindi umpisahan sa economic condition ng bansa. Kung kuntento ang mga tao, normal ang takbo ng pamahalaan. Pero kung maraming dissatisfied, natural na abnormal ang sistema. Hindi basta effective communication process, hindi rin basta mataas na literacy rate. Mga manipestasyon lang ito ng talagang problema. Nabigla siya. Doon na kami inabutan ng bell. Ay, konsumisyon sa buhay, gusto kong lagnatin. Kay layo ng kahapon sa kasalukuyan. Pag nasa bahay ako, ako ang bida. Pag ang kababayan ko ang magkukwento, ako ang sikat. Pero ditto sa iskwelahan, walang isko-scholar ng bayan. Talagang gusto kong maghinto, pero ayaw ni Tatay. Kung sabagay sino ba namang ama ang matutuwang magkaanak ng drop out? Talagang sawa na akong magaral. Kay ganda sanang isiping hindi ako nakatali sa sintas ng sapatos ng teacher ko na kasama ko sa bawat hakbang. Ipaling kung saan sulok ko gustong puntahan, ilakadkaladkarin kahit gusting mamahinga. At isiping kahit ako ang masaktan. Ay, buhay estudyante. Makauno lang, kahit lulunin ang sariling dila. Kumontra sa kanila, singkong maliwanag. Tumango-tango ka naman para makauno, ibig sabihin nooy sarili mo na ang kailangang lokohin. Pakisama lang talaga. Konting kompromiso, mundo ang diploma. Kung wala akong diploma, sino naman ang maniniwalang may kaubrahan nga ako. Sanay di nauso ang grade, di sanay hindi ako mahihiyang pumasok kahit Metro Manila Aide. Kung graduate naman ako, hingan ng experience sa pag-aaplayan ko, dedo rin. At kung tapos nga, nakakahiya naming pati trabahong pang mahirap ay pagtiyagaan ko.

Grade lang naman, problema ba yon? Kung 5, tapos ang usapan, bakit kailangan pahabain pa? Bagsak kung bagsak. Kick-out kung kick-out. pero hindi naman talaga ako dapat bumagsak. O.K., matigas ang ulo ko, rugged at medyo bastos pa raw, pero bakit kailangang isali pati conduct at ayos ng katawan sa usapan? Hindi naman ito military school, hindi rin naman seminaryo, bakit panay yung conduct mo at appearance ang pangako nila? Ano ba ang sama nang bumagsak? Kung si Recto, bar flunker pero isa sa kinikilalang constitutionalist ngayon. Si Einstein, bumagsak sa Physics at grammar school pero big time scientist. Kahit teacher niya hindi alam ang theory niya sa relativity. Kung sabagay, hindi ako si Recto at si Einstein. Si Jojo lang ako, kung ang walang sinabi kong teachers ang tatanungin. Sa mga kapitbahay namin, pambihira daw ako, biro mong sa probinsiya namin ay ako lang ang nakarating ng Maynila para mag-aral ng libre. Kung nalalaman lang nila. Aral nang aral. Aral sa umaga, aral sa tanghali at aral pa ulit sa gabi. Hindi ko naman maintindihan kung para ano ang pinag-aaralan. Hindi na naubusan ng ipariresearch. Walang alam itanong kung hindi What is our lesson for today? Parang mga Diyos na sila lamang ang may monopolyo ng tama. Kaya hindi pwedeng tanungin at lalong hindi pwedeng pagsabihan ng mali. Ay, mga teachers sa mundo, bakit ba ginawa pa? Tulad ni Mrs. Moral Character, bago mag-umpisa ang leksyon, magsesermon muna na virtue of honesty, kesyo masamang mandaya, kasalanang mortal ang magturo sa kaeskwelang nakalimutan ang sagot dahil sa pagkataranta, krimen ang magkodigo at kung anu-ano pa. lahat na yata ng masama at bawal sa mundo ay alam. Pero ang kanyang lihim ay buking na namin. Noon daw nakaraang referendum ang teacher naming morally upright ay biglang nabulag at nabobo. Nang magwatcher daw ito sa presinto, tatlong letra lang ang kabisadong basahin.

Katwiran nitoy Anong sama doon, kahit matalo, panalo par irn. Bakit, me magagawa ka ba? Kaya naman ngayon hindi na siya si Mrs. Moral Character sa amin, Mrs. Eraser na lang. Tapos magtataka pa kung kangino kami nagmana sa mundo. E sino naman kaya sa kanila ang pwedeng gawing idolo? Yung teacher ko sa English, walang pakialam sa mundo. Basta magamit lang niya yung nalalaman niya sa voice at diction, maligaya na siya sa buhay. Basta kami ang papel lang namin, tagapakinig sa kanyang mga asides. Para tuloy kaming pang-therapy niya lang. at ang kanyang paboritong paksa, yugn kanyang ninuno na purong Kastila raw na nagpatayo ng simbahan sa kanilang bayan. Antique syempre yung simbahan (tulad niya at ng kanyang lolo). Ibig lang niyang palabasin ay may dugong bughaw siya. Sarap sanang bukuhin na ang Kastilang napunta rito noong araw ay mga butangero at kriminal sa Espanya. Kesa nga naman maging problema sila ng gobyerno nila, di Pilipinas na ang bahalang magtiis ng konsumisyon. Yung ganoong sistema ang namana niya sa kanyang lolo, ang mangunsumi ng mapagtiis. Pag nabuko mong hindi nag-aral, lagot ka. Pagsasabihan ka nito ng What? Iyon lang hindi mo pa alam hanggang ngayon? O.K. thats your assignment for tomorrow. Saka niya sasabayan ng bura ng maling nakasulat sa blackboard.

Kung bisyo naman ang pag-uusapan, masama raw sa katawan ng tao ang alkohol at nikotina. Para na rin sinasabing, pag teacher ka na ay pwede. Dahil estudyante ka pa lang, tiis. Itanong mo kay Mr. Discipline at alam na alam niya ang sagot. Huwag mo nang itanong kung nagdaan din siya sa pagkabata, kung noong araw ay gago rin siya, dahil sa isasagot nitoy, Kaya nga ayaw kong matutuhan nyo ang bisyo dahil pinagdaan ko na yan

Sa amin sa barkada, dalawa lang kaming mag-gu-goodbye my school goodbye. Kick-out ako sa kagaguhan daw. Si Minyong namay sa kabobohan daw. Kung paano nila natiyak na dapat nga kaming palayasin sa pinakamamahal naming paaralan, ganito raw ang naging takbo ng usapan nina Mrs. Moral Character (Eraser), Mrs. Gles-ing, Mr. Mathematician, Miss Spermatozoa at Mr. Discipline. Hindi naman korum, say quorum, kuwow, quorum. Thats correct, that Jojo Boy has no sense of dequorum. I feel though he is brilliant, only my reservation is that.

Only he is stubborn. Papasok yan sa klase ko nang nakainom, para pang nang-iinis na lalapitan ka. Ipaaamoy sa iyo ang hininga. Kunsumihin ka ba naman araw-araw, pag naging gago ka nagtataka pa. Hindi ka pa nga pwedeng magwala, hindi ka parin pwedeng maglibang. Kung sa pagtitiis ng kunsumi ay sigarilyo at beer ang mapiling pagbuntunan ng sama ng loob. Ayun at, Sinasabi ko na nga bang masama sa pag-aaral ang bisyo, ang agad ikakatwiran ng mga ito. How true, how true, I swear to God thats true. Hindi lang yan, minsan gusto pa mandin akong kulitin sa klase na akala moy mahuhuli niya akong hindi prepared sa lesson ko. Tambakan ko nga ng research work, di atras siya.

And he is always absent. Sometimes I dont want to give him an excuse slip anymore. So what is the verdict of the group?

Oo nga naman. Gagawa tayo ng masamang precedent. Mauuso ang bobo sa eskwelahan. Remember, Philippine School for Science and Technology ito. Tapos magpapasa tayo ng estudyanteng so-so? Hindi pwede. Pero cultural minority yan.

I could not pass him. And so what? Ako rin. Kailangan babaan natin ang standard sa kanya. God will punish his naughtiness. Excuse me, mayroon lamang isang standard and excellence at wala nang I will report the matter to his parents immediately. Ang masama ay ang akusasyon nila kay Minyong. Nababaliw daw. Tuwang-tuwa silang pagtsismisan ito. Kinuha-kuha nila sa bundok, tapos pilit pinaniwalang makakasabay ito sa standard ng exclusive school, pinaniwalang dito nito matututuhan ang paghango sa kahirapan ng kanilang tribo, saka ngayon, basta na lang sisipain. Bobo, ang sabi nila. Binigyan ng isang pagkakataon. Pinagsalita nang pinagsalita, para raw mahasa nang sa gayoy mawala ang inferiority complex nito. Ayun, nang matutong magsalita ang tao, na-schock silang marinig ang katotohanan. Sabi ng pangkat ng mga Hari. I find him kina weird lately. So what shall we do with him. Definitely I could not pass him. Saka sila nagkorus ng Ibagsak. Kung sabagay nang mabalita ang kaso ni Minyong sa eskwelahan, humigitkumulang ay nakapagpasya na sila sa magiging dulo ng istorya. Ganito raw iyon. Have you considered his case lately? Anong gagawin natin sa kanya? Meron ba tayong policy sa ganyang kaso? Mabuti siguroy pauwiin na natin sa kanilang tribo. Dapat nga, Baka manakit pa yan ay maraming madamay. Ano pa, edi ibagsak. exception pa. What now?

Oh, how I abhor violence. Baka kamo manunog pa yan. Uso pa naman sa Maynila ang sunog ngayon.

Excuse me. He is not a thoroughbred cultural minority it is only the mother. The father is an Ilocano who migrated to Mountain Province. Ang sweet-sweet ng batang yan. Manang-mana sa Tatay nya.

E kung ipa-confine natin sa mental? Pogi talaga. At sinong magus-shoulder ng bill? You bet. Doctor pala ang ama nyan. Tapos ang kaso ni Minyong bago pa man pasimulan ang deliberasyon. Ipapasa ko yan. Kaya lang naman yan mababa, kasi matagal umabsent. Hindi naman sila parating ganoon kabilis magbaba ng hatol. Paminsan-minsan namay humane sila ika nga. Tulad halimbawa ng kaso ni Osias at Armando, mga kaiskwela rin namin. Ano, pasado na tong dalawa? Approve. Ipasa na natin si Osias. Pero mababa yan sa Physics. Sus, naman ito, e talaga naman mahirap yang klase mo. Called you for two reasons. Regarding our lesson and your attitude in Thoughtful yang batang yan. Kahit saan ka makita ay panay ang good morning. Talaga. At prisintado agad yan pag nakasalubong ka na maraming dala. How about Armando? Another cultural minority? class. Idiniin niya yung your attitude. Heto na naman kami sa loob-loob ko. Kung bakit kasi hindi na lang ako nagkasakit. Sanay natuloy na ang lagnat ko para wala nang sermunang naghihintay. Jojo, ang taoy hindi pulos tiyan tulad ng gusto mong palabasin. Sabi niya habang nakataas ang isang kilay. Mahirap talaga sa mundo ang hindi pogi at walang amang duktor. Come on in. Sit down. Sabi ni Mrs. Moral Character matapos akong kumatok at papasukin sa kanyang cubicle. Inabutan ko siyang nagsasalansan ng mga libro. Nagkasakit kasi.

Huwag kang kikibo, paalala ko sa aking sarili. Konting tiis. Mahirap makipagtalo sa teacher. Ngiti ka lang basta. Titigil din yan pag nagsawa. Pero tipong wala siyang balak mag-short cut ng sermon. Walang essence ang pinagsasabi mo kanina. Iyon ay isang halimbawa ng priori statement. Do you get me? Tumango naman ako.

Kahit hindi ko siya tingnan alam kong tatangu-tango siya sa tuwa. Lihim na naman pumapalakpak ang kanyang tenga sa tuwa. Napaamo niya ang suwail ng eskwelahan. Sanay kasing honest din niya ako, di sanay nasabi ko rong The feeling is mutual. I also dont like you, Mam. Sa halip ang nasabi ko na lang ay Can I go now, Mam? Im not yet through. Ibig pa palang sabihin ay may part III pa tong usapang ito

Good. Now, alam mo sigurong wala kang pinanghahawakang data, which I happen to have. Panay speculation lang ang pinagsasabi mo at walang katuturan ito sa scientific world. Our lesson is more complicated than you thought. What you mean probably is the role of economic determinism in contemporary Philosophy, which is all together wrong. Bait hindi mo gamitin ang power of elite approach? Behavioralism ang trend ngayon sa west. Bakit hindi ka makigaya? Diyos me, pati pala personal life koy pinakikialaman na rin nila ngayon sa loobloob ko. Nararamdaman ko ang init ng kanyang titig sa aking mukha. They saw you in the chapel last night.

How young are you, Jojo? Speak up. Huwag mong pansinin, ngiti lang. Paalala ko ulit sa sarili ko. Hayaan mo lang siyang magsalita nang magsalita. Pasasaan bat mauubusan din yan ng sasabihin. Pasok sa kanang tenga, labas sa kaliwa. Siya ang teacher kaya ang pakiramdam niyay siya lang ang pwedeng tama. Do you get me? Tango pa rin ako. At ngayon, ang part II ng kanyang sermon. To be honest about it, I dont like your attitude in class. Smart aleck! Yuko na lang ako. Saka ako bumulong ng Im sorry, Mam. Wala akong dapat ipaliwanag sa kanya. Hindi ako sasagot. Speak up I said. 15, Mam. 15, and already you are Saka niya dinugtungan ng Ill let your mother know about this, bago ako tuluyang lumabas ng kanyang cubicle. Gusto ko na talagang magwala. Gusto ko siyang balikan. Gusto kong isambulat sa mukha niya ang lahat ng hinanakit ko sa mundo. Sanay kasing tapang ako ng gusto kong mangyari. Ano bang masama sa ginawa ko sa chapel? Magkahawak lang kami ng

kamay ni Tess. Masama ba yon? Siguro ang masamay kung bakit biglang napasyal si Mrs. Gles-ing sa chapel ng ganoong oras ng gabi. Kawawang Tess. Halos natitiyak ko nang gagawin na naman itong halimbawa ng mga Mrs. Moral Character ng kung anong hindi dapat maging ang isang babaeng estudyante. Si Mrs. Gles-ing, tiyak na halos pumasok ang dila sa pagbabando ng kanyang scoop.

Isa ka pa. Buwisit na buhay ito, alaskado na naman ako. Malay mo baka lalong malahing Mrs. Robinson yon. Saka sila nagtawanan. Tara na lang sa Cubao. Yaya ko sa kanila. Yung isang round ng beer ay nasundan ng isa pa nga at isa pa ulit. Saka pinabuntutan ng one for the road. Kung gaano kabilis ang bote ng beer ay ganoon din kabilis ang oras. Ano ba talaga ang ginawa mo sa chapel? Ano ba, di holding hands. Masama ba yon? Para nagsusumpaan lang kami sa harap ng altar na hindi maghihiwalay kahit ako ma-kick-out. kabastusan na ba yon? Bakit kasi ang dudumi ng isip nila. Akala moy hindi nakipag-holding hands noong mga bata. Sila kaya, paano naging tao? Natingnan lang, nabuntis na.

Ano pa ang magagawa ko, di suntok na lang ulit sa hangin at magbubulong ng balang araw. Kung mababaliw ako tulad ni Minyong, siguroy hindi nila ikatutuwa, pero natitiyak kong ipagtataka nila kung bakit. Nasa lobby ang mga kabarkada kong alaskador. Jo, balita namiy bida ka na naman. Hayaan mo na ang mga yat magsasawa din yan. Sagot ko naman Kung nagmu-motel kayo, di wala sana silang alam. Tigil, sabi ko. Ano ba talaga ang ginawa nyot nagpuputok ang butsi ni Mrs. Gles-ing sa klase namin kanina? Isa pa to, anong magagawa ko sa chapel? kahit ka may madyik, walag himalang mangyayari doon, sabi ko. Ligawan mo kaya si Mrs. Gles-ing.

Saka sila nagtawanan. Buti pa sila, kahit paanoy masaya. Ako yata, kahit sa paglilibang ay mga teachers ko pa rin ang nakikita. Sobra na to. Bakit ba yaw nilang makakita ng katotohanang iba kaysa kinagisnan nila? Bakit ba kasi gusto nilang maging kamukha nilang lahat ang tao sa mundo. Dahil ba sa kanilang palagay ay sila ang nakadiskubre ng mina ng talino at tama, kaya wala nang natira para sa amin para diskubrihin? Pero hindi ba yung tinatawag nilang expertise yung dalawampung taon sa serbisyo, ang ibig lang sabihin isang taong karanasang pinatagal ng dalawampung taon?

Ngayon ko lang naiisip, kung buhay siguro si Beethoven at kukuha ng eksamen sa ekswela kahit bilang estudyante o teacher ay tiyak na hindi siya tatanggapin. Philippine School for Science and Technology ito, ang eskwelahan ng mga magiging scientists baling araw, tapos pakikitunguhan at ituturing na tao ang isang kung sinong bukod sa tamad magbihis ay madalang pang maligo? Si Einstein kaya? Henyo yon, kaya lang hindi nagsusuklay. Kick-out din siya. Bawal sa school ang mahabang buhok. Tiyak na pagsasabihan siya ni Mr. Discipline ng Comply with school requirements. Maximum tolerable haircut please. Ibig sabihin noon ay ahitan ang batok. Si Hemingway kaya? Hindi rin pwede, mabisyong tao yan. Bawal ang lasenggo sa klase. E si Maxim Gorky kaya, ang greatest Russian writer para kay Chekhov at Tolstoy, pwede kayang magturo ng comparative literature dito? Sa palagay koy hindi rin. Bukod sa wala siyang unit sa English ay wala rin siyang diploma sa education. Si Kristo kaya kung mabuhay ulit at magpunta sa Science? Maestro daw siya kahit walang M.A. at Ph. D. Papasukin kaya sa gate pa lang? Hindi pwede, kung makasalubong siya roon ni Mrs. Moral Character o ni Mrs. English, baka ma-shock pa ang mga ito. Palagay ko, ganito ang sasabihin nila: Imagine, kay lakas ng loob, ang bastos naman ng appearance. Long hair, hindi nag-aahit, tapos nakasandalyas pa. Maano kung anak siya ng Dioys, wala naman siyang sense of decorum. Saka kung magsermon dito si Christ, baka mabuko lang siya ng Who is your authority, where is your data, behavioralism na ang trend ngayon sa west bakit hindi ka makigaya Siguro kaya sa sabsaban na lang ang napiling birthplace niya, dahil kung sa Science siya ipinanganak, mababago ang kasaysayan ng Kristiyanismo sa mundo.

Ay, sense of propriety at decorum talagang nakakataranta. Clean cut (pagsuklayin mo si Einstein) white polo shirt at black pants (pagdisentihin mo si Kristo). Naiisip ko tuloy kung propriety din yung tawag sa mga teacher kung nakadamit civilian sila kapag Miyerkules. Yan bang parang aatend sila ng party. Yun bang ang tipo ng tela ay mapapanson agad at mapagsasabihang Ay, ang ganda, saan mo nabili? Siguro ang mahal ano? na sasagutin naman ng kausap ng Mura lang yan , siento isang yarda. Christian Dior, original yan, hindi gawang Rustan. At para talagang mapapansin, kailangang humahalimuyak din sila sa bango. Yung parang walking pharmacist. Saka kukulayan ang mukha na parang painting (pa-surreal). At saka tatambakan ng brilyante ang tenga, leeg, dibdib, braso at mga daliri. Sa kanilang ganda ay ningning, para kang nakakita ng Xmas tree sa isang mahal na araw. Yun ang proper sa kanila. Kung sabagay, hindi nila maiino yon. Noong gabing mahuli kami ni Tess ni Mrs. English, noon ko lang napansin ang ayos ni Kristo. Ininsulto raw ito ng mga Hudyo kaya ipinako nang hubo sa krus. Pero naiinsulto sa hubo ang mga Mrs. Moral Character, Mrs. English, Miss Spermatozoa, Mr. Mathematician at Mr. Discipline at kanilang mga katribo. Kaya siguro nila tinakpan ang kahubdan ni Kristo ng pelus na nangingintab sa dami ng borloloy. Si Virgin Mary ay asawa daw ng isang hamak na karpintero, pero sa bigkas niya ngayon ay mistulang peacock at Xmas tree na rin siya. Pati nga kanyang luha ay ginawang perlas. Ang hindi nila naging kamukha ay agad nilang napapansin. Ang taong naniniwala sa sarili ang gusto nilang lapastanganin. Sino nga ba naman si Jojo sa kanila na isang kung sino lang. Noon kayang mga estudyante pa sila, nakapasa kaya sila sa Science? Scholar din kaya sila? Pero bakit naging teacher lang sila sa loob ng mahabang panahon? Iyon lang kaya ang alam nila sa buhay, ang magturo? Para silang hindi naging bata. Para bang nang ipinanganak silay alam na nila ang lahat ng bagay. Baka akala nilay biru-biro ang maging estudyante. Yun kayang conduct nila sa klase noong araw, panay uno? Kung

talagang hindi sila nagkakamali, dapat itong ireport agad sa Santo Papa ng Roma. Nasa Pilipinas lang pala ang mga living saints. Alin na lang kaya ang pwedeng pakialaman? Saan kaya pwedeng maging bida sa mundo? Buti sa referendum kasali kami. Alin kaya ang mahalaga, ang kapalaran ng Pilipinas o ang moral character? Yung kapalaran ng Pilipinas, pwedeng isugal, pero kung sino ang mas seksi, si Alma Moreno o si Elizabeth Oropesa ay hindi naming pwedeng pagpasyahan, for adults lang kasi yon. Ops, nakadi-jingle mag-isip. Yung barkada, iba na ang usapan. Lagyan kaya natin ng thumbtacks yung upuan ni Mrs. English? Di aaray yun! Hi-hi-hi. Buti pa sila at nakukuhang ngumisngis. Ako kaya, kanino pwedeng magreklamo? Sulatan ko kaya si Valencia? Baka naman sagutin ako nito ng Uminom ka na lang ng kape. Si Marcos kaya? Santambak ang problema nito sa buhay, biro mong problemahin nito pati kapalaran ng Pilipinas, tapos ipasasagot pa ito sa kanya sa kasaysayan, paano ako nito mapapansin? Magreport kaya ako kay Carter, issue rin ito ng human rights, ang kapalaran ng mga sinasadistang estudyante, pero mahirap naming umingels. Saka interesado lang ito sa giyera na naluluma sila. Sa Diyos na lang kaya ako susulat? Pero nasa lahat ng lugar at sulok daw ito, kaya tiyak alam na niya ang problema ko. Bakit nga pala sa sermon on the Mount of Sinai wala yung Blessed are the poor students for they shal inherit Siguro dahil wala na siyang langit o lupang pwede pang ipamana sa iba. ng loob.

Ayaw kong maging Minyong. Kailangang magsalita na ako baka ako mabaliw. Ayaw kong maging bato. Hindi baling drop-out, basta tao lang ako. Maliit ang comfort room kung doon ko isusulat ang akung sumbong. Marami na roong nauna. What youre holding now is the future of the fatherland. If you can reach this high, you shall be great. Ibagsak ang pasismo. LABAN. Alpha Phi Omega. Wanted pen-pal. Magrereklamo rin ako sa pader kung kailangan, hanggang may makabasa at makarinig ng aking sumbong. Pero sa ngayon idi-jingle ko na na lang muna ang sama ko

You might also like