You are on page 1of 3

Wag mo na balikan ang nakaraan niya kung tapos na kalimutan mo na

Unspoken rule no.96

Wag mo nang balikan pa

ang nakaraan niya

kaibigan mo lang ako dati, kaibigan lang

nasaksihan ko kung paano kayo magmahalan

at kung paano yung bawat ngiti niyo ay may kahulugan

nakita ko kung gaano ka nananabik sa tuwing makakasama mo siya,

na siya nahigit sa lahat ang lagi mauuna

kalakip ng lahat na kasiyahan na akin nasilayan

ay ang pagluha mo nung iniwan ka na niya nang tuluyan

na natili ako sa tabi mo hindi kita pinabayaan

at sa hanggang dahan-dahan, unti-unti at tuluyan mo na siya nakalimutan

at nang mahulog ang mga loob natin sa isa-isa labis ang saya

na akoy iyo at akin ka na

pero may halong takot parin at pangamba na baka sakaling nabibigla ka lang pala

sa pilit na pagtagay mo sa akin sa mundo na binuo niyong dalawa

sa tv na binili niyo’y tayo nanood ng pelikula

sa sofa na kung saan kayo nabibiruan, nayayakapan, nalalambingan

sa kama kung saan alam ko pinainit niyo ang malalamig na gabi sa piling ng isa-isa

sa bawat maliliit na bagay na palatandaan ng pagsasamang masaya

nakikita ko siya,nakikita ko siya,

nakikita kung paano na pwedeng mawakas ang kuwentong natin dalawa

sa puso kong kahit nasasaktan ay patuloy na lumalaban pa

pero anong nga ba ang pinaglalaban talaga? Nakakatanga

hindi ko na alam kung ano nga ba ang problema

kaya pipilitin ko na lang ikaw ang unahan

dahil ayoko kong manatili sa pagiging panakip butas na lang


nang matapos ang istorya naming dalawa

hindi maiiwasan na may bakas parin ng bawat galaw niya

alam mo yun nandun ka, nakita mo siya

nakaguhit na ang bawat alaala

nakita mo kung paano kasabay Malabo ng tv ang paglabo ng relasyon naming dalawa

nakita mo ang bawat pagtatalo naming na naganap sa sofa

nakita mo kung paano ako nanatili sa kama nang umalis siya

Oo nakita mo siya pero nakita mo din ako

At sa paglipas ng panahon nakita ko rin na pwedeng pa pala ako sumaya sa yo

Pinuno mo ang puwang na iniwan niya

At alam ko na hindi madali na makumpetensya sa mundong nakalipas na

Hindi madali na makipaglaban kung ang bawat sulok, tirituryo niya

Pero bakit ka nahihina?

Bakit ka natatakot? kasama mo ko

Alam ko kung paano talunin ang nakaan,alam ko

Tinuruan mo ako

Tinuruan mo ako maumpisa muli¸binigyan mo ako ng bagong simula

At sa pagkakataon ito hayaan mo ako bigyan ka ng bago mong alaala

Kaya wag kang susuko samahan mo ako

Sa puti sa malinis sa lugar kung saan ang lahat ay bago

Sa walang mantsa ng kahapon, sa walang malabo

Sa lahat ay klaro, sa tayo lang at walang nakalipas ko

Hayaan mo akong bumawi sayo

Hayaan mo akong iparamdam sayo

Na walang butas at hindi ikaw ang panakip ko

Nawasak lang ako at muli binuo mo

Binigyan ng bagong kahulugan ang buhay ko

Uulit tayo sa simula,walang bakas niya walang ka makikita

Tapos na kami kinalimutan ko na siya ang nakaraan koy wag nang balikan pa

You might also like