You are on page 1of 4

ANTHRO 223: ARTICLE REVIEW

Gabumpa, Anthony Baculbas Masteral sa Arte ng Araling Pilipino

2018-22512 Anthropology 223: Philippine Ethnic Group

Gampanin ng Ilog sa Kabihasnang Tagalog-Bulakenyo

Nauukol ang artikulo ni Robert Mata noong 2006 sa papel ng kapaligiran upang padaluyin ang

kultura ng mga Bulakenyo na nakapokus sa ilog bilang pantubig na lunduyan ng tradisyon ng tao.

Sinimulan niyang ipakilala ang pakinabang ng ilog sa Meycauayan bilang kinatawan ng lalawigan ng

Bulakan. Aniya, nagiging pantawid-gutom na pagkain dito ang mga kabibe, igat, talaba, hipon, at alimango

na matatagpuan sa sanga-sangang ilog, estero, at dagat. Pangkabuhayan din sa mga katutubong-Tagalog

na naninirahan dito ang pagkalap ng asin, apog, panggatong, at uling na nagmumula sa tubig, kumpol ng

bakawan, at kabibe. Dahil mataba rin ang lupain sa distrito, nakatulong ang ilog at sapa bilang natural na

patubig sa mga binuksang taniman. Karaniwan itong natatamnan ng kape, kakaw, paminta, duhat, at ubas.

Mahalaga rin ang gampanin nito sa mobilidad sa pagpapadali ng transportasyon at komunikasyon para sa

pagluluwas ng kalakal patungong Maynila noon.

Sa mga pagdedetalye pa ni Mata, ang sinaunang estruktura ng bayan o ng mga kabahayan ay

nakaipon malapit sa baybayin ng estero. Sagana ang paligid ng ilog ng mga pawid, kawayan, bato, tisa,

mortar at mga adobe na ginamit sa paggawa ng mga simbahan sa panahon ng Kastila. Hindi rin maiiwasan

na magkaroon ng pista na nakaayon sa tubig, dahil tubig ang anyo saan man bumaling ipinagdiriwang pa

rin ang Ligiran at ang Mahal na Poong Krus sa Wawa. Bilang kongklusyon alam ng tao ang kahalagahan

ng mga ilog sa patuloy na pagsasagawa ng tradisyong kultural at pananampalataya. Nananatiling buhay

dito ang kalinangan ng mga sinaunang mamamayan ng katutubong-Bulakan.


Maliit na bahagi lamang ang artikulo sa napakalawak na lalawigan at mga bayan ng Bulakan. Na

binubuo ng mas malawak na yamang-lupa gaya ng kapatagan at kabundukan. Ngunit hindi na saklaw ng

pag-aaral ni Mata itong kasuluk-sulukang katangian ng espasyong Bulakan. Higit pa itong nagtutuon sa

heyograpiya at kasaysayang pag-aaral kaya kapos para hagilapin ang antropolohikal na tingin. Kaya

kapansin-pansin na walang pagtitig sa mga pangkat-etnikong Tagalog at hindi na pinagkaabalahang i-

exoticized pa ang katutubong identidad nito bilang “bukod” na grupo sa ibang katutubo. O tingnan ang

kulturang Pilipino laban sa hegemoniya ng panahon ng Kastila.

Sa talakayan naman ng ilog matatagpuan ang kakulangan na idiskurso kung paano

pinoproteksyunan ng mga katutubong pamayanan ang salukan ng kanilang kalinangan. Maging ang iba

pang tradisyon o materyal na nililok sa paligid ng ilog ay limitado sa ilang suri. Samantalang ang talakayan

naman ng heyograpiya at kultura ng ilog ay nakabatay sa panahon ng kolonya gaya ng batayang

impormasyon sa populasyon at pagdedepina sa kalagayan ng Meycauayan na maaaring bunga ng

kakapusan ng mga limbag at arkibong datos noong hindi pa nakatutuntong ang mga Kastila. Sa dulo,

nababakas ko mula sa pagkokongklusyon ng may-akda na ang sisi sa dahilan ng polusyon ay pag-unlad.

Ito ay mga malay na gawi ng Bulakenyo at hindi na pinagkaabalahan pang titigan ang mga dambuhalang

kapangyarihang na nagtutulak din sa naging pagkasira ng ilog sa kasalukuyan gaya ng kapitalismo at

kolonyalismo.

Gayunpaman ang kabuuan ng papel na ito ay nagbibigay ng linaw sa matandang bayan bilang

hagdan upang maintindihan ang piraso ng heograpikal na estruktura ng Bulakan. Masuyod nitong nabigyan

ng talakay ang mga batayang kaalaman na kagamit-gamit upang maunawaan ang anyo sa Meycauayan.

Sa antropolohikal na pag-aaral, kapaki-pakinabang ito sa kultura at soyal na pagsipat mula sa gampanin ng

ilog at naging pag-usad ng kabihasnang Tagalog-Bulakenyo sa paglipas ng panahon.


ARTIKULO

Mata, R. C.. (2006). Ang mga Ilog sa Loob ng Sinaunang Bayan ng Meycauayan: Ugnayan ng Heograpiya

at Tradisyon. MALAY, 19(2). Nakuha mula sa http://ejournals.ph/form/cite.php?id=7888

Tala: Ang artikulong ito ay pinili dahil nais bigyang-tuon ng mananaliksik sa target na tesis ang kultural at

antropolohikal na bitbit ng mga katutubong Bulakenyo.

HUWEBES, 05.27.21 - ITERNARY

7am – Maysan 7/11 (Almusal)

7:30 – 8:15am - LTO (Student’s Permit)

8:30 – 9:00 am - PAG-IBIG, Karuhatan

9:00 - 10:00 am – CCP

12:00 – 1:00 pm- SM Manila, Tanghalian sa Ramen Koruda

1:00 – 4:00 pm – Isetann, SSS Tumingin (Bumili) ng mga Hindi Kailangan

4:00pm - 7pm – Gen. T. Unli Wings (Char)

Magdala:
Valid ID’s

PAG-IBIG MDF

SSS E1

Birth Certificate

Facemask at Faceshield

Limpak-limpak na Salapi

You might also like