You are on page 1of 3

Kabayanihan ni Lope K.

Santos

Mga Miyembro ng Pangkat Lima:


Arabit, Rovi Gie P.
Coballes, Aniluv G.
Ferreras, Louise Anne F.
Garrovillas, Denielle B.
Pugoso, Nicole S.
Sarmiento, Ryna Patrice M.

I. Pamagat ng Tula at may akda

Kabayanihan ni Lope K. Santos


Ang pamagat ng tula, “Kabayanihan,” ay tumutukoy sa pangunahing tema o
konsepto ng tula na kabayanihan o pagiging bayani. Ang tula ni Lope K. Santos
ay nagpapahayag ng mga saloobin at kaisipan tungkol sa kabayanihan,
paglilingkod, at pagmamalasakit sa kapwa.

II. Tungkol sa may akda

Si Lope K. Santos (25 Setyembre 1879 – 1 Mayo 1963) ay isang tanyag na


manunulat sa wikang Tagalog noong kaniyang kapanahunan, sa simula ng
ika-1900 dantaon.Bukod sa pagiging manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko,
lider obrero, at itinuturing na Ama ng Pambansang Wika at Balarila ng Pilipinas.

Sariling Buhay
Napangasawa ni Lope K. Santos si Simeona Salazar noong 10 Pebrero 1900, at
nagkaroon sila ng tatlong anak. Nagkaroon siya ng karamdaman sa atay, ngunit
hanggang sa huling sandali ng buhay ay hinangad ni Santos na maging Wikang
Pambansa ang Wikang Tagalog.

Sa Larangan ng Politika
Matapos maging gobernador ng lalawigan ng Rizal mula 1910 hanggang 1913,
naging gobernador naman si Santos ng Nueva Vizcaya mula 1918 hanggang
1920. Naglingkod din siya bilang senador para sa ika-labindalawang distrito ng
bayan.

III. Kayarian
● Uri ng Tula – Ang tulang “Kabayanihan” ni Lope K. Santos ay binubuo ng
labindalawang taludtod at bawat taludtod ay mayroong tugma o bilang, at
ang “Kabayanihan” ni Santos ay isang dula-dulang pasalaysay na isinulat
noong 1907. Ito ay isang halimbawa ng maikling dulang pasalaysay na
naglalarawan ng mga bayanihan at kabayanihan ng mga Pilipino, lalo na
sa panahon ng pananakop ng mga dayuhan.
● Tono – Ang tula ay punong-puno ng damdaming maka- bayan,
pagmamahal, sakripisyo at paggawa ng kabutihan sa kapwa na walang
hinihiling na kapalit na nagbunga ng kabutihan at kalayaan para sa ating
lahat.
● Simbolo – Taniman, Pera, ang Diyos at ang mga tupa, at Ataul o
Kabaong na ilulubog na sa ilalim ng lupa
● Istilo – Si Lope K. Santos ay kilala sa paggamit ng makabagong estilo sa
pagsulat ng tulang kabayanihan. Kanyang pinapakita ang mga damdamin
ng bayanihan at pagmamalasakit sa pamamagitan ng paggamit ng
malalim na mga salita, makahulugang mga talinghaga, at matinding
emosyon. Karaniwang nagtatampok siya ng mga karakter na handang
magbuwis ng buhay para sa bayan, at naglalaman ang kanyang mga tula
ng mga mensahe ng pag-asa, tapang, at determinasyon.

IV. Teorya

Teoryang Sikolohikal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng
lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga
tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay
sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin.

Ang tula ni Lope K. Santos ay representasyon ng teoryang sosyolohikal.


Ipinapakita nito ang konsepto ng “Kabayanihan,” kung saan ang paglilingkod ng
walang hinihintay na kapalit at pagmamahal sa kapwa ay nagsilbing pundasyon
ng kabayanihan.

V. Mensahe

● Bisa sa Isip – Ang tula ay naglalahad ng diwa ng "Kabayanihan."


Ipinapakita nito ang kahalagahan ng pag-aalay ng sarili para sa
kapakanan ng iba. Ang pagsusumikap at pagtutulungan sa pagtahak sa
mga hamon ng buhay ang nagbibigay-buhay sa mensahe ng tula.
Nang basahin ang tula, naiisip ko ang mahalagang papel ng pagkakaisa
at pagtutulungan sa lipunan. Ang paksa ng tula ay tumutok sa pagbibigay
halaga sa kapwa at pagtataguyod ng kabayanihan sa pamamagitan ng
serbisyong walang hinihintay na kapalit.
● Bisa sa Damdamin – Ang bisa sa damdamin ng tulang “Kabayanihan” ni
Lope K. Santos ay nagmumula mula sa pagpapahayag ng kahalagahan
ng paglilingkod sa kapwa at pag-aalay ng sarili para sa kabutihan ng
bayan. Sa pamamagitan ng mga salitang ginamit sa tula, lalo na ang tulad
ng “hirap at pagod,” “pag-ibig sa kapwa,” “ligaya,” at “magpakasakit,”
ipinapakita ang damdamin ng dedikasyon, sakripisyo, at pagmamalasakit
sa kapwa at bansa.
● Bisa sa Kaasalan – Ipagpatuloy ang kabayanihan sa ating bansa kung ito
man ay malaki o maliit na kabayanihan. Huwag nating ipagkait o
ipagdamot ang pagtulong sa ating kapwa lalo na kung kaya naman nating
tumulong sa mga nangangailangan. Gayahin natin ang mga bayaning
nagsakripisyo at bukal sa loob na tumulong na walang hinihinging kapalit
at isang Pinoy na kayang tumindig para sa kanyang bansa.

You might also like