You are on page 1of 59

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya

Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Pagpupuring lubos ang palaging hangad
Sa bayan ng taong may dangal na ingat.
Umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
Kalakhan din niya’y isinisiwalat.
Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
Buhay ma’y abuting magkalagut-lagot
Bakit? Alin ito na sakdal ng laki
Na hinahandugan ng buong pagkasi,
Na sa lalong mahal nakapangyayari
At ginugugulan ng buhay na iwi?
Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
Siya’y ina’t tangi na kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanag ng araw
Nagbibigay init sa buong katawan
Kalakip din nito’y pag-ibig sa bayan
Ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal,
Mula sa masaya’t gasong kasanggulan
Hanggang sa katawa’y mapasa-libingan
Sa aba ng abang mawalay sa bayan,
Gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay;
Walang alaala’t inaasam-asam
Kundi ang makita’y lupang tinubuan.
Pati ang nagdusa’t sampung kamatayan
Wari ay masarap kung dahil sa bayan,
At lalong maghirap, oh, himalang bagay,
Lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.
Kung ang bayang ito’y mapapasa-panganib
At siya ay dapat ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang, kapatid,
Isang tawag niya’y tatalikdang pilit.
Hayo na nga, hayo, kayong nangabuhay
Sa pag-asang lubos ng kaginhawaan,
At walang tinamo kundi kapaitan,
Hayo na’t ibangon ang naabang bayan.
Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
Ng kahoy ng buhay na nilanta’t sukat
Ng bala-balaki’t makapal na hirap,
Muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.
Ipahandog-handog ang buong pag-ibig
At hanggang may dugo’y ubusing itigis,
Kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid,
Ito’y kapalaran at tunay na langit.
Mga Tulang Lumaganap Noong Panahon
ng mga Espanyol at Hapones

Sinasabing nang dumating


ang mga Espanyol sa ating
kapuluan ay marunong
nang magbasa at magsulat
ang ating mga ninuno.
Ang alpabetong ginamit
sa pagsulat ng Tagalog at
ng mga ibang
katutubong wika ng
Pilipinas na batay sa
tuntunin ng pagsulat ng
Espanyol.
BAYBAYIN:
ANG KATUTUBONG PARAAN NG PAGSULAT
.

Mga Patinig

Mga Katinig

-Dalawa ang Teorya ng pinagmulan ng baybayin. Ayon kay


Gregorio F. Zaide (Kasaysayan ng Republika ng Pilipinas, 1989).
- Nagmula sa Alpabetong Asoka ng India.
-Ang abakadang Pilipino ay nagbuhat sa matandang abakadang \
Malayo.
Ang Sistema ng Pagsulat
-Sa matandang sistema ng pagsulat,
mapapansing tatlo lamang ang bantas na
ginagamit noon.

-Ang dalawang guhit na patindig (││)


kumakatawan sa tuldok sa pagkatapos ng
bawat pangungusap.

-Ang krus sa ibaba ng isang titik kung nais


pawiin ang ponemang /a/ at tuldok
(tinatawag na corlit ng Espanyol kudlit
naman sa mga katutubo) na inilalagay sa
ibabaw ng katinig kung sinusundan ng
ponemang /e/ - /i/ sa ilalim ay /o/ - /u/.
Ang Abecedario
ng
Mananakop
ANG ABAKADANG TAGALOG

>Abakada ang unang naging Alpabeto.


>Ngunit nilapatan ng ilang prinsipyo ni Lope K. Santos ang
Tinaguriang Ama ng Balarilang Tagalog.
1. KORIDO

Ito’y mga tulang pasalaysay na may sukat na


walong pantig sa taludtod na tataglay ng mga
paksang kababalaghan at malaalamat na
karamiha’y hiram at halaw sa paksang Europeo.
2. AWIT

Tulang Romansa (metrical romance) na may sukat


na labindalawang pantig sa bawat taludtod na
kalimitang ang pangunahing paksa ay tungkol sa
bayani at madirigma at larawan ng buhay.
3. TULANG PATNIGAN
(JUSTICE POETRY)

Tulang sagutan na itinatanghal ng


magkatunggaling makata ngunit hindi sa paraang
padula. Ito’y paligsahan ng mga katwiran at
tagisan ng talino at tulain.
a. KARAGATAN

Ang paksa nito’y pumapatungkol


sa isang alamat na nauukol sa
singsing ng isang dalagang
nahulog sa gitna ng karagatan.
Binubuo ng mga saknong na
apatang taludtod at
labindalawahing pantig.
b. DUPLO

Ito ay ang pagtatalong


ginagamitan ng tula at
kahusayan sa pagbigkas.
Ang mga katwirang
ginagamit dito ay mga
salawikain, kawikaan at
kasabihan.
c. BALAGTASAN

Sa isang pulong na dinaluhan ng mga


makata sa Instituto de Mujeres sumilang
ang uring ito ng panulaang tagalog. Ang
kauna-unahang balagtasan ay
pinaglabanan ng mga makatang sina Jose
Corazon de Jesus at Florentino T.
Collantes na may paksang “Paruparo at
Bubuyog”. Si Jose Corazon de Jesus ang
kinilalang unang naging Hari ng
Balagtasan.
d. BATUTIAN

Ang pangunahing layunin nito ay


makapagbigay-aliw sa mga
nakikinig o mambabasa sa
pamamagitan ng katawa-tawa
ngunit malatotoong mga
kayabangan, panunudyo at
palaisipan.
Mga Tulang Lumaganap Noong
Panahon Ng Hapones

Sa aklat ng kasaysayan ay
makikitang nasakop ng
mga Hapones ang Pilipinas
noong 1941 hanggang 1945
• Isa ring uri ng maikling tula
• Binubuo ng tatlong taludtod na
may sukat na 5-7-5
• Tema ng Haiku: Kalikasan

Haiku
• Noong huling bahagi ng ika-19 na siglo,
pinalitan ni Masaoka Shiki ang pangalan ng
Hokku patungo sa pangalang Haiku
• Hendrik Doeff – unang kanluraning na
nakasulat ng Haiku

Haiku
• Katulad din ng tulang haiku sa bilang ng pantig
at maging sa pagkakaayos ng taludtod
• Kung ang haiku ay seryoso, ito naman ay may
bahid ng pagpapatawa o kagaspangan
• Human Haiku sa Ingles

Senryu
• Isang mga uri ng tula ng mga Hapon
• Ang ibig sabihin ng salitang Tanka ay “short poem
o maikling tula”
• Pinasikat ni Ildefonso Santos
• Kaiba sa Haiku dahil ito’y may sukat at tugma

Tanaga
• Binubuo ng pitong pantig sa bawat
taludtod
• May apat na taludtod sa bawat saknong at
hitik na hitik sa talinhaga

Tanaga
Tanaga Haiku
“Alipusta kayuro; Ngayong taglagas
kung sino ang kasuno ‘Di mapigil pagtanda
ng aso’y di kasundo; Ibong lumipad
ako’y iyong ituro.”

Halimbawa
Senryu
KAMATAYAN
MAGNANAKAW
Sa huling hinga
Ang magnanakaw
May isang kahilingan
Na aking huhulihin
Walang iiyak.
Anak ko pala.

Halimbawa

You might also like