You are on page 1of 2

II.

Kasaysayan ng Panitikan
Ang Makata
Isang walang katapusang pagkilala sa anumang akdang sining, isang pagpapahayag na hindi
basta maisusulit kahit ng dila o ng larawang guhit, maisasaysay ang nakakubling kagandahan ng
panahon, ng paligid ng sangkatauhan at ng kanyang daigdig- isang walang katapat na pagkilala,
siya ang MAKATA.
Siya na sa kanyang kamusmusan ay kinakitaan na ng likas na hilig at pagmamalasakit sa kahit
kaliit-liitang bagay na nararating ng kanyang paningin .
Nadarama ng kanyang puso at natatarok ng kanyang imahinasyon,ang katotohanang hindi
matatawaran.
Ang walang sigla ay mapasasaya, ang walang buhay ay mapagagalaw at ang walang silbi ay
siyang pinakamahalaga. Ito ang panginorin ng makata sa balanang nakapaligid sa kanya. Ang
kinamulatang paligid ang siyang tahanan ng makata.
Ang kariktan ng kalikasan ay pagkaing bumubusog sa kanyang puso, ang awit ng mga ibon at
malamyos na dampi ng amihan ang kanyang kaulayaw sa anumang sandal ng kanyang buhay na
tanging nakaaaliw at nagpapasaya sa kanyang pag-iisa. Wala siyang kalungkutan. Walang
pagkauhaw sa anumang pangangailangang malilikha ng panitik at lalong wala siyang katigatigan
sa buhay habang siya’y may hininga at pusong pumipintig.
Ang tanging bumubuhay sa kanya ay ang kanyang guniguni at ang balanang nakakaulayaw sa
lahat ng sandali ng kanyang buhay.

Inilarawan ni Milagros B. Macaraig ang makata sa kanyang tulang pinamagatang “Ang Makata
sa Kanyang Kabaliwan”.
Tahasang sinabi ni Gabriel(1986):ang isang makata,tulad ng ibang manunulat ay
tagapagbudbod ng mga salita .Wika ang midyum niya sa pagpapahayag.
Ayon kay Colerige, ang tula’y ang pinakamabuting salita sa kanilang pinakamabuting kaayusan.
Anupat ang tula’y lalong maraming sinasabi sa lalong kaunting salita lamang kaysa sa tuluyan,na
tuwiran na rin.
Ang makata sa madaling salita ay nagpapaliwanag ng mga bagay-bagay na siya lamang sa
kanyang sarili ang makapagbibigay-katuturan. Makatang masasabi ang taong sumusukat ng
kalaliman ng dagat,ang nakabibilang ng patak ng ulan, ang nakadarama ng lamig ng hanging
amihan habang dumadampulay sa kanyang balat at lalong higit ay tunay nga at ganap na
makatang masasabi yaong nakapaglalarawan ng mga bagay na hindi lantarang nakikita ng
kanyang mga mata.
Ang tula ay likha ng makata. Sa pamamagitan ng tula ay naihahanay ng makata ang mga
damdaming sakbibi ng kapighatian o kalungkutan, ligaya at gayon na rin ng tagumpay.
Anumang damdaming nag-uumalpas sa dibdib ng makata kung isinasataludtod ay tula.
Ang pagtula ay katawagang hindi magagawang ihiwalay sa makata dahil ito’y likha ng kanyang
kaluluwa,obra ng kalikasan,likhang sining ng kanyang pagkatao at padron ng kanyang
kabaliwan.
Masasabi pa ring ang makata ay nakapaglalarawan ng mga bagay-bagay na tulad ng ginagawang
paglalarawan ng isang pintor na sa bias ng pintura ay nagagawa niyang maiguhit ang kinulayang
dikta ng imahinasyon na hinugis ng kamay at hinulma ng guniguning hinagod ng damdaming
pilit na ipinapaliwanag ng mata na siyang nakakakita ng nakakubling kagandahan.
Sa tula, layunin ng makata ang pukawin ang damdamin ng sangkatauhan at damahin ang
kaluluwa upang tugpain ang tunay na kagandahan na siyang pinakamabuting buhay ng tunay na
sining. Sining na kung hindi mailalantad ay walang halaga ngunit patuloy sa pag-usbong sa puso
ng katalagahan upang lahat ay maging realidad ng tinta at panitik.

Mga Sanggunian:
https://www.google.com/search?
q=ang+makata+ni+macaraig+sa+kanyang+sulyap+sa+panulaang+filipino&oq=ang+makata&aqs=chrome.
1.69i59l3j69i61j69i60l2.4865j0j8&sourceid=chrome&ie=UTF-8
https://www.slideshare.net/JOJOG/jojo-guntang

You might also like