You are on page 1of 5

BAHAGI I

Tula at Makata

Aralin 1. Ang Makata at ang Tula

Mga Layunin at Inaasahang Bunga


Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Layunin 1 Layunin 2

Natatalakay Natutukoy ang


ang katuturan kahalagagahan
ng makata at ng tula.
tula.

Ayon kay Coleridge, ang tula ang siyang pinakamabuting salita sa kanilang
pinakamabuting kaayusan.

Ayon kay Julian Cruz Balmaceda, ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng
kagandahan, ng kariktan, ng kadakilaan---tatlong bagay na kailangang magkatipon-
tipon sa isang kaisipan upang mag-angkin ng karapatang matatawag na tula.

Ayon kay Iñigo Ed Regalado, ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan at
kabuuang tanang kariktang makikita sa silong ng alinmang langit.

Ayon kay Fernando Monleon na hinango niya sa pagpapakahulugan ni Macaulay na


ang pagtula ay paggagad at ito’y lubhang kahawig ng sining ng pagguhit, pagkilos at
pagtatanghal.
Ayon kay Alejandro G. Abadila na hinango niya sa pagbigigigay katuturan ni Edith
Sitwell, ang tula ay kamalayang nagpapasigasig (hightened consciousness).

Ano ang Tula?

Ang tula’y hiningang sa puso nagbuhat,


Mula man sa puso’y dibdib ang nagsiwalat;
Simbuyo’y damdaming gamit ay panulat
At sa titik niyo’y lahat naihayag.

Ang tula’y, tibok pati pulso,


Pintig na ang bukal biyaya sa tao,
Sikil ng damdaming siyang patotoo,
Ang tula ay buhay, isip at diwa ko.

Ang tula kung minsa’y nakahuhumaling


Magbasa’t magsulat nakaaaliw gawin,
Lalo pa’t kung tunay na sa’yo nanggaling
Ang diwa’t kalatas nagawang likhain.

Ang tula ay wika nitong kaluluwa,


Sambit niyang bibig minsa’y may tugma pa;
Bilang niyang pantig, sukat iyong dala
Taludtod sa saknong sadyang ipinila.

Ang tula ay aliw taynga ng madla,


Kariktan ay taglay nitong paksa;
Indayog at tono diyan ka hahanga,
Aliw-iw din hindi mawawala.

Ang tula ay hiyas nitong kamalayan,


Bumukal sa puso’t daloy sa isipan;
Umagos na diwa’y sahod gunamgunam.
Nagbatis sa lupa, nadilig ang tigang.

Ang tula’y gumamit ng piling salita.


At sa pamamangka’y sagwan yaong dila.
Sa pagpapahayag bagwis ng makata
Ginawang timbulang sumadsad sa lupa.

Tula nang dumaong sa dalampasigan,


Kayraming lumimot, isip ang nagtangan;
Puso at damdamin ang naging sisidlan
At plumang panulat ginawang sasakyan.

Ang tula’y nabuo nang di sinasadya


At sa mga aklat yao’y nalathala;
Dito na nagmula alamat ng bansa,
Ang tula ay likha, gawa ng makata .
KAHALAGAHAN NG TULA (Gervacio at Dizon, 2016)

Ang anyong panitikan ay nagpapahayag ng mga kaisipan, damdamin,


karanasan at diwa ng tao. Ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat
ng tuwiran o tuluyang patula. Ito’y dapat lamang nating pag-aralan dahil ang pag-
unawa sa tula ay nakadepende sa ating mga buhay. Nasa isipan ang uri ng tula ang
nais na gawin, mga karanasan lamang ito na kinakailingang pahalagahan at
pagtuunan ng pansin.
Ito’y nagpapalawak sa kamalayan ng indibidwal tungo sa isang mas malalim
na pagtingin o pananaw sa isang bagay na pinagtutuunan ng pansin ng awtor. Ito ay
isang instrumento na ginagamitan ng mga baybaying salita at tinutukoy nito ang isang
bagay na makasaysayan.

KATANGIAN AT KALIKASAN NG TULA (Gervacio at Dizon, 2016)

1. Katapatan
May iba’t ibang emosyon na nakapaloob sa tula-malungkot o masaya, matimpi
o masidhi. Ang emosyon o damdamin ay kailangang maging tunay at di gawa-
gawa lamang. Kailangang magmula ito sa puso ng makata. Hinihingi ng
katapatang pampanitikan ang ganap na pagkakatugunan ng dinaramdam ng
makata at ng kanyang mga larawang diwa, pananalita, at aliw-iw ng kanyang
tula.

2. Pagka-Panlahat
Kahit na tungkol sa dinaramdam ng makata ang damdaming ipinapahayag ng
kanyang tula, ang damdaming iya’y hindi dapat masalig sa mga bagay na
tanging pansarili lamang. Ang kanyang mga pagkalumbay o pagkagalak, ang
wika ni Connell, kung bagaman naibubulalas niya sa isang tula o awit, ang mga
iya’y dapat magpahiwatig ng mga bungang-isip na maaaring angkinin ng
mambabasa.

3. Pumipigil sa pag-iisip upang ito’y mabuhos sa isang bagay lamang


Iniiwasan ng makatang liriko ang pagpapasok ng mga di kailangang bagay sa
kanyang tula at hindi siya gumagamit ng malalawig na paglalarawan.

4. Ganap na kahusayan ng pagkakayari


Para kay Connell, ang kayaria’y dapat mabagay sa kaiklian at ito’y
naisasagawa—

Una, sa pamamagitan ng maingat na pagsunod sa simulain ng kaisahan.


Ikalawa, sa pamamagitan ng madulas at walang gatol na daloy ng g kaisipan.
Ikatlo, sa pamamagitan ng isang ganap na pagkatugunan ng galaw at himig ng
tula at ng kasipan at damdamin nito.

ANG MAKATA

Isang walang katapusang pagkilala sa anumang akdang sining, isang


pagpapahayag na hindi basta maisusulit kahit ng dila o ng larawang guhit, hindi
maisasaysay ang nakukubling kagandahan ng panahon, ng paligid ng sangkatauhan
at ng kanyang daigdig – isang walang katapat na pagkilala, siya ang MAKATA.

Ang Makata sa Kanyang Kabaliwan

Sa upuang kahoy
Hindi mapakali
Hindi mapalagay
Plumang nasa kamay
Pinaglalaruan…
Pagkuwa’y tumayo
Tahimik… malungkot
Sakbibi ng lumbay
Kinusot ang mata
Daliri’y naglaro
at saka nabilang
Bumulong sa hangin
Nagugulumihanan
Tahimik…mapanglaw
At muling bumulong
May salitang tinuran
Pagdaka, upuang kahoy
Ay muling minasdan
May ngiti sa labi
Wala na ang lumbay
Umamo ang mukha
Papel ay pinigtal
May sigla sa puso’t
Pluma’y tinanganan
Saka pinagmasdan
Tinta’y pinaluha
Sa papel dumaloy
Papel ay binasa
Ng hungkag na diwa
Hinagpis ay pumakawala
Halakhak di ngiti
Bumasag sa dilim
At pumailanlang
At noo’y nalikha ng baliw
Yaong kanyang kabaliwan.
Makata-Ayon kay Fernando Monleon, ang makata’y ipinanganak, hindi ginawa. Ang
kanyang kabaliwa’y kasabay na niyang ipinaglihi at sumilang: kakambal ay damdamin,
kakawil ng kanyang hininga at bahagi ng kanyang buhay.

Ayon naman kay Johnson, “Ang isang batikang makata ay ginagawa at gayundin ay
ipinanganganak.”

Tahasang sinabi ni Gabriel (1986): ang isang makata, tulad ng ibang manunulat ay
tagapagbudbod ng mga salita.

You might also like