You are on page 1of 15

PF 321 : PANULAANG FILIPINO

Propesor : Anesa Panday – Mangindra, PhD


ARALIN 1. KAHULUGAN NG TULA AT MAKATA

Tula Makata
Ang tula ang siyang pinakamabuting salita sa kanilang
pinakamabuting kaayusan (Coleridge).

Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng


kagandahan, ng kariktan, ng kadakilaan---tatlong bagay na
kailangang magkatipon-tipon sa isang kaisipan upang mag-
angkin ng karapatang matatawag na tula (Julian Cruz
Balmaceda).

Ang tula ay isang kagandahan, diwa, katas, larawan at


kabuuang tanang kariktang makikita sa silong ng alinmang
langit (Inigo Ed Regalado).
Ang pagtula ay paggagad at ito’y lubhang kahawig ng
sining ng pagguhit, paglililok at pagtatanghal. Ang saklaw ng
pagtula ay higit na malawak kaysa alinman sa ibang gagad na
mga sining pagsama-samahin man ang mga ito (Fernando
Monleon hango kay Macaulay).

Ang tula ay kamalayang nagpapasigasig/napataas na


antas ng kamalayan (hightened consciousness) – Alejandro G.
Abadilla hango kay Edith Sitwell).
ANO ANG TULA?
Ang tula’y hiningang sa puso nagbuhat,
Mula man sa puso’y dibdib ang nagsiwalat;
Simbuyo’y damdaming gamit ay panulat
At sa titik niyo’y lahat naihayag.

Ang tula’y, tibok pati pulso,


Pintig na ang bukal biyaya sa tao,
Sikil ng damdaming siyang patotoo,
Ang tula ay buhay, isip at diwa ko.
Ang tula kung minsa’y nakahuhumaling
Magbasa’t magsulat nakaaliw gawin,
Lalo pa’t kung tunay na sa’yo nanggaling
Ang diwa’t kalatas nagawang likhain.

Ang tula ay wika nitong kaluluwa,


Sambit niyang bibig minsa’y may tugma pa;
Bilang niyang pantig, sukat iyong dala
Taludtod sa saknong sadyang ipinila.
Ang tula ay aliw taynga ng madla,
Kariktan ay taglay nitong paksa;
Indayog at tono diyan ka hahanga,
Aliw-iw din hindi mawawala.

Ang tula ay hiyas nitong kamalayan,


Bumukal sa puso’t daloy sa isipan;
Umagos na diwa’y sahod gunamgunam.
Nagbatis sa lupa, nadilig ang tigang.
Ang tula’y gumamit ng piling salita.
At sa pamamangka’y sagwan yaong dila.
Sa pagpapahayag bagwis ng makata
Ginawang timbulang sumadsad sa lupa.

Tula nang dumaong sa dalampasigan,


Kayraming lumimot, isip ang nagtangan;
Puso at damdamin ang naging sisidlan
At plumang panulat ginawang sasakyan.
Ang tula’y nabuo nang di sinasadya
At sa mga aklat yao’y nalathala;
Dito na nagmula alamat ng bansa,
Ang tula ay likha, gawa ng makata.
ANG MAKATA
Ang makata’y ipinanganak, hindi ginawa. Ang kanyang kabaliwa’y
kasabay na niyang ipinaglihi at sumilang: kakambal ay damdamin,
kakawil ng kaniyang hininga at bahagi ng kaniyang buhay (Fernando
Monleon).

Ang isang batikang makata ay ginagawa at gayundin ay


ipinanganganak (Johnson).

Ang isang makata, tulad ng ibang manunulat ay tagapagbudbod ng


mga salita (Gabriel, 1986).
Ang Makata sa Kanyang Kabaliwan

Sa upuang kahoy
Hindi mapakali
Hindi mapalagay
Plumang nasa kamay
Pinaglalaruan….
Pagkuwa’y tumayo
Tahimik… malungkot
Sakbibi ng lumbay.
Kinusot ang mata
Daliri’y naglaro
At saka nagbilang
Bumulong sa hangin
Nagugulumihanan
Tahimik…mapanglaw
At muling bumulong
May salitang tinuran
Pagdaka, upuang kahoy
Ay muling minasdan
May ngiti sa labi
Wala na ang lumbay
Umamo ang mukha
Papel ay pinigtal
May sigla sa puso’t
Pluma’y tinanganan
Saka pinagmasdan
Tinta’y pinaluha
Sa papel dumaloy
Papel ay binasa
Ng hungkag na diwa
Hinagpis ay pumakawala
Halakhak di ngiti
Numasag sa dilim
At pumailanlang
At noo’y nalikha ng baliw
Yaong kanyang kabaliwan. .
Maraming salamat
sa pakikinig!

You might also like