You are on page 1of 96

DISKURSO NG WIKA AT KASARIAN SA PELIKULANG

DEKADA ’70 AT BATA BATA PAANO KA GINAWA NI


LUALHATI BAUTISTA

SEDRICK S. OMANGAL JR.

BATSILYER NG EDUKASYONG PANSEKONDARYA


(Filipino)

DISYEMBRE 2023
DISKURSO NG WIKA AT KASARIAN SA PELIKULANG
DEKADA ’70 AT BATA BATA PAANO KA GINAWA NI
LUALHATI BAUTISTA

SEDRICK S. OMANGAL JR.

Isang Riserts Manuskrito na Ipinasa sa Departamento ng Edukasyong


Pansekondarya, Kolehiyo ng Edukasyon, University of Southern Mindanao, Kabacan,
Cotabato, Bilang Isa sa mga Kahingian sa Kursong

BATSILYER NG EDUKASYONG PANSEKONDARYA


(Filipino)

DISYEMBRE 2023

2
UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO
Kabacan, Cotabato
Philippines
DAHON NG PAGPAPATIBAY (MANUSKRITO)

Pangalan SEDRICK S. OMANGAL JR.


Medyor FILIPINO
Digri BATSILER NG EDUKASYONG PANSEKONDARYA
Pamagat ng Riserts DISKURSO NG WIKA AT KASARIAN SA PELIKULANG
DEKADA ’70 AT BATA BATA PAANO KA GINAWA NI
LUALHATI BAUTISTA

PINAGTIBAY NG KOMITE NG TAGAPAYO

SHANDRA C. GONSANG, PhD _______________________________


Tagapayo Kasamang Tagapayo
(Opsyunal)
______________ ______________
Petsa Petsa

___________________________ AMEE ROSE B. NONOL, MALT


Istatistisyan Riserts Koordineytor ng Departamento
(Opsyunal)
______________ ______________
Petsa Petsa
GIRLIE D. BATAPA, PhD
Tagapangulo ng Departamento

______________
Petsa

NORQUEZ M. MANGINDRA, EdD KAUTIN S. KULANO, EdD


Riserts Koordineytor ng Kolehiyo Dekano
______________ ______________
Petsa Petsa
Blg. ng Pag-aaral: __________________
Blg. ng Indeks: _____________
Itinala ni: ________________
ITINALA:
LYDIA C. PASCUAL
Direktor, Riserts at Debelopment
_____________
Itinala ni: __________ Petsa

USM-EDR-F05a-Rev.0.2022.10.18
ii
UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO Colleg
e Seal
Kabacan, Cotabato
Philippines
DAHON NG PAGTANGGAP

Ang kalakip na riserts na may pamagat na “DISKURSO NG WIKA AT

KASARIAN SA PELIKULANG DEKADA ’70 AT BATA BATA PAANO KA

GINAWA NI LUALHATI BAUTISTA” na inihanda at isinumite ni SEDRICK S.

OMANGAL JR. bilang pagtupad sa isa sa mga kahingian para sa digring

BATSILER NG EDUKASYONG PANSEKONDARYA ay tinatanggap.

SHANDRA C. GONSANG, PhD


Tagapayo

______________
Petsa

NORQUEZ M.
MANGINDRA, EdD
Riserts Koordineytor ng Kolehiyo

______________
Petsa

iii
USM-EDR-F10a-Rev.0.2022.10.18
BAYOGRAPIKAL NA DATOS

Ang mananaliksik ay pangatlong anak sa apat na anak nina Sedrick D.

Omangal Sr. at Jonalyn S. Omangal, na nagsilbing insipirasyon at motibasyon

para sa kanya upang magsikap na matapos ang kanyang pag-aaral. Siya ay

tubong Kabacan, North Cotabato at isinilang noong Hunyo 15, 2001 sa Bai

Matabay Plang Village III Kabacan, Cotabato.

Noong 2014, tinapos ng mananaliksik ang kanyang kindergarten at

anim na taon sa elementarya sa pampublikong paaralan ng USM, Annex

Central Elementary School. Tinapos niya ang kanyang Junior High School sa

Kabacan Wesleyan Academy Inc. sa taong 2018 habang taong 2020 naman

siya nagtapos sa Notre Dame of Kabacan Inc. para sa kanyang Senior High

School sa strand na Humanities and Social Sciences (HUMSS).

Lumaki ang mananaliksik kasama ang kanyang apat na kapatid sa

pangangalaga ng kanyang ama at ng kanyang lola at lolo, dahil sa murang

edad iniwan sila ng kanyang ina dahil ito ay nangibang bansa upang may

pantustos sa kanilang magkapatid sa pag-aaral at may pangraos sila sa pang

araw-araw.

Sa kasalukuyan, dahil sa labis na suporta at pagmamahal ng kaniyang

pamilya ang mananaliksik ay nagpapakadalubhasa sa wika at panitikang

Filipino sa Pamantasan ng Katimugang Mindanao, Kabacan, Cotabato at siya

ay nasa ika-apat na taon ng kaniyang napiling kurso na Batsilyer ng

iv
Edukasyong Sekondarya. Sa kanyang pamamalagi sa loob ng unibersidad,

siya ay sumali at naging aktibong kaanib ng iba’t ibang organisasyon tulad ng

Future Secondary Mentors’ Society (FSMS) at naging miyembro rin ng

Kapisanan ng Kabataang Maka-Pilipino (KKMP). Sa kasalukuyan, siya ay

nasa ika-4 na taon at inaasahang magtatapos ng kolehiyo sa taong 2024.

Nagpatuloy siya sa kanyang pag-aaral at nagsikap upang malampasan

ang lahat ng mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay, ayon nga sa

kataga, “Education is the passport to the future”, ito ang kataga na tumutulong

sa mananaliksik upang bigyang motibasyon at inspirasyon ang kanyang sarili

na makamit ang kanyang mga nais na pangarap at daan patungo sa

tagumpay na hinaharap.

SEDRICK S. OMANGAL JR.


Mananaliksik

v
PASASALAMAT

Taos sa pusong pasasalamat ng mananaliksik sa mga mahahalagang

tao na naglaan ng kanilang panahon, gumabay, inspirasyon, at tumulong sa

kanya upang ang pag-aaral na ito ay maisakatuparan na handang nagbahagi

ng kanilang kaalaman at suporta sa mananaliksik.

Sa tagapayo ng pananaliksik na ito, Prof. Shandra C. Gonsang, PhD,

ma’am Shan maraming salamat sa lahat sa walang sawang pagwawasto ng

aking papel, sa pagbigay ng mga suhestiyon sa kung ano dapat ang gawin

upang maging maganda at matagumpay ang aking pag-aaral. Maraming

salamat sa lahat ng gabay, payo, at mga salitang ipinabaon mo sa amin

upang maging malakas ang aming loob sa araw ng pagdepensa, sa mga

kaalaman na iyong ibinahagi sa amin, at sa mga paalala, salamat po. Hindi

matutumbasan ng salitang salamat ang iyong mga nagawa para maiwasto

ang aking papel, palagi kang andiyan sa tuwing ako ay may katanungan,

ginagabayan mo ako lagi sa aking ginagawang pag-aaral at para ma idepensa

ko ito ng maayos at matiwasay. Ikaw ang isa sa mga taong kasama ko sa

pag-abot ng aking panagarap na makapagtapos sa kursong aking tinatahak.

Sa muli, maraming maraming salamat ma’am Shan.

Kina Dr. Maria Luz D. Calibayan, Dr. Mary Jane B. Martin, Prof. Fritz

May A. Reyes, MALT-Fil, Prof. Angelie V. Namia, salamat po sa

pagbabahagi ng inyong kaalaman sa mananaliksik, sa inyong mga payo, at

vi
mga suhestiyon na ibinahagi sa mananaliksik na nagsilbing gabay upang

lalong mapakinis at mapagtagumpayan ng mananaliksik ang kaniyang

isinagawang pag-aaral.

Sa aking ina na si Jonalyn S. Omangal na lumuwas sa ibang bansa

upang mabigyan ako ng magandang kinabukasan. Mommy kunti nalang

makakapagtapos na rin ako ng pag-aaral, maraming maraming salamat sa

mga sakripisyo na iyong ginawa alam kung sobrang hirap ng iyong dinaranas.

Balang araw ang lahat ng iyong sakripisyo at paghihirap ay masusuklian ko rin

pagdating ng panahon. Sa aking ama na si Sedrick D. Omangal Sr. na

sumuporta din sa aking ginawang pag-aaral, pagbibigay ng mga payo upang

maisakatuparan ang aking hangarin, maraming salamat po daddy.

Sa lahat ng mga guro sa Kagawaran ng Wika at Panitikang Filipino

sa ibinahagi nilang kaalaman at karanasan. Isang walang humpay na

pasasalamat sa paghubog ng pagkatao ng mananaliksik at sa hindi

matatawarang pagtitiwala bilang kanilang mag-aaral. MARAMING SALAMAT

PO MA’AM AT SIR!

Sa aking mga kaibigan na “Team Quibs” lubos ang aking pasasalamat

sa sainyo sa walang sawang suporta. Nandiyan kayo upang bigyan ng lakas

ng loob ang mananaliksik na maisasakatuparan ang pananaliksik na ito.

Sa kanyang kaklase na si Shaimah M. Guiamla at JM Jamaica T.

Cruz., sa Team Gonsang; Lariza P. Bautista, Hanna Bie T. Idtug at Marlon

W. Siva, at sa buong 4 BSE-Filipino, siya ay nagpapasalamat sa nabuong

vii
samahan sa loob ng apat na taon na nagbigay ng malaking pagbabago sa

buhay ng mananaliksik, sa mga payo, iyakan, tawanan, at alaala na hindi

mapapalitan ng milyong salapi. Sila ang nagbigay kulay sa buhay kolehiyo ng

mananaliksik. Taos-pusong nagpapasalamat ang mananaliksik sa mga balikat

na maaasahan niya sa oras ng kagipitan, kalungkutan, at kabiguan na nagturo

sa kanya upang maging optimistiko – ang magkaroon ng positibong pananaw.

MARAMING SALAMAT SA INYO GUYS!

Higit sa lahat, ang Allah swt, na siyang nagpapatatag ng loob at

gumabay sa mananaliksik. Salamat sa pagdinig at pagsagot ng mga

panalangin ng mananaliksik. Jazaakumullahu Khayran, sa lahat ng mga

naging bahagi ng pag-aaral na ito. Maraming salamat nawa’y gabayan mo pa

ako sa aking susunod na hakbang at plano sa buhay.

Sa muli, MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG NAGING BAHAGI NG

AKING PAG-AARAL AASAHAN NIYONG HINDI KO KAYO BIBIGUIN.

viii
TALAAN NG NILALAMAN

Pahina
MGA PRELIMINARYONG PAHINA
Pahina ng Pamagat

Dahon ng Pagpapatibay (Manuskrito)……………………………………......ii

Dahon ng Pagtanggap…………………………………………………………iii

Bayograpikal na Datos…………………………………………………………iv

Pasasalamat…………………………………………………………………….vi

Talaan ng Nilalaman …………………………………………………………..ix

Talaan ng Talahanayan……………………………………………………….xi

Talaan ng Apendises…………………………………………………………xii

Abstrak………………………………………………………………………….xii

INTRODUKSYON…………………………………………………………………..1

Operasyunal na Depenisyon ng mga Termino……………...…………..…..4

Batayang Teoretikal…………………………………………...………………..6

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA..........................................10

Dekada '70................................................................................................10

Pelikula.....................................................................................................15

Teoryang Feminismo................................................................................16

Lualhati Bautista.......................................................................................17

Bata Bata Paano Ka Ginawa?..................................................................18

Wika at Seksismo.....................................................................................19

ix
Gender Stereotyping................................................................................20

Diskurso……….........................................................................................21

METODOLOHIYA………………………………………………………………...23

Disenyo ng Pag-aaral…………………………………………………………23

Tungkulin ng Mananaliksik.......................................................................24

Pinanggalingan ng Datos…......................................................................25

Paraan ng Pangngalap ng mga Datos……………………………………...25

Paraan ng Pag-aanalisa ng mga Datos…………...……………..………...26

Baliditi ng mga Datos………………………………...……………………….27

Konsiderasyong Etikal…………………………………………...…………...27

RESULTA AT DISKUSYON..........................................................................29

BUOD, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON……………………………62

TALASANGGUNIAN……………………………………………………………..71

APENDISES……………………………………………………………………….75

PERSONAL NA DATOS NG MANANALIKSIK.………………………………78

x
TALAAN NG TALAHANAYAN

Talahanayan Pamagat Pahina

1
Papel ng mga tauhang babae sa pelikulang
“Dekada ’70” at “Bata Bata Paano Ka Ginawa”. 31

2 Mga salitang madalas iukol at iugnay sa mga


tauhang babae sa pelikula. 44

3 Isteryutipo at Pagwawaksi ng mga tauhang


babae sa pelikulang “Dekada ‘70” at “Bata Bata 51
Paano Ka Ginawa”.

. TALAAN NG APENDISES

xi
TALAAN NG APENDISES

Apendises Pamagat Pahina

A Aktuwal na Gastusin ng Riserts……………………….……

B Aplikasyon para sa Depensa ng Riserts Manuskrito.........

ABSTRAK

OMANGAL, SEDRICK JR S. 2023. Diskurso ng Wika at Kasarian sa


Pelikulang Dekada '70 at Bata Bata Paano Ka Ginawa ni Lualhati
Bautista. BSE Tesis. Kolehiyo ng Edukasyon, University of Southern
Mindanao, Kabacan, Cotabato. 94 pp.

Tagapayo: SHANDRA C. GONSANG, Phd

Ang pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito ay mailahad ang

diskurso ng wika at kasarian sa pelikulang "Dekada '70" at "Bata Bata Paano

Ka Ginawa" ni Lualhati Bautista, partikular na ang papel ng mga kababaihan

tauhang babae sa pelikula. Ang mga tiyak na katanungan ng pag-aaral ay ang

xii
mga sumusunod; (1) Ano ang papel ng mga tauhang babae sa pelikulang "

Dekada '70" at "Bata Bata Paano Ka Ginawa" ni Lualhati Bautista? (2) Anong

salita ang madalas iukol sa mga tauhang babae sa pelikula? (3) Paano

ipinakita ang pag-iisteryutipo sa mga tauhang babae na nasa pelikulang

"Dekada '70" at "Bata Bata Paano Ka Ginawa" ni Lualhati Bautista? (4) Paano

winaksi ang pag-iisteryutipo sa mga tauhang babae sa pelikulang "Dekada

'70" at "Bata Bata Paano Ka Ginawa" ni Lualhati Bautista?

Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng kwalitatibong disenyo o

qualitative. Ginamit din na batayan sa pagsusuri ng mga datos ang Content

Analysis.

Sa kabuuan, nabuo ng mananaliksik ang sumusunod na konklusyon:

Una, ang papel ng mga tauhang babae sa pelikulang "Dekada '70" at "Bata

Bata Paano Ka Ginawa" ay nagpapakita ng pag-unlad at pagbabago ng

lipunan sa panahong iyon. Pangalawa, ang mga salita na madalas iukol at

iugnay sa mga tauhang babae sa mga pelikulang "Dekada '70" at "Bata, Bata

Paano Ka Ginawa" na may kaugnayan sa kanilang pagiging "palaban,"

"tapang," "determinasyon" at pagiging "makalilimutin." Pangatlo, ipinakita ang

mga tauhang babae na hindi lamang limitado sa tradisyunal na mga papel

tulad ng pagiging ina o asawa, ipinakita din ang kanilang mga ambisyon, mga

laban para sa kanilang mga karapatan. Ngunit hindi lahat ng tauhang babae

sa pelikula ay naipakita ang pag-iisteryutipo. Panghuli, nagtagumpay sa

pagwawaksi ng pag-iisteryutipo sa mga tauhang sa pamamagitan ng

xiii
pagbibigay-diin sa kanilang kakayahan, laban sa tradisyunal na inaasahan, at

pagtatanghal ng mas makatarungan at totoong larawan ng kababaihan sa

lipunan.

Mga Susing Salita: Diskurso, Isteryutipo, Pelikula, Tauhang Babae, Wika

xiv
INTRODUKSYON

May iba't ibang panawagan ang manggagawa. Ang bawat isa sa

kanila ay may alalahanin na gusto nilang ipaalam sa mga kinauukulan. Unti-

unting lumalakas ang kanilang tinig upang ipahayag ang kanilang

pinagdadaanan at karanasan. Ang tula ay isang paraan upang ipahayag ang

nangyayari sa manggagawa. Maaaring talakayin ng tula ang naghaharing uri

at ang pinaghaharian nito. Ang manggagawa ay nabibigyan ng pagkakataong

makinig at umasa na mapagtuunan ng pansin ang kanilang isyu. Ang tula ay

nagpapataas at nagpapahalaga sa manggagawa.

Ang tula ay isang uri ng panitikan kung saan ang damdamin ng isang

tao ay ipinapahayag. Ang isa sa dalawang uri ng panitikan kung saan ang

malayang paggamit ng wika ay kilala bilang tula. Ang akdang panulaan ay

karaniwang may angkop na batayan, na ginagawang madaling tukuyin.

Ang bawat akdang pampanitikan ay tumatalakay sa temang may

kaugnayan sa lipunan, na nagbibigay-daan sa mambabasa na maunawaan

ang tunay na kaganapan na nakakaapekto sa buhay ng tao. Ang panitikan na

isinulat ng bawat manunulat ay nagsisilbing isang imahe ng katotohanan.

Ang panitikan ay hindi lamang repleksiyon, kalikasan, o lipunan, ayon kay

Cruz (1994). Sa halip, ito ay nagpapahiwatig ng isang partikular na

hypothesis o pagpapakahulugan na ginawa ng manunulat o manlilikha

tungkol sa kanilang lipunan o daigdig.


2

Ang akda ng manunulat ay naging paraan ng pagpapahayag ng

kanilang protesta o himagsik. Ang akdang ito ay tungkol sa pangyayaring

panlipunan pati na rin ang pagtuligsa sa maling patakaran o patakaran na

kasalukuyang umiiral. Inilarawan ng mayakda ang pagbabago o reporma na

gusto nilang gawin. Ang kanilang layunin ay magsagawa ng reporma sa

patakaran at pamamahala na maling o baluktot.

Marami ang nagsagawa ng pagsusuri sa tula. Ang kanilang pag-aaral

ay nakatuon sa imahe ng mga babae, bahagi ng tula, at balyu, pati na rin ang

isyung panlipunan, ngunit hindi sila tiyak na nag-aaral ng aspeto ng buhay o

ekonomiya na nagdudulot ng pagkakaiba-iba sa pagitan ng uri ng tao sa

lipunan. Kaya, ang layunin ng pag-aaral ay suriin ang relasyon sa pagitan ng

manggagawa at kapitalista na tinalakay sa iba't ibang uri ng tula na isinulat sa

iba't ibang panahon.

Sa mag-aaral. Magkakaroon sila ng ideya sa paraan ng pagsusuri ng

tula gamit ang Teoryang Marxismo. Magbibbigay din ito sa kanila ng

karagdagang kaalaman tungkol sa iba’t ibang isyu na nauugnay sa mga

manggagawa.

Sa panig ng guro. Magiging karagdagang halimbawa ito sa talakayan

sa klase hinggil sa pagsusuri ng akdang pampanitikan gamit ang Teoryang

Marxismo.
3

Sa makata. Maaari itong magbigay sa kanila ng ideya tungkol sa kung

ano ang maaaring isulat tungkol sa isyung panlipunan sa kasalukuyan na

makatutulong sa mamamayan.

Sa susunod na mananaliksik. Magbibigay ng kaalaman ang

isasagawang pagaaral kung paano magsuri gamit ang teoryang Marxismo.

Magsisilbi itong gabay sa mga susunod na mananaliksik na nais magsuri ng

mga akdang pampanitikan. K

Operasyunal na Depinisyon ng mga Termino

Ang mga sumusunod na salita ay ang mga terminong gagamitin sa

pag-aaral. Ito ay bibigyan ng pagpapakahulugang operasyonal upang lubos

na maunawaan at maintindihan ng sinumang babasa sa nasabing pag-aaral.

Tula- Anyo ng Panitikan na susuriin sa pananaliksik.

Pagsusuri- Ito ang pag-aanalisa sa nilalama ng tula ayon sa tinutukoy na

suliranin ng pag-aaral na nakabatay sa teorya.

Pagtutol – Ito ay tumutukoy sa hindi pagsang-ayon ng mga manggagawa sa

pamamalakad ng mga empleyado na maaaring mababasa sa mga

tulag susuriin.

Pakikibaka – Tumutukoy sa pagkilos at pakikipaglaban ng mga manggagawa

na maging karapat-dapat para sa kanila.


4

Batayang Teoretikal

Ang Teoryang Marxismo ay naging batayan ng pag-aaral. Ang

magkapatid na Karl Marx at Friedrich Engels ay nagbigay ng ideya ng

Marxismo. Ang naghaharing uri, pinaghahariang uri na kabilang sa gitnang-

uri, at uring-manggagawa ay ang uri ng tao na nabuo bilang resulta ng

pangkabuhayan o pang-ekonomiyang pagkakaiba-iba na binibigyang-diin ng

Marxismo. Ang pagdulog na ito ay tumutukoy sa di-pagkakapantaypantay sa

pagitan ng tao bilang resulta ng hindi pantay na distribusyon ng ari-arian sa

larangang pangkabuhayan (Santos at Tayag, 2017). Ang layunin ng pagsusuri

ay gamitin ang ideolohiya ng Marxismo upang ilagay ang paghihirap at

karanasan ng nasa mababang-uri sa kamay ng nasa itaas na uri. Ang Mimir

Encyclopedia of Tagalog ay nagsasaad na ang marxismong pagdulog ay ang

pagtaas ng salungatan sa pagitan ng klase ng taong nasa itaas o kapitalistang

uri ng lipunan at nasa ibabang uri ng lipunan. Sa pagdulog na ito, ipinapakita

na ang mayayamang burgesya, o burgesya, ay namamahala sa lipunan, na

naniniwala na ang kanilang kayamanan ay nagmula sa paghihirap ng

proletaryado, o proletariat. Ang manggawang sinasahuran ng burgesya upang

magtrabaho para sa kanila ay kilala bilang proletaryado.

Ang Marxismong pagdulog ay ang pinakamahusay na paggamit dahil

gumagamit ito ng paraan na kilala bilang makasaysayang materialismo. Ito ay

naglalarawan kung paano pinangangasiwaan ng nasa itaas na posisyon ang


5

bagay at kung paano nakikipagugnayan ang iba't ibang estado ng tao sa

lipunan sa pagbabago sa sistema ng ekonomiya.

Ang Reader's Response Theory ay may benepisyo din sa pag-aaral na

ito. Ipinakita nina Santos at Tayag (2017) na ang krito ay may iba't ibang antas

ng subhektidad. Ang kanilang paniniwala ay ang isang akda ay hindi maaaring

maunawaan sa isang paraan. Ang teorya ng pagtanggap at pagbasa ng

mambabasa, o teorya ng pagtanggap at pagbasa, ay naglalayong ipakita kung

ano ang nangyayari sa kanilang isip habang sila ay nagbabasa ng akda o

teksto. Binabawasan din ng pag-aaral na ito ang tradisyunal na diin sa teksto

at sa produksyon nito, pati na rin ang maling obhektibismo na nauugnay sa

produktong kultural. Iginiit nito na ang mambabasa ay isang mahalagang

bahagi ng teorya. Ang bawat henerasyon ng taong nagbabasa ng teksto ay

gumagawa ng iba't ibang interpretasyon nito, na nauugnay sa kanilang

pananaw sa lipunan at ideolohiya.

Hindi maikakailang hindi maihihiwalay ng pagsusuri ang oras na

ginugol ng isang akda. Ang mambabasa ang bumubuo ng lahat ng

interpretasyon, ayon kay Gadamer (Reyes, 1992:115-116). Ang paggawa ng

pagpapakahulugan ay isang patuloy na reinterpretasyon mula sa

kasalukuyang punto ng view. Upang mas mahusay na maunawaan ang

larawan at simbolo, kinakailangan ang pag-unawa sa kasalukuyang

kaganapan pati na rin ang konteksto ng wika, panitikan, at siyensya.


6

Isang batayan pa ng pag-aaral ay ang teoryang sosyolohikal. Ito ay

isang malawak na konsepto na ginagamit sa mga pag-aaral ng lipunan at

kultura. Ito ay tumutukoy sa mga teorya na nagbibigay-diin sa mga ugnayan

ng mga tao sa isa't isa at sa lipunan, at kung paano ang mga ugnayan na ito

ay nakakaapekto sa kanilang pag-uugali, paniniwala, at karanasan. Ang mga

teoryang sosyolohikal ay madalas na ginagamit upang maunawaan at

ipaliwanag ang mga pattern at mga pagbabago sa lipunan.

May mga iba't ibang uri ng teoryang sosyolohikal, tulad ng

functionalism, conflict theory, at symbolic interactionism. Ang functionalism ay

tumutukoy sa ideya na ang bawat bahagi ng lipunan ay may tungkulin na

ginagampanan para sa kabutihan ng buong lipunan. Ang conflict theory ay

nagpapaliwanag na ang mga konflikto sa lipunan ay nagaganap dahil sa mga

hindi pagkakasunduan sa mga resources at kapangyarihan. Samantala, ang

symbolic interactionism ay nagpapaliwanag na ang mga tao ay nag-uugnay at

nag-uusap sa isa't isa sa pamamagitan ng mga simbolo.


7

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Sa kabanatang ito ay matutunghayan ang mga kaugnay na pag-aaral

at literatura na mahalaga para sa mananaliksik upang mas malinaw ipahayag

ang kasalukuyang pag-aaral. Sa mga pelikulang Dekada ’70 at Bata, Bata

Paano Ka Ginawa? ni Lualhati Bautista, ang mga ideya at kaisipan na nakuha

mula dito ay nagsisilbing batayan at pundasyon para sa pag-aaral na ito na

may kaugnayan sa diskurso ng wika at kasarian.

Tula

Ang makata ay patuloy na gumagawa ng mga akdang pampanitikan.

Sa ngayon, sila ay patuloy na, nagtatangka, at naghahanap ng sangkap na

mahalaga sa pagbuo ng akdang pampanitikan. Hanggang ngayon,

gumagawa pa rin sila ng akda at nagpapasigla sa kanilang imahinasiyon,

damdamin, at kaisipan (Angeles et al.,2020). Batay sa aklat ni Santiago et al.

(2018),inisa-isa ang pagpapakahulugan ng tula ng iba’t ibang dalubhasa.

Ang tula, ayon kay Julian Cruz Balmaceda, ay naglalarawan ng kagandahan

at kariktan na nabuo sa isang kaisipan upang matawag itong tula. Si Iňigo Ed

Regalado ay nagsabi na ito ay isang kabuuang tonong kariktang makikita na

may kagandahan, diwa, katas, at larawan sa silong ng alimang langit. Sa


8

kabaligtaran, ang Fernando Monleon ay nagsabi na ang tula ay isang gawa

ng isang manunulat o

manlilikha.
Ang Panitikan ay nahahati sa dalawang kategorya. Ito ay panulaan at

prosa. Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino, ang panulaan ay isang kada na

may taludtod at gumagamit ng partikular na salita at ritmo upang ipahayag

ang damdamin sa pamamagitan ng pagsulat ng akda. Bukod pa rito, sa

kabila ng katotohanan na ito ay isang akdang malayang taluturan, mayroon

pa rin itong mahusay na wika at kaisipan.

Gayundin, ayon kay Lope K. Ang tulang Tagalog, ayon kay Santiago

at Atonio (2017), ay may apat na katangian. Ang unang dalawang katangian

na tumutukoy sa pisikal o panlabas na estruktura ng tula ay sukat at tugma.

Gayunpaman, ang dalawang huling katangian ng tula, ang talinghaga at

kariktan, ay tumutukoy sa panloob na estruktura ng tula.

Karanasan ng Manggagawang Pilipino Mula sa Mga Akdang

Pampanitikan

Ang kasalukuyang pag-aaral ay may kaugnayan sa pag-aaral ni Tayag

(2017), na naglalayong matukoy at masuri ang kalagayang sosyal at politikal

ng Pilipinas na ipinakita sa Pugad Baboy na komiks strip. Sinagot ang mga

sumusunod na katanungan: (1) Sino ang malikhaing nag-iisip ng bagay sa


9

Pugad Baboy? Ano ang nag-udyok sa kanya na gumawa nito? (2) Sino ang

indibidwal na nagbigay ng buhay sa Pugad Baboy? (3) Sa loob ng tahanan,

institusyong pang-edukasyon, gobyerno, at simbahan, anong mga

sosyopolitikong kalagayan ng Pilipinas ang ipinakita ng komiks ng Pugad

Baboy? (4) Sa anong paraan ipinakita ang sitwasyong ito sa bawat institusyog

panlipunan?

Ang pananaliksik ay gumamit ng isang kumbensyonal na disenyo.

Ginamit ang deskriptibong pamamaraan at ang analisis ng nilalaman ng

dokumento, o content analisis. Ang pagsusuri ay isinagawa sa pamamagitan

ng pagpili ng trip mula sa sa walong isinaakalat na kompaylesiyon ng Pugad

Baboy ni Pol Medina Jr.

Si Apolonio "Pol" Medina Jr., isang politikong Pilipino, ay nasangkot sa

isang serye ng mga paglalakbay sa Iraq, kung saan nakipagpulong siya kay

Pugad Baboy, isang komite sa mga isyung panlipunan at pampulitika ng

Pilipinas. Kasama sa komite ang 27 miyembro mula sa iba't ibang pamilya at

indibidwal, kabilang ang mga pamilyang Sungcal, Sabaybunot, Lamoun,

Tangere, at Tang. Kasama rin sa komite ang 10 miyembro mula sa mga

institusyong panlipunan at pampulitika ng gobyerno, kabilang ang relihiyon,

kapalmyuk, at kuripot. Napagpasyahan ng komite na si Medina Jr. ay malalim

na nasangkot sa lipunan noong panahon niya sa Pugad Baboy, at

pinahahalagahan ng sambayanang Pilipino ang mga kontribusyon ng komite.

Ayon kay Gonzaga (2019) ay nagsusuri sa mapanghimagsik na gawa sa


10

Panitikan ng Pilipinas, nagsasaad ng pagkamatay ni Amado V. Hernandez.

Natuklasan ng kanyang pag-aaral na mababasa ang akdang sinuri

ang representasyon ng pangyayaring naganap sa Pilipinas, ang pagsisikap

na lumikha ng tunay na karakter, ang pagpapaliwanag ng problemang

kinakaharap ng lipunang kolonyal, at ang pagpapakita ng solusyon sa isyung

sumisiil sa bansa. Ang akdang ito ay malinaw na nauugnay sa kasaysayan at

hindi lamang halimbawa ng realidad ngunit isang paraan upang ipakita ang

pagkabigo ng Sistema. Ang akda ay nagpapakita rin ng pagkakaiba-iba ng

ideolohiya na sinasagisag ng pamahalaang sibil, pangkatang relihoyoso,

ilustrado, uring api, at indio. Bukod pa rito, walang alinlangan na natuklasan

na ang panitikan na ginawa sa panahong ito ay lubos na katulad ng higanting

tanikala ng akdang itinuturing na rebolusyonaryo. Ang mga panitikan ay

naghihimagsik sa dahilan at pumukaw sa damdamin ng mamamayan upang

magising sila sa katotohanan ng mapang-aping kolonyalismo.

Ang pag-aaral na ito ay may malaking kaugnayan sa pag-aaral ni

Kamid (2020). Ang pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito ay

suriin ang sosyopolitiks na ipinoproyekto ng editoryal na kartun ng Mindanao

Tech mula 2013 hanggang 2019. Tiniyak ng manggagawa na ang sagot sa

mga sumusunod na tanong ay matatagpuan: 1) Ano ang literal na kahulugan

na ipinakita ng editoryal card ng Mindanao Tech? 2) Sa loob ng nakaraang

sampung edisyon, ano ang ipinakita ng editoryal na kartun tungkol sa

sociopolitical na imahe ng bansa? 3) Sa loob ng sampung edisyon, anong


11

ideolohiya ang namamahala? Ang pag-aaral ay gumamit ng disenyo ng

kwalitatibo, lalo na ang "Descriptive Content Analysis." Sa pamamagitan ng

paggamit ng semiotika, sinusuri ang sampung editoryal na kartun sa

pamamagitan ng pagkuha ng imaheng sosyo-politiks sa institusyong

panlipunan. Ang pahayagan ng Mindanao Tech ay ginamit bilang tool sa

pagaaral na ito upang makakuha ng impormasyon tungkol sa editoryal na

kartun. Ang semiotikong pagsusuri ay ginawa sa natuklasan. Ang istaylistik na

kanon nina Medhurst at DesouSa ay ginagamit upang tukuyin ang

denotatibong kahulugan ng karikatura. Ang rhetorical tropes ni Daniel

Chandler ay ginamit upang ilapat ang konotatibong kahulugan.

Ayon sa sosyolohikal na pagsusuri, ang imaheng sosyal at politikal ay

napalutang. Pagkatapos ng pagsusuri, ang papel na ito ay ipinadala sa tatlong

eksperto sa larangan.Kasunod ng pag-aaral, ipinakita ng mananaliksik ang

sumusunod: 1) Sa pamamagitan ng denotatibong pagpapakahugan, ipinakita

ng pananaliksik ang sumusunod: ang paghihirap ng Filipino sa pagtataguyod

ng edukasyon; ang alaala ng martial law; ang pagpaplano at pagbabanta ni

Robredo; ang biktima ng pambobomba sa Davao; ang pagtugis sa adik sa

droga at kurap; ang paggamit ng politiko sa media; ang pakikilahok 2) Batay

sa pagsusuri sa aspeto ng sosyo-politiko ng editoryal, natuklasan na ang

pagkaantala sa pag-unlad ng usapang pangkapayapaan ay humantong sa

kawalan ng pangmatagalang kapayapaan; ang edukasyon sa Pilipinas ay

kinakalakal; ang pangalawang pangulong Robredo ay nag-iisip ng isang plano


12

para sa muling pagpapatupad ng martial law; ang pagluluksa sa biktima ng

Davao bombing; ang kampanyang Tokhang ni Pangulong Duterte at ang

pagtugis sa mga 3) Ang ideolohiya na makikita sa bawat editoryal ay

kinabibilangan ng sumusunod: ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay

nakatuon sa pag-export, ang martial law ay isang pagsupil o pag-apak sa

karapatang pantao, ang matataas na opisyal ay nagtutunggali sa politika, ang

kultura ng impunity at kawalan ng hustisya ay laganap, ang droga at

kurapsyon ay isang problema sa lipunan, at ang indibidwal na gustong

makilahok.

Bilang karagdagan, ang pag-aaral na isinagawa ni Reyes (2021) ay

may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral dahil sinuri niya ang limang tula

ni Andres Bonifacio bilang mapanghimagsik na manunulat. Ang pagsusuri sa

limang tula at ang pagsasama-sama ng ito sa politika at panahon ay

nagbigay ng liwanag sa isyu. Ang limang aklat na sinuri ni Reyes ay ang

sumusunod: Pag-ibig sa Tinubuang Lupa, Tapunan ng Lingap, Katapusang

Hibik ng Pilipinas, Ang Cazadores, at Ang Huling Paalam sa doktor. Ang

limang tula ni

Andres Bonifacio ay nagsulat ng mga tula o panulaan na kilala bilang Jose

Rizal. Ang teoryang realismo ay naglalaman ng limang pangunahing

elemento na karaniwang makikita sa isang panulaan o tula. Ang tradisyunal

ay ang pinakamahusay na paraan upang ipakita ang tula.

May kaugnayan rin ang pag-aaral na ito sa pag-aaral na isinagawa ni


13

Reponte na may layuning (1) ipakilala si Genoveva Edroza-Matute bilang

manunulat at tukuyin ang paksa ng ilang maikling kwento na isinulat niya; (2)

masuri ang paksa ng ilang maikling kwento na nauugnay sa iba't ibang uri ng

realismo: pinong realismo, sintemental na realismo, sikolohikal na realismo,

kritikal na realismo, sosyalista. Ito ay naglalayong magsagawa ng pagsusuri

sa limang maikling kwento na isinulat ni Genoveva EdrozaMatute. Ang

Walong

Taong Gulang (1939), The Paper Man (1946), Ang Kwento ni Mabuti (1951),

Paglalayag sa Puso ng Isang Bata (1955) at Parusa (1961) .Ginamitan ito ng

realistikong pagsusuri at nagresulta sa sumusunod na konklusyon: (1) Kilala

si Genoveva bilang isang realistang manunulat dahil ang kanyang mga

tinatalakay sa kanyang akda ay tumutukoy sa kanyang karanasan sa buhay

at tunay na pangyayari sa lipunan; (2) Ang pangyayari sa kanyang akda ay

naging salamin at instrumento sa pagunlad ng lipunan.

Konektado rin ang pag-aaral na ito sa pag-aaral ni Bolasa

(2019),tinatangka ng pag-aaral na ito na masagot ang mga sumusunod na

katanungan (1)Sino si Francisco "Balagtas" Baltazar? Ano ang nangyari sa

kanyang buhay bago siya magsulat ng maestrang Florante at Laura? Ano

ang nagbigay sa makata ng inspirasyon upang isulat ito? (2) Ano ang

kuwento ng awit? (3) Sa anong lugar naninirahan ang akda? Sa anong

paraan nauugnay ang sitwasyon sa buhay ng may-akda? (4) Sino ang

karakter na makikita sa akda ng makata? Sa kanyang buhay, sino ang ito?


14

(5) Ano ang pangyayari sa buhay ng makata na may malaking kaugnayan sa

akda? (6) Paano naiugnay ng mayakda (Francisco "Balagtas" Baltazar) ang

sikolohikal na konsepto tulad ng pangangailangan (need), hangarin (desire),

kabiguan (frustration), pagkabahala (anxiety), at pagdadalamhati (grief) sa

elemento ng kuwento na binubuo ng tauhan, tagpuan, at pangyayari? Sa

pag-aaral, ginamit ang disenyo ng kwalitatibo at deskriptibong paraan. Ang

pagdulog bayograpikal at sikolohikal ay ginamit rin upang suriin ang akda.

Ang impormasyon ay nakuha mula sa materyal na natagpuan sa panahon ng

buhay ni Francisco "Balagtas" Baltazar, pati na rin ang akda ni Balagtas

mismo, Florante at Laura. (1) ang gumawa ng Florante at Laura; (2) ang

nilalaman ng awit; (3) ang tagpuan sa awit ay may kaugnayan sa buhay ng

makata; (4) ang karakter sa awit ay kumakatawan sa makata at sa taong

malapit sa kanya; (5) ang pangyayari ay nagsilbing extension ng buhay ng

makata; at (6) ang sikolohikal na elemento na binubuo ng pangangailagan,

hangarin, pagkabahala, kabiguan, at pagdadalamhati na ipinakita ng makata

sa pagtatapat ng buhay ni Balagtas sa Florante at Laura. Bilang

resulta,natuklasan na (1) ang umakda ay hindi isang dakilang makata kundi

isang makabayang Pilipino na mula sa mahirap na angkan na nagsusumikap

lamang upang maabot ang tagumpay; (2) ang

Florante at Laura ay isang produkto ng kamalayang sosyo-politikal ni

Balagtas; (3) ang awit na Florante at Laura ay may limang mahahalagang

tagpuan; at (4) ang tauhan sa akda ay karakter na ginamit. Ang natuklasan


15

ng pag-aaral ay kinabibilangan ng mga sumusunod: (1) walang malinaw na

impormasyon tungkol kay Balagtas; (2) ang awit at ang kaganapan sa

kanyang panahon ay malaki ang nauugnay sa isa't isa; (3) ang pangyayari sa

awit at ang buhay ni Balagtas ay malaki ang nauugnay sa isa't isa, ayon kay

Murray (1938); (4) ang bayani at awtor ay iisa, ayon kay Murray (1938); (5)

Asuncion Rivera o Selya kay Balagtas.

Ang pag-aaral ni Tanallon (2018 )ay may kinalaman ditto. Ang layunin

ay matukoy at masuri ang kahalagahan at epekto ng signature line na

ginawa. Nakuha niya ang tatlumpo’t tatak linya mula sa artista. Ang

kahulugan, bisa at pinapahiwatig ng linya ng signature ay naobserbahan niya

sa pamamagitan ng tono o damdamin ng paghahatid.

Sinuri nito pagkatapos ang kahalagahan nito at epekto nito sa paggawa

ng pelikulang Pilipino. Ang pananaliksik ay gumamit ng disenyo ng

kwalitatibo at sinuri ang pananaliksik gamit ang "Descriptive Content

Analysis." Ang teoryang sosyolohikal ay ginamit bilang batayan sa pagsusuri

dahil ito ay tumutukoy sa pagsusuri ng isyung panlipunan. Ayon kay Santiago

et al. (1989), ito rin ang pakikipag-ugnayan ng isang tao sa kanyang kapwa at

sa lipunan na ginagalawan nila, na dulot ng pangyayari na kanilang

nararanasan sa buong buhay. Ang mananaliksik ay nakarating sa konklusyon

pagkatapos magsagawa ng pag-aaral. (1) Ang pelikulang Pilipino ay may

linya ng tagumpay; (2) Ang linya ng tagumpay ay may pagpapahalagang

moral sa buhay at nangingibabaw ang pagsabi ng katotohanan o pagiging


16

totoo sa sarili at sa ibang tao; (3) Karamihan sa linya ng tagumpay ay tungkol

sa pagpapakatotoo sa sarili, pagiging tapat sa minamahal, at paggalang sa

dignidad ng isang tao; at (4) Ang linya ng tagumpay ay nakakatulong.

Ayon naman sa pag-aaral ni Pigan (2017) na may layuning mahanap

at suriin ang simbolo at simbolismong nakapaloob sa nagwagi ng Timplak

Palanca. Ang mananaliksik ay nagsuri ng ilang nagwagi sa Timpalak Palanca

na maikling kwento. Ito ang maikling kuwento na Ang "Mabangis na Lungsod"

ni Efren Abueg, "Mag Ambahan Tayo" ni Lilia QuindozaSantaigo, at "Ang

Kwento ni Mabuhay" ni Genoveva-Matute. Upang mahanap ang simbolo sa

isang partikular na maikling kwento, ginamit ang "Descriptive Content

Analysis". Pagkatapos ay sinuri ang simbolo upang malaman kung paano

nauugnay ang akdang ito sa kasalukuyang konteksto ng lipunan ng Pilipino.

Nakarating sa konklusyon ang mananaliksik sa pamamagitan ng pagsusuri

ng isang seleksyon ng maikling kwento. Ang maikling kwentong pinag-

uusapan ay may elemento ng simbolismo. Upang maihatid nang maayos ang

kuwento, gumamit ang manunulat ng iba't ibang simbolo.

Ito ay lubhang nauugnay sa pag-aaral na isinagawa ni Sanico.

(2017), "Mga Isyung Panlipunang Masasalamin sa mga Piling." Magandang

Awiting

Pilipino. Ang pag-aaral na ito ay nagsasagawa ng isang partikular na layunin

(1) Matukoy ang paksa at mensaheng nakapaloob sa ilang makabagong

awiting Filipino, suriin ang ito sa isyung panlipunan, at talakayin ang epekto
17

nito sa lipunang Pilipino. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptibong o

palarawan na pamamaraan sa pagsusuri ng isyung panlipunan. Sa

pagsisiyasat sa makabagong awiting Filipino, ginamit ang teoyang

sosyolohikal dahil ito ay angkop para sa pagbibigay ng tamang at sapat na

interpretasyon sa awitin. Batay sa resulta ng pag-aaral ang mananaliksik ay

nakabuo ng konklusyon. (1) Magkakaiba ang paksa ng awiting Pilipino sa

kasalukuyang panahon; (2) Epektibong nakapagpapabago sa kamalayn ng

bawat indibidwal ang mensaheng nakapaloob sa awitin; (3) Gaya ng ibang

akda, ang akda ay tumatalakay rin sa isyung panlipunan na

nangangahulugang mulat rin ang Pilipino sa katotohanang nagyayari sa

lipunan at ang nagngibabawa na isyung panlipunan ay diskriminasyon at

panghuli; (4) Ang awitin ay isang napakagandang instrumento sa pagmulat at

pagbigay kamalayan sa pagkakaroon ng repleksiyon sa nangyayari sa

lipunan.

Marxismo

Ayon sa pagsusuri ni Valdez at Magracia (2005), ang feministang

pananaw ay isang resulta ng paghihimagsik ng mga kababaihang manunulat

na nagsimula sa Kanluran laban sa patriyarkal na tradisyon na ipinapakita ng

mga lalaki sa kanilang mga akda. Ang pananaw na ito ay nagpapakita ng ang

mga babaeng manunulat ay nagtataguyod ng mga feministang pananaw dahil


18

sa pagmamalasakit ng mga kalalakihan sa kanilang mga gawa. Ang mga

kababaihang kritiko ng mga akda ay bumubuo ng feministang pananaw. Sa

halip, ang pananaw na ito ay nagpapakita na ang mga kababaihan ay may

kapangyarihan na katulad ng mga kalalakihan. Bukod pa rito, ipinapakita ng

pananaw na ito ang mga kababaihan ay may kakayahang magsilbi bilang mga

pinuno ng lipunan at magkaroon ng kapangyariha. Ang pagkakapantay-pantay

ay isang layunin ng pananaw na ito.

Sa pagsusuri naman ni David (2017), binibigyang-tuon ng

feminismong pananaw ang sitwasyon o representasyon ng mga babae sa

isang akda. Ang layunin nito ang baguhin ang mga stereotype tungkol sa

mga kababaihan sa panitikan. Ang layunin ng pananaw na ito ay magsagawa

ng pagsusuri sa mga pampanitikang akda mula sa pananaw ng mga

kababaihan.

Lualhati Bautista

Isa sa mga kilalang nobelista ng Pilipinas ay si Lualhati Bautista. Paano

niya ginawa ang Dekada ‘70 at Bata, Bata Paano Ka Ginawa? at Gapo. Si

Lualhati Bautista ay isinilang sa Tondo Manila, noong ika-2 ng Disyembre

1945. Noong 1958, nagtapos siya ng elementarya sa Emilio Jacinto

Elementary School, at noong 1962 nagtapos siya ng sekondarya sa Torres


19

High School. Sa pag-aaral ng journalism sa Lyceum University of the

Philippine, nag-alis siya bago matapos ang kanyang unang taon (Semilla,

2019).

Ayon kay Gonzales (2018),naging kilala si Lualhati Bautista dahil sa

kanyang totoong pagpapahayag at matapang na pagtalakay, pati na rin ang

kanyang emosyonal na paglalarawan ng mga babaeng nasa kritikal na

sitwasyon sa kanilang mga tahanan at ilugar ng trabaho.

Sinabi rin ni Jimenez (2019) na ang kanyang pinabagong mga libro,

Gapo, Dekada ’70 at Bata, Bata Paano Ka Ginawa?, nakatanggap ng mga

Parangal Palanca (1980, 1983, 1984). Ang mga nobelang ito ay binubuo ng

mga karanasan na nagpapakita ng mga kababaihan sa panahon ni Marcos.

Hindi rin maikakaila ang galing ni Bautista bilang isang manunulat ng

mga script. Ang kanyang pangalawang pelikula, “Kung mahawi man ang

ulap”, ay nanalo ng isang Oscar noong 1984. Batay sa kanyang nobela

tungkol sa mga kababaihang nakakulong, binuo niya ang Bulaklak ng City Jail.

Ang pelikulang ito ay nakakuha ng maraming parangal sa Metro Manila Fil

Festival at sa Star Awards (Gacela, 2017).

Bata, Bata Paano Ka Ginawa?

Ang isa sa pelikulang nobela na Bata, Bata Paano Ka Ginawa? na

isinulat ni Lualhati Bautista at inilabas noong 1998, sa direksyon ni Chito S.


20

Roño ay nagpapakita ng iba’t-ibang bagay sa kultura ng Pilipinas at

naglalamab ng isang nakakaantig na kwento na may mga aral na mapupulot

sa iba’t-ibang eksena ng pelikula ayon kay Luna Sicat Cleto (2018).

Sinabi rin ni Lee (2018) na may masusing pag-aaral at malawak na

imahinasyon si Lualhati Bautista sa pagsulat ng nobelang Bata, Bata Paano

Ka Ginawa? kaya't napili itong isapelikula. Ang mga lokasyon ay pinili upang

magbigay ng kasiyahan at buhay sa mga manonood. Biland karagdagan, ang

mga kilalang lokasyon sa Pilipinas ay ginamit nang mahusay dahil ito ay mga

lugar na may malaking impluwensya sa pag-unlad ng banda at bahagi ng

kasaysayan ng Pilipinas (Lee, 2018).

Ayon kay Servando (2017) ay nagsasaad na ang adaptasyon ng

nobelang Bata, Bata Paano Ka Ginawa? ay nagpapakita ng wika at kultura na

ginamit ng mga ninuno. Ito ang inspirasyon na nagbigay kay Lualhati Bautista

ng nobela. Nagpupunta siya sa mga tahimik na lugar, nakikipag-ugnayan sa

iba’t-ibang tao at pumupunta sa mga lugar kung saan maaaring personal na

makaranas ng mga pangyayari sa lipunan.

Idinagdag din ni Glores (2021) na sa pelikulang Bata, Bata Paano Ka

Ginawa? masisilip ang pag-unlad ng wika. Masusuri ang iba’t-ibang diskurso

ng wika na ginagamit ng bawat tahuhan sa pelikula na nagaganao sa iba’t-

ibang lugar.

Wika at Seksismo
21

Sinabi ni Carandang (2015) na ang seksismo sa wika ay umusbong

lamang nang dumating ang mga dayuhan sa Pilipinas na may dalang

seksistang wika. Sa pananaw na ito, makikita na sa larangan ng idealisasyon

ng babae at pagkababae sa bayan, ang mga Pilipinas ay itinuturing na mas

mahusay at malaya kaysa sa ibang kababaihan sa Asya. Gumamit ang mga

prayle ng Kristyano upang ipalaganap ang kanilang idealisasyon ng babae.

Ang isang tunay na babae ay dapat maging malinis, marangal, mayumi,

malumanay sa kilos, mapagmalasakit na ina, at santa.

Sinasabu ni Curtiam (2018), gayunpaman na ang wika at seksismo ay

makikita rin sa akda ng mga lalaking awtor. Sa pananaw na ito ang terminong

“inang bayan” ay ginagamit dahil ang pagpapahalaga sa mga lalaki at

kababaihan ay magkapareho. Ito ay nagmumula sa kung paano nakikita ng

mga lalaki ang mga babae at dahil dito ang persepsyong ito ay maaaring mali

at nangangailangan lamang ng idealisasyon.

Ayon kay Gonzales (2017), ang seksismo ay tumutukoy sa pagtingin at

pagtrato sa isang tao o grupo nang hindi pantay dahil sa kanilang seksuwal na

pagkakakilanlan o pag-uugali. Ito ay bumubuo ng isang patriyarkal na sistema

kung saan ang pagsasalita at pagkamundo nito ay nakasalalay sa mga

paniniwala at pag-uugali ng mga kalalakihan (Roland Tolentino, 2017).


22

Gender Stereotyping

Ayon kay Hubayan (2021), ang perspektibang ito ay isang

pangkalahatang pananaw o batayan ng mga indibidwal sa mga katangian,

kakayahan, at obligasyon na dapat taglayin at gampanan ng mga kalalakiha,

babae, o iba pang pangkat ng lipunan. Kapag ito ay naglilimita sa mga

kababaihan at kalalakihan sa pag-unlad ng kanilang personal na potensyal,

pag-unlad sa kanilang propesyonal na karera, at paggawa ng mga desisyon

sa kanilang buhay na madalas ay humahanton sa paglabag o pagkawala ng

kanilang mga pangunahing kalayaan at karapatan bilang mga indibidwal, ito

ay maaaring magdulot ng pag-aalala.

Sa paniniwala ni Porter (2023), ang gender stereotyping ay kilala rin

bilang pag-uugali, kaisipan, at emosyon na itinuturing na angkop o katangian

batay sa biyolohikal na kasarian ng isang indibidwal. Ang perspektibang ito ay

naniniwala na ang pagtatakda ng mga tungkulin sa kasarian ay karaniwang

nakabatay sa mga konsepto ng pagkalalaki at pagkababae, bagaman hindi

laging ganito ang katotohanan.

Diskurso

Ang pagbuo at pagpapakalat ng pagkakakilanlan ng mga indibidwal o

pangkat ay nakasalalay sa diskurso. Ang pokus ng mga pag-aaral sa paksang


23

ito ay makakuha ng mas mahusay nap ag-unawa sa kung paano ito

gumagana diskurso upang lumikha, mapanatili, o baguhin ang mga

pagkakakilanlan sa iba’t-ibang konteksto.

Sa salaysay ni Gabarillo, ang diskurso ay binubuo ng mga

lingguwistikong yunit na kinabibilangan ng iba't ibang pangungusap, salita,

talakayan, at pananalita. Sa kabilang dako, ayon kay Milrod (2012), ang

diskurso ay isang teknikal na konsepto na karaniwang ginagamit sa larangan

ng linguwistika at pilosopiyang pangwika. Kasama dito ang kilos at galaw sa

pag-unawa at pagbibigay-kahulugan sa diskurso.


METODOLOHIYA

Ang nilalaman sa kabanatang ito ay tungkol sa pamamaraang ginamit

sa pananaliksik. Matutunghayan dito ang disenyo ng pag-aaral, tungkulin ng

mananaliksik, panggagalingan ng mga datos at ang paraan ng pangangalap

at pag-aanalisa ng mga datos. Makikita rin sa kabanatang ito ang

pagpapatibay sa baliditi ng mga datos at mga konsiderasyong etikal na

isasaalang-alang ng mananaliksik.

Disenyo ng Pag-aaral

Kwalitatibo ang disenyo ng pananaliksik. Tiyak na gagamitin ang pag-

aaral ng diskurso. Gagamitin na batayan sa pagsusuri ng mga datos ang

Content Analysis ni Klaus Krippendorff (1980), pag-unawa at pagtatasa ng

mga teksto o data upang maunawaan ang kanilang kahulugan. Ito ay isang

proseso ng paghahanap, pagtutukoy, at pagsasala ng mga salita, konsepto,

tema, o pattern na nasa mga materyal na sinusuri.

Ayon din nina Zhang & Wildemuth (2009), ang pananaliksik ay

gumagamit nito upang maunawaan ang mga teksto o data. Ang mga

mananaliksik na gumagamit ng kwalitatibong content analysis ay naglalayong

pag-aralan ang mga katangian ng wika bilang isang paraan ng komunikasyon


25

pati na rin ang kahulugan at nilalaman nito. Ang mga datos na kanilang pinag-

aaralan ay maaaring mula sa pasalin-labi, naimprenta, obserbasyon, at mga

panayam (Kondracki & Wellman, 2002). Ang kwalitatibong-content analysis ay

higit pa sa simpleng pagbibilang ng mga salita o pagsusuri sa wikang pinag-

aaralan upang makabuo ng mga kategorya sa pagpapakahulugan nito Weber

(1990), kabilang na ang wikang ginamit sa pahayag o akda, bilang isang

kasanayang panlipunan. Pagtutuunan ng atensyon ang papel ng mga babae

sa pelikula ang lenggwaheng iniuukol at/o ginamit sa kanila at ang paraan ng

pag-iisteryutipo sa babae sa loob ng nobela. Ginamit ding gabay sa pagsusuri

ang iba pang teoryang nabanggit sa bahaging teoretikal na batayan sa

pagsagot sa iba pang mga katanungan ng pag-aaral.

Tungkulin ng Mananaliksik

Kaakibat ng gawaing pananaliksik ay ang mga tungkuling kailangang

gampanan ng mananaliksik upang matagumpay na maisakatuparan ang

pag-aaral. Sa bahaging ito inilahad ng mananaliksik ang inaasahang

magiging tungkulin niya sa gagawing pag-aaral. Una; tungkulin niyang

mahanap at magkaroon ng kopya ng dalawang pelikula na “Bata, Bata

Paano ka Ginawa? at Dekada 70”; ikalawa; Panoorin ang kabuuan ng

pelikula upang ganap na maintindihan ang mga takbo ng pangyayari sa

pelikula at ikatlo ay inaasahan na matagumpay na masagot ang mga


26

katanungan ng pananaliksik sa pamamagitan ng matamang pagsusuri at

mga datos ng pag-aaral.

Pinanggalingan ng Datos

Ang pelikulang Dekada ’70 at Bata, Bata Paano ka Ginawa? ni Lualhati

Bautista na isinapelikula ang pangunahing instrumento ng pananaliksik. Dito

nagmula ang mga datos na kinailangan sa pag-aaral na ito. Ang Dekada 70

ay isang nobela na inilathala nina Palimbagang Carmelo & Bauermann

(1988). Binubuo ito ng 19 kabanata at 228 pahina. Ito ay naging pelikula at

pinangasiwaan ng direktor na si Chito S. Roño. Ang Bata, Bata Paano Ka

Ginawa? naman ay isang kathang isip na isinulat ni Lualhati Bautista noong

1988 at inilathala ng Carmelo at Bauermann o Estados Unidos Cacho

Publishing House sa parehong taon. Ito ay binubuo ng 239 pahina at

isinapelikula noong 1998 sa pangangasiwa ng sikat na director na si Chito S.

Roño noong 1998.

Paraan ng Pangangalap ng mga Datos

Sapagkat ang pangunahing datos ng pananaliksik ay isang pelikula,

sinikap ng mananaliksik na makakakuha ng kopya ng pelikula upang paulit-


27

ulit na mapanood kung kinakailangan para sa maayos na daloy ng

pananaliksik. Sinigurado niyang magkaroon ng kopya ng nasabing pelikula

sa pamamagitan ng paghanap sa internet tulad ng youtube sa panahong

binubuo ang pananaliksik na ito.

Paraan ng Pag-aanalisa ng mga Datos

Pangunahing gabay sa pag-aanalisa o pagsusuri sa mga datos ng

pag-aaral ang mga teoryang binanggit sa bahaging teoretekal na batayan.

Ang mga sumusunod ay ang hakbang na sinunod sa pag-analisa ng mga

datos upang matagumpay na masagot ang mga katanungan ng pag-aaral.

Una, Pinanood ng paulit-ulit ang pelikula hanggang sa makuha ang

kabuuang kaisipang ipinahihiwatig nito sa mga manonood.

Ikalawa; Isa-isang kinilala at tinukoy ang mga babaeng tauhan at ang

papel na kanilang ginagampanan sa pelikula.

Ikatlo; Tinukoy ang mga salita, wika o lenggwaheng iniuugnay o

kinakabit at ginagamit para sa mga babaeng tauhan at inilahad ang

implikasyon nito.

Ikaapat; Inalam ang mga esteryutipong pambabae sa pelikula at

inilahad ang implikasyon nito sa komunidad at lipunang Pilipino sa

pangkahatan.
28

Baliditi ng mga Datos

Ang pagiging wasto, makatotohanan at kapani-paniwala ay tatlong

mahalagang pamantayang kwalitatibong pananaliksik. Siniguro ng

mananaliksik na tumpak at totoo ang mga datos sa pamamagiyan nang

maingat at masusing pagpili.

Ang konsistensi ng mga datos o confirmability, Polly et al, (2001) ay

mahigpit ding isinaalang-alang, sinikap na maging obhektibo sa pagtrato sa

mga datos. Ipinakita ang pagkawalang pagkiling sa mga datos na idinaan sa

pagsusuri.

Konsiderasyong Etikal

Sa pagbuo ng pananaliksik na ito, isinaalang-alang ang

konsiderasyong etikal tulad ng pagkilala sa mga pinagmulan o sources ng

mga impormasyon, tiyak na pagbanggit sa pangalan ng mga awtor na

pinaggalingan at pinaghanguan ng mga kaisipan at impormasyon sa

pananaliksik na ito. Hindi kailanman inangkin ng mananaliksik ang ideya ng

mga awtor. Ginamit lamang niya itong batayan sa pagpapaliwanag ng mga

konsepto na kaugnay ng paksa ng pananaliksik. Sa pananaliksik na ito

tiniyak ng mananaliksik na magiging matuwid, makatarungan at matapat ang


29

isinagawang pagsusuri para sa layunin ng pagtugon sa mga partikular na

tanong at mapagtagumpayan ang pangkalahatang layunin ng pag-aaral.

Sa kabilang banda, naniniwala ang mananaliksik na ang kopya ng

pelikula ni Lualhati Bautista at pelika sa pangangasiwa ni Chito S. Roño ay

bahagi na ng public domain kaya hindi na kailangang humingi pa ng

pahintulot sa mag-akda lalo pa’t ang awtor ay namayapa na. Hindi ito

sasalungat sa intellectual property rights dahil ginawa lamang ito bilang

bahagi ng pagtugon sa isa sa mga pangangailangan sa akademya.


RESULTA AT DISKUSYON

Sa kabanatang ito, inilalahad ang mga datos ng pag-aaral at mga

natuklasan sa isinagawang pagsusuri. Isa-isang tinugon ang mga layunin ng

pag-aaral, mataman at maingat na sinuri ang mga datos upang masagot ang

mga inilatag na katanungan. Binigyang tuon ang papel ng mga tauhang babae

sa pelikulang Dekada ’70 at Bata, Bata Paano ka Ginawa ni Lualhati Bautista.

Ang ginamit ng mananaliksik sa pag-aaral na ito ay kwalitatibo na

ginamitan ng deskriptibong pamamaraan sa pagsusuri sa wika at kasarian sa

mga akda ni Lualhati Bautista na Dekada ’70 at Bata Bata Paano Ka Ginawa

ni Lualhati Bautista.

Ang pelikulang "Dekada '70" at "Bata, Bata Paano Ka Ginawa" na

isinulat ng batikang babaeng manunulat na si Lualhati Bautista, ay dalawang

mahahalagang akda sa larangan ng sining at panitikan na sumuri sa mga

pagbabago, pag-usbong, at paglalakbay ng mga karakter sa gitna ng makulay

na Dekada 70 sa Pilipinas. Ang mga ito ay nagbigay-diin sa mga isyung

panlipunan, pulitika, at kultura noong panahong iyon, habang naglalantad ng

mga kwento ng pagmamahal, pag-aalaga, at pag-asa.

Ang dalawang akdang ito ay hindi lamang nagpapakita ng makulay na

yugto ng kasaysayan ng Pilipinas kundi nagbibigay-daan din sa mga

manonood at mambabasa na magmuni-muni sa mga isyung kinakaharap ng

lipunan. Tampok sa mga akdang ito ang pagtitiyak na ang mga pagbabago at
31

karanasan ng mga tao, lalo na ng mga kababaihan, ay may malalim na

kahulugan at bisa sa lipunan. Ang pelikulang "Dekada '70" at "Bata, Bata

Paano Ka Ginawa" ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon at nagpapalaganap

ng mga aral at mensahe na makakatulong sa mas malalim na pag-unawa sa

kasaysayan at kultura ng bansa.

Ang "Dekada '70" at "Bata, Bata Paano Ka Ginawa" ay dalawang sikat

na pelikulang Pilipino na lumabas noong mga dekada '90 at 2000.

Magkakaugnay ang mga ito sa aspeto ng kaligirang kasaysayan, kultura, at

lipunan ng Pilipinas, ngunit sila'y magkaiba sa mga paksang tinalakay at sa

mga pangunahing tauhan ng mga pelikula.

Ang "Dekada '70" ay naglalayong itampok ang mga pangunahing

pangyayari noong dekada '70 sa Pilipinas, lalo na ang pag-usbong ng kilusang

aktibista, pagpapataw ng Batas Militar ni pangulong Ferdinand Marcos, at ang

paglaban ng mga Pilipino sa diktadurya.

Samantala, ang pelikulang Bata Bata Paano Ka Ginawa, ito ay

naglalayong tukuyin ang mga hamon at pagsubok na kinakaharap ng mga

modernong kababaihan sa Pilipinas noong dekada '90. Sa panahong ito,

maraming kababaihan ang naghahangad ng mas mataas na kalidad ng buhay

at kalayaan sa personal na pagpapasya.

Ang mga pelikulang "Dekada '70" at "Bata, Bata Paano Ka Ginawa" ay

parehong pumatok sa takilya, dahil sa kanilang mahusay na pagkakalahad ng

mga makabuluhang mga tema, pagganap ng mga aktor, at pagsusuri ng mga


32

makabagong isyu sa lipunan. Ipinakita nila ang mga damdamin at karanasan

ng mga Pilipino noong mga panahon na iyon, na nagkaroon ng malalim na

ugnayan sa mga manonood.

Ipinapakita sa talahanayan 1 ang mga babaeng tauhan sa dalawang

pelikula at ang kanilang papel na ginampanan sa kuwento.

Talahanayan 1. Papel ng mga tauhang babae sa pelikulang Dekada ’70


at Bata Bata Paano Ka Ginawa.
Mga Tauhang Papel Representasyon
Babae sa Pelikula
DEKADA ‘70
(Lualhati Bautista-
1983)

Amanda Bartolome Aktibista Pagsalungat sa


ginagawa ng rehimen.

Ina Mapagmahal na ina.

Ulirang ina.

Asawa Ayaw nang maging


sunod-sunuran sa
asawa.

Mara Asawa Kabiyak ni Jules.

Evelyn Asawa Hindi nagpapadikta sa


asawa.

Ina ni Evelyn Ina Mapagmahal na ina.


33

BATA BATA PAANO


KA GINAWA
(Lualhati Bautista-
1988)

Lea Bustamante Tradisyunal na babae


Hindi niya gusto ang
nagmamake-up Nais
niya lamang ay
natural.
Babaeng Malaya
Paniniwalang maging
malaya.
Ina
Mapagmahal na ina.

Maya Anak
Iniiudolo ang kanyang
ina.

Mrs. Zalamea Punong guro


Hindi niya gusto si
Lea.

Sr. Ann Madre


Mapagkalingang
madre.
Elinor Lider
Matapang at gustong
makatulong.

Lola Sylvia Lola


Masasandalang lola.

Sa kasaysayan ng ating bansa, mababanggit na ang mga kababaihan

sa bansang Pilipinas ay kadalasang sinasalamin bilang mga masunuring


34

asawa na pawang mga gawaing bahay at pag-aalaga ng mga anak ang

ginagawa ngunit sa dalawang pelikulang sinuri ng mananaliksik, nakita ang

kalakasan at kakayahan ng mga kababaihan upang maiangat ang pagtingin

ng lipunan sa kanila.

Si Amanda Bartolome ay isa sa mga pangunahing tauhan sa

pelikulang "Dekada '70," na unang ipinalabas noong 2002 at inangkin ni Vilma

Santos ang papel ni Amanda. Sa pelikula, si Amanda ay isang “aktibista”,

mapanuri at matapang na “asawa at ina”. Isang mahalagang bahagi ng

pelikulang "Dekada '70" dahil siya ay nagpapakita ng kahalagahan ng mga

kababaihan sa kilalang yugtong kasaysayan ng Pilipinas, pati na rin ang

kanyang papel sa paglalantad ng mga pangunahing isyu ng panahon. Ang

karakter ni Amanda ay nagbibigay buhay sa kahalagahan ng pagsusuri at

pag-unawa sa mga isyu ng kasarian at lipunan, at sa huli, sa paglaban para

sa katarungan at kalayaan. Ang karakter ni Amanda ay nagbibigay buhay sa

mga pangunahing isyu at mensahe ng pelikula. Bilang isang babae, siya ay

nagtutok sa pag-aaral ng mga pangunahing pagbabago sa lipunan noong

dekada '70, kabilang ang pag-aalala niya sa kalagayan ng mga aktibista at

mga biktima ng martial law. Siya ay may malalim na pag-unawa sa kanyang

sariling papel bilang isang kababaihan sa isang lipunang mayroong makikitid

na tradisyonal na pagtutukoy ng mga kasarian.

Si Amanda ay nagpapakita ng pagiging boses ng mga kababaihan sa

pelikula. Ipinapakita niya ang mga hamon at diskriminasyon na kinakaharap


35

ng mga kababaihan sa isang patriarkal na lipunan. Sa pamamagitan ng

kanyang karakter, ipinapakita niya ang kahalagahan ng paglaban para sa mga

karapatan at pagkakapantay-pantay ng mga kababaihan. ipinapakita ni

Amanda ang kanyang determinasyon na labanan ang mga pang-aabuso at

kawalang-katarungan sa lipunan. Ipinapakita niya ang kanyang pagtindig at

pakikibaka para sa mga karapatan ng mga mamamayan, lalo na sa panahon

ng diktadurya. Isang mapagmahal na ina na handang gawin ang lahat para sa

kanyang mga anak. Ipinapakita niya ang kanyang pagmamahal, suporta, at

pag-aalaga sa kanila sa gitna ng mga pagsubok at kahirapan na kinakaharap

ng pamilya.

Ang papel ni Amanda Bartolome sa pelikula ay nagpapakita ng

kahalagahan ng mga kababaihan sa lipunan, ang kanilang paglaban para sa

mga karapatan, at ang kanilang papel bilang mga tagapagtaguyod ng pamilya

at lipunan. Ipinapakita rin niya ang pagbabago at pag-unlad ng isang

indibidwal.

Sa paglipas ng panahon, sa kabila ng panganib na nagmumula sa

pagiging isang aktibista at tagapagtanggol ng karapatan, nadama ni Amanda

ang kahalagahan ng kanyang sariling boses at damdamin. Ang karakter ni

Amanda ay nagiging simbolo ng emansipasyon at pagpapahayag ng mga

kababaihan ng kanilang mga opinyon at damdamin sa panahon ng pang-

aabuso at krisis sa lipunan. Sa pelikula, ipinakita ang kanyang paglago bilang

isang ina at bilang isang babaeng may sariling paninindigan. Ang karakter na
36

si Amanda Bartolome ang nagpapakita ng kaniyang pagiging aktibo sa mga

aktibidad na lumalaban sa mga suliraning panlipunan na pumipigil sa

kalayaan ng mga kababaihan noong rehimeng Marcos.Lalo pa’t ayon sa mga

pahayag na sinipi ni Kimuell-Gabriel (2013) sa kaniyang journal na sa

dekadang ito ay lalong lumala ang kahirapan. Masasalamin sa pelikula na

noong panahong ito, ang mga kababaihan ay mga matatag na indibidwal na

lumalaban sa mga mang-aabuso at diskriminasyon na pinupukol sa kanila.

Tinataguyod nila ang pantay na karapatan at pagtrato sa mga kababaihan. Sa

mga sumusunod na linya ni Amanda sa pelikulang ito ang nagpapakita ng

katapangang taglay niya.

Ayon sa pagsusuri ni Valdez at Magracia (2005), ang feministang

pananaw ay isang resulta ng paghihimagsik ng mga kababaihang manunulat

na nagsimula sa Kanluran laban sa patriyarkal na tradisyon na ipinapakita ng

mga lalaki sa kanilang mga akda. Ang pananaw na ito ay nagpapakita ng ang

mga babaeng manunulat ay nagtataguyod ng mga feministang pananaw dahil

sa pagmamalasakit ng mga kalalakihan sa kanilang mga gawa. Ang mga

kababaihang kritiko ng mga akda ay bumubuo ng feministang pananaw. Sa

halip, ang pananaw na ito ay nagpapakita na ang mga kababaihan ay may

kapangyarihan na katulad ng mga kalalakihan. Bukod pa rito, ipinapakita ng

pananaw na ito ang mga kababaihan ay may kakayahang magsilbi bilang mga

pinuno ng lipunan at magkaroon ng kapangyariha. Ang pagkakapantay-pantay

ay isang layunin ng pananaw na ito. Sa kabila ng pagiging tradisyunal na


37

asawa at housewife, hindi natitinag ang kanyang pananagot sa kanyang

sariling mga opinion at pag-iisip. Ipinapakita niya ang kanyang interes sa mga

isyu ng lipunan at ito ang nag-uudyok sa kanya na magkaroon ng mas

malalim na pag-unawa sa mga pangyayari sa bansa.

Sa loob ng 27 taon ng pagiging asawa’t ina, sa kanyang palagay hindi

siya ganap na umunlad bilang tao. Nagsilbi na lang siyang bantay sa

paghahanap at pagkatagpo ni Julian ng katuparan niya bilang tao, sa paglaki

ng kanyang mga anak, at pagtuklas ng kanilang kakayahan at kahalagahan.

Sa paggamit ng awtor ng first person point of view sa kuwento,

kapansin-pansin ang hilig ni Amanda na kausapin ang sarili o mind-chatter

hinggil sa papel niya sa asawa’t mga anak at sa mga usaping bumabagabag

sa kanya. Sa pagkatuto niya kay jules, nakapaghahayag siya ng tungkol sa

mga nangyayari.

Si Mara ay nagpapakita ng mga karanasan at paglalakbay ng isang

kabataang babae sa panahon ng mga pagbabago at kahirapan. Ipinapakita

niya ang mga hamon at pagsubok na kinakaharap ng mga kabataan sa

lipunan, pati na rin ang kanilang paghahanap ng kanilang sariling

pagkakakilanlan. Bilang “asawa”, maaaring maging tagapag-alaga at

tagasuporta si Mara sa kanyang asawa. Ipinapakita niya ang pagmamahal,

pag-aalaga, at pagbibigay ng suporta sa kanyang asawa sa mga pang-araw-

araw na gawain at mga personal na pangangailangan.


38

Si Evelyn sa pelikulang "Dekada '70" ay isang “ina” na may pangarap

at ambisyon na maabot ang kanyang mga layunin sa buhay. Ipinapakita niya

ang kanyang determinasyon at pagsisikap upang makamit ang kanyang mga

pangarap sa kabila ng mga hamon at limitasyon na kinakaharap niya bilang

isang babae sa lipunan noong panahon ng dekada 1970. Siya ay nagpapakita

ng pagiging matapang at hindi sumusuko sa pag-abot ng kanyang mga

pangarap. Ipinapakita niya ang kanyang kakayahan at talino sa pamamagitan

ng pag-aaral at pagpursigi sa kanyang mga layunin sa buhay. Sa kabila ng

mga pagsubok at diskriminasyon na kinakaharap niya bilang isang babae,

hindi siya nagpapadala sa mga hadlang at patuloy na lumalaban para maabot

ang kanyang mga pangarap. Ang papel ni Evelyn ay nagpapakita ng

kahalagahan ng pagkakaroon ng mga pangarap at ambisyon sa buhay.

Ipinapakita rin niya ang pagiging inspirasyon sa iba na hindi matakot

mangarap at magsumikap upang maabot ang kanilang mga layunin sa kabila

ng mga pagsubok na kanilang kinakaharap.

Ang Ina ni Evelyn ay isang mapagmahal na “ina” na nagbibigay

kakaibang pagtingin sa papel ng kababaihan at pamilya sa Dekada ’70.

Ipinapakita rin niya ang kahalagayan ng kanyang pamilya at pagbibigay ng

importansiya nito.

Sa kabuuan, ang pagiging asawa at ina ni Amanda sa pelikulang

Dekada “70 ay nagpapakita ng paglalakbay mula sa tradisyunal na mga papel

patungo sa pagiging mapanindigan at aktibistang kababaihan. Ipinapakita nito


39

ang kakayahan ng mga babae na maging boses ng pagbabago at pagtanggol

sa mga karapatan ng mga mamamayan, pati na rin ang kakayahan nil ana

maging makabuluhan na bahagi ng lipunan.

Sa kabilang dako, ang pelikulang “Bata Bata Paano Ka Ginawa” ay

kagaya ng naunang akda, ito ay tumatalakay sa pagmamahal ni Lea sa

kaniyang mga anak, ang paninindigan sa karapatang pantao at pagiging

pantay-pantay ng babae at lalaki gayundin ang mga nangyayari sa lipunan

katulad ng kaliwa’t kanang protesta, pagpatay ng mga manggagawa at kay

Ninoy Aquino.

Sa pelikulang Bata, Bata Paano Ka Ginawa, mapanghamon ang

larawan ng inang si Lea Bustamante na isang tradisyunal na babae,

babaeng malaya, ina, nagtratrabahong ina, may dalawang anak sa

magkaibang asawa. Sa kabila ng “kapintasang” ito sa paningin ng lipunan. Si

Lea ay isang mabuting ina dahil tapat at bukas siya sa kanyang mga anak

tungkol sa kanyang mga relasyon, mapag-aruga’t, mapagmahal sa mga anak,

matibay ang paniwalang dapat niyang palakihin ang mga anak na may sariling

isip at pasya, at tapat ding magmahal sa dalawang lalaki sa kanyang buhay,

ngunit nagmahal din sa sarili.

Ang karakter ni Lea ay nagpapakita ng mga isyu tungkol sa gender,

kababaihan, at kalayaan sa lipunan. Siya ay naghahanap ng sariling

pagkakakilanlan at kalayaan sa kabila ng mga tradisyonal na patakaran at


40

mga takot ng lipunan. Ang karakter ni Lea ay nagiging simbolo ng kababaihan

na lumalaban para sa kanilang mga karapatan, kalayaan, at kapakanan.

Sa mga nakalipas na panahon sa Pilipinas, sunod-sunuran lamang ang

mga kababaihan sa kanilang mga asawang lalaki at iba pang mga

kalalakihan. Gumaganap lamang ang babae bilang in ana gumagawa lamang

ng mga gawaing bahay, tagapag-alaga ng mga bata, at tagapangala ng

kanilang mga esposo. Bilang isang ina, ipinapakita ni Lea ang kanyang

pagmamahal at pag-aalaga sa kanyang mga anak. Siya ay isang

mapagmahal na ina na handang gawin ang lahat para sa kanyang mga anak.

Sa pamamagitan ng kanyang karakter, ipinapakita niya ang mga pagsubok at

hamon na kinakaharap.

Bukod sa pagiging isang ina, si Lea ay isang aktibista na lumalaban para sa

mga karapatan ng mga kababaihan at mga isyung panlipunan. Ipinapakita

niya ang kanyang determinasyon na makibaka para sa katarungan at

pagkakapantay-pantay. Ang kanyang aktibismo ay nagbibigay ng konteksto sa

mga isyung pangkasarian na kinakaharap ng mga kababaihan sa lipunan.

Ang papel ni Lea ay nagbibigay ng pagkakataon sa manonood na

maunawaan ang mga hamon at pagsubok na kinakaharap ng mga

kababaihan sa lipunan. Ipinapakita niya ang kahalagahan ng paglaban para

sa mga karapatan at pagkakapantay-pantay, pati na rin ang pagmamahal at

pag-aalaga sa pamilya.
41

Sa pagsusuri naman ni David (2017), binibigyang-tuon ng feminismong

pananaw ang sitwasyon o representasyon ng mga babae sa isang akda. Ang

layunin nito ang baguhin ang mga stereotype tungkol sa mga kababaihan sa

panitikan. Ang layunin ng pananaw na ito ay magsagawa ng pagsusuri sa

mga pampanitikang akda mula sa pananaw ng mga kababaihan.

Subalit nagbago ang gawi at anyo ng katauhan ng kababaihan sa

kanilang ginagalawan, sapagkat nagbabago din ang lipunan. Matingkad na

matingkad ang feministang paninindigan ni Lea sa paraan ng pagpapalaki

niya sa mga anak, sa paggigiit ng sariling pasya at sa malinaw na pagkamalay

sa sarili niyang pagkatao.

Maliit man o malaki ang makakamit ng anak ni Lea sa buhay ay hindi

ito nagsasawang ipagmalaki at suportahan ito. Sa makatuwid, masasabing isa

siyang ulirang ina, babaeng lumalaban para sa Kalayaan, at naninindigan sa

sarili niyang pananaw sa buhay maging tutulan man ito ng lipunang kaniyang

ginagalawan.

Nanatiling tapat ang may akda sa paglalarawan ng mga tauhan sa

pelikula. Bagamat hindi pangkaraniwang babae si Lea, makatotohanan pa rin

ang kanyang karakter. Sa panahon ngayon ay hindi na uso ang martir na

asawa. Iyon ay pinatunayan ni Lea. Siya ay malayo na sa tradisyunal na

konsepto ng kababaihan.

Ang papel ni Maya sa pelikula siya ay isa mga “anak” ni Lea at iniidolo

niya ang kanyang ina at huwaran niya. Makikita na ang kaniyang ina ang
42

naging kaniyang huwaran sa mga bagay na kaniyang ginagawa at sinasabi sa

mga taong kaniyang nakakasalamuha. Ang mga ugali at prinsipyo ng mga

magulang sa loob ng tahanan ay naipapamana nila sa kanilang mga anak. Sa

resulta ng isang pananaliksik nina Ardditi, et. Al. (1991), sa mga anak na

babae sa isang pamilya ay nagkakaroon ng mas malaking impluwensiya ang

mga ina kaysa ama sa pag-uugali, pag-iisip, at pagkilos ng mga ito.

Samantala, ang trabaho o propesyon naman ng ina ay hindi direktang

nakakaimpluwensiya sa mga babaeng anak.

Ang papel ni Mrs. Zalamea bilang “punong guro” sa pelikulang "Bata

Bata Paano ka Ginawa" ay ang maging isang guro na nagbibigay ng mga

direksyon at gumagamit ng mga epektibong pamamaraan upang gabayan ang

mga estudyante sa kanilang pag-unlad bilang mga indibidwal. Siya ang

nagpapahalaga sa pagbibigay ng tamang direksyon at koordinasyon sa mga

programa at aktibidad sa paaralan upang matulungan ang mga mag-aaral na

maabot ang kanilang pinakamataas na potensyal. Siya rin ang nagtataglay ng

malasakit at dedikasyon upang patuloy na mapaunlad ang eskwelahan. Ang

kanyang mga tungkulin ay dinisenyo nang may sensitibong pag-iisip,

pagmamahal, at matiyagang pagpupunyagi upang mapabuti ang

pangkalahatang kalagayan ng paaralan at mga mag-aaral nito.

Ang karakter ni Sr. Ann ay isang “madre” na nagbibigay ng

pagkakataon sa mga tauhan na magpahinga, magpakatotoo, at maghanap ng

kahulugan sa kanilang mga karanasan. Ipinapakita rin niya ang halaga ng


43

pagkakaroon ng isang taong mapagkakatiwalaan at mapag-unawa sa buhay

ng mga tao.

Ang papel ni Sr. Ann ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagkakaroon ng mga

taong nagbibigay ng suporta, gabay, at pag-unawa sa mga taong

nangangailangan. Ipinapakita rin niya ang halaga ng pagkakaroon ng isang

taong handang makinig at magbigay ng payo sa mga hamon ng buhay.

Si Elinor ay ang “lider” ng isang grupo ng mga kababaihang

nagsisimula pa lamang na tinatawag na "Mababang Lipunan". Siya ang

nagbibigay payo upang matulungan ang mga miyembro na harapin ang mga

hamon sa kanilang pananaw at pag-uugali. Sa pamamagitan ng pagtuturo at

pagbibigay-inspirasyon, naglalayon siya na ipahayag ang pagmamahal sa

espirituwalidad at pag-unlad. Siya rin ang nagtuturo sa mga kababaihan kung

paano magsalita laban sa diskriminasyon, upang palakasin ang kanilang

paninindigan sa mga isyung politikal at sosyal na nagmumula sa pagkakaiba

ng dalawang lipunan. Sinusubukan niya na palayain ang pag-iisip ng kanyang

mga kasama at hindi niya pinapabayaan na mawala ang kanilang pagkilala sa

kanilang sarili.

Ang mga kababaihan noon ay madalas na bansagan bilang tagasilbi at

pawang nasa tahanana lamang. Ito ay pinabulaanan ni Lualhati Bautista sa

kaniyang mga akda, sumasalamin sa mga panitikang kaniyang sinulat ang

pagkakaroon ng mas higit pang magagawa ng mga kababaihan bukod sa

pagiging tagasilbi sa loob ng tahanan. Ayon sa isinaad ni Googy (2014)


44

patungkol sa akda ni Nakpil (year?) na “The Filipino Women”, inilarawan niya

ang kalagayan ng mga kababaihan sa lipunan na unti-unting nagbabago dahil

sa ipinapakita na nila ang kanilang lakas bilang isang babae.

Ang papel ni Lola Sylvia sa pelikulang Bata Bata, Paano Ka Ginawa

ay ang pagiging matagree ng lola ng protagonista sa kanyang paglaki. Siya ay

tunay na tagapayo, tagaluto, at panauhin sa bawat hakbang ng buhay ng

bata, at tulungan siyang magpatuloy sa buhay na may malasakit.

Ang seksismo ay isang sistemikong diskriminasyon o pagtuturing na

may kaugnayan sa kasarian, kung saan ang isang kasarian, kadalasang mga

kababaihan, ay inaapi o binibigyan ng mas mababang halaga kaysa sa ibang

kasarian, kadalasang mga kalalakihan. Ito ay isang malaganap na isyu sa

lipunan at nagmumula sa mga kinikilalang pangunahing mga pagkakaiba sa

pagitan ng mga kasarian, pati na rin sa mga kultura at mga institusyon na

nagpapahayag at nagpapalaganap ng mga baluktot na paniniwala at

praktiseng nagbibigay-diin sa mga kasarian. Ang mga patakaran ng wika ay

maaaring magdulot ng mga stereotipo tungkol sa mga kasarian, na

nagbibigay-diin sa mga tradisyonal na papel at katangian ng mga kalalakihan

at kababaihan. Halimbawa, ang mga pananalita na nagmumula sa "mga lalaki

ay…" o "mga babae ay…" ay maaaring magdulot ng stereotipikasyon.

Ang uri ng wika at mga salita na ginagamit sa komunikasyon ay

maaaring magdulot ng pagkakabawas o pagkukulang sa mga kasarian.


45

Kadalasan, ang mga salita ay maaring magdulot ng diskriminasyon o hindi

patas na pagtrato sa isa o parehong kasarian.

Ang mga salita at wika ay maaaring maging kasangkapan sa

pagpapalaganap at pagpapalakas ng mga baluktot na paniniwala hinggil sa

kasarian. Ito ay maaaring magkaruon ng malalim na impluwensya sa mga

kaisipan at pagkilos ng tao, kabilang na ang pag-aaksaya ng kanilang

potensyal.

Dahil sa mga ito, ang mga pagsusuri ukol sa wika at seksismo ay

nagiging mahalaga sa pag-unawa at pagsusuri ng mga isyung kaugnay ng

kasarian sa lipunan. Mahalaga itong mapanatili at mapalaganap ang

pagsusuri ukol sa kung paano nagiging bahagi ng wika ang seksismo at kung

paano ito nagpapalaganap ng mga hindi patas na kaisipan at praktika. Sa

pamamagitan ng masusing pagsusuri ng wika at seksismo, maaaring

magkaruon ng mas malalim na pag-unawa at pagtutok sa pagsusulong ng

kasarian, katarungan, at pagkakapantay-pantay sa lipunan.

Talahanayan 2. Mga salitang madalas iukol at iugnay sa mga tauhang


babae sa pelikula.
Mga Tauhang Mga salitang madalas Implikasyon
Babae sa Pelikula iukol at iugnay
DEKADA ‘70
(Lualhati Bautista-
1983)

Amanda Bartolome Palaban Isang babae na may


tapang at
determinasyon.
46

Nagtulak sa kanya na
Mara Konsiyensiya maging mapanagot.

Mahalaga para sa
Evelyn May mataas na pangarap kanya na patuloy na
magpatulo sa pag-
abot ng kanyang mga
pangarap.

Ina ni Evelyn Ang kanyang sariling


May paninindigan katapangan at maging
bukas sa pagtanggap
ng mga pananaw ng
iba.

BATA BATA PAANO


KA GINAWA
(Lualhati Bautista-
1988)

Lea Bustamante May tapang at


Tapang at Determinasyon determinasyon sa
kanyang mga
paniniwala.

Maya Ang pagiging


Malilimutin makalilimutin ni Maya
dahil sa kakulangan
ng pagma-mahal mula
sa kanyang ama.

Mrs. Zalamea Kakayahan na


Kapangyarihan magbigay ng
inspirasyon at gabay
sa kanyang mga
estudyante.
47

Sr. Ann
Isang inspirasyon at
Huwaran ng kababaihan
patunay sa mga
kababaihan.
Elinor
Ang katatagan niya
Katatagan
bilang lider ng
kababaihan.
Lola Sylvia
Isang tradisyunal na
Tradisyon
figura na nagdadala
ng kaugalian.

Ang karakter ni Amanda sa pelikulang "Dekada '70" na madalas

maiukol o maiugnay sa kanya ay pagiging “palaban” dahil sa kanyang

malalim na paniniwala sa katarungan at kalayaan. Ipinaglalaban niya ang mga

karapatan ng mga mamamayan at laban sa mga abusong nangyayari sa

lipunan, lalo na sa panahon ng martial law. Ang kanyang determinasyon na

makamtan ang katarungan at kalayaan ay nagpapakita ng kanyang palaban

na karakter, na handang lumaban para sa mga prinsipyong tama at para sa

kapakanan ng kanyang pamilya at lipunan. Ang kanyang pagiging palaban ay

nagpapakita ng kanyang pagiging matapang at tapat sa kanyang mga

paniniwala, at ito ang nagbigay-buhay sa kanyang karakter sa pelikula.

“Buong buhay ko ‘yan ang sinasabi nila sa akin… putris naman, dapat

hindi ganuon…tapos sasabihin ng daddy ninyo na hindi lang anak ko ang

pinatay, hindi lang ang anak ko ang dinukot!”


48

-Amanda

Sinasabi ng pangunahing tauhan sa akda na hindi kinakailangang

maging mahina at palaasa sa asawa ang mga babae, kundi matapang at may

paninindigan para sa kaniyang prinsipyo. Upang sa gayon ay mapagtanggol

niya ang kaniyang iniluwal sa mundong ito. Sa makatuwid ang pagiging ina

para kay Amanda ay hindi lamang pagluwal sa isang sanggol ngunit pagiging

matapang na kakampi nito hanggang sa huli. Ang impluwensiya marahil ng

lipunang progresibo ang nagtulak sa pangunahing tauhan na kwestyunin ang

trato sa mga kababaihan ng mga panahong ito.

Ang salitang madalas iukol at iugnay kay Mara sa pelikulang Dekada

’70 ay “konsiyensiya”, sapagkat nagsilbing simbolo ng pag-usbong ng

konsiyensiya sa harap ng mga pagbabago at kaganapan sa lipunan noong

panahong iyon. Ang konsiyensiya ni Mara ang nagtulak sa kanya na maging

mapanagot sa kanyang sariling mga paniniwala at makialam sa mga isyu ng

kanyang panahon.

Sa disertasyon ni Palmes (2016), tungkol sa premyadong nobelang

Filipino, thasang ipinakilala ang mga babae bilang isang malayang indibiwal

Ang Kalayaan ng babaeng karakter ay dumadaan sa proseso na ang

kaniyang pagkababae ay ikinukulong sa parametro ng makalalaking

pagdedesisyon hangang sa maabot ang kamulatan ng kaniyang

indibidwalidad na hindi lamang siya babae, kundi isang buong tao.


49

Ang salitang madalas iukol at iugnay kay Evelyn sa pelikulang Dekada ’70 ay

“may mataas na pangarap” dahil mahalaga para sa kanya na patuloy na

magpatuloy sa pag-abot ng kanyang mga pangarap. Bilang isang babae nais

makamit ang kanyang sariling pagkakakilanlan at kalayaan. Ang mataas na

pangarap na ito ay maaaring nagmumula sa pagnanais na maging bahagi ng

makabuluhang pagbabago at pag-usbong ng lipunan sa kabila ng mga

pagsubok na kinakaharap ng mga tao noong Dekada ’70.

Litaw na litaw sa nobelang ito ni Lualhati ang feministang ideya at

importansiya ng opinyon ng mga kababaihan sa iba’t-ibang isyu, maging ito

man ay malaki o maliit.

Ang madalas na iukol at iugnay sa Ina ni Evelyn sa pelikulang Dekada

’70 ay “may paninindigan”, dahil sa kanyang pagganap bilang isang inang

may malalim na pag-unawa at kahandaang ipaglaban ang mga Karapatan at

dangal ng kanyang pamilya.

Ang karakter ng Ina ay maaaring ituring na simbolo ng lakas at

determinasyon ng mga kababaihan sa panahon ng Dekada ’70, kung saan

nagaganap ang mga pagbabago at pag-usbong sa lipunan.

Si Lea Bustamante, ang karakter ni Vilma Santos sa pelikulang "Bata,

Bata Paano Ka Ginawa?" naging madalas iukol sakanya ang pagiging

“matapang at may malalim na determinasyon”, dahil sa kanyang mga

paniniwala sa katarungan at karapatan ng mga kababaihan. Sa kabila ng mga

hamon at pagsubok sa kanyang buhay, patuloy niyang itinaguyod ang mga


50

prinsipyong ito at naging simbolo ng determinasyon at tapang sa pelikula. Ang

kanyang karakter ay nagsilbing inspirasyon para sa mga manonood na

lumaban para sa kanilang mga paniniwala at ipaglaban ang karapatan ng mga

kababaihan sa lipunan.

Ang pagiging “makalilimutin” ni Maya sa pelikula ay naiukol at

naiugnay sa kanyang karakter dahil ito ay nagpapakita ng kanyang

pangunahing katangian at mga emosyonal na aspeto ng kanyang pagkatao.

Ito ay nagbibigay-tinig sa mga suliranin at kahinaan ng kanyang karakter sa

kwento, lalo na sa aspeto ng paghahanap ng pagmamahal mula sa kanyang

ama at ang kanyang mga personal na karanasan. Ang pagkakaroon ng

"pagiging makalilimutin" ay isang mahalagang bahagi ng kwento na

nagpapakita ng kanyang emosyon at kalagayan, na nagpapahayag ng

kanyang pangunahing karakterisasyon sa pelikula.

Ang madalas na iukol at iugnay kay Mrs. Zalamea sa pelikulang

Dekada ’70 ay “kapangyarihan”, dahil bilang isang punong guro nagtaglay si

Mrs. Zalamea ng kakayahan na magbigay ng inspirasyon at gabay sa

kanyang mga estudyante. Ang kanyang karakter ay naglalarawan ng isang

lider na nagtataguyod ng Karapatan ng bawat isa na magkaroon ng boses at

makilahok sa lipunan. Ang pagtataguyod ng kapangyarihan at Karapatan ay

nagiging mahalaga sa paghubog ng pag-iisip at pananaw ng kanyang mga

estudyante sa pelikula.
51

Sa kabuuan, ang pagiging makalilimutin ni Maya ay nag-aambag sa

kanyang kumplikadong karakterisasyon at sa pag-usbong ng kuwento sa

pelikula. Ito ay nagpapakita ng mga aspeto ng kanyang emosyon,

pangangailangan, at paglalakbay tungo sa pag-unawa ng kanyang karakter sa

loob ng kwento.

Ang pagiging “huwaran ng kababaihan” ni Sr. Ann sa pelikulang

Bata Bata Paano Ka Ginawa? dahil isang inspirasyon at patunay para sa mga

kababaihan at kanyang pagiging tapat at dedikasyon sa pagtuturo at pag-

gabay sa mga Kabataan.

Ang kanyang determinasyon na itaguyod ang karapatan at kakayahan

ng mga kabataan, kasama na ang mga kababaihan, ay maaaring magsilbing

inspirasyon para sa mga manonood at itataguyod ang ideya na ang

kababaihan ay may kakayahan at dapat bigyan ng pagkakataon na umunlad

at makamit ang kanilang mga pangarap.

Ang pagiging “katatagan” ni Elinor sa pelikulang Bata Bata Paano Ka

Ginawa? dahil sa kanyang katatagan ay maaaring nagmumula sa kanyang

kahandaan na harapin ang responsibilidad na pagiging isang lider, kasabay

ng pagiging aktibong bahagi ng kilusang sosyal at pangangalaga sa mga

karapatan ng kababaihan.

Sa kabila ng mga pagkakataon na nagdadala ng pangamba at kawalan

ng katiyakan. Ang katatagan na ito ay maaaring maging inspirasyon para sa


52

mga manonood, lalo na sa mga kababaihan, na hinaharap din ang iba’t-ibang

aspeto ng buhay na nangangailangan ng tapat at determinasyon.

Ang pagiging “tradisyon” ni Lola Sylvia sa pelikulang Bata Bata

Paano Ka Ginawa? dahil naglalarawan ng isang tradisyunal na figura na

nagdadala ng mga kaugalian at pamana mula sa nakaraan. Ang kanyang

papel bilang lola ay nagbibigay ng kahalagahan sa mga halaga, kaugalian, at

kwento ng pamilya na nagpapalalim sa pag-unawa ng mga pangunahing

karakter sa kanilang sariling identidad at koneksyon sa kanilang

pinanggalingan.

Talahanayan 3. Isteryutipo at Pagwawaksi ng mga tauhang babae sa


pelikula Dekada ’70 at Bata Bata Paano Ka Ginawa.
Mga Tauhang Isteryutipo Pagwawaksi sa
Babae sa Pelikula Isteryutipo
DEKADA ‘70
(Lualhati Bautista-
1983)

Amanda Bartolome Nasa tahanan lamang Ipinakita nya na bukod


ang kababaihan sa tahanan ay may
marating pa sya

Evelyn Walang mararating Sa kaniyang


pagpupursigi ay may
mararating siya.

BATA BATA PAANO


KA GINAWA
(Lualhati Bautista-
1988)

Lea Bustamante Mahina Naitaguyod niya ang


53

kaniyang mga anak


ng mag-isa.

Maya Walang boses Naipahayag niya ang


sa kabataan kaniyang nais.

Elinor Hindi magiging lider Nagsilbing lider ng


ang babae kababaihan.

Sa paunang bahagi ng pelikula, ipinapakita ang dayalogo ni Julian na

nagpapakita ng patriarkal na kultura sa tahanan ng pamilya Bartolome. Ang

patriarkal na kultura ay isang sistema kung saan ang mga kalalakihan ang

may hawak ng kapangyarihan at kontrol sa tahanan, samantalang ang mga

kababaihan ay madalas na nabibigyang-katangian o hindi nabibigyang halaga.

“It’s a man’s world!” — Julian Bartolome

Ang dayalogo na ito ay nagpapakita ng kultura ng "sexism" na noon ay

malimit na buhay sa mga Pilipinong tahanan. Ang sexism ay ang pagbibigay

ng mas mataas na halaga o pagkakataon sa isang kasarian kaysa sa iba. Sa

pamamagitan ng dayalogo na ito, ipinapakita ang mga hamon at pagsubok na

kinakaharap ng mga kababaihan sa isang patriarkal na lipunan.

Sa pagpapakita ng mga ganitong isyu sa pelikula, nagbibigay ito ng

pagkakataon sa manonood na magkaroon ng kamalayan at pag-unawa sa

mga isyung pangkasarian na patuloy na kinakaharap ng mga kababaihan. Sa


54

Pelikulang Dekada ’70 na ang mga kababaihan ay pawang “nasa tahanan

lamang ang kababaihan”, masasalamit ito sa karakter ng ilaw ng tahanan na

si Amanda Bartolome, ay nagmula sa tradisyunal na pananaw at kultura

noong panahong iyon. Ngunit Ipinakita niya na bukod sa tahanan ay may

mararating pa siya. Sa Dekada ’70, marami sa lipunan ang nagpapatibay ng

mga tradisyunal na papel ng mga kababaihan, kung saan inaasahan silang

maging responsableng tagapag-alaga ng tahanan at pamilya.

Sa rehimeng Marcos noong mga panahong ito ay ipinalabas sa madla

ay nasa ilalim ang bansa ng patriyarkal na kalakaran. Ayon kay Fuentes

(2018), lumitaw sa mga kontekstong kultural na pawang nangingibabaw sa

lahat ng mga antas kultural ang pagiging machismo ng kalalakihan tulad ng

pagkakaroon ng mataas na katayuang panlipunan, superyoridad sa pisikal na

lakas, talino, at ekonomikong kalagayan, samantalang lugmok naman ang

kababaihan sa mababang pagtingin dahil itinuturing sila bilang obhekto ng

pantasiya, submisibo sa kabiyak, tagapangalaga ng buong mag-anak, at

larawan ng kalinisang budhi. Sa Lipunang Pilipino hindi maitatawa na ang

nangingibabaw pa rin ang patriyarkal na kalakaran. Maging ito man ay sa

iba’t-ibang industriya, political, at maging sa pinakamaliit nay unit ng Lipunan,

ang pamilya. Sinaad ni Hertale (2007), na makikita natin ang patriyarkal na

sistema sa halos lahat ng institusyon. Kasama na dito ang pamilya, ang

pinaka simpleng halimbawa ng isang institusyon sa lipunan. Mahirap mabago

ang patriyarkal na sistema sapagkat nakatanim na sa isipan ng bawat


55

mamayan ang pamamaraan na kanilang kinagisnan. Ayon kay NEDA

undersecretary for Policy and Planning Rosemarie Eldillon (2023), Ang mga

kababaihan ay humaharap pa rin sa hamon ng isteryotipiko ng Lipunan na

nakakaapekto sa portunidad nila sa paghahanap ng trabaho.Dagdag pa niya

na bagaman dumarami na ang mga kababaihang nakakaroon ng edukasyon,

hindi pa rin maitatatwa na ang ibang mga industriya kagaya ng digital

technology ay dinodomena pa rin ng mga kalalakihan.Sa resulta ng

pananaliksik ni Rojas (2021),sa mga kababaihan nabubuo ang paniniwala nila

na mas mahalaga ang kanilang pamilya at wala silang oras para sa kanilang

sarili.

Si Amanda Bartolome, na ginampanan ni Vilma Santos sa pelikulang

"Dekada '70," ay nagkaruon ng mahalagang papel sa pagwawaksi ng pag-

iisteryutipo sa kabila ng tradisyunal na mga papel ng mga kababaihan noong

panahong iyon.

Sa kabila ng kanyang tradisyonal na papel bilang asawa at ina, si

Amanda ay nagkaruon ng malalim na pangarap at kakayahan. Siya ay naging

tagapagtanggol at tagasuporta sa kanyang pamilya, partikular sa kanyang

mga anak na aktibista. Ipinakita ni Amanda na ang mga babae ay may

malalim na pag-intindi sa mga isyung panlipunan at may papel na mag-ambag

sa laban para sa katarungan at kalayaan.

Si Amanda ay hindi naging apathetic sa mga pang-aabuso at kalupitan

ng panahon ng martial law. Sa kabila ng mga panganib at banta sa kanyang


56

pamilya, hindi siya sumuko sa pakikipaglaban para sa kalayaan at karapatan

ng mga aktibista at ng mga mamamayan sa kabuuan. Ipinakita niya ang

kahalagahan ng boses ng kababaihan sa mga usaping panlipunan.

Ipinakita ni Amanda ang kanyang pagtutol sa mga baluktot na

pananaw ukol sa kasarian at diskriminasyon sa kababaihan. Siya ay hindi

sumang-ayon sa pagtingin na ang mga babae ay mahihina o limitado sa

tradisyonal na mga gawain. Sa halip, pinanindigan niya ang karapatan ng mga

babae na maging aktibo sa mga usaping panlipunan at magkaruon ng

kanilang mga boses.

Si Amanda ay naging inspirasyon sa kanyang mga anak at sa iba pang

mga kababaihan sa pelikula. Ang kanyang determinasyon at tapang ay naging

halimbawa na ang mga kababaihan ay may kapasidad na makibahagi sa mga

usaping panlipunan at labanan ang mga pang-aabuso at kawalan ng hustisya.

Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, si Amanda Bartolome ay

nagwaksi ng mga pag-iisteryotipo at nagpapakita ng kahalagahan ng pagtutol

sa mga baluktot na pananaw ukol sa kasarian. Ipinakita niya ang kakayahan

ng mga kababaihan na maging emansipado at maging bahagi ng mga

pagbabago sa lipunan, sa kabila ng tradisyonal na mga papeles na

itinatadhana ng lipunan sa kanila.

Ang pag-iisteryutipo na “walang mararating” ni Evelyn, sa kanyang

pagpupursigi ay may mararating siya. Sa Dekada ’70, marami pa ring umiiral

na tradisyunal na pananaw na nagtatangi ng mga lalaki sa mga mas mataas


57

na posisyon at naglalagay ng mga kababaihan sa mas pangkaraniwang at

limitadong papel.

“Hindi ko po alam kung maiiintindihan niya? Gusto ko lang din ng

sariling sense of achievement. Yung habang bata pa ako may nagawa

ako para sa akin.”

-Evelyn

Sa dayalogong ito ay makikita ang determinasyon ni Evelyn na

maiwaksi ang isteryotipo na ang mga babae ay walang mararating.

Kinokonsidera niya ang mga sakripisyo niya para maavot ang mga pangarap

kahit na maliit man ito o malaking bagay.

Dagdag pa niya na sa istatus ng kababaihan ang pagiging sunod-

sunuran upang maiwasan ang away o gulo sa pagitan nilang magasawa,

habang sa papel sa pamilya ay ang pagiging asawa at ina dahil higit na

binibigyang halaga ang tungkulin ng kababaihan kaya napapabayaan ang

sarili at ang huli ay ang kakayahan sa sining at mass mediaay limitado at

walang panahon para paunlarin ang sarili at mas inuuna ang obligasyon sa

pamilya.

Sa kabilang dako, ang pelikulang pinamagatang Bata, Bata Paano Ka

Ginawa? naman ay sumasalamin sa mga babae bilang “mahina” sa

pagkatao ni Lea Bustamante na isang ilaw ng tahananan. Si Lea sa "Bata,

Bata Paano Ka Ginawa?" ay kinakatawan ang tradisyunal na papel ng mga

babae bilang mga asawang may-tahanan at ina.


58

Sa pelikulang "Bata, Bata Paano Ka Ginawa?" ni Lualhati Bautista, si

Lea Bustamante, na ginampanan ni Vilma Santos, ay nagkaroon ng

mahalagang papel sa pagwawaksi ng pag-iisteryutipo ng mga kababaihan sa

lipunang Pilipino.

Si Lea ay isang lider ng isang grupo ng mga manggagawa. Ipinakita

niya ang kanyang kakayahan sa pag-organisa at pakikibaka para sa

karapatan ng mga manggagawa, karamihan sa kanila ay mga kababaihan.

Siya ay nagkaruon ng malasakit sa kanilang kalagayan at pinanindigan ang

kanilang mga karapatan na pantao sa harap ng mga pag-aabuso at pang-

aapi.

Si Lea ay hindi sumunod sa tradisyonal na pagtutukoy sa mga

kasarian. Bagamat may mga anak siya, hindi ito naging hadlang sa kanyang

pagiging lider at aktibista. Ipinakita niya na ang pagiging isang ina o babae ay

hindi hadlang sa pagiging makabuluhan sa lipunan at sa pakikibaka para sa

karapatan.

Sa buong pelikula, si Lea ay hindi nagpapatinag sa mga hamon at

diskriminasyon na kanyang natatanggap mula sa ibang mga tao dahil sa

kanyang kasarian. Ipinakita niya ang pagtutol sa mga baluktot na paniniwala

hinggil sa kakayahan ng mga kababaihan. Sa kanyang pagsasalita at gawa,

ipinakita niya na ang mga kababaihan ay may parehong kakayahan na

makibahagi sa mga isyung panlipunan at maging mga lider. Naging

inspirasyon para sa iba pang mga kababaihan sa kanyang komunidad.


59

Ipinakita niya na ang kahusayan, determinasyon, at tapang ay hindi nauugnay

sa kasarian. Ang kanyang karakter ay nagpakita ng halimbawa na ang mga

kababaihan ay maaaring maging aktibo sa lipunan, maging boses para sa

mga karapatan, at magkaruon ng mga pangarap at aspirasyon.

Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, si Lea Bustamante ay

nagwaksi ng mga pag-iisteryutipo hinggil sa mga kababaihan sa lipunang

Pilipino. Ipinakita niya ang kakayahan ng mga kababaihan na maging malaya

mula sa tradisyunal na mga pagtutukoy ng kasarian at makibahagi sa mga

usaping panlipunan, sa pagtutol sa diskriminasyon at pag-angkin ng kanilang

mga boses at karapatan.

Sa "Bata, Bata Paano Ka Ginawa," ang karakter ni Lea ay nagkakaroon

ng mga pag-uusap na nagpapakita ng diskriminasyon ng ibang tao laban sa

kanya dahil sa kanyang pagiging lider ng mga manggagawa.

Si Maya ay isang anak na may modernong pananaw hinggil sa

kasarian at lipunan. Sa kanyang karakter, ipinakita ang pag-iisteryutipo sa

kanya sa pelikula bilang “walang boses sa kabataan”, dahil konteksto ng

lipunan na hindi gaanong nagbibigay pansin o halaga sa mga opinion at

perspektiba ng Kabataan, lalo na ng kababaihan, ngunit naipahayag ni Maya

ang kanyang nais. Pagkakaiba ng henerasyon at pag-usbong ng mga

kakaibang pananaw sa mga isyu ng kababaihan, kasarian, at karapatan. Ang

ganitong paglalahad ay nagbibigay-daan sa pagsusuri ukol sa pag-iisteryutipo


60

sa konteksto ng pagkakaroon ng mga kakaibang pananaw at perspektiba

hinggil sa kasarian sa isang pamilya o komunidad.

Si Maya ang representasyon ng mga kabataan na kinikinita bilang wala

pang muwang sa buhay. Ngunit kung oobserbahan si maya sa pelikulang ito,

may mga natutunan na siyang aral tungkol sa buhay na nanggaling sa

kaniyang ina Bagaman sinasabi ni Good (2019), sa kaniyang artikulo na ang

mga kabataan ngayon ay may hindi magandang imahe sa Lipunan, sapagkat

may mga pananaliksik na nagsasabing tinitignan ng mga atatanda ang mga

bata bilang mapusok, bastos, tamad at iresponsable. Lumalabas naman na

ang mga kabataan kung napalaking maayos at kung mayroon mabuting

huwaran sa kaniyang paglaki ay hindi mapapariwara sa kaniyang tinatahak na

landas.

Si Maya ay isang malayang-spirited na kabataang babae na may

mataas na pangarap para sa kanyang sarili at para sa mga kababaihan.

Ipinakita niya ang kanyang kahusayan sa pag-aaral at sa pagiging lider sa

kanyang paaralan. Ang karakter ni Maya ay nagpapakita ng potensyal ng mga

kabataang kababaihan na maging lider at maging mahalagang bahagi ng

lipunan.

Sa kabila ng maling paglalahad, mahalaga pa rin ang mga aspeto ng

karakter ni Maya sa konteksto ng kanyang relasyon sa kanyang ina, sa

kanyang pagiging kabataang babae na may malalim na pangarap, at sa

kanyang paglaban para sa mga karapatan ng mga kabataang kababaihan. Sa


61

pamamagitan ng kanyang karakter, siya ay nagwaksi ng mga tradisyonal na

pagtutukoy ng kasarian at nagpapakita ng kahalagahan ng pag-angkin ng

mga boses ng kabataang kababaihan sa lipunan.

Ang pag-iisteryutipo kay Elinor bilang “hindi magiging lider ang

babae” dahil isang aktibistang na may malalim na pangarap para sa

pagbabago at katarungan. Ngunit maaaring ang kanyang pagkakaroon ng

pangarap na maging lider ay tinututulan ng ilang tao dahil sa kanilang

paniniwalang ang mga kababaihan ay hindi dapat nasa posisyon ng

pamumuno.

Sa kabuuan, ang mga pelikulang "Dekada '70" at "Bata, Bata Paano Ka

Ginawa?" ni Lualhati Bautista ay nagpapakita ng pag-iisteryutipo sa mga

tauhang babae sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga tradisyonal na

kasarian, diskriminasyon, at baluktot na pananaw. Ipinapakita ng mga pelikula

na ang mga tauhang babae ay may mas malalim na potensyal at karanasan

kaysa sa kanilang mga tradisyonal na papel, at ang pagsusuri ng mga isyung

ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng paglaban at pag-angkin ng mga

kababaihan ng kanilang mga boses at karapatan.

Sa ganitong paraan, ang mga pelikulang "Dekada '70" at "Bata, Bata

Paano Ka Ginawa?" ay nagpapakita ng mga tauhang babae na

nagpapalaganap ng pag-waksi sa mga tradisyonal na pagtutukoy at pag-

iisteryotipo sa kasarian. Ipinapakita nila ang kakayahan ng mga kababaihan

na maging boses, makibahagi sa mga usaping panlipunan, at maging mga


62

lider sa lipunan, na naglalagay ng diin sa kahalagahan ng pag-angkin ng mga

boses ng mga kababaihan sa paglaban para sa katarungan at kalayaan.

Sa paglipas ng panahon, unti-unting nagkakaroon ng liwanag ang

landas ng mga kababaihan sa pagpapatuloy sa mga propesyong kanilang

ninanais liban sa pagiging may bahay. Upang maiwaksi ang isteryotipiko

tungkol sa dito ay inilatag ng kasalukuyang administrasyon ang anak ng

dating pangulong Marcos na ang nais makamit ng bansa sa taon 2023-2028

ang partisipasyon ng mga kababaihan sa lakas paggawa sa pamamagitan ng

pagkakaroon ng oportunidad na lulutas sa isteryotipiko na pinupukol sa mga

kababaihan.

Kung inyong mapapansin hindi lahat ng tauhang babae sa pelikula ay

ipinakita ang pag-iisteryutipo sa mga kababaihan, sapagkat madali lamang

ang kanilang pagganap sa pelikula at hindi naipakita kung paano winaksi ang

pag-iisteryutipo ng kanilang karakter. Bagaman ang mga karakter ng babae sa

"Dekada '70" at "Bata, Bata Paano Ka Ginawa” ay may mahalagang papel sa

pagsusuri sa mga isyu ng lipunan at gender, maaaring hindi nila naisipang

buksan ang lahat ng aspeto ng pag-iisteryutipo na maaaring nararanasan ng

ibang tauhan.

Ayon sa panayam ng Masipag National Office sa isang kabataan sa

Mimaropa (2021), na “Nararapat na ang mga kabataan ay tumulong sa mga

magsasaka sa pagsusulong ng kanilang karapatan, makiisa at kooperasyon

sa mga gawain ng organisasyon, kasama na ang pagtatanim.”


63

BUOD, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Inilalahad ng mananaliksik sa bahaging ito ang buod ng kanyang pag-

aaral. Matutunghayan dito ang resulta ng pagsusuri na humantong sa pagbuo

ng konklusyon at rekomendasyon na magagamit ng susunod pang mga

mananaliksik na ugnay ang paksa sa ganitong uri ng pag-aaral.

Isinagawa ang pananaliksik na ito na may pamagat na “Diskurso ng

Wika at Kasarian sa Pelikulang Dekada ’70 at Bata Bata Paano Ka Ginawa ni

Lualhati Bautista”. Ang pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito ay

mailahad ang diskurso ng wika at kasarian sa pelikulang “Dekada ‘70” at “Bata

Bata Paano Ka Ginawa” ni Lualhati Bautista, partikular na ang papel ng mga

tauhang babae sa pelikula. Ang mga tiyak na katanungan ng pag-aaral ay ang

mga sumusunod; Una, ano ang papel ng mga tauhang babae sa pelikulang

“Dekada ‘70” at “Bata Bata Paano Ka Ginawa” ni Lualhati Bautista?

Pangalawa, anong salita ang madalas iukol sa mga tauhang babae sa

pelikula? Pangatlo, paano ipinapakita ang pag-iisteryutipo sa mga tauhang

babae na nasa pelikulang “Dekada ‘70” at “Bata Bata Paano Ka Ginawa” ni

Lualhati Bautista, at Pang-apat, paano winaksi ang pag-iisteryutipo sa mga

tauhang babae sa pelikulang “Dekada ‘70” at “Bata Bata Paano Ka Ginawa?

Nilikom at pinanood ng mananaliksik ang dalawang pelikula na

“Dekada ’70” at “Bata Bata Paano Ka Ginawa” ni Lualhati Bautista, sa

pamamagitan ng Youtube upang makita ang larawan ng kababaihan batay sa


64

mga layunin. Ito’y sinuri at tinukoy gamit ang deskriptibong pamaraan ng

pananaliksik partikular ang kontent analisis.

Batay resulta ng pag-aaral sa unang layunin ng pag-aaral ang mga

tauhang babae sa pelikulang "Dekada '70" ay naglarawan ng mga papel na

may kinalaman sa aktibismo, katarungan, kalayaan, at pagsusulong ng

karapatan ng mamamayan. Sila ay naging boses ng pagtutol sa abusong

pamahalaan noong panahon ng martial law.

Sa "Bata, Bata Paano Ka Ginawa?", ang mga tauhang babae, lalo na si

Lea, ay nagbigay-diin sa mga isyung pangkababaihan at ang kanilang

paglalaban para sa kanilang mga karapatan at kalayaan bilang mga

modernong babae.

Ipinakita sa pelikulang "Dekada '70" at "Bata, Bata Paano Ka Ginawa?"

ang mahalagang papel ng mga babaeng tauhan bilang mga ina, asawa, anak,

madre, lola at punong guro. Ang mga tauhang babae ay nagdala ng mga

papel na nagpapakita ng kanilang mga responsibilidad sa pamilya at sa

lipunan. Bilang mga ina, kanilang ginampanan ang mahirap na tungkulin ng

pag-aalaga at pangangalaga sa kanilang mga anak, lalo na sa panahon ng

krisis at kabiguang pang-ekonomiya. Bilang mga asawa, kanilang

sinuportahan ang kanilang mga asawa sa kanilang mga adhikain at

pakikibaka, na nagpapakita ng kanilang suporta sa mga prinsipyong tama.

Sa "Bata, Bata Paano Ka Ginawa?", makikita natin ang karakter ni

Maya, ang anak ni Lea, na nagdala ng papel ng isang anak. Si Maya ay


65

nagpapakita ng kanyang pagiging makalilimutin at pangarap na mahanap ang

kanyang ama. Ang karakter na ito ay nagpapakita ng epekto ng pagiging

magulang at ang paghahanap ng pagmamahal mula sa kanyang ama.

Natukoy ang mga salita na madalas iukol at iugnay sa mga tauhang

babae sa mga pelikulang "Dekada '70" at "Bata, Bata Paano Ka Ginawa?" na

may kaugnayan sa kanilang pagiging "palaban," "tapang," at may

"determinasyon," pati na rin sa paglutang ng kanilang pagiging "makalilimutin."

Sa pagkilala sa mga salitang ito, nasusuri ang mga mahahalagang tema at

katangian ng mga tauhang babae sa mga pelikula. Ang kanilang pagiging

palaban, tapang, at determinasyon ay nagpapakita ng kanilang paglaban para

sa katarungan at mga karapatan, habang ang pagiging makalilimutin ay

nagpapakita ng humanidad at emosyonal na aspeto ng kanilang mga karakter.

Napag-alamang may mga pag-iisteryutipo sa mga tauhang babae sa

napanood na pelikulang Dekada ’70 na ang pag-iisteryotipo sa mga tauhang

babae ay ipinakita sa pamamagitan ng paglalahad ng tradisyonal na mga role

at/o uri ng babae sa lipunan. Ipinakita ang mga tauhang babae na nasa mga

tradisyonal na tungkulin ng pagiging ina, asawa, at sa pagtutok sa kanilang

mga responsibilidad sa pamilya. Ito ay nagpapakita ng pagtutok sa kanilang

papel bilang tagapag-alaga ng tahanan at ng kanilang mga anak. Sa "Bata,

Bata Paano Ka Ginawa?", itinatampok ang mga pag-iisteryotipo ukol sa mga

kababaihan sa aspeto ng pagiging ina, asawa at anak. Ipinakita ang

tunggalian ni Lea na magkaroon ng kanyang sariling pagkakakilanlan at hindi


66

lamang maging tagapag-alaga ng tahanan at pamilya. Ang pagsusuri ng pag-

iisteryotipo ay lumilitaw sa mga kontradiksiyon at hamon na kinakaharap ni

Lea mula sa mga tao sa kanyang paligid na may tradisyonal na pananaw sa

mga tungkulin ng babae. Sa mga pelikulang ito, ang pag-iisteryotipo ay

nagiging bahagi ng konflikto at tema ng mga kwento. Ito ay nagpapakita ng

hamon na kinakaharap ng mga kababaihan sa kanilang pagsusulong para sa

kanilang mga karapatan at pagtutol sa mga inaasahan ng lipunan. Sa

kalaunan, ang mga tauhang babae ay nagpapakita ng kanilang determinasyon

na baguhin o suriin ang mga tradisyonal na paniniwala at umangkop ng mga

bagong pangarap at perspektibo.

Ang pag-aaral ay nagbunga ng mga resulta ukol sa kung paano

winaksi ang pag-iisteryotipo sa mga tauhang babae sa mga pelikulang

"Dekada '70" at "Bata, Bata Paano Ka Ginawa?" ni Lualhati Bautista.

Sa pelikulang "Dekada '70" at "Bata, Bata Paano Ka Ginawa?" ni

Lualhati Bautista, naipakita ang pag-wawaksi ng pag-iisteryotipo sa mga

tauhang babae, kung saan sila ay hindi lamang limitado sa kanilang mga

tradisyonal na tungkulin bilang mga ina, asawa at anak kundi nagpapakita rin

ng determinasyon, pagtutol, at pagsusulong ng kanilang mga karapatan at

boses sa lipunan, na nagbibigay inspirasyon sa mga manonood na suriin ang

kanilang sariling mga papel at pangarap.

Sa kabuuan, ang mga tauhang babae na sina Amanda, Evelyn, Lea,

Maya, at Elinor ay nagiging mga modelo ng determinasyon, paglaban, at


67

pagsusulong ng mga kababaihan laban sa waksi ng pag-iisteryutipo. Sa

pamamagitan ng mga paraan na ito, ang mga pelikula ay nagbibigay ng

puwang para sa pag-wawaksi ng mga pag-iisteryotipo at pagpapakita ng

makabago at malalim na pag-unawa sa mga tauhang babae. Ipinakita ng mga

pelikula na ang mga babae ay may kakayahan na maging makabago,

matapang, at determinado sa pagtutol sa mga limitasyon at mga prehuwisyo

sa lipunan Ipinapakita nila na ang mga babae ay may malalim na kakayahan

at hindi lamang limitado sa tradisyonal na mga tungkulin. Ang kanilang mga

karakter ay nagpapakita ng proseso ng pagsusulong mula sa mga tradisyonal

na paniniwala patungo sa pagkilala ng kanilang sariling halaga at kakayahan.

Ginamit ang mga tauhan upang subukang wasakin ang mga nakagawian at

baluktot na mga paniniwala hinggil sa kasarian.

Natuklasan sa pag-aaral na ito na ang pelikulang "Dekada '70" at "Bata,

Bata Paano Ka Ginawa?" ay mahalagang bahagi ng pagtuklas ng wika at

kasarian, at nagpapakita ng kahalagahan ng mga likhang-sining sa pagtutol

sa mga prehuwisyo at diskriminasyon sa lipunan, partikular na ang mga pag-

iisteryotipo ukol sa mga kababaihan. Ipinakita ng mga pelikula ang mga

tauhang babae bilang mga modelo ng determinasyon, pagtutol, at

pagsusulong ng mga kababaihan, na nagbibigay inspirasyon sa mga

manonood na suriin ang kanilang sariling mga papel at pangarap sa kabila ng

mga limitasyon na kanilang itinatadhana.


68

Ipinakita ng mga pelikula ang kabuuang pagkatao ng mga tauhang

babae, ang kanilang pangangailangan para sa pantay-pantay na karapatan, at

ang pagkilala sa kanilang sariling mga pangarap at ambisyon.

Sa kabuuan, batay sa naging resulta ng isinagawang pag-aaral, nabuo ng

mananaliksik ang sumusunod na konklusyon: Una, ang mga tauhang babae

sa pelikulang “Dekada ‘70” at “Bata Bata Paano Ka Ginawa? ni Lualhati

Bautista, ay naglalarawan ng mahalagang papel sa pelikula, bilang aktibista,

ina, asawa, tradisyunal na babae, babaeng malaya, punong guro, at madre.

Nagpapakita ng pagbabago at paglalakas ng mga kababaihan sa lipunan. Sila

ay nagpapakita ng kanilang kakayahan, determinasyon, at pagiging malayang

indibidwal. Ang mga karakter na ito ay naglalayong labanan ang mga

tradisyunal na paniniwala at pagpapalawak ng mga oportunidad para sa mga

kababaihan. Ang kanilang papel ay nagpapakita ng pag-unlad at pagbabago

ng lipunan sa panahong iyon. Pangalawa, sa pelikulang “Dekada ’70” at “Bata

Bata Paano Ka Ginawa? ni Lualhati Bautista. Sa mga pelikulang ito, ang

madalas na salita iukol at iugnay sa mga tauhang babae sa pelikula ay

palaban, konsiyensiya, may mataas na pangarap, may paninindigan, tapang

at determinasyon, kapangyarihan, huwaran ng kababaihan, katatagan,

tradisyon. Ang mga salitang ito ay naglalarawan ng paglalakbay ng mga

tauhan sa paghahanap ng kanilang sariling pagkakakilanlan at kahalagahan

sa gitna ng kakaibang panahon. Pangatlo, ipinakita ang mga tauhang babae

na hindi lamang limitado sa tradisyunal na mga papel tulad ng pagiging ina,


69

asawa, anak, ipinakita din ang kanilang mga ambisyon, mga laban para sa

kanilang mga karapatan, at mga pagsubok na kanilang kinakaharap bilang

mga indibidwal. Ipinapakita rin ang mga karanasan ng mga babae sa lipunan,

kabilang ang diskriminasyon, karahasan, at paglaban sa mga patriyarkal na

istraktura ng lipunan. Ang mga pelikulang ito ay naglalayong labanan ang mga

isteryutipo at ipakita ang mga totoong karanasan ng mga babae sa lipunan.

Ngunit hindi lahat ng tauhang babae sa pelikula ay naipakita ang pag-

iisteryutipo. Panghuli, sa pagwawaksi ng pag-iisteryutipo sa mga tauhang

babae sa pelikulang “Dekada ‘70” at Bata Bata Paano Ka Ginawa? ni Lualhati

Bautista, tulad ng nasa tahanan lamang ang kababaihan, walang mararating,

mahina, walang boses sa kababaihan, hind imaging lider ang babae.

Nagtagumpay sa pagwawaksi ng pag-iisteryutipo sa mga tauhang sa

pamamagitan ng pagbibigay-diin sa kanilang kakayahan, laban sa tradisyunal

na inaasahan, at pagtatanghal ng mas makatarungan at totoong larawan ng

kababaihan sa lipunan. Ipinakita ang mga tauhang na lumalaban sa pag-

iisteryutipo sa kanila na ito’y naging mas malalim na karakterisasyon. Sa halip

na iangkop sa isteryutipo, ipinakita ang kanilang ambisyon, pagsusuri sa

sariling pagkakakilanlan, at paglantad sa totoong karanasan ng mga babae sa

lipunan.

Hindi lahat ng tauhang babae sa pelikula ay ipinakita ang pag-

iisteryutipo sa mga kababaihan, sapagkat madali lamang ang kanilang

pagganap sa pelikula at hindi naipakita kung paano winaksi ang pag-


70

iisteryutipo ng kanilang karakter. Bagaman ang mga karakter ng babae sa

"Dekada '70" at "Bata, Bata Paano Ka Ginawa” ay may mahalagang papel sa

pagsusuri sa mga isyu ng lipunan at gender, maaaring hindi nila naisipang

buksan ang lahat ng aspeto ng pag-iisteryutipo na maaaring nararanasan ng

ibang tauhan.

Mula sa mga naging resulta at diskusyon ng isinagawang pag-aaral,

nabuo ang sumusunod na rekomendasyon:

Una; para sa mga mag-aaral, lalo na sa mga kababaihan na

kung paano iniuugma ng mga pelikula ang konsepto ng kababaihan.

Bigyang pansin ang mga sitwasyon na kung saan nagiging boses at

nagtatagumpay ang mga karakter na kababaihan sa kabila ng hamon.

Pangalawa; para sa mga guro, magiging malaki ang ambag ng

pag-aaral na ito magkaroon ng integrasyon sa kurikulum ang pagtuturo ng

representasyon ng mga kababaihan para magkaroon ng pantay-pantay na

pagtingin sa bawat isa na kahit anong kasarian pa ito.

Pangatlo; para sa mga magulang, dahil sa isinagawang pag-

aaral na ito, marami silang matututunan na maaari nilang ipaunawa nang

husto sa kanilang mga anak lalo ang kanilang mga anak na babae,

partikular na ang konsepto ng feminismo

Pang-apat; para sa mga susunod na magsasagawa ng pag-

aaral tungkol sa diskurso ng wika at kasarian sa pelikula, ito ay nagbibigay


71

ng kaalaman sa pagnanais na magsagawa ng pananaliksik halintulad sa

pag-aaral na ito. Makakatulong ito upang mas magiging malawak pa ang

pag-aaral. Pinapayuhan na saklawin ang iba pang kasarian sa pelikula.

Inaasahan ng mananaliksik na mapapalawak ng mga mag-aaral ang

pag-aaral na ito, na kanilang pag-unawa sa diskurso ng wika at kasarian,

hindi lamang sa larangan ng pelikula ni Lualhati Bautista, kundi pati na rin

sa iba’t-ibang aspekto ng sining at lipunan.


72

TALASANGGUNIAN

Alzahrani, F. (2016). The Portrayal of Women and Gender Roles in Philippine


Literature. International Journal of Scientific & Engineering Research.
Nakuha noong Marso 2. 2023. Mula sa https://www.ijser.org/research.p
aper/The-portrayal-of-Women-and-Gender-Roles-in-Films.pdf, p.53

Arditti, J. A., Godwin, D. D., & Scanzoni, J. (1991). Perceptions of parenting


behavior and young women’s gender role traits and preferences. Sex
Roles, 25,195-211.

Buban, J. (2015). Wendy Wasserstein: A literature voice from seventies to the


present. In B. Murphy (Ed). The Cambridge companion to American
women playwrights. Cambridge, England: Cambridge University Press.
(pp.213-231)

Bascow, S. A. (2019). Carlos Palanca Award: Stereotypes and roles. (3rd ed).
Pacific Grove, CA: Brooks/Cole.

Blau, F. D., & Ferber, F. D. (2015). Economics determine in Carlos Palanca


Award Literature focusing in economy. In J. S. Petrikin, (Ed),
Male/Female roles: Opposing viewpoints. San Diego, CA: Greenhaven
Press. (pp.66-73.)

Broverman, I. K., Vogel, S. R., Broverman, D. M., Clarkson, F. E., &


Rosenkrantz, P. S. (2019). Sex-role stereotype: A current appraisal.
Journal of Social Issues.28, 59-78

Chung, J. S. (2019). Women’s Unequal Access to Education in Literature.


Comparative Education. Nakuha noong Marso 5, 2023. Mula sa
https://www.jstor.org/stable/1189194 Review, 38(4) 487-505.

Copenhaver, B. B. (2002). A Portrayal of Literature and a Description of


Carlos Palanca Awards in Selected American Modern and Post-modern
Plays. Electronic Theses and Dissertations: Nakuha noong Marso 15,
2023. Mula sa https://dc.etsu.edu/etd (pp.632).

Daquigan, B. P. (2014). Paolo B: and #MakeUpTransformation master | Public


Affairs |. GMA News Online. Nakuha noong Abril 4, 2023. Mula sa
https://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/kapusomojessicasoho/
382272/paolo-b-ang-makeuptransformation-master/story
73

Donovan, J. (1994). Feminist theory: The intellectual traditions of American


feminism. New York: Continuum. Review 6(6), 121-127.

Facura, C. C. (2012). The Feminist Issues in the Selected Short Stories of


Kerima Polotan. Saint Louis University, Baguio City.

Fuentes, M. E. (2018). Tugmaang Pambata: Diskriminasiyong Pangkasarian.

Garcia, S. J. (2018). Literature and knowledge: Elements of postmodern


literature. Boston. Northeastern University press. (pp.256-345).

Gentilizo, D. W. (2017). Literary history, modernism, and postmodernism.


Philadelphia: John Benjamin. (pp.46-68).

Good, S. L. N. L. (2019). Why Today’s Young People Are Viewed So


Negatively (Opinion). Education Week. Nakuha noong Abril 6, 2023.
Mula sa https://www.edweek.org/leadership/opinion-why-todays-young-
people-are-viewed-so-negatively/2004/04

Hertale, D. (2007). Patriyarkal na sistema. Ang mentalidad na kinagisnan, Live


Journal. Nakuha noong Marso 25, 2023. Mula sa https://deathbyhertale
.livejournal.com/10231

Inguillo, A. (2017). After the great divide: Modernism, mass culture,


postmodernism, Bloomington. IN: Indiana University Press.

Layng, A. (2017). Evolution explains traditional gender roles. In J. S. Petrikin


(Ed), Male/Female roles: Oppossing viewpoints. San Diego, CA:
Greenhaven. (pp.17-23).

Le Gates, M. (1995). Feminists before feminism: Origins and varieties of


women’s protest in Europe and North America before the twentieth
century. In J. Freeman, (Ed). Women: A feminist perspective 5th ed.
Mountain View, CA: Mayfield. (pp.494-508).

Lipman-Blumer, J. (1984). Gender roles and power. Englewood Cliffs, NJ:


Prentice Hall. pp.6(7)-134.

Libo, R. (2018). A teacher’s introduction to postmodernism literature. Urbana,


IL: National Council of Teachers of English. pp.17(5), 325-445.
74

Mabaitk, D. (2014). Postmodernism and the possibilities for representation


literature in Carlos Palanca Award. American Studies International.
Nakuha noong Abril 28, 2023. Mula sa https://www.unescap.org/sdd/iss
ies/gender. (pp.31, 4-16).

Mercado, S. (2018). Keep us on the pedestal: Women against feminism


literature. In J. Freeman, (Ed). Women: A feminist perspective.
Mountain View, CA: Mayfield. (pp.547-560).

Melenxsa, S. (2018). The Formalistic Approach in Literature. In: The Great


Gats by. The Critics Debate. Palgrave, London. Nakuha noong Marso
10, 2023. Mula sa https://doi.org/10.1007/978-1-349-20768-8_2

Mesias, J. N. (2019). The Role of Women in Philippine Literature: Supporting


the men – An Analysis of culture influences the changing discourse on
gender representations in Film. Nakuha noong Abril 18, 2023. Mula sa
https://scholarworks.uark.edu/cgi/viewcontent.cgi?
article=1001&content=jouruht

Panganiban, P. A. et.al (2018). An Introduction: Feminist Perspective in


literature. Nakuha noong Mayo 1, 2023. Mula sa https://www/myacpa.or
g/sites/default/files/Feminist-Theoretical-Perspectives-pasque-wimmer-
REV.pdf

Palmes, D. F. (2016). Kabaro: Mga Tabas at Pagdedesenyo ng Pagpapasya


ng mga Tauhang Babae sa Walong Piling Premyadong Nobelang
Filipino ng Gel power, Pamantasang De La Salle, Disertasyon para sa
PhD, araling Filipino.

Paredes, A. (2021). Asia Society: Women’s Role in Contemporary Korea.


Nakuha noong Marso 23, 2023. Mula sa https://asiasociety.org/educati
on/womens-role-in-contemporary-korea/Women’s Role in Contemporar
y Korea | Asia Society

Rojas, V. Y. (2021). Larawan ng Kababaihan sa Cyberspace.

Sebastian, I. et.al (2017). History of Feminism. IED 134 Study Skills and
Research Techniques. pp.7(8), 45-78.

Santos, R. (2019). Race and Gender Stereotypes in Literature. Nakuha noong


Marso 16, 2023. Mula sa https://studycorgi:com/race/-and-gender-
stereotype-in-org.https://ipl.org/essay.com
75

Stone, L. (2010). The Women’s Journal from gender literature of American


Research,6(6), 34-56.

Vallao, L., & Dela Cruz, M. (2011). Portrayals of Filipino Women in Selected
Contemporary Short Stories. Pangasinan State University. (pp.37-56).

Ventura, M. (2017). Empowering Women. Carlos Palanca Award. Manila


Bulletin Review, 111(27), 323404.

Yanquiling, R. (2017). Languange Sexism in English Newspapers.


Pangasinan State University. Nakuha noong Pebrero 5, 2023. Mula sa
https://www.ehow.com/how-2246924-theme short story. The Global
Role of Women-Contributions to Development (globalvolunteer.org)
APENDISES
77
Apendiks A. Aktuwal na Gastusin sa Riserts

UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO Colleg


e Seal
Kabacan, Cotabato
Philippines
AKTUWAL NA GASTUSIN SA RISERTS
Pamagat ng Pag-aaral

“DISKURSO NG WIKA AT KASARIAN SA PELIKULANG DEKADA ’70 AT BATA BATA PAANO KA


GINAWA NI LUALHATI BAUTISTA”

AYTEM/DESKRIPSYON TINATAYANG GASTUSIN

Adviser 850.00
Department Research Coordinator 300.00
Examining Committee Member 600.00
Hardbound 2,000.00
Printing 3,000.00
Paper Clips 50.00
Snacks and Lunch for Panel 500.00
Softbound 300.00

KABUUAN 7,600.00
Inihanda at Isinumite ni:

SEDRICK S. OMANGAL JR.


Pangalan at Lagda ng Mag-aaral

BINIGYANG-PANSIN

SHANDRA C. GONSANG, PhD ____________P


Tagapayo ng Riserts Petsa

AMME ROSE B. NONOL, MALT ____________


Riserts Koordineytor ng Departamento Petsa

GIRLIE D. BATAPA, PhD ____________


Tagapangulo ng Departamento Petsa

USM-EDR-F06a-Rev.0.2022.10.18
78
Apendiks B. Aplikasyon para sa Depensa ng Riserts Manuskrito

UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO Colleg


e Seal
Kabacan, Cotabato
Philippines
APLIKASYON PARA SA DEPENSA NG RISERTS MANUSKRITO

Pangalan SEDRICK S. OMANGAL JR.


Digri/Medyor BSE-FILIPINO
Pamagat ng Riserts DISKURSO NG WIKA AT KASARIAN SA PELIKULANG DEKADA ’70 AT BATA
BATA PAANO KA GINAWA NI LUALHATI BAUTISTA
Petsa ng Depensa OCTOBER 17, 2023
Oras 11:00 A.M- 1:00 P.M
Lugar UNIVERSITY OF SOUNTHERN MINDANAO
POBLACION, KABACAN, NORTH COTABATO

KASAPI NG KOMITE NG TAGASURI


Pangalan Lagda Petsa

MARIA LUZ D. CALIBAYAN, EdD ____________M


FRITZ MAY A. REYES, MALT-Fil ____________M
MARY JANE B. MARTIN, PhD ____________

MUNGKAHING PAGTIBAYIN:

SHANDRA C. GONSANG, PhD _______________________________


Tagapayo Kasamang Tagapayo (Opsyunal)
PINAGTIBAY:
_______________________________ AMME ROSE B. NONOL, MALT
Istatistisyan ng Kolehiyo Riserts Koordineytor ng Departamento
(Opsyunal)
GIRLIE D. BATAPA, PhD
Tagapangulo ng Departamento

RESULTA NG DEPENSA

Pangalan Lagda Resulta


MARIA LUZ D. CALIBAYAN, EdD ____________________ ___________
FRITZ MAY A. REYES. MALT-Fil ____________________ ___________
MARY JANE B. MARTIN, PhD ____________________ ___________

PINAGTIBAY:
AMME ROSE B. NONOL, MALT
Riserts Koordineytor ng Departmento
____________
PetsaM

USM-EDR-F08a-Rev.0.2022.10.18
79

UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO Colleg


e Seal
Kabacan, Cotabato
Philippines
PERSONAL NA DATOS NG MANANALIKSIK
ONAL NA DATOS NG MANANALIKSIK
SEDRICK S. OMANGAL JR.
Brgy. Osias Lapu-Lapu Street Kabacan, North Cotabato
0951-449-5993
ssomangal@usm.edu.ph
80

PERSONAL NA DATOS
Pangalan: Sedrick S. Omangal Jr.
Katayuang Sibil: Single
Relihiyon: Islam
Tribu: Maguindanaon
Pangalan ng Ama: Sedrick D. Omangal Sr.
Pangalan ng Ina: Jonalyn S. Omangal
EDUKASYONG NATAMO
Tersyarya: University of Southern Mindanao
Bachelor of Secondary Education major in Filipino
Bai Matabay Plang Avenue, Poblacion, Kabacan,
North Cotabato
(A.Y. 2023-2024)

Sekondarya: Notre Dame of Kabacan Inc.


Senior High School
Bonifacio Street, Poblacion, Kabacan, North
Cotabato
(A.Y. 2019-2020)

Kabacan Wesleyan Academy Inc.


Junior High School
Abellera Street, Poblacion, Kabacan, North
Cotabato
(A.Y. 2017-2018)

Elementarya: USM, Annex Central Elementary School


Bai Matabay Plang Poblacion, Kabacan, North
Cotabato
(A.Y. 2013-2014)

SINALIHANG MGA
ORGANISASYON: Future Secondary Mentors Society (FSMS)
University of Southern Mindanao
Member

Kapisanan ng Kabataang Maka-Pilipino (KKMP)


University of Southern Mindanao
Member
81

You might also like