You are on page 1of 27

1.

NOLI ME TANGERE
Ang Pagsilang ng Noli

Noong 1882 habang nasa Madrid si Dr. Rizal ay nahumaling siya sa pagbabasa ng iba’t
ibang aklat dahil ito ang kanyang naging pampalipas-oras sa araw-araw. Tuwing nakakaipon
siya ng pera ay bumibili siya ng mga segunda-mano na aklat kay Señor Roses, kanyang kapit-
bahay sa Madrid. Halos nakabuo na siya ng munting pribadong aklatan sa dami ng kanyang
nabili. Ang aklat na The Uncle Tom’s Cabin (Ang Dampa ni Tito Tom) na gawa ng
Amerikanong si Harriet Beecher Stowe ang lubos na naibigan niyang basahin dahil
inilalarawan nito ang brutal na pagtrato ng mga Amerikanong puti sa mga aliping Negro. At
mula sa nobelang ito nagkaroon siya ng ideya na bakit hindi siya o ng mga kabataang
Pilipinong nasa Europa na gumawa ng isang nobela na may pananaw na tulad nito para sa
Pilipinas.

Sa isang pagtitipon ng mga Pilipinong residente sa Madrid noong Enero 2, 1884 sa


tahanan ni Pedro A. Paterno iminungkahi niya na lumikha sila ng isang nobelang tatalakay sa
kalagayan ng Pilipinas. Agad itong sinang-ayunan ng mga ilustradong Pilipino na narorooon
tulad nina Valentin Ventura, Eduardo de Lete, magkapatid na sina Pedro, Maximo, at Antonio
Paterno, Graciano Lopez Jaena, Evariste Aguirre, at Melencio Figeroa.

Ngunit sa kasawiang palad umandar ang pagiging ningas-kugon ng mga sumang-ayon


sa kanya. Nadismaya siya sa mga kapanalig sapagkat inuna pa ng mga ito ang pag-inom,
paglalamiyerda, pagsusugal, at pambabae sa mga bar kasama ang mga bayarang mga chola
(prostitute) ng Madrid kaysa adhikaing makabayang pinagkasunduhan. Dahil dito ay
minarapat na lamang niyang mag-isang sulatin ang isang nobela para sa bayan. At ang isa
pang nakahikayat sa kanya na ipagpatuloy ang pagsusulat ng isang nobela na wala ang
tulong ng kanyang mga kaibigan ay ang nobelang The Wandering Jew (Ang Lagalag na
Hudyo) ni Eugenio Sue. Inumpisahan ni Dr. Rizal ang pagsulat ng nobela sa Madrid noong
1884 habang nag-aaral sa Univercidad Central de Madrid.

Ang Pangalang Noli Me Tangere

Batay sa liham niya kay Felix Resurrecion Hidalgo sa wikang Pranses noong Marso 5,
1887, nakuha niya ang pamagat na Noli Me Tangere sa Bibliya na nasa wikang Latin (na
posibleng ang bibliyang nabili niya sa Madrid kay Señor Roses noong 1882) sa ebanghelyo ni
San Lukas na nagsasabing “noli me tangere” na ang ibig sabihin ay huwag mo akong
hawakan o salingin (salangin sa ilan). Subalit nagkamali siya sa kanyang sinabi. Ito’y
sapagkat “wala namang taludtod o bersekulo” sa ebanghelyo ni San Lukas ang nagsasaad ng
ganitong mga kataga, kundi sa ebanghelyo lamang ni San Juan, partikular sa kabanata 20,
taludtod 17.

Batay sa isang diksyunaryong Kastila-Ingles na nilikha ni Velasquez dela Cadena ay


may salitang ganito talaga sa wikang Kastila. At ito ay ang nolimetangere. Ito’y
nangangahulugang malubhang sugat sa mukha at ilong na kung tawagin ay ketong o leproso.
Maging sa Diccionario Español-Ingles ni Arturo Cuyas ay lumitaw at nakasaad din na ganitong
salita at kahulugan. At sa pagpapatuloy ng pagbabasa sa kahulugan nito ay ipinaliwanag pa
ang maikling kasaysayan ng pinagmulan ng salitang nolimetangere. Ayon dito, naging palasak
ang salitang ito sa Europa at Malaya (sakop ng mga Ingles sa Timog-silangang Asya) bilang
babala sa sinumang mapagpapalimusan ng mga ketongin sa kabayanan na ang nagpapalimos
ay dating isang ketongin na gumaling lamang (na pinababayaang mamalimos kung sila’y
magaling na), at bilang tanda na ang mga ito ay dating ketongin sila’y makikitang nakasuot
na kwintas na may nakasulat na nolimetangere.

Ang Madilim na Buhay ni Dr. Rizal sa Berlin, 1886

Sumulat siya sa kanyang kapatid na si Paciano upang ipaalam na tapos na niya ang
Noli at binabalak na niya itong ipalimbag ngunit salat na siya sa salapi.

Dahil wala pang pinadadala si Paciano, noong kalapitan na ng pasko noong 1886 Berlin
ay naghirap din siya. Halos ‘di na siya makakain dahil talagang walang-wala na siya.
Itinuturing niya itong kanyang pinakamalungkot na taglamig sa buong buhay niya. Naisanla
na niya ang dyamanteng singsing na ibinigay sa kanya ni Saturnina. Nagkakagula-gulanit na
ang kanyang damit at talagang namamayat na siya.
1
Hindi ito nais mangyari ni Paciano sa kanya. Talagang napakahirap lamang ang buhay
noon sa Calamba. At ang dahilan ng mga ito ay ang pagkasalanta ng mga pananim nila dahil
sa paglaganap ng mga balang sa kanilang tubuhan.

Tila nakasilay siya ng isang liwanag sa kanlungan ng kadiliman ng taglamig na iyon.


Sumulat sa kanya ang kaibigan niyang si Maximo Viola na katatapos lamang sa Medisina ng
mga panahong iyon. At sa sulat na ito sinabi ng anak-mayamang tubong San Miguel de
Mayumo, Bulacan na siya’y bibisita sa kanya sa Berlin upang doon magpasko. At ilang araw
bago magpasko noong 1886 ay dumating si Viola at nagulat siya sa nakita aniya: namamayat
at talagang naghihirap noon si Dr. Rizal.

Agad siyang tinulungan ng kaibigang doktor. Sinuri siya nito, at pagdating ng pasko ng
1886 sila’y nagdiwang. Naging maligaya si Dr. Rizal nang paskong iyon. At dito kanyang
hiningi ang tulong ni Viola na kung maari ay pautangin siya ng pera upang mapalimbag ang
kanyang nobela.

Ang Pagkakalimbag ng Noli

Pinautang siya ng halagang P 300.00 ni Viola, at noong Pebrero 21, 1887 ay nayari na
ang manuskrito at handa na ito upang mailimbag. Sa tulong parin ni Viola ay naghanap
silang dalawa ng pinakamurang palimbagan sa Berlin. Halos `di niya nagustuhan ang halaga
ng ilang mga palimbagan sa Berlin. Hanggang sa kanilang matagpuan ang pinakamurang
palimbagan, ang Berliner Buchdruckei-Action-Gesselchaft. Pumayag ang dalawang panig na
makapaglimbag ito ng 2,000 sipi para sa halagang P 300.00.

Sa Calamba, alalang-alala na si Paciano sa kalagayan ng kanyang kapatid sa Europa.


Ginawa na niya ang lahat para lamang makapagpadala ng pera sa Berlin. At sa
pagsusumikap niya ay nakapagpadala siya ng P 1,000.00 kay Dr. Rizal kasama ang isang
liham. Nais pa itong dagdagan ni Paciano dahil batid niyang kulang pa itong kabayaran para
sa mga paghihirap ng kanyang kapatid. Subalit hindi pa rin noon naibebenta ang mga asukal
na naprodyus. Subalit sa kaso ng kamalayan at pag-unawa ni Dr. Rizal ay sapat na ang
halagang iyon at lubos siyang nagpapasalamat sa kanyang kapatid. Sa mga padalang iyon ni
Paciano nabayaran na niya ang P 300.00 nautang niya kay Viola.

Araw-araw nilang binibisita ang palimbagan sa Berlin upang tingnan ang kalakaran ng
paglilimbag ng kanyang nobela. Subalit, sa `di inaasahang pagkakataon, habang silang
dalawa ni Viola ay naglalakad, ay napagkamalang espiya ng Pransya si Dr. Rizal sa Alemanya.
Dahil dito ay tinunton ng pulisya ng Berlin ang tinitirahan niya at hiningan siya ng pasaporte
bilang patunay na siya’y isang Pilipino at hindi Pranses.

Binigyan siya ng apat na araw na ultimatum ng mga pulis na makapagharap ng


kaukulang dokumento na nagpapatunay na siya’y isang Pilipino. Tinulungan muli siya ni Viola
na magtungo sa embahada ng España sa Berlin para ayusin ang problema at nangako naman
ang mga kawani nito na siya’y tutulungan. Subalit tapos na ang ultimatum ay wala paring
nagagawang pasaporte at mga dokumentong nagpapatunay na siya nga’y isang Pilipino. Dahil
dito ay mismong siya na ang nagtungo sa punong pulisya at nagpaliwanang na siya ay hindi
espiya ng Pransya sa halip ay isang Pilipinong mag-aaral ng etnolohiya sa Alemanya.
Ipinaliwanag niya sa hepe na kung ang dahilan ng paghihinala nila na siya’y espiya dahil sa
kanyang paglilibot sa mga kabayanan ng Alemanya, ito’y dahil “hindi upang mag-espiya”
kundi pag-aralan ang kalikasan bilang mag-aaral ng Etnolohiya sa Alemanya. Naniwala naman
ang hepe na siya’y hindi Pranses. At isa pa ay namangha ang hepe sa husay niyang magsalita
ng Aleman. Dahil dito ay hinayaan na siyang manatili sa Alemanya at gawin ang dapat niyang
gawin dito.

Noong Marso 21, 1887 natapos nang limbagin ang nobela. Agad niyang pinadalhan ng
mga kopya ang kanyang mga kaibigang sina Blumentritt, Dr. Antonio Ma. Regidor, Jaena,
Hidalgo, at Ponce. Ito ang kauna-unahang aklat niya na ang hangad ay malantad at mabatid
ng marami ang katotohanan na nagaganap sa Pilipinas. At bilang tanda ng kanyang
pasasalamat sa tagapagligtas ng Noli na si Viola, kanyang ibinigay ang pluma na ginamit niya
sa pagsulat nito na may nakapalupot na mga galley proofs o sipi na pinaglimbagan ng nobela.

Ang nobela ay walong beses na nalimbag mula ng ito’y malimbag sa Berlin noong
1887. At ito’y naisalin din sa iba’t ibang wikang pandaigdigan at pambansa. Ang unang salin
nito sa wikang Ingles ay pinamagatang An Eagle Flight noong 1900 na nailimbag sa New York
2
ng Mclure Philips & Co. Ang pangalawang bersyon nito sa Ingles ay nailimbag din sa New York
ngunit wala itong naikabit na pamagat. Ang ikatlong bersyon naman nito sa Ingles ay ang
salin ni Charles Derbyshire na The Social Cancer noong 1912 na nailimbag sa Pilipinas.
Nariyan din ang mga sariling salin ng mga Pilipino sa Ingles tulad ng kina Feliciano Basa at
Francisco Benitez noong 1933. Ang salin naman ni Camilo Osias at Jorge Bocobo ay nalimbag
noong 1956. Ang kay Leon Ma. Guerrero ay lumabas noong 1961.

Katotohanan sa Likod ng Nobela

Sa orihinal na manuskrito ay binubuo ito ng animnapu’t apat (64) na kabanata, subalit


animnapu’t tatlo (63) lamang ang nalimbag. At sa kasalukuyan ay may mga edisyon na ng
Noli na nagtataglay ng kabanatang kinaltas kaya lumilitaw na may 64 na kabanata ang buong
nobela kung susuriin ang ilang mga edisyon.

Sa simula pa lamang ay kanya ng nababanggit ang tungkol sa paksang tatalakayin ng


nobelang ito, at ito ay ang paglalantad ng tunay na kalagayan ng kapuluang Pilipinas sa likod
ng kasinungalingang ipinalalabas na malinis na `di umanong tagapaglingkod ng Inang España
ang mga opisyal na naririto at banal “kuno” ang mga frailes. Dahil dito, ang Noli ay
masasabing hindi lamang basta-basta isang nobelang naibigan lamang sulatin para sa sariling
pagkakontento kundi isang buhay na tala ng tunay na kasaysayan ng Pilipinas sa anyong
idyomatikong nobela. Ayon kay Wenceslao E. Retana ay marami sa mga Pilipino ang
itinuturing ang Noli bilang kanilang bagong ebanghelo o Biblia.

Sa nobela ding ito ipinakita niya ang tunay na kahulugan ng relihiyong Katoliko sa
Pilipinas, at ito ay ang kasakiman, kapalaluan, at kadilman. Hindi rin maikakaila ang
pagkasangkot ng mga Pilipinong sipsip sa mga Kastila. Mga kabaluktutan sa pamahalaan,
kurapsyon, pagmamalabis, at higit sa lahat ay kawalan ng moralidad. At ito ay kanyang
itinuring na “kanser ng lipunan.”

Ang lahat ng mga tauhan ng nobela ay hango sa tunay na buhay sa panahon niya. Si
Maria Clara ay si Leonor Rivera (at ayon kay Luis Camara-Dery ay hinango din niya sa
dalagang si Pepita Roxas ng Calumpit, Bulacan); si Crisostomo Ibarra at Elias ay si Dr. Rizal
mismo; si Pilosopo Tasyo ay si Paciano; si Padre Salvi (ayon sa mga Rizalista) ay si Padre
Antonio Piernavieja na kinasusuklamang Agustinong fraile sa Cavite na pinaslang ng mga
revolucionarios; si Cap. Tiago ay si Kap. Hilario Sunico ng San Nicolas; si Doña Victorina ay si
Doña Agustina Medel; ang mag-iinang Sisa, Crispin, at Basilio ay sinasabing iminungkahi ni
Marcelo H. del Pilar na mga pangalan kay Dr. Rizal na mga tunay na mag-ina sa lalawigan ng
Bulacan (na ayon sa ibang historyador sila’y taga San Miguel de Mayumo, ilan ay sa San
Ildefonso o San Rafael, at ang iba ay sa Hagonoy, na mga bayan ng Bulacan); at si Padre
Damaso ay kilalang fraile na mapangmalabis, arogante, immoral, at kontra-Pilipino noong
panahon ni Dr. Rizal.
Mga Pinuna ni Dr. Rizal na nasasaad sa Noli
 Kasamaan ng mga pari
 Kakulangan sa pananampalataya sa Panginoon
 Kamangmangan
 Pagbunyag sa mga lihim sa pangungumpisal
 Pagsusugal
 Kasakiman
 Mataas na pagtingin sa sarili
 Immoralidad
 Paggamit ng komersyalismo sa pananampalataya
 Labis-labis na pagkilala ng mga fraile sa mga santo na siyang ugat ng kasakiman
 Pag-impluwensya ng simbahan sa pamamalakad ng pamahalaan
 Pakikialam ng simbahan sa mga personal na buhay ng mga tao

Ang Manuskrito ng Noli


Noong kasagsagan ng Revoluccion sa Pilipinas, ang manuskrito ng Noli ay itinago sa
isang ukang pader sa Intramuros at tinakpan ng semento. At noong 1945 sa muling pagbawi
ng mga Amerikano sa Maynila ay `di sinasadyang natagpuan ang nasabing manuskrito. Binili
ito ng pamahalaang Pilipino sa halagang P 25, 000.00 sa pangunguna nina Speaker Sergio
Osmeña at Gov. Hen. Walter Guilbert. Ito ngayon ay iniingatan ng Bureau of Public Libraries.

Pagtitipid sa Produksyon ng Noli


Upang mapagkasya ang inutang ni Dr. Rizal kay Viola na halagang P 300.00 sa
pagpapalimbag ng Noli, siya’y nagtipid sa pagkain. Hindi siya uminom ng kape at binawasan
3
ang pagkain ng biskwit sa loob ng isang linggo. At upang mabawasan pa ang halaga ng
babayaran sa pagpapalimbag ay kanyang tinanggal ang isang kabanata ng Noli, ang
tinaguriang kabanata “X” (ekis) na pinamagatang Elias at Salome.

Ang kabanatang inalis niya ay karugtong ng ika-14 na kabanatang pinamagatang Sa


Gubat. Sa pagsusuri ng mga Rizalista at iskolar sa manuskritong sulat-kamay niya ay kakaiba
ang kabanatang tinanggal na ito sa lahat. Sapagkat ito ay ang bukod-tanging kabanata na
walang bilang at isiningit lamang karugtong ng ika-14 na kabanata. Dahil dito, maraming
kuro-kuro ang lumitaw na talagang hindi ninais ni Dr. Rizal na isali sa nobela ang kabanatang
ito. Isang patunay dito ay ang pagguhit sa kabanatang ito ng asul na lapis, tanda na hindi ito
ilalakip sa tinayp na ililimbag (type-written manuscript o galley proof). Ngunit hanggang sa
ngayon ay hindi pa alam ang tunay na dahilan sa pagtanggal ng kabanata. Kaya sa
kasalukuyan, ang tinitingnang dahilan kung bakit ito tinanggal ay nang dahil sa pagtitipid.

Pagkilala ng Noli ng Daigdig at ng Pilipinas

Sa Alemanya, unang kinilala ang Noli ni Ferdinand Blumentritt. Hinangaan niya ito ng
lubos sapagkat lumitaw sa nobelang ito ang buong puso’t isipang pagnanais na ipamulat sa
mga mambabasa na ito ang nangyayari sa lipunang Pilipino.

Noong Abril 1888 nilisan ni Dr. Rizal ang Hapon at nagtungo sa Estados Unidos. Dito
kanyang nakadaupang-palad ang isang pamilyang Ingles na may dugong Pilipino. Isang bata
(na isa sa mga anak ng pamilyang tinutukoy) ang lumapit sa kanya at nagtanong, “Ginoo
may kilala ka bang Pilipinong nagngangalang Richal na gumawa ng Noli Me Tangere?” ang
tanong ng bata. Tumugon siya at sinabing “Oo hijo, ako si Richal.” Nagulat ang bata at dali-
daling tinawag ang kanyang ina at binalitang kasama nila ang may akda ng Noli. Dinumog
siya ng maraming tao na nakarinig at tila artistang pinagkaguluhan siya sa barko.

Sa unang bahagi ng 1900’s naging mas matunog ang pangalan ni Dr. Rizal sa
Amerika. Hinangahan ng marami ang kanyang mga akda, lalo na ang Noli na itinuring na
“tinik ng España” sapagkat nalantad ang pagkabahala ng mga Kastila nang ito’y magsimulang
kumalat at ginawa ang lahat upang mawala ang nobelang ito at gayundin ay mapatay si Dr.
Rizal.

Sa bansang Hapon naipasok ang kaalamang Rizaliana sa pamamagitan ng Noli at El


Fili. Ito’y dahil sa ang kaibigan ni Dr. Rizal na si Tetcho Suehiro (nakilala ni Dr. Rizal noong
1888 sa Hapon). Kinikilala sa kasaysayan ng Hapon si Tetcho bilang dakilang manunulat,
nobelista, kampyon ng masa, at higit sa lahat ay bilang bayani. Noong 1891 (nang lumahok si
Tetcho sa pulitika sa Hapon) ay kanyang nilikha ang dalawa sa mga dakilang nobelang Hapon
na ang layunin ay ilantad ang kabaluktutan sa pulitika sa Hapon. Mula sa dalawang nobelang
ito ni Dr. Rizal ay nagkaroon ng ideya si Tetcho na lumikha din ng kamukha nitong nobela, at
ito ay ang Nankai-no Daiharan (Ang Unos sa Dakong Katimugang Dagat) na nahahawig sa
Noli, at noong 1894 ay ang O-unabara (Ang Malawak na Karagatan) na may pagkakatulad
naman sa El Fili.

Samantala, lalong kumalat ang Noli sa daigdig dahil na rin sa tulong ng mga kaibigang
sina Jose Ma. Basa (na nagpakalat sa Tsina at Hongkong), Dr. Antonio Ma. Regidor
(Inglatera), Blumentritt (Silangang Europa), mga samahang Mason ng Madrid, Mariano Ponce
(Pilipinas), at marami pang iba.

Sa Pilipinas isa si Bonifacio sa lubos na humanga kay Dr. Rizal. Ang kanyang nobela ay
naging daan upang lalong sumilakbo ang paghahangad ng mga Pilipino sa kalayaan at naging
modyul sa bawat kasapi nito na iyon ang histura at nararanasan ng lipunang Pilipino na dapat
nang wakasan.

Ang Buod ng Noli

Si Juan Crisostomo Ibarra ay ang anak ng isang mayamang mangangalakal na indio na


si Don Rafael Ibarra. Bata pa lamang ay ipinagkasundo ng kanyang ama sa anak na dalaga ni
Don Tiago de los Santos na si Maria Clara. Si Ibarra ay ipinadala sa ibang bansa upang doon
mag-aral, at habang siya’y wala ay nasangkot sa isang krimen ang kanyang ama. ~di
sinasadyang napatay ni Don Rafael ang isang kolektor ng buwis dahil sa pagtatanggol nito sa
isang batang inaabuso nito. Siya’y nakulong hanggang sa siya’y mamatay sa bilangguan.

4
Matapos ang limang taon si Ibarra’y muling bumalik sa bansa at isang marangyang
pagsalubong ang inihanda para sa kanya ni Kapitan Tiago sa Calle Anloague sa Binondo,
Maynila. Dito nabalitaan niya sa kanyang kaibigang si Tiniente Guevarra na pumanaw na ang
kanyang ama. Napuot si Ibarra sa kanyang nabalitaan at agad niyang tinungo ang
sementeryo na pinaglibingan kay Don Rafael. Tinanong niya ang isang sulpulturero kung
nasaan ang puntod ng kanyang ama at winika nito na muli itong ipinahukay ng tanyag at
kilabot na fraile na si Padre Damaso at ipinalipat sa libingan ng mga Intsik. At nang dahil sa
sama ng panahon at sa bigat ng bangkay, ito’y inihagis na lamang sa lawa at kinatamaran ng
ilibing ng maayos sa sementeryo ng Parian. Ang dahilan kung bakit muling ipinahukay ni
Padre Damaso ang bangkay ng kanyang ama ay dahil sa paniniwala na si Don Rafael ay `di
gaanong nagsisimba at itinanghal siya nito bilang isang ereje, at bilang parusa ay hindi siya
karapat-dapat ilibing sa libingan ng mga Katoliko.

Matapos ang pangyayari ay itinago na lamang ni Ibarra ang sama ng loob at kanya na
lamang itong ilalabas sa tamang panahon. Nagbalak siya na magtayo ng isang paaralan para
sa kanyang mga kababayan at bilang regalo na rin niya sa kasaintahang si Maria Clara.
Isinangguni niya ito sa nakatatandang kaibigang si Don Anastacio na kilala sa tawag na
Pilosopo Tasio at inisip ng matandang pilosopo na walang kahihinatnan ang proyekto niyang
ito bagama’t ang pagtatayo ng paaralan ay pinasimulan na. Isinantabi muna niya ang
paghihiganti upang makakuha ng permit para sa paaralang itatayo. Ang naging arkitekto ng
pinatatayong paaralan ay si Señor Juan.

Dinalaw niya si Maria Clara at sa kanilang pag-uusap ay nagkaroon ng malalambing


na sumbatan ang dalawa. Inalihan ng pagkamakata si Ibarra nang itanong sa kanya ni Maria
Clara kung siya ba’y hindi niya nalimot sa kanyang paglalakbay sa magagandang pook ng
Europa at pakikihalubilo sa naggagandahang mga dalaga.

Naging napakatrahedya din ang kwento ng mag-iinang Sisa, Crispin, at Basilio. Sila ay
mag-anak na iniwan ng kanilang ama at nang dahil sa pagmamahal ni Sisa sa kabiyak ay
nalumbay ito at ibinaling na lamang ang wagas na pagmamahal ng ina sa kanyang mga anak.
Hanggang sa siya’y mabaliw dahil sa pagkawala ng kanyang mga anak na sina Crispin at
Basilio.

Nagbigay ng isang salapo (picnic) si Ibarra sa mga kaibigan sa tabi ng Lawa ng


Laguna. Naroroon sa salapo si Maria Clara at apat niyang kaibigan – ang masayahing si
Siñang, ang supladang si Victoria, ang magandang si Iday, at ang maalalahaning si Neneng,
kasama sina Tiya Isabel at iba pang kaibigan. At ang kanilang bangkero ay isang matipunong
kung titingnan ay napupuno ng pagmamahal na tago na si Elias.

Bahagi ng kanilang salapo ay ang pagpasok sa gubat patungo sa isang sapa at dito
sila’y nangisda. Nagkataong sa baklad na kanilang pinangingisdaan ay may nakulong na isang
buwaya kaya kahit na limang araw silang mamingwit dito ay wala silang mahuli. Upang
maialis ang nakahambalang na buwaya ay nilangoy ni Elias ang sapa upang hulihin ang
buwaya. Nanganib ang buhay ng bangkerong binata kaya’t iniligtas siya ni Ibarra. At mula
dito ang kanilang pagkakaibigan ay nagsimula.

Matapos ang salapo, si Maria Clara at ang mga kaibigan ay naglaro ng tinatawag na
gulong ng palad. Nakita sila ni Padre Salvi at agad silang binawalan at inagaw ang libretong
ginagamit upang hulaan ang kapalaran ng sinumang maglalaro. Ipinagbabawal ito noon sa
sinuman, bata man o matanda, sapagkay para sa mga Katolikong panatiko noon, ang
pangangahas na malaman ang kapalaran sa anumang paraang `di makasimbahan ay isang
kasalanan.

Sa misang inilaan para sa kapistahan ng bayan ng San Diego pinangunahan ito ni


Padre Salvi, habang ang nagsermon naman ay si Padre Damaso. Kanyang sinermon sa mga
panatiko ang hinggil sa ilang mga taong nagkamit ng karunungan sa loob o labas man ng
kolonya ay siyang unti-unting lumalason sa kaisipan ng mga mamamayan. Nasa misang iyon
si Ibarra at Maria Clara. Nilapitan sila ni Elias at binalaan na mag-ingat sa pagbabasbas ng
paaralan. Salamat sa babalang iyon at si Ibarra’y hindi napahamak.

Kinagabihan noon ay isang pagdiriwang ang isinagawa sa plaza ng San Roque.


Habang nagsasalita si Padre Damaso sa pagdiriwang ay bigla siyang sinunggaban ni Ibarra
dahil sa mga pananalita at walang pakundangang pagsasalita ng fraile na yumuyurak sa
pagkatao ng kanyang ama. Halos siya’y mapatay na ni Ibarra sa puntong iyon at mabuti na
5
lamang ay napigilan siya ni Maria Clara. At higit sa lahat ay sinalungat ni Padre Damaso ang
pag-iibigan nila ni Maria Clara kung saan sila’y pilit na pinaghiwalay at itinakdang ipakasal si
Maria Clara kay Alfonso Linares de Espadaña, apo ng bayaw ni Padre Damaso.
Dahil sa paghihiwalay sa kanila ni Padre Damaso ang dalaga ay nagkasakit at siya’y
ginamot ng isang nagbabalat-kayong si Don Tiburcio Espadaña na asawa ng indio na pinipilit
maging Kastila na si Doña Victorina.

Upang ipakita ang kanyang pagkadismaya sa lipunan ay pinangunahan niya ang isang
pagsalakay sa cuartel ng mga guardia civiles. Agad na nalaman ito ng alferez ng mga guardia
civiles at ang itinurong ulo ng nasabing pag-aaklas ay si Ibarra. Siya’y pinaghahanap na ng
awtoridad at nang kalaunan ay nakulong.

Nalaman ni Elias ang mga pangyayari. Dali-dali niyang tinulungan na makatakas sa


bilangguan si Ibarra at isinakay siya sa isang bangka na puno ng kumpay at binaybay ang
Ilog Pasig patungong Laguna de Bai. Dumaan sila sa tahanan ni Kapitan Tiago at sandaling
kinausap si Maria Clara at dito ipinaliwanag ni Maria Clara kung bakit niya ibinigay ang mga
sulat ni Ibarra sa mga awtoridad. At dito rin nabunyag ang napakalaking sikreto: anak ni
Padre Damaso si Maria Clara kay Dona Pia Alba.

Sila’y natunton din ng mga guardia civiles at sila’y hinabol. Upang iligaw ang mga
humahabol sa kanila ay lumundag si Elias sa tubig at siya ang tinugis ng mga kawal na ang
akala ay si Ibarra. Tinamaan siya ng bala at `di niya ininda ang sakit at nagpatuloy pa rin sa
paglalangoy. Nakatakas si Ibarra at ang katawan ni Elias (na inakalang si Ibarra) ay agad na
naglaho ng parang bula sa paningin ng mga guardias.

Alam na ng mga Kastila na patay na si Ibarra. Sa insidenteng iyon ay nakaligtas si


Elias ngunit mahinang-mahina na siya sa mga tinamong sugat. Nakarating siya sa gubat at
dito nakita niya si Basilio na umiiyak sa harap ng bangkay ng kanyang ina na si Sisa.
Sinabihan niya si Basilio na kumuha ng mga sanga na panggatong at ipinagbilin na
pagkamatay niya ay sunugin ang kanyang bangkay kasama ang katawan ng ina. Kanyang
itinuro kay Basilio ang mga nakabaong kayamanan ni Ibarra at binilin na gamitin ang mga ito
sa kanyang pag-aaral. Humarap si Elias sa silangan at winika: Mamamatay akong hindi
masisilayan ang pagsikat ng araw sa aking minamahal na bayan. Kayong mga makakasilay,
salubingin ninyo siya, at huwag kalilimutan ang mga nasilat sa dilim ng gabi.

2. EL FILIBUSTERISMO
Kaalaman sa Pagkakasulat ng El Filibusterismo

Malaki ang naging impluwensya ng pagkakabitay sa mga GomBurZa sa kamalayan ni


Dr. Rizal, lalo na nang kanyang maunawaan ang tunay na kadahilanan sa pagpapabitay.
Malaki rin ang naging impluwensiya ni Padre Burgos, isa sa paring binitay, sa pamilya Rizal,
kaya naisipan ni Dr. Rizal na alayan ang mga paring ito ng isa sa kanyang mga akda. Sila ay
sina Mariano Gomez, Jose A. Burgos, at Jacinto Zamora na binitay noong Pebrero 17, 1872.

Dinamdam niya ang pagkakabitay sa tatlong paring ito kaya’t nagpasya siyang bigyan
ito ng pamagat na El Filibusterismo na ang ibig sabihin ay ang rebelde. At ayon kay
Blumentritt, ang layunin ng pamagat ay papaniwalain ang mga Pilipino na wala nang ibang
lunas sa suliranin ng bayan kundi maghimagsik at humiwalay sa Inang Bayang Espana.

Inumpisahan niya itong sulatin noong siya’y nasa Calamba noong Oktubre 1887. Sa
kanyang pangingibang-bayan ay hindi niya nakaligtaan ang pagsulat kaya ang nobela’y
naipagpatuloy niyang sulatin habang siya ay nasa Londres, Paris, at Madrid, at natapos niya
sa Biarritz noong Marso 29, 1891. Sa tulong ng kanyang kaibigan na si Valentin Ventura,
isang mayamang Kapampangan na nakatira sa Paris, ay nailimbag ang nobela sa palimbagan
ng F. Meyer-Van Loo Press sa may Universidad ng Ghent sa Belhika noong Setyembre 18,
1891. Bilang pagtanaw niya ng utang na loob ay kanyang ibinigay kay Ventura ang sulat-
kamay na manuskrito ng El Fili na binubuo ng 279 pahina.

Inakala ng marami na binili ng Pamahalaang Pilipino kay Ventura ang nasabing


manuskrito sa halagang P 10, 000.00. Ngunit ang totoo buong puso niya itong inihandog sa
Pamahalaan. Ito’y sang-ayon sa pangungumbinse sa kanya ng kaibigan niyang si Trinidad H.

6
Pardo de Tavera na isa ring Kapampangang Kastila na tubong Lubao, Pampanga. Ngayon ay
nasa pangangalaga ito ng Filipiniana Division ng Bureau of Public Libraries sa Maynila.

Ang El Fili ay isang nobelang pampulitika na naglalarawan ng mga pangyayaring


nagmulat sa mga Pilipino upang maging kaaway nila ang pamahalaan at ang simbahan.
Naghari ang poot, hinanakit, at kapaitan sa mga tauhan ng nobela upang hikayatin ang bayan
sa paghihimagsik. Kahit na ang bida ng nasabing nobela na si Simoun ay nagawa ng sulsulan
at gumawa na rin ng kapalaluan at kabuktutan para lamang masaktan ang marami nang sa
gayo’y silang lahat ay magsipag-aklas laban sa mga Kastila. Subalit hindi ibig sabihin nito ay
ganito na rin ang naging ugali ni Dr. Rizal noong dakong huli.

Ito ay binubuo ng tatlumpu’t walong (38) kabanata na sa pagdaloy ng panahon, kagaya


ng kanyang mga akda, ay naisalin sa iba’t ibang wika. Noong 1912 naisalin ito sa Ingles ni
Charles Derbyshire na pinamagatang The Reign of Greed. Si Leon Ma. Guerrero na isa rin sa
nagsalin ay pinamagtan niya itong The Subversive noong 1962. At noong 1991 isa pang salin
sa Ingles ay ginawa ni Jovita Ventura Castro na pinamagatang The Revolution.

Buod ng El Fili

Ang El Fili ay ang ikalawang aklat ng kontrobersyal na unang nobela ni Dr. Rizal na
Noli. Lubhang maitim, madilim, matinik, madugo, at masalimuot ang nilalaman ng El Fili
kumpara sa Noli na magaan, maaliwalas, mabulaklak, puno ng pag-ibig, at may puso. Lalo
pang kabigla-bigla na ang maamong bida ng Noli na si Juan Crisostomo Ibarra ay siya pa lang
nagbabalat kayo bilang isang tanyag na alahero at kinilala ng mga Kastila sa pangalang
Simoun bilang isang intelektuwal na Amerikano. Sa kanyang pagbabalik sa bansa, bitbit niya
ang kadiliman at kasakimang wawasak, yuyurak, at magpapabagsak sa mga frailes at mga
opisyal na Kastila. At isa pa’y ang matinik na pagliligtas sa kanyang pinakamamahal na anak
ni Padre Damaso na si Maria Clara na `di na niya inabutan buhay sa monasteryo.

Si Ibarra ay tinutugis noon ng mga guardia civiles sa may Laguna de Bai (sa huling
kabanata ng Noli) kung saan siya’y tinulungang makatakas ni Elias (na nasawi sa Noli) at
lumangoy si Ibarra sa may sapa ng Kinabutasan (na bahagi ng Laguna de Bai), at siya’y
pinagbabaril. Nakontento na ang mga guardia sa pagbabaril ng may makita na silang dugo sa
tubig at dito kanilang inakala na patay na si Ibarra. Sa totoo’y nakaligtas si Ibarra at kanyang
kinuha ang mga ibinaong yaman nito. Nagtungo siya sa Cuba at doon nanirahan,
nagpayaman, at kinaibigan ang mga Kastila.

Makalipas ang labintatlong taon siya’y nagbalik sa Pilipinas tangan ang pangalang
Simoun –isang maimpluwensiyang Amerikanong mag-aalahas. Tinawag siyang Cardinal
Moreno at Eminencia Negro dahil siya ay naging tapapayo ng govenador-heneral at naging
kaibigan ang mga mayayaman at may kapangyarihang elite, lalo na ang mga ganid na
Kastila.

Nag-umpisa ang El Fili sa pagsakay ni Simoun sa isang `di kaaya-ayang mabagal na


bapor na ang tawag ay Tabo dahil sa ito’y hugis tabo. Nakasabay niya rito ang mga
principales, mga Kastila, mga frailes, mga opisyal, mga estudyante, sina Isagani at Basilio,
mga indio at mga Tsino. Dinaanan nila ang Ilog Pasig at lahat sila’y patungo at uuwi sa
Laguna.

Nakauwi muli si Simoun sa bansa sa tulong ng Tsinong si Quiroga na naging katulong


niya sa balak na pagtakas kay Maria Clara sa monasteryo at sa balak na isang malawakang
pag-aaklas. Hindi ito naisakatuparan dahil nabalitaan ni Simoun na pumanaw na pala si Maria
Clara.

Pagsapit ng noche buena si Basilio’y nagtungo sa libingan ng mga Ibarra upang dalawin
ang kanyang inang si Sisa. Taun-taon niya itong ginagawa dahil noche buena din noon ng
sunugin niya ang bangkay ng kanyang ina kasama si Elias na `di naman niya kilala. At nang
pabalik na siya sa bayan ay nakasalubong naman niya ang balbasang nakapusturang
mayaman na si Simoun. Natuklasan niya ang tunay na pagkatao ni Simoun at nangakong `di
niya ipagsasabi ang nalalaman sa kahit kanino. Isinalaysay ni Simoun ang mga nangyari sa
kanya at hinimok si Basilio na sumama sa kanyang balak na pag-aalsa, subali’t di pumayag
ang binata.

7
Nang makulong si Basilio (dahil sa pamimintang ng mga frailes at opisyal ng Akademya
ng Wikang Kastila na pinapasukan niya) si Simoun ang unang sumagip sa kanya. Bilang
pasasalamat ay tinanggap na rin niya ang alok sa kanya ni Simoun na pabagsakin ang mga
Kastila. Dahil na rin sa kasawiang-palad ng kanyang kasintahan na si Juli na pinagtangkaang
gahasahin ni Padre Camorra. Nasabay pa ito ng paghihiwalay ng magkasintahang sina Isagani
at Paulita Gomez, kung saan ang dalaga’y nangakong pakakasal sa isang mestizong Kastilang
kuba na si Juanito Pelaez. Ang pagpapakasal na ito ang nakitang butas ni Simoun upang
tapusin na ang laban niya sa mga Kastila at sinulsulan pa niya ang pagpapakasal ng dalawa.
Ang kanyang balak ay gamitin ang kasalan upang mapaslang ang mga matataas na opisyal,
mga frailes, at mga taong nagdudulot ng pasakit sa marami, kahit alam niyang inosente dito
si Paulita, at ang kanyang bantad ay kailangang may magsakripisyo para sa ikabubuti ng mas
nakararami.

Dito pinautang ni Simoun ang ama ng Kastilang si Juanito upang bilhin ang bahay ng
namatay na si Kapitan Tiago. Nabago ang hitsura ng bahay at si Simoun mismo ang
namamahala sa pag-aayos ng isang kiyosko sa may azotea ng bahay na siyang magiging
kainan ng mga bisita. Sa kasiyahang ito dadalo ang mga opisyal ng pamahalaan, mga frailes,
mga Kastila, at ilan pang piling mga bisita na pawing mga elite. Kailangang magbuwis ng
buhay ang ilan upang wakasan ang pananatili ng mga ganid. Niregaluhan ni Simoun ang mag-
asawa ng eleganteng lampara na `di alam ay may dinamitang nasa loob at sa oras na ito’y
sindihan sasabog ito kasama ang buong bahay.

Lumabas si Simoun at nagunita niya ang pagkahabag kay Isagani. Naawa siya dito at
ipinagtapat ni Simoun sa kanya na sasabog ang lamparang regalo niya sa oras na sindihan ito
kaya nararapat na umalis agad siya sa lugar. Hindi niya pinansin si Simoun sa halip ay nang
iyo’y sindihan na ni Paulita’y nanaig ang pag-ibig nito sa dalaga. Kinuha niya ang lampara at
itinapon sa ere’t sumabog.

Agad na tumakbo si Simoun. Hinabol siya ng mga guardia at pinagbabaril. Tinamaan si


Simoun subalit nakatakas pa rin ito. Nagtungo siya sa tahanan ni Padre Florentino na nasa
harap ng karagatang Pasipiko. Pinangaralan niya si Simoun at ginamot subalit uminom ito ng
lason at namatay. At bago siya mamatay ay ibinulong ng pari sa sarili ang mga
mahahalagang katagang ito: Nasaan ang kabataang magbibigay ng ginintuang panahon, ng
kanilang sigla’t mga pangarap sa kanilang bayang tinubuan? Nasaan ang kabataan na buong
buhay na lalaban sa labis-labis na kahihiyan, pagkakasala, karimarimarim na kabuktutan sa
lipunan? Kailanga’y malinis at buong puso ang pagbubuwis nang ang sakripisyo’y matanggap
ng buo! Nasaan na kayo kabataang magpapatuloy ng aming lakas at dugong malapit ng
mawala? Hinihintay namin kayo, o aming mga anak!

At sa huli ay itinapon ng pari ang mga dala-dalang kayamanan nito sa karagatan na tanda
ng kasakiman at kasalanan. Habang papalubog ang kaban ay nagwika ang pari: Nawa’y
bantayan ka ng kalikasan sa kailaliman, kasama ng mga perlas at korales ng kanyang
walang kamatayang dagat. Nang kapag may banal at dakilang layunin ay kailanganin ka
ng tao, ang Diyos na ubod ng talino ang siya ng kukuha sa iyo sa pusod ng mga alon.
Samantala, diyan ay di mo magagawa ang pighati, di mo mababaluktot ang katarungan,
`di mo mapapaigting ang kaimbutan!

Mga Tauhan

Ang nasabing nobela ay pinangungunahan ni Simoun, ang mayamang mag-aalahas na


ang tunay na pangalan ay Juan Crisostomo Ibarra; Doña Victorina, na patungo sa Laguna
upang hanapin ang lumayas na asawang si Don Tiburcio de Espadaña; Paulita Gomez, ang
magandang pamangkin ni Doña Victorina na kasintahang tunay ni Isagani; Ben Zayb,
mamamahayag na Kastila na nagsusulat ng mga artikulo masasama sa imahe ng mga
Pilipino; Padre Sibilya, pangalawang rektor ng UST; Padre Camorra, cura parroco ng bayan
ng Tiani; Don Custodio, Pilipinong maka-Kastila na may mataas na posisyon sa pamahalaan;
Padre Salvi, payat na Pransiskanong fraile at dating cura parroco ng San Diego; Padre Irene,
ang kaibigang fraile ng mga mag-aaral na Pilipino; Padre Florentino, retiradong iskolar at
makabayang paring Pilipino; Isagani, makatang pamangkin ni Padre Florentino.

Isa sa mga mahalagang tauhan ay sina Kabesang Tales, ama ni Juli at Tano, na kilala
sa tawag na Matanglawin; Hermana Penchang, ang manang na umalila kay Juli; Tano, isang
pipi na pumasok na guardia civil na anak ni Kabesang Tales; Makaraig, ang mayamang lider
ng mga mag-aaral na naghahangad na magkaroon ng isang Akademya na makapagtuturo sa
8
mga Pilipino ng wikang Kastila; Placido Penitente, ang mag-aaral na napilitang sumama sa
mga taong-labas bunga ng pang-iinsulto ni Padre Millon, ang Dominikanong fraile na
nagtuturo ng Pisika sa UST; Señor Pasta, isang abogadong Pilipino na walang
pinahahalagahan kundi ang kanyang sariling kapakanan na tagapayo ni Don Custodio na
tagapayo naman ng pamahalaan.

Ang iba pang tauhan ay sina Mr. Leeds, ang Amerikanong impresaryo na may-ari ng
isang palabas sa isang peria ng Quiapo; Sandoval, ang mag-aaral na Kastila na nagbibigay ng
suporta sa mga adhikain ng mga mag-aaral na Pilipino na magkaroon ng isang akademya;
Pepay, magandang mananayaw na kalaguyo ni Don Custodio; Pecson, isa pang mag-aaral na
Pilipino na nagnanais na maituro ang wikang Kastila sa marami; at si Padre Fernandez,
Dominikanong fraile at mabuting kaibigan ni Isagani.

3. NASYONALISMO SA MGA TULA NI DR. RIZAL


Ang mga akdang gawa ni Dr. Rizal ay nakapagpagising sa bawat damdamin ng mga
Pilipino upang magkaroon ng kabuluhan ang kanilang buhay. Nagsulat siya ng mga tula sa
iba’t ibang lugar patungkol sa edukasyon, relihiyon, pagmamahal sa kalikasan, at sa pagiging
makabayan. Ipinaglaban niya sa kanyang mga tula ang bawat Pilipino na may karapatang
mamuhay ng malaya. Ang mga tulang isinulat niya ay nasa wikang Tagalog at Kastila.
Tinangkilik ang kanyang mga tula at itinanghal na mahusay ng maraming manunulat.

1. Sa Aking mga Kababata, 1869

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig Ang wikang Tagalog tulad sa Latin,
sa kanyang salitang kaloob ng langit, sa Ingles, sa Kastila at salitang anghel,
sariling kalayaan nasa ring masapit sapagkat ang Poong maalam tumingin
katulad ng ibong nasa himpapawid. ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Pagkat ang salita’y isang kahatulan Ang salita nati’y tulad din sa iba
sa bayan, sa nayo’t mga kaharian na may alpabeto at sariling letra,
at ang isang tao’y katulad,kabagay na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
ng alin mang likha noong kalayaan. ang lunday sa lawa noong dakong una.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita


mahigit sa hayop at malansang isda,
kaya ang marapat pagyamaning kusa
na tulad ng sa inang tunay na nagpala

Ito ang unang tula ni Dr. Rizal na nagawa na patungkol sa sariling wika. Kanya itong
nilikha noong siya ay walong taong gulang pa lamang. Sa batang edad ni Pepe ay masasabing
siya ay isa ng makata dahil sa kanyang pinamalas na talino sa pagsulat. Ang kanyang ina ang
kanyang nagiging gabay sa pagsulat.

Sa tula na ito naipakita ni Dr. Rizal ang kanyang pagiging makabayan dahil ipinahiwatig
niya dito ang kahalagahan ng wika sa isang bansa. Naipabatid niya na ang wika ang siyang
pagkakilalan ng isang Pilipino saan man ito magtungo.
Binigyang diin din niya dito na ang wikang Tagalog ay dapat ding ipares sa Latin,
Kastila, at iba pang wikang itinuturing niyang anghel sa kadakilaan. Patunay lamang na si Dr.
Rizal ay isa sa mga kumikilala sa pagiging tanyag at katawang-dila ng mga Pilipino bilang
pambansang wika nito. At sa mga binanggit na ito ni Dr. Rizal tila nahahawig ito sa sinabi ni
Fray Pedro Chirino na ang wikang Tagalog ay kaiba sa lahat, lalo na sa mga pandaigdigang
wika, dahil sa perpekto nitong mga salita na kung anong basa siyang sulat, at kung anong
bigkas siyang sulat na wala sa wikang Ingles, Latin, Griyego, o Kastila.
Nang dahil sa tulang ito pumalapaap sa mga dila ng mga Pilipino ang isang bahagi ng
linyang ito: Ang hindi magmahal sa kanyang salita, mahigit sa hayop at malansang isda.

2. Mi Ultimo Adios (Ang Huling Paalam), 1896

Paalam na, sintang lupang tinubuan, Bayaang ang araw na lubhang maningas
bayang masagana sa init ng araw, pawiin ang ulan, gawing pawang ulap,
Edeng maligayang sa ami’y pumanaw maging panganuring sa langit umakyat,
at perlas ng dagat sa dakong Silangan. at ang aking daing ay mapakilangkap.

Inihahandog ko ng ganap na tuwa Bayaang ang aking maagang pagpananw,


9
sa iyo yaring buhay na lanta na’t aba; itangis ng isang lubos na nagmahal;
naging dakila ma’y iaalay rin nga kung may umalala sa akin ng dasal,
kung dahil sa iyong ikatitimawa. ako’y iyo sanang idalangin naman.

Ang nanga sa digmaang dumog sa paglaban Idalangin mo rin ang di nagkapalad,


handog din sa iyo ang kanilang buhay, na nangamatay na’t yaong nangaghirap
hirap ay di pansin at di gunamgunam sa daming pasakit, at ang lumalangap
ang pagkaparool o pagtatagumpay. naming mga ina ng luhang masaklap.

Bibitaya’t madlang mabangis na sakit Idalangin sampo ng bawa’t ulila


o pakikibakang lubhang mapanganib, at nangapipiit na tigib ng dusa;
pawang titiisin kung ito ang nais idalangin mo ring ikaw’y matubos na
ng baya’t tahanang pinakaiibig. sa pagkaaliping laong binabata.

Ako’y mamamatay ngayong minamalas Kung nababalot na ang mga libingan


ang kulay ng langit na nanganganinag ng sapot na itim ng gabing mapanglaw,
ibinababalang araw ay sisikat at wala ng tanod kundi pawang patay,
sa kabila niyang mapanglaw na ulap. huwag gambalain ang katahimikan.

Kung dugo ang iyong kinakailanngan Pagpitaganan mo ang hiwagang lihim,


sa ikadidilag ng iyong pagsilang, at mapapakinggan ang tinig marahil,
dugo ko’y ibubo’t sa isa man lamang ng isang salterio: Ito nga’y ako ring
nang gumigiti mong sinag ay kuminang. inaawitan ka ng aking paggiliw.

Ang mga nasa ko, mulang magkaisip, Kung ang libingan kong limot na ang madla
magpahanggang ngayong naganap ang bait, ay wala nang kurus at bato mang tanda
ang ikaw’y makitang hiyas na marikit sa nangagbubukid ay ipaubayang
ng dagat Silangan na nakaliligid. bungkali’t isabog ang natipong lupa.

Noo mo’y maningning at sa mga mata Ang mga abo ko’y bago pailanglang
mapait na luha bakas ma’y wala na, mauwi sa wala na pinanggalingan,
wala ka ng poot, wala ng balisa, ay makalat munang parang kapupunan
walang kadungua’t munti mang pangamba, ng iyong alabok sa lupang tuntungan.

Sa sandaling buhay maalab kong nais Sa gayo’y wala ng anoman sa akin,


ang kagalingan mo’t ang paiwang sulit na limutin mo ma’t aking lilibutin
ng kaluluwa kong gayak ng aalis: ang himpapawid mo kaparangga’t hangin
ginhawa’y kamtan mo! Anong pagkarikit! at ako sa iyo’y magiging taginting.

Nang maaba’t ikaw’y mapataas lamang, Bango, tinig, higing, awit na masaya
mamatay at upang mabigyan kang buhay, liwanag at kulay na lugod ng mata’t
malibing sa lupang puspos ng karikta’t uulit-ulitin sa tuwi-tuwina.
sa silong ng iyong langit ay mahimlay.
Ako’y yayao na sa bayang payapa,
Kung sa ibang araw ikaw’y ma’y mapansin na walang alipi’t punong mapang-aba,
nipot na bulaklak sa aba kong libing, doo’y di nanatay ang paniniwala
sa gitna ng mga damong masisinsin, at ang naghahari Diyos na dakila.
hagka’t ang halik mo’y itaos sa akin.
Paalam na ako, magulang, kapatid,
Sa samyo ng iyong pagsuyong matamis, bahagi ng puso’t unang nakaniig,
mataos na taghoy ng may sintang dibdib, ipagpasalamat ang aking pag-alis
bayaang tumanggap noo ko ng init, sa buhay na itong lagi ng ligalig.
na natatabunan ng lupang malamig.
Paalam na liyag, tanging kaulayaw,
Bayaan mong ako’y malasin ng buwan taga ibang lupang aking katuwaan,
sa liwanag niyang hinaho’t malamlam; paalam sa inyo, mga minamahal;
bayaan ihatid sa aking liwayway mamatay ay ganap na katahimikan.
ang banaag niyang dagling napaparam.

Bayaang humibik ang simoy ng hangin;


bayaang sa huning masaya’y awitin
ng darapong ibon sa kurus ng libing
ang buhay payapang ikinaaaliw.

Ito ay saling-Tagalog (Filipino) ng huling tula ni Dr. Rizal na Mi Ultimo Adios na isinalin
ni Jose Gatmaitan na siya namang matatagpuan sa monumento ni Dr. Rizal sa Luneta.

Sa tula niyang ito ay ipinakita niya ang katapangan ng isang Pilipino na handang
harapin ang kamatayan para sa minamahal na bayan, kapwa, at sa Panginoon. Dito niya
ibinuhos ang mga nalalabing salita niya na kanyang nais iparating sa bayan: ang mamatay
10
tulad ng isang martir gaya ng mga GomBurZa, ng munting gamu-gamo na pilit lumalapit sa
apoy, at gaya rin ng mga Pilipinong hindi alintana ang dagok ng kamatayan para lang sa
abang bayang Pilipinas.

Naglalaman din ang tula ng hinaing, pagdurusa, at mga mensahe sa kanyang


magulang, kapatid, mga nakadaumang-palad, at sa kanyang bayang minamahal. Dito rin niya
ipinarating ang mga huling tagubilin niya sa lahat ng kanyang iiwan, lalo na sa mga taong `di
kumilala sa kanya na siya’y mamatay bilang Pilipino, bilang inosente, at higit sa lahat bilang
Katoliko. At hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay ay tinaglay niya ang isang
magandang katangian ng isang Pilipino, ang katapangan.

Ang Kasaysayan ng Mi Ultimo Adios

Tanghali ng Disyembre 29, 1896 sa kanyang celda sa Fuerza Santiago ay nakapag-isa


siya matapos umalis pansamantala ang mga bumisitang mga frailes sa kanya. Siya’y tahimik
lamang na kumain, pagkatapos ay kinuha kanyang mga papel at panulat at gumawa ng mga
liham. At higit sa lahat, sa mga oras na ito tinatayang naisulat niya ang kanyang huling tula,
ang Mi Ultimo Adios.

Ito ay binubuo ng 14 na saknong na bawat isa ay binubuo ng limang talata, at bawat


talata ay may 16 na pantig. Nakasulat ito sa wikanag Kastila at may lagda nito sa dakong
huli. Hindi ito nilagyan ng pamagat ni Dr. Rizal. Matapos maisulat (marahil mga bandang 3:30
ng hapon) ay kanya itong isinilid sa ilalim ng lutuang de-alkohol (na ayon sa maraming tala
ay isang lamparang de-alkohol) na iniregalo sa kanya ng asawa ni Juan Luna sa Paris noong
1890 na si Paz Pardo de Tavera. At nang sumapit ang ika-4 ng hapon ng araw ding iyon ay
binisita siya ng kanyang mga kapatid at ina. Ayon sa manunulat na si Austin Craig ay
inumpisahang sulatin ito noong Disyembre 12, 1896 at tinapos lamang noong araw na ito.

Iniabot niya ang lutuan sa kapatid niyang si Trinidad at pinagbilinan niya ito sa wikang
Ingles na “There’s something inside” na kanyang taktika upang `di ito siyasatin ng mga
guardia civiles na nagbabantay sa kanya. Pinagbilinan niya ito na buksan lamang ito matapos
siyang mabaril sa Bagumbayan.

Matapos siyang barilin noong Disyembre 30, 1896 ay agad itong binuksan ng
magkakapatid at dito kanilang nakita na ang tinutukoy palang kung may ano sa loob ng
lutuan ay ang Mi Ultimo Adios.

Ang Mi Ultimo Adios para sa Iba at ang tungkol sa Pamagat nito

Itinuturing na ang tula na ito’y isa sa pinakamagandang likha niya sa panitikan.


Maraming Rizalista’t iskolar ang umaayon na ito ang pinakamakulay at pinakamaningning na
naisulat niya. Tinalo pa nito ang Noli Me Tangere sa kagandahan at pagkamabayan, hinigitan
pa ang El Filibusterismo sa pagiging mapaglaban, at nilamangan nito ang lahat ng kanyang
tula’t tuluyan ginawa.

Nagkaroon lamang ito ng pamagat na Mi Ultimo Adios dahil kay Padre Mariano
Dacanay. At dahil sa wala itong pruweba na ito nga ang talagang nais ipamagat ni Dr. Rizal sa
kanyang akda ay maraming mga manunulat at mga iskolar ang nangahas na bigyan ito ng
kanilang sariling interpretasyon at pamagat. Gaya na lamang nang ginawa ng magkaibigang
sina Mariano Ponce at Jose Ma. Basa sa Hong Kong kung saan naisipan nila na ipakalat ang
nasabing tula at kanila itong binigyan ng sariling pamagat bilang Mi Ultimo Pensamiento (Ang
Aking Huling Kaisipan), kung saan si Ponce ang nag-isip. May lumabas din na pamagat na Mi
Postrer Adios na mula naman sa isang `di kilalang manunulat na kitang-kitang kanyang
hinango sa ika-2 talata ng ikalabingtatlong saknong ng tula.

Mga Salin ng Mi Ultimo Adios

Gaya ng iba niyang mga akda, ang tula niyang ito ay naisalin sa iba’t ibang wika gaya
ng Ingles, Pranses, Aleman, Italyano, Nihonggo, Malayo, at gayundin sa iba’t ibang wika’t
wikaing Pilipino gaya ng Tagalog, Ilokano, Pampango (na unang ginawa ng kanyang pinsang
taga-Sasmuan, Pampanga na si Don Monico Mercado), Pangalatok (Pangasinense), Bikolano,
Sugbuanon (Cebuano), at Hiligaynon.

11
Sa lahat ng salin sa Ingles, ang pinakatanyag ay ang kay Charles E. Derbyshire, at
gayundin ang kay Howard Bray na kapwa may pamagat na My Last Farewell. Marami ring
Pilipino ang nagsalin sa Tagalog gaya nina Paciano at Bonifacio. Ngunit ang pinakakaraniwang
bigkasin ay matatagpuan sa Luneta na salin ni Jose Gatmaitan. At bilang isang sulating
pamamaalam, binigyang interpretayon ito ni Austin Coates upang maalala siya ng mga
Pilipino at pinamagatan niya itong mga Huling Testamento at Ang Kanyang Buhay noong
Disyembre 30, 1968.

Ayon sa artikulo ni Freddie E. Marquez na pinamagatang Ang Ultimo Adios ni Dr. Rizal
na nailathala sa pahayagang Balita ng Maynila noong Hunyo 19, 1973 ay naisalin ito ng mga
kilalang manunulat na Tagalog noong panahong iyon gaya nina Teodoro A. Agoncillo, Jose M.
Buhain, Pedro Gatmaitan, Tomas L. de Jesus, Perfeto Conde, at Vicente Almanzor. Ang iba
pang pamagat na ibinigay ng mga Pilipinong nagsalin ay Huling Paalam, Pahimakas, Huling
Pahimakas, Huling Kaisipan, at ang Huling Himutok.

Pinabilib ng Mi Ultimo Adios ang Kongreso ng Estados Unidos ng Amerika

Mahalaga sa mga Pilipino at sa kasaysayan ang pagkakapasa ng Batas Cooper o kilala


bilang Philippine Bill of 1902 noong Hulyo 1, 1902. Ito ang kauna-unahang batas na
naglalayong itatag ang isang asembleya para sa mga Pilipino, magkaroon ng resident
commissioner ang mga Pilipino sa kabisera ng Estados Unidos, ang Washington, D.C.,
mapangalagaan ang likas na yaman ng Pilipinas para sa mga Pilipino, at higit sa lahat ay
pormal na mailatag ang buong demokrsya sa mga Pilipino sa unang pagkakataon. Subalit
lingid sa kaalaman ng mga nakararami ito’y tahasang tinutulan ng maraming kinatawang
Amerikano sa paniniwalang hindi ito nababagay sa mga Pilipino at hindi sila handa para dito.
Ito’y dahil narin sa naniniwala ang mga ito na ang mga Pilipino ay mangmang, pirata,
barbaro, at taong-gubat na hindi kaya ang sibilisasyon. Subalit ito’y biglaang nagbago
matapos marinig ng mga kinatawan ang tulang Mi Ultimo Adios.

Ang nasabing batas ay binalangkas at sinusugan ni Kinatawan Henry Allan Cooper,


subalit malabo itong maaprubahan noong una. Pinagtawanan lamang ito at kinantyawan ng
mga kinatawan. Hanggang sa si Cooper ay biglang nagsalita sa harap ng mga ito at buong-
pusong binasa sa mga mapangmatang kinatawan ang Mi Ultimo. Inisa-isa niya ng may
damdamin ang mga saknong. Ang mga nagtatawanang mga kinatawan ay biglang nanahimik
at nakinig sa ganda at makabagbag-damdaming tula na ito ng isang Pilipino.

Dahil dito ay napahanga ang marami at naipasa sa Mababang Kapulungan ang nasabing
batas. Mula noon ay sunod-sunod pang programa at mga batas-Pilipino ang naipasa para sa
mga Pilipino noong panahon ng mga Amerikano. At ito’y pinangunhan ng pagkakapasa ng
Batas Cooper na kung saan kung hindi pala sa Mi Ultimo ay wala ang kasaysayang ito at
nanatiling masama ang mga Pilipino sa mata ng mga Amerikano.

Ang Manuskrito

Ang orihinal na manuskrito ng tula ay ibinigay ng pamilya Dr. Rizal kay Josephine
Bracken dahil na rin sa pag-angkin nito sa mga mahahalagang dokumento ng kanyang asawa
at iginigiit niya na siya ang legal na asawa nito. Dinala ni Josephine ang tula sa Hong Kong
nang siya’y muling nagbalik dito at doon na siya nanatili mula noon. Muli siya nakapag-asawa
at naghirap sa Hong Kong kaya naibenta niya ang manuskrito sa isang Amerikanong
nagngangalang A.B. Ayer. Naidala ito sa Estados Unidos, subalit noong 1908, ilang taon
pagkatapos mahirang bilang pambansang bayani si Dr. Rizal, ay nakatanggap si Gov. Hen.
James F. Smith ng isang anunsiyo mula sa Bureau of Insular Affairs ng Department of War ng
Estados Unidos sa Washington D.C. na nais ibalik ni A. B. Ayer ang manuskrito sa
pamahalaang Pilipinas sa pasubaling babayaran siya ng halagang $ 500.00 o P 1, 000.00 ng
mga panahong iyon (sapagkat $ 1: P 2 ang palitan noon ng piso sa dolyar).

Unang nalathala ang orihinal na tulang ito sa Pilipinas noong Setyembre 25, 1898 sa
pahayagang La Independencia sa Maynila, at sumunod ay sa pahayagang El Heraldo de la
Revolucion na opisyal na pahayagan ng Republica Filipina (Malolos) sa Malolos, Bulacan noong
Disyembre 1898.

3. A Filipinas (Ang Pilipinas)

Maganda’t maalab na tulad ng hiyas na sa langit buhat,


12
Kahika-hikaya’t, malinis na gaya ng talang ninikat,
Kung ang mga ulap ay kinukulayan ng bughaw na wagas,
Natutulog naman ang isang diyos ang kayumangging balat.

Ang bakas ng yapak ay buong pagsintang hinahagkan-hagkan


Ng bulang manipis na dalang alon niyong karagatan;
Ang kanlurang pantas, pati kanyang ngiti’y sinasamba naman,
Gayon din ang dulo ng ubaning lupa’y binubulaklakan.

Ang Paraluman ko’y pautal sa kanyang umaawit-awit,


Kasaliw ng mga “Ondina’t Nayades” na nakaliligid;
Ang handog ko naman sa kanya’y ang ligaya’t pag-ibig.
Niluntiang mito’t mga masanghayang bulaklak ng rosas,
Saka asusena ang sa kanyang noo’y ikapit na hiyas,
O, mga artista, purihin ang ating Mutyang Pilipinas!

Ito ay isang sonata na binubuo ng 12 taludtod na may labingwalong pantig. Binubuo ng


isang couplet (dalawang magkasamang taludtod sa isang saknong) at tatlong quartrain (ang
isang quartrain ay katumbas ng apat na taludtod sa isang saknong). Nilikha ito ni Dr. Rizal
noong 1880 upang ilahok sa album ng Samahan ng mga Iskultor habang siya’y nag-aaral sa
UST at dito hinihimok niya ang lahat ng mga artisanong Pilipino na kanilang dakilain ang
bayang Pilipinas sa lahat ng kanilang mga makasining at makabuluhang mga gawa.

Ang orihinal na manuskrito nito ay nawala ngunit natagpuan naman ni G. Romualdo


de Jesus, guro ni Dr. Rizal sa Iskultura sa Ateneo, sa aklatan ng mga iskultor ang sipi nito. At
sa pagkamatay ni G. de Jesus ay tuluyan ng nawala ang bukod-tanging sipi dahil walang
nakaalam kung saan niya ito itinago.

4. A La Juventud Filipina (Para sa mga Kabataang Pilipino)

Taas noong tumindig ka, Ikaw, na ang dakilang tinig


O kabataan, saan man naroon, Ang mas mairog kaysa Pilomel,
Hayaan ang liwanag Sa gabing tahimik, malungkot
Ng Magandang bikas ay Makita, Ikaw ang siyang tanging lunas
Ikaw na pag-asa ng bayan! Ng mga kaluluwang nagdusa.

Halina, ikaw na tunay na henyo, Ikaw, na ang diwa ay matalas


At bigyan ng inspirasyon: Ginigising, binubuhay, aking isipan;
Sa tulong ng mapagpalang kamay, At ang alaalang nagpapalinaw
Magsahangin ka nga’t ilipad Sa iyong henyong ilaw
Ang aming isipan nang magkataas-taas. Tunay na lakas ng isang immortal.

Bumaba kang kasama ang liwanag At ikaw, ang diwang malinaw


Ng sining at agham, dunong na tunay, Na mahal nina Pebo at Apollo;
O kabataan, kilos at kalagin Ang kanilang kayang mahiwagang kamay
Ang tanikalang gumagapos Ang siyang kumakalinga, umaayos
Sa iyong diwa at kaluluwa. Sa kalikasan na nasa `yong kanbas?

Masdan ang lumiliyab na putong Humayo ka’t pagliyabin ang apoy


Sa gitna ng mga aninong naglipana, Ng iyong henyo nang mangarap na lawrel;
Mapagpalang kamay ng Inang Bayan Kailangang maipamamahagi ang apoy,
Putong niya’y marikit na korona Nang makamit yaring tagumpay,
Dakilang alay niya sa lupaing ito. Para sa mas nakararami sa ating lahi.

Panahon na upang ika’y magbangon Araw, O masayang araw,


Iyong bagwis na pagal na pagal Mahal kong Pilipinas, aking bayan!
Sa paghahanap ng langit ng Olympia Basbasan mo kami’t alagaan
Mga awiting pagkatamis-tamis, Ngayon at magpakailanman,
Mas malamyos pa sa patak ng ulan. Tungo sa maunlad na kinabukasan.

Sinulat ito ni Dr. Rizal noong Nobyembre 22, 1879 sa wikang Kastila habang siya’y nag-
aaral sa UST na nagwagi sa paligsahan sa panitikan ng Liceo Artistico-Literario sa Maynila.
Ang tulang ito ay itinuturing na kauna-unahang dakilang tulang Kastila na kanyang sinulat na
hinangahan ng mga Kastilang kritiko ng panitikan. At dahil sa ganda ng mensahe ng nasabing
tula ay nagwagi ito ng unang gantimpala na umikot sa sagisag na Crece, O Timida Flor
(Yumabong Ka, O Mayuming Bulaklak).

13
Ito rin ang unang nagpakilala ng pananaw na ang Inang Bayan ng mga Pilipino ay ang
Pilipinas at hindi ang España. Ipinararating lamang nito na dapat ay sa mga Pilipino unang
manggaling ang pagmamalasakit sa bayan, at Pilipinas ang unahin ng higit sa lahat, sapagkat
dito sila isinilang at ito ang kumukupkop sa kanila. Gayundin ay sa tulang ito lumitaw ang
konseptong, ang Kabataan ang pag-asa ng bayan at itinuring ito na isang tulang klasikal sa
panitikang Pilipino

Ang kabuan ng tulang ito ay unang nangalathala sa mga sumusunod: sa isang rebista
noong 1879; sa mga pahayagang La Independencia at El Heraldo de la Revolucion noong
Disyembre 30, 1898; sa Homenaje a Dr. Rizal at Nuestro Tiempo noong Disyembre 1904; at
sa Aparato Bibliograficio de la Historia de Filipina ni Wenceslao E. Retana noong 1906.

4. MGA SANAYSAY NI DR. RIZAL


Ang mga kaisipan niya ang naging instrumento upang magkaroon ang bawat isa sa atin
ng tunay na kamalayan sa ating ginagalawang lipunan. Gayundin sa mga karapatan natin
bilang mga tao na hindi dapat tapakan o manipulahin ninuman, lalo pa’t dito sa sariling
lupain.

Sa kanyang mga sanaysay na puno ng katalinuhan at katotohanan naisambulat niya


ang tunay na imahe ng bansa pagdating sa sektor ng edukasyon, simbahan, komersyo, at
pulitika.

Sa mga munting artikulong ito na nakapuwing sa kanyang mga kalaban siya’y nakilala
din bilang dakilang kolumnista na sumulat sa iba’t ibang pahayagan sa loob at labas ng
bansa. At isa ang mga ito sa mga naging instrumento upang lalo siyang madiin sa
kapahamakan hanggang sa siya’y ipabitay. Subalit isa lamang ang kanyang nais palitawin sa
mga tuluyang sanaysay na ito: ang pairalin ang liwanag at katwiran tungo sa pagtamasa ng
katotohanan at katarungan sa lipunang unti-unting ginugupo ng isang kanser.

1. Filipinas Dentro de Cien Años


(Ang Pilipinas sa Loob ng Isang Daang Taon), 1889-1890

Ang Filipinas Dentro de Cien Años na kilala bilang Dentro ay bahagi ng kaalaman ni Dr.
Rizal sa larangan ng Kasaysayan, lalo na sa Pilipinas. Dito ay kanyang naipasok ang iba’t
ibang detalye mula sa iba’t ibang batis, lalo na mula sa Sucesos de las Islas Filipinas ni Dr.
Antonio de Morga na kanyang sinuri (annotated). At kagaya ng Sobre de la Indolencia de los
Filipinos, binalangkas din niya ang iba’t ibang serye ng katotohanan na umiikot sa
pagkakakilanlan, kabihasnan, at sinaunang kasaysayan ng mga Pilipino. Ito ay ang kung ano
nga ba ang Pilipinas bago dumating ang mga Kastila, sa kasalukuyan, at sa hinaharap. At sa
sanaysay na ito maraming Rizalista ang sumasang-ayon na nagmistulang propeta si Dr. Rizal
dahil sa ginamit niya ang pamamaraang makaagham (scientific method) upang makabuo siya
ng komentaryo at konklusyon tungkol sa mga susunod na mangyayari sa Pilipinas. At sa
kagulat-gulat na pangyayari ay halos lahat ng mga konklusyon niya ay nagkatotoo.

Ang Nilalaman

Ang sanaysay na ito ay binubuo ng apat na bahagi na sunod-sunod na nailathala sa La


Solidaridad: Setyembre 30, Oktubre 31, Disyembre 15, 1889 at Pebrero 15, 1890. Ang bawat
isyu ay may kanya-kanyang paksang tinalakay tungkol sa kasaysayan, kabihasnan at
kulturang Pilipino.

Sa unang isyu nito (Setyembre 30, 1889) nagbigay siya ng sariling pananaw ukol sa
pagbabakas sa hinaharap. Aniya “…upang mabasa ang magiging kapalaran ng mga tao, nararapat
lamang buksan ang tala ng nakalipas...” dahil sa pamamagitan ng muling pagsilip sa bintana ng
nakaraan ay mauunawaan mo ang kasalukuyan at mababasa ang hinaharap. Dito binigyang diin niya
ang kahalagahan ng Kasaysayan sa pagsagot sa mga katanungang bakit, saan, paano, ano, at kailan
na siyang bumubuo sa kasalukuyan. At higit sa lahat ang paghihinuha sa mga susunod na mangyayari
sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa nakalipas.

Sa isyu pa ring ito inilarawan din niya ang mga nawalang kultura, kabihasnan, at ang sanhi ng
paghihirap ng mga Pilipino. At ito ang nagbukas sa mga Pilipino ng bagong panahon na dapat nilang
sanayin at hubugin ang kapalaran ng kanilang sarili.

14
…Walang paghihimagsik na lumaganap at nagkaroon ng katangiang paghihimagsik ng
bayan, walang ibinatay sa pangangailangan ng buyong lahi, walang nakihamok alang-
alang sa karapatan ng sangkatauhan, ni alang-alang sa katarungan. Dahil dito’y hindi
nakapag-iwan ng ala-alang hindi malilimot ng bayan; at ang nangyari pa nga’y nang
makita ng mga taong sila’y dinaya lamang matapos maghilom ang mga sugat nila, ay
pinalakpakan pa ang paglagpak ng mga bumulahaw na kapayapaan nila! Ngunit kung ang
kilusan ay magmumula sa mamamayan na rin at ang kikilalaning dahilan ay ang mga
kaabaan nila, marahil sila ay nagtagumpay…

Sa ikalawang isyu (Oktubre 31, 1889) inilarawan niya ang dalawang katanungang “…ano ang
magiging kapalaran ng Pilipinas sa susunod na siglo?, Ito ba’y mananatiling kolonya ng España…?”"
Ang katanungang ito, aniya, ay “…naitanong na, tatlong siglo na ang nakakaraan sa panahon ni
Legaspi...!” sapagkat sa mga panahong iyon ay balisa pa ang mga katutubo sa bagong amo at
panginoon ng kanilang lupain. At ang ikalawang katanungan ay ang “…Ngayon, ang kalagayan ba ng
Pilipinas ay kagaya noong tatlong siglong nakalipas…?” Dito kanyang inilarawan ang mga pangyayari
noong mga panahong ang mga Kastila ay maayos na nakikisalamuha sa mga Pilipino bago sumapit
ang 1800’s. Ito’y sapagkat sa loob ng 300 taon nanatiling matapat ang mga Pilipino sa mga Kastila
dala ng kanilang pangakong at paraiso. Subalit ang lahat ng ito’y nagbabago ng sumapit ang 1800’s.
Tinangka ng mga Pilipinong makita ang daan tungo sa pagsulong sa kabila ng pagmamalupit ng mga
frailes. Marami ang naapi, hinamig, at siniil, kaya’t buong tiyaga nilang muling matikman ang bayang
malaya gaya noong una. At dahil sa kanilang pagmamahal sa kalayaan, `di lamang sa bansa’t puso,
kundi pati na rin sa kalayaang matuto (academic freedom) kung saan lumitaw ang mga henyo. Unti-
unting lumaganap ang pagkamulat at ang paghihirap ay tinis na siyang lalong nagpaalab ng
pambansang kamalayan.

…Ngayon ay may isang sangkap na wala noong araw. Nagising na ang diwang
pagkakamakabansa, at iisang kasawian at isang pagkaduhagi ang nakapagbuklod sa mga
mamamayan ng kapuluan. Ang isinasaalang-alang dito’y ang karamihan ng marurunong
sa loob at labas ng kapuluan, isang uring nilihang at naragdagan pa ng maraming
kahangalan ng ilang namamahala na siyang pumilipit sa mga mamamayan na
nandarayuhan sa ibang lupain, na nag-aral sa ibang bansa... Isang uri ng nagtitiis at
nagsusumikap, salamat sa mga kaligaligan at sa sistema ng pagpaparusa, ng mga pinuno.
Ang uring ito ng mga tao, na ang bilang ay parami nang parami, ay laging nakikipag-
unawaan sa ibang mamamayan sa kapuluan, at kung ngayon ay binubuo ng utak ng
bayan, sa loob pa ng ilang taon, siya nang makabubuo ng kanyang pagsilang sa
maliwnang sa lahat ng kanyang pagkilos at gawain…

Sa ikatlong isyu (Disyembre 15, 1889) isinalaysay niya ang mga maaaring mangyari kung ang
Pilipinas ay mananatili pa sa kamay ng España. Ayon sa kanya ay mananatili pa ang katapatan ng mga
Pilipino sa España kung may pagbabago at reporma sa lipunan ang magaganap. At sa panahong ito
(1800’s) ang mga Pilipino’y kasalukuyang isinusulong ang hangarin at hinahanap ang pagbabagong
nais mangyari, na para naman sa bahagi ng mga Kastila ay isang pagkakataon upang muling
manumbalik ang katiwasayang kanilang nais.

…Sa ngayon ay makikita natin ang maraming pagpapakasakit ng mga mapagkumbabang


pamilya upang ang kanilang mga anak ay makatuklas ng edukasyon kahit sila’y paalila
upang matuto kahit man lamang ng wikang kastila... Kung ang Pilipino’y may sapat na
talino upang makapagbayad ng buwis, ay dapat na maging matalino rin naman upang
mag-alala at magkaroon ng isang kinatawang nagmamalasakit sa kanya at sa kanyang
mga kapakanan, na ang mga bunga nito’y ipinaglingkod niya sa pamahalaan ng kanyang
bayan…

At sa ika-apat na isyu (Pebrero 15, 1890) isinalaysay niya ang mga posibleng mangyari sa
Pilipinas kung “…ang ating mga nais matupad ay “di matupad...” gaya ng malaking pagbabago sa
edukasyon, sa hustisya, sa pamahalaan, at sa lahat-lahat. At dito’y umaasa pa rin siya na kahit
katiting ay mabibigyan ng pansin ang bansa ng ina nitong España. At kung hindi ma’y lalaban ang mga
Pilipino sa kung ano ang nararapat. Batid na niya na hindi pa handa ang Pilipinas sa malawakang
rebolusyon at mas nanaisin pa niyang makita ang mga Pilipino na nagtitiis sa kamay ng mga Kastila
kaysa makitang unti-unting namamatay sa pakikipaglaban. Aniya, kung mananatiling nagbubulag-
bulagan ang mga Kastila hinggil sa nais ng mga Pilipino ay maaaring mahulog sa kamay ng mga
Amerikano ang Pilipinas (gaya na nangyari, apat na taon pagkatapos niyang mamatay) at masiging
isang munting Republikang Amerikano (na kagayang-kagaya ng nangyayari sa Pilipinas bilang isang
republikang demokratiko na nabuhay dahil sa impluwensya at tulong ng mga Amerikano). O `di kaya’y
mapasakamay ang Pilipinas sa mga Ingles o Aleman (tulad ng nangyari noong 1898 kung saan ang
Inglatera, Alemanya, Pransya, at Hapon ay naghangad ng pamamahala sa Pilipinas sa pamamagitan
ng pagpapadala ng kani-kanilang hukbong pandagat dahil nabalitaan nila na bumagsak na ang mga
Kastila sa kamay ng mga Amerikano sa Maynila, ngunit hindi hinayaan ng Amerika na maagaw sa
kanila ang Pilipinas kaya isang digmaan ang naganap sa Look ng Maynila sa pagitan nila, lalo na ng
mga Aleman). At ang lahat ng mga “hulang” ito ay nagkatotoo.

15
2. Sobre la Indolencia de los Filipinos
(Ang Katamaran ng mga Pilipino), 1890

Ang Sobre La Indolencia de Los Filipinos (Katamaran ng mga Pilipino) ay sanaysay na


tugon ni Dr. Rizal sa mga paratang ng mga Kastila na ang mga Pilipino ay tamad.
Ipinapalagay na ito ang pinakamahabang sanaysay na kanyang ginawa na lumabas sa limang
isyu ng pahayagang La Solidaridad sa España: Hulyo 15, Hulyo 31, Agosto 1, Agosto 31, at
Setyembre 1, 1890.

Gaya ng kanyang pang sanaysay na Filipinas Dentro de Cien Años ay muli niyang
ginamit ang pagkamananalaysay niya (historian) sa pagtatagpi-tagpi niya sa bawat detalye ng
kasaysayan ng bansa mula sa iba’t ibang batis (references), lalo na ang Sucesos de Las Islas
Filipinas ng batikang mananalaysay na Kastilang si Antonio de Morga.

Tinalakay niya dito ang sinasabing katamaran ng mga Pilipino batay sa ipinapakilalang
katangian at pag-uugali ng mga Kastila sa mundo, lalo na ng mga frailes. At dahil dito ay
kanyang sinaliksik kung tunay nga bang “tamad” ang mga Pilipino o sadyang dala lamang ng
paninira at panahon kung kaya’t sila’y nasabing mga tamad. Kanyang binalikan ang
kasaysayang naitala ng Pilipinas mula ng dumating ang mga Pilipino at ikinumpura ito sa mga
nangyayaring kalagayan sa lipunan noong kanyang kapanahunan.

Hindi niya ikinakaila ang katamaran ng mga Pilipino sa kanyang sanaysay. Dinetalye
niya sa sanaysay na ito ang mga gawi ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila na
kilalang aktibo sa agrikultura, industriya, at kalakalan noon. Subalit nang dumating ang mga
Kastila, ang lahat ng ito’y unti-unting nalimutan ng mga Pilipino at ang mga kadahilanan ng
mga ito ay: ang pag-aalsa ng mga katutubo at iba pang kaguluhan laban sa mga Kastila; ang
pagkasangkot ng mga Pilipino sa laban ng Espana sa mga Olanda, Ingles, Portuges, at iba
pang mga kaaway nito; ang panunuligsa ng mga Muslim na pirata sa mga Kristiyanong
Pilipino na nasa may baybay dagat o mga pampang ng ilog; ang sapilitang paggawa o polo y
servicios kung saan mahigit libo-libong kalalakihan taun-taon ang sumasailalim dito para sa
pagtatayo ng mga tulay, daan, barko, at iba pang pampublikong imprastraktura. At bunga ng
mga ito ay kanilang iniwanan ang pagtatanim, pangingisda, at iba pang katutubong gawain na
kanilang kinagisnan; kawalan ng dedikasyon sa paggawa dahil sa batid na ng mga marami na
walang patutunguhan ang kanilang mga ginagawang paghihirap; hindi pagbibigay-pansin ng
mga Kastila sa mga katutubong gawain ng mga Pilipino na kanila nang nakagisnan; ang
pangingisda, kalakalan at pananim; maling pagtrato at pagpapakila sa diwa ng paggawa ng
mga Kastila sa mga Pilipino; kamangmangan ng mga Pilipino sa pananaw na pagiging
Kristiyano sapagkat ibinulid sila ng mga frailes sa maling pananaw na ang pagiging mahirap
ay isang daan upang makarating sa langit, dahilan upang mawalan ng gana ang mga Pilipino
sa pagpapalawak ng kanilang kabuhayan upang yumaman; ang pagpayag ng pamahalaang
Kastila sa mga juegos o sugal; at ang `di pantay na pagpapakilala ng edukasyon ng mga
Kastila sa mga Pilipino.

Kasaysayan: Sandata ni Dr. Rizal laban sa mga Kastila

`Di na kataka-takang si Dr. Rizal ay taong pingkalooban ng pambihirang kaalaman at


karunungang `di pangkaraniwan. At higit sa lahat, ang kaalamang ito ay kanyang ginamit sa
pagkalaban, o ginawa niyang sandata, sa mga Kastila, at isa na ang larangan ng Kasaysayan
sa kanyang matinding sandatang ginamit para dito. At ito ay lumilitaw sa mga sanaysay
niyang tadtad ng mga batis mula mismo sa mga akdang pinagsusulat ng mga Kastila.

Sa unang isyu ng Sobre la Indolencia de los Filipinos (Hulyo 15, 1890) inilarawan niya na ang
“katamaran” ay ipinakilala ng mga Kastila sa isang komunidad gaya ng Pilipinas. Ipinaliwanag din niya
ang kahulugan ng indolencia at katamaran bilang isang salitang `di-naiintindihan ng mga Europeo.
Ito’y sapagkat napapansin nila ang katamaran ay kumakalat sa kanilang mga kolonya na kung tutuusin
ay kumalat ito dahil ito ay ginaya lamang ng mga katutubo sa kanila. Pinalilitaw din niya na ang
katamaran sa Europa ay kanila ng kultura, kung saan ng ipakilala nila ang kapangyarihan sa kani-
kanilang kolonya’y lalo itong lumala. Nakita rin niya na may kinalaman din ang klima sa katamarang
lumala sa mga kolonya ng mga Europeo.

Sa ikalawang isyu naman (Hulyo 31, 1890), ipinabatid niya na ang katamarang sinasabi at
nakikita ng mga tao sa mga Pilipino ay salamin lamang ng kultura at pagmamaltratong ipinakita ng
mga Kastila. Ito ay sakit “kuno” ng mga Pilipino na `di maiwasan. At kung ito may sakit, ito na ang
sakit na nakakahawang idinala ng mga Kastila sa bansa na nananalaytay na sa dugo ng mga Pilipino.
Magkagayunpaman, nagawa pa rin ng isang Pilipinong tinaman nito na hindi maipamana sa mga anak

16
at salinlahi nito. Sa halip, kung ano lamang ang “nakikita” ng bawat henerasyon ay siya lamang
nasusunod. Kung baga ang katamaran noon ay napapanahon at uso na kung lumala ay maaari nitong
“ikamatay” ninuman. Gayundin, sa isyung ito unang niyang binigyang-diin ang mga patunay na bago
sila dumating sa bansa ay likas na masisipag ang mga Pilipino, batay na rin sa mga dokumentong
iniwan ng mga mananalaysay na mga Europeo at mga Kastila.

Sa ikatlong isyu (Agosto 1, 1890), inisa-isa niya ang ilan sa mga paglusob, kaguluhan, at pag-
aalsa sa bansa na nagkaroon ng malaking dahilan upang matabunan ang dangal ng mga Pilipino noon,
hanggang sa unti-unting umiiral ang katamaran.

Sa ikaapat na isyu naman (Agosto 31, 1890) isinalaysay niya ang katamarang nakita ng mga
Pilipino sa mga Kastila, gaya ng patakarang encomienda, pang-aabuso sa posisyon ng mga opisyal,
mga juegos o sugal, baluktot na pananaw ng mga Kastila sa paggawa, maling pagpapakilala ng
Kristiyanismo, ang `di pagbibigay ng pansin sa mga katutubong trabaho, at ang maling sistema ng
edukasyon.

At sa ikalima at huling isyu (Setyembre 1, 1890) inilarawan niya ang tunay na Pilipino bilang
masipag at marangal, at higit sa lahat, ang mga resulta ng katamarang ipinakita nila sa mga Pilipino na
siyang nagpabagsak din sa kanila. Ang sumusunod ay ilang bahagi ng sanaysay:

…Ang malaking kahirapang natatagpuan ng lahat ng hanapbuhay sa Pangasiwaan ay


nakatulong din nang `di-kakaunti sa pagkamatay ng bawat at kilusang pangangalakal o
pang-industriya. Nalalaman ng lahat ng mga Pilipinio at ng lahat ng nagnanasang
maghanapbuhay sa Pilipinas. Kung gaano karaming mga kasulatan, kung gaano karami’t
pagyayao’t dito, kung gaano karaming tinatakang papel, at kung gaano kalaking
paumanhin ang kailangan upang makakuha sa pamahalaan ng isang pahintulot para sa
isang negosyo. Kailangan umasa sa tulong ng isang tao, sa impluwensiya ng isang tao, sa
isang malaking suhol, sa iba pa upang huwag ipitin ang mga papeles, isang regalo pa sa
isang tao sa dako roon upang maiabot iyon sa kanyang pinuno. Kailangang dumalangin sa
Diyos na pagkalooban ang isang tao kakayahang tumawa at ng panahon upang mabasa at
masuri ang kasulatan; sa iba naman ay sapat na katalasan ng isip upang makita ang
pagkamarapat niyaon; sa iba pang tao, ay sapat na ang kahangalan upang huwag
layuning pilibustero, at nang huwag paraanin ang panahon sa paliligo, sa pangangaso, o
sa pakikipaglaro ng tesilyo sa mga kagalang-galang na prayle sa mga kumbento o mga
bahay liwaliwan. At higit sa lahat, kailangang magkaroon ng kalamigan ng loob, malaking
kaalaman sa pamumuhay, maraming salapi, maraming lakas, maraming kaalaman sa
pulitika, maraming pagpupugay at pagyukod, maraming handog at malaking pagtitiis…

3. El Amor Patrio (Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa), 1882


Narito ang buong nilalaman ng sanaysay na El Amor Patrio ni Dr. Rizal na kanyang
isinulat sa Barcelona, España noong Hunyo 1882 sa wikang Kastila. Ito’y nailathala sa
pahayagang Diariong Tagalog noong Agosto 20, 1882 sa dalawang wika: Tagalog (Filipino) at
Kastila. Ginamit niya ang sagisag-panulat na Laong Laan at ito’y isinalin ni Marcelo H. del Pilar
sa wikang Tagalog. Payak lamang ang pinakalayon ng sanaysay na ito, at ito ay ang himukin
ang mga kababayan nito sa Pilipinas na mahalin ang lupang tinubuan. At sa pamagat nito sa
wikang Filipino, tila katulad ito ng pamagat ng tulang nilikha ni Andres Bonifacio na may
ganoon ding pamagat.
Narito ang isang magandang paksa; at dahil din sa kanyang kagandahan ay napakadalas
nang talakayin. Ang pantas, makata, makasining, manggagawa, mangangalakal, o
mandirigma, matanda o bata, hari, o alipin -- ang lahat ay nakapag-isip na tungkol sa kanya,
at nakapaghandog ng pinakamahalagang bunga ng kanilang isip o ng knilang puso. Buhat sa
taga Europang mulat, malaya't mapagmalaki sa kanyang maluwalhating kasaysayan,
hanggang sa negro sa Aprika, na hinango sa kanyang mga kagubatan at ipinagbili sa hamak
na halaga; buhat sa matatandang bayang ang mga anino'y aali-aligid pa sa kanilang mga
mapapanglaw ng guho, libingan ng kanilang mga kaluwalhatia't pagdurusa, hanggang sa mga
bansang makabago't lagi ng kumikilos at puno, ng buhay, ay nagkaroon ay mayroong isang
pinakamamahal na dilag, maningning, dakila, nguni't walang habag at malupit, na tinatawag
na Inang-Bayan. Libu-libong dila ang sa kanya'y umawit, libu-libong kudyapi ang naghandog
sa kanya ng kanilang mga makatang lalong matataas ang pangarap, ang naghain sa kanyang
harap o sa kanyang alaala ng kanilang piankamaningning na katha. Siya ang naging sigaw ng
kapayapaan ng pag-ibig at ng kaluwalhatian, palibhasa'y siya ang laman ng lahat ng pag-iisip,
at katulad ng liwanag na nakukulong sa isang malinis na bubog, siya'y tumatagos hanggang
sa labas, na parang mga sinag na buhay na buhay.

At ito ba'y magiging sagwil upang siya'y pag-ukulan natin ng panahon? At tayo ba'y
hindi maaaring mag-ukol sa kanya ng anumang bagay, tayong walang ibang kasalanan kundi
ang pagkakahuli ng pagsilang sa maliwanag? Nagbibigay ba ang dantaong ika-labinsiyam ng
17
karapatang huwag kumilala ng utang na loob? Hindi. Hindi pa nasasaid ang mayamang mina
ng puso; sagana pa tuwina ang kanayang alaala, at bahagya man ang pagkakapukaw ng
kanyang alaala, at bahagya man ang pagkapukaw ng ating kalooban, ay makasusumpong
tayo sa kaibuturan ng ating kaluluwa na kung di man isang masaganang kayamanan, ay
abuloy na bagaman dahop ay puspos naman ng kasiglahan. Katulad ng mga matatandang
ebreong nangag-alay sa templo ng mga kauna-unahang bunga ng kanilang pag-ibig, tayong
mangingibang lupain ay nag-uukol ng mga kauna-unahang tinig sa ating Inang-Bayang
nababalot ng mga panginorin at mga ulap ng umaga, lagi nang maganda at matulain, at sa
tuwi-tuwina'y lalong sinasamba habang sa kanya'y nawawalay at nalalayo.

At ito'y hindi nararapat pagtakhan sa dahilang ang pag-ibig sa inang-baya'y isang


damdaming tunay na katutubo; sapagka't naroroon ang mga kauna-unahang alaala ng
kamusmusan, isang masamang tulang awitin na ang kabataan lamang ang nakakikilala at sa
mga bakas nito'y sumisibol ang bulaklak ng kawalang-malay at ng kaligayahan; sapagka't
doo'y nahihimbing ang buong nakaraan at nababanaagan ang isang hinaharap; sapagka't sa
kanyang mga kagubatan at sa kanyang mga kaparangan, sa bawa't punungkahoy, sa bawa't
halaman, sa bawa't bulaklak, ay nakikita ninyong nakaukit ang gunita ng isang nilikhang
minamahal ninyo, gaya ng hininga niya sa mahalimuyak na simoy ng hangin, ng kanyang awit
sa mga bulong ng bukal, ng ngiti niya sa bahaghari ng langit,o ng mga buntung-hininga niya
sa magulong halinghing ng hangin sa gabi. Ang sanhi nito'y sapagka't doo'y nakakikita kayo,
sa pamamagitan ng mga mata ng inyong gunita, sa ilalim ng tahimik na bubong ng
matandang tahanan, ng isang angkang nag-aalaala at naghihintay sa inyo, nag-uukol sa inyo
ng mga isipan at mga pagkabalisa nila; sa wakas, sapagka't sa kanyang langit, sa kanyang
araw, sa kanyang mga karagatan at sa kanyang mga kagubatan ay nakakatagpo kayo ng
tulain, ng paggiliw at ng pag-ibig, at hanggang sa libingan na ring pinaghihintayan sa inyo ng
isang abang puntod upang kayo'y isauli sa sinapupunan ng lupa. Mayroon kayang isang
kadiyusang nagtatali ng ating mga puso sa lupa ng ating inang-bayan, na nagpapaganda't
nagpaparilag sa lahat, naghahandog sa atin ng lahat ng bagay sa ilalim ng isang anyong
matulain at malambing, at nakararahuyo sa ating mga puso? Saapagka't sa papaano mang
anyo humarap siya, maging nararamtan ng matingkad na pula, napuputungan ng mga
bulaklak at laurel, makapangyarihan at mayaman; maging malungkot at nag-iisa, nababalot
ng basahan, at alipin, nagmamakaawa sa kanyang mga anak na alipin din; maging anaki'y
diwata sa isang halamang maalindog, naliligid ng mga bughaw na alon ng karagatan,
nakahahalina at marikit, gaya ng pangarap ng napaglalalangang kabataan; maging
natatakpan ng isang lambong ng yelo, nakaupong malungkot sa mga dulo ng daigdig, sa
silong ng isang langit na walang araw at walang tala; maging anuman ang kanyang ngalan,
ang kanyang gulang o ang kanyang kapalaran, siya'y lagi na nating minamahal, gaya ng
pagmamahal ng anak sa kanyang ina sa gitna ng gutom at ng karalitaan.

At bagay na kataka-taka! Habang siya'y lalong aba't kulang-palad, habang lalong


nagdurusa nang dahil sa kanya, ay lalo naman siyang sinasamba hanggang sa nagtatamo ng
kaligayahan sa pagtitiis ng dahil sa kanya. Napansing ang mga naninirahan sa mga bundok at
sa mga di-linang na kaparangan, at yaong mga isinilang sa lupang tigang o mapanglaw, ay
siyang nag-aangkin ng lalong buhay na alaala ng kanilang bansa, at walang nasusumpungan
sa mga lunsod maliban sa malabis na pagkainip na siyang pumipilipit sa kanilang magbalik sa
kanilang tinubuang lupa. Ito kaya'y dahil sa ang pag-ibig sa inang-baya'y siyang
pinakawagas, pinakamagiting at pinakadakila? Ang pagkilala kaya ng utang na loob, ang
pagkalugod sa lahat ng nakapagpagunita ng ating mga kauna-unahang araw, ang lupa
kayang kinahihimlayan ng ating mga nuno, ang templong kinadoroonan ng sinasamba nating
Diyos sa pamamagitan ng katapatan ng walang malay na kamusmusan; ang tunog ng
batingaw na nakaaaliw sa atin buhat sa pagkabata, ang mga malalawak na kaparangan, ang
lawang bughaw, na may mga kaakit-akit na pasigan ng mga bulaklak na parang pugad ng
pag-ibig; o ang ganitong matamis na damdamin? Ang sigwa kaya, na kumakawala,
humahagupit at naghahapay, sa pamamagitan ng kanyang kakilakilabot na haginit, ng tanang
nasasagasaan sa dinaraanan niya; ang lintik kayang nakatakas sa kamay ng nakapangyayari
at pumupuksa sa bawa't tamaan; ang agos kaya o ang talon ng tubig, mga bagay na walang
tantan ng paggalaw at walang tugot ng pagbabala? Ang lahat kayang ito ang sa ati'y
nakaaakit, nakararahuyo't nakahahalina?

Marahil, ang mga kariktang ito o ang mga sariwang gunita ang siyang nagpapatibay sa
taling bumibigkis sa atin sa lupang sinilangan at nagbubunga ng matamis na katiwasayan
kapag tayo'y nasa-ating bayan, o kaya'y ng matinding kapanglawan kapag tayo'y nalalayo sa
kanya, simula ng isang malupit na karamdamang tinatawag na "nostalgia" (matinding pag-
aalaala sa sariling tahanan o bayan).

O! Kailanma'y huwag ninyong pasakitang-loob ang taga-ibang lupa, ang umaahon sa


inyong mga dalampasigan; huwag ninyong gisingin sa kanya ang buhay na gunita ng kanyang
18
bayan, ng mga ligaya sa kanyang tahanan, sapagka't kung magkakagayon, sila'y mga
sawimpalad ng gigisingin ninyo sa kanila ang karamdamang yaon, masugid na multong hindi
hihiwalay sa kanila hanggang hindi masilayan ang tinubuang lupa, o hanggang sa tumugpa sa
bingit ng hukay.

Huwag kayong magbuhos kailanman ng isang patak ng kapaitan sa kanyang puso,


palibhasa'y sa ganitong pagkakataon ay nag-iibayo ang mga dalamhati kung ihahambing sa
mga kaligayahan sa nawalang tahanan.

Tayo nga'y ipinanganganak, lumalaki, tumatanda, at namamatay na nagsisimpan ng


banal na damdaming ito. Ito kaipala'y siyang lalong nananatili, kung mayroon mang
kapanatilihan sa puso ng tao, at tila hindi siya humihiwalay sa atin kahit na sa libingan na rin.
Si Napoleon, na nakikinikinita na niya ang madilim na kailaliman ng libingan, ay nakagunita sa
kanyang Pransiya, nalabis niyang pinakamahal, at sa pagkakatapo'y pinaghabilinan niya ng
kanyang mga labi, sa pananalig na sa sinapupunan ng kanyang inang-bayan ay
makakasumpong ng lalong matamis na pagpapahingalay.

Si Ovidio, na lalong kulang-palad, sa pagguguniguning kahit na ang mga abo niya'y


hindi na makabalik sa Roma, ay naghihingalo sa Ponto Euxino, at inaaliw ang sarili sa pag-
aalaalang kung hindi man siya, ang mga tula man lamang niya'y makamamalas sa kapitolyo.

Noong bata pa tayo'y nawili tayo sa mga laro; nang magbibinata na'y nalimot na natin
ang mga yaon; nang magbinata na'y humanap tayo ng ating pangarap; nang mabigo naman
tayo'y tinangisan natin ito; at tayo'y humanap ng lalong tunay at lalong kapaki-pakinabang;
nang tayo'y maging ama na'y namatayan tayo ng mga anak at pinapawi ng panahon ang
ating hapis, gaya ng pagpawi ng hangin sa dagat sa mga baybayin habang nalalayo sa mga
ito ang sasakyan.

Datapuwa't, sa kabilang dako, ang pag-ibig sa inang-bayan ay hindi napaparam


kailanman kapag nakapasok na sa puso, palibhasa'y nagtataglay sa kanyang sarili ng tatak na
maka-Diyos na ikinapagiging walang kamataya't walang hanggan.

Sinasabing ang pag-ibig kailanman ay siyang pinakamakapangyarihang tagapagbunsod


ng mga gawang lalong magiting; kung gayon, sa lahat ng mga pag-ibig, ang pag-ibig sa
inang-bayan ay siyang nakalikha ng mga gawang lalong dakila, lalong magiting at lalong
walang halong pag-iimbot. Kung hindi'y bumasa kayo ng kasaysayan ng m,ga ulat ng
pangyayari taun-taon, ng mga alamat; pumasok kayo sa sinapupunan ng mga mag-anak;
anong mga pagpapakasakit, mga pagbabata at mga luha ang ibinubuhos sa kabanal-banalang
dambana ng inang-bayan! Buhat kay Bruto, na nagparusa sa kanyang mga anak na
pinaratangan ng pagtataksil hanggang kay Guzman, ang mabuti, na pumayag na patayin ang
kanyang anak, huwag lamang siyang magkulang as tungkulin; anong mga dula, mga sakuna,
mga pagpapakasakit ang hindi naisagawa alang-alang sa kagalingan ng hindi mapalubay na
kadiyusang iyong walang maipapalit sa mga anak nila, maliban sa pasasalamat at mga
pagpapala. At gayunman, sa pamamagitan ng mga bahagi ng kanilang puso'y nagtatayo sila
ng maluwalhating bantayog sa inang-bayan; sa pamamagitan ng mga gawaa ng kanilang mga
kamay, sa pamamagitan ng pawis ng kanilang mga noo ay dinilig at napamunga ang banal na
punung-kahoy, at hindi sila naghintay ni nagkaroon ng anumang gantimpala!

Masdan ninyo roon ang isang taong nagkukulong sa kanyang silid; sa kanya'y lumilipas
ang lalong mahahalagang araw, ang mga mata niya'y lumalabo, ang buhok niya'y
nangangabo at nalalagas na kasama ng mga pangarap niya; ang katawan niya'y nakukuba.
Sinasaliksik niya sa loob ng maraming taon ang isang kaatotohanan, nalutas niya ang isang
suliranin: ang pagkagutom at pagkauhaw, ang ginaw at alinsangan, ang mga karamdama't
kasawian ay humarap na sunud-sunod sa kanya. Papanaog siya sa libingan, at sinamantala
ang kanyang paghihingalo upang ihandog sa inang-bayan ang isang pumpon ng bulaklak para
sa korona nito, isang katotohanan, bukal at simula ng libong pakinabang.

Ibaling ninyo ang tingin sa ibang dako; isang taong dinarang ng araw ang
nagbubungkal ng lupa upang paglagakan ng isang binhi; siya'y isang magbubukid. Siya'y
umaabuloy din sa pamamagitan ng maliit bagama't makabuluhang paggawa, sa kaluwalhatian
ng kanyang bansa.

Ang inang-baya'y nasa panganib! Sumusulpot sa lupa, na parang malikmata, ang mga
mandirigma't mga pangunahin. Iniiwan ng mga ama ang mga anak, ng mga anak ang ama, at
lahat sila't dumadaluhong upang magtanggol sa ina ng lahat. Nagpapaalam sila sa tahimik na
pakikipagbaka sa tahanan at inililingid sa ilalim ng talukap ngmga mata ang mga luhang
pinadadaloy ng kalambutan ng loob. Sila'y nagsiyao, at lahat ay namatay. Marahil, siya'y ama
ng maraming anak na mapupula't kulay sagang katulad ng mga kerubin, marahil siya'y isang
binatang may pag-asang nakangiti; anak man o mangingibig ay hindi nakakasalabid!
19
Ipinagtatanggol niya ang sa kanya'y nagbigay ng buhay, natupad niya ang kanyang tungkulin.
Si Codro man o si Leonidas, kahit na sino siya, ang inang-bayan ay matututong umalaala sa
kanya.

Ipinara ng ilan ang kanilang kabataan, ang kanilang kaligayahan; ang iba'y naghandog
sa kanya ng kaningningan ng kanilang kadalubhasaan; ang mga ito'y nagbubo n g kanilang
dugo; ang lahat ay namatay at nagpamana sa kanilang inang-bayan ng isang malaking
kayamanan; ng kalayaan at ng kaluwalhatian.

At siya, ano ang nagawa niya para sa kanila? Sila'y tinatangisan niya at buong
pagmamalaking inihaharap sa daigdig, sa mga ipanganganak pa at magiging anak ng mga ito
upang maging halimbawa.

Datapuwa't ay! Kung sa kababalaghan ng iyong ngalan, o Inang-bayan! Ay


nagniningning ang mga kabaitang lalong makabayani, kung sa iyong ngala'y naisasagawa ang
mga pagpapakasakit na higit sa kakayahan ng tao, as kabilang dako nama'y gaanong pang-
aapi…!

Buhat kay Hesukristong puspos ng pag-ibig, na pumanaog sa lupa sa ikagagaling ng


sangkatauhan, at namatay alang-alang sa kanya sa ngalan ng mga batas ng kanyang bayan,
hanggang sa mga lalong di-kilalang sinawi ng mga makabagong paghihimagsik, ilan, ay! ang
hindi nagtiis at namatay sa iyong ngalang kinamkam ng iba! Ilang sinawi ng pagtatanim, ng
pag-iimbot o ng kamangmangan, ang hindi namatay, na nagpapala sa iyo, at nagnanais para
sa iyo ng lahat ng uri ng kapalaran!

Maganda at dakila ang inang-bayan, kapag ang anak niya, sa sigaw ng pakikipaglaban,
ay gumayak sa pagtatanggol sa matandang lupa ng kanilang mga ninuno; malupit at
mapagmalaki, kapag, buhat sa mataas niyang luklukan ay nakikita ang dayuhang tumatakas
sa sindak sa harap ng hukbong hindi magapi ng kanyang mga anak. Datapuwa't ang kanyang
mga anak, na nagkakahatihati sa magkakalabang pangkatin ay nagpapatayan; kapag ang
poot at pagtatanim sa kalooban ay nagwawasak ng mga parang, mga bayan at mga lunsod,
sa gayon, ay niluluray niya sa kahihiyan ang kanyang balabal, at matapos itapon ang setro,
ay nagluluksa dahil sa mga anak niyang namatay.

Maging anuman nga ang kalagayan natin, ay nararapat nating mahalin siya at walang
ibang bagay na dapat naisin tayo kundi ang kagalingan niya. Sa gayo'y gagawa tayo,
alinsunod sa tadhana ng sangkatauhang itinakda ng Diyos, na dili iba kundi ang
pagkakasundo't kapayapaang pandaigdig ng mga nilikha niya.

Kayong nawalan ng mithiin ng inyong kaluluwa,; kayong sa pagkaksugat ng inyong


puso'y nakita ninyong naglahong isa-isa ang inyong mga pangarap at katulad ng mga
punungkahoy sa tag-ulan, ay nasumpungan ninyo ang inyong sariling walang bulaklak at
walang dahon at gayong nananabik na magmahal ay wala naman kayong makitang karapat-
dapat sa inyo, nariyan ang inang-bayan, mahalin ninyo siya.

Kayong nawalan ng isang ama, ng isang ina, ng isang kapatid, ng isang asawa, ng
isang anak, ng isang kasintahan, sa wakas, na siyang pinagbatayan ng inyong pangarap, at
sa inyong sarili'y nakatagpo kayo ng isang malalim at kasindak-sindak na kawalan, nariyan
ang inang-bayan; mahalin ninyo siya ng gaya ng nararapat.

Mahalin ninyo siya, oo nga, nguni't hindi gaya ng pagmamahal sa kanya ng nakaraang
panahon, sa paggawa ng mga malulupit na kabanalang itinakwil at sinumpa ng tunay na
kabaitang-asal at ng inang kalikasan; hindi sa pagpaparangalan ng pananampalatayang
bulag, ng pagwawasak at ng pagkamalupit, hindi nga. Lalong kaaya-ayang bukang-liwayway
ng kristiyanismo, sagisag ng mga araw na maligaya at matahimik. Kautangan nating
manunton sa matigas nguni't payapa't mabungang landas ng agham na humahantong sa pag-
unlad, at buhat doo'y sa pagkakaisang nilunggati't hiningi ni Hesukristo sa gabi ng kanyang
pagpapakasakit.

LAONGLAAN
BARCELONA, HUNYO 1882

4. Sa mga Kababayang Dalaga ng Malolos, 1889

Habang nasa Londres si Dr. Rizal at abalang sinusulat ang kanyang anotasyon sa aklat-
pangkasaysayan ni Dr. Antonio de Morga na Sucesos de Las Islas Filipinas ay nakatanggap
siya ng liham mula kay Marcelo H. del Pilar na may petsang Pebrero 17, 1889 galing sa
Barcelona na nakikiusap na sulatan niya ang kanyang mga kababayang kadalagahan ng
Malolos, Bulacan sa kanilang determinasyong matuto ng wikang Kastila at magtatag ng isang
20
paaralan para sa kanila. Ang mga kababaihang ito ay nagpetisyon kay Gov. Hen. Valeriano
Weyler ukol sa paghingi nila ng permiso upang mabuksan ang isang paaralan na magtuturo sa
kanila ng wikang Kastila, kahit pa ito’y sa gabi, sa pamamatnubay ni Señor Teodoro Sandiko.
Ngunit ito ay tinutulan ng cura parroco ng Malolos na si Fray Felipe Garcia at ng Governador
Civil nito. Kanila itong mismong inilapit kay Hen. Weyler nang siya’y minsang dumalaw sa
Malolos noong Disyembre 12, 1888 at sila nama’y pinaunlakan ng governador-heneral. Ang
nilalaman ng petisyon ay ganito:
Sa kanyang kamahalan Governador-Heneral ng Filipinas.

Ang inyong kamahalan. Kami, ang mga nakalagdang kabataang babae at iba pa, ay
naghaharap at humihiling ng buong paggalang sa inyong kamahalan ng sumusunod:

Sa pagnanasa naming matutuhan ang mayamang wikang kastila, nagaganyak at


nagpapapasalamat sa Inyong mapagbigay na damdaming mapalaganap sa bansa ang
kaalaman sa wikang Kastila, nguni’t walang pagkakataong matutuhan ito sa mga paaralan
sa Maynila- sa mga ilan dahil sa mahigpit na mga pangangailangang dapat harapin, at sa
iba nama’y dahil sa kanilang mga ginagampanang gawaing pang-tahanan na siyang
nagiging balakid upang makapag-aral sa araw, kami ay buong galang na humiling sa Inyong
Kamahalan na pahintulutang makapagbukas ng isang pang-gabing paaralan sa tahanan ng
isang matandang kamag-anak namin at doo’y dumalo sa mga klase kasama ng aming mga
ina upang tumanggap ng mga leksiyon sa balarilang Kastila sa ilalim ng isang Guro sa Latin
na aming babayaran Ang gurong ito ay nakapagpatunay na ng kanyang kakayahan sa
pagtuturo ng Kastila sa loob ng maikling panahon. Sa kanyang mga tinuruan ay napansin na
ang pagsulong, samantalang sa kabilang dako, at hindi naman sa pagnanasang sugatan ang
kanilang damdamin, ay nararapat naming sabihin na ang ibang mga guro sa bayang bunga
hanggang sa ngayon.

Ito’y isang pagpapaunlak na tiniyak naming makakamit sa inyong kabalitaang


kagandahang-loob. Nawa’y loobin ng Maykapal na palawigin ng marami pang mga taon ang
inyong mahalagang buhay.

Malolos, Disyembre 12, 1888

(Mga Lagda)
Alberta Uitangcoy / Leoncia Reyes / Merced Tiongson
Olimpia Reyes / Feliciana Tiongson / Elisea Reyes
Agapita Tiongson / Aurea Tanchangco / Olimpia Tantoco
Eugenia Tanchangco / Teresita Tantoco / Paz Tiongson
Basilia Tiongson / Selya / Maria Tantoco
Juana / Basilia Tantoco / Filomena
Anastacia / Rejina / Cecilia

Dahil sa pagsusumigasig ng mga kababaihan sa kanilang ninanais ay napayagan din


sila sa kondisyon na si Señora Guadalupe Reyes ang magiging guro nila at gagawin ang pag-
aaral kung tapos na ang kanilang gawain sa kanilang tahanan. Naitatag ang paaralang
hiniling sa malapit sa kapilya ng Sto. Niño, sa dating tahanan ni Bb. Rufina Reyes sa
Pariancillo, Malolos.

Hinangahan ni Dr. Rizal ang mga kababaihang ito dahil ang ginawa nilang iyon ay
kapansin-pansin sapagkat lubhang madalang ang ganitong uri ng pangyayari na nagpapakita
ng katapangan ng mga kababaihan. Alam natin sa panahong iyon ang mga kababaihan ay
sunud-sunuran lamang at walang puwang sa lipunan. Inukit sa isipan natin ng mga frailes na
ang babae ay mahina, katuwang lang siya ng lalaki at sa tahanan lamang. Dahil dito gumawa
ng siya ngliham na pagbati at pangangaral para sa mga kababaihan noong Pebrero 22, 1889
gamit ang sagisag-panulat niyang Laong Laan at ipinadala sa Malolos upang ipagpatuloy ang
kanilang hangarin at gayundin ay maging ehemplo at insipasyon sila, hindi lamang sa mga
kababaihan kundi sa buong bayan.

Ang liham ay isinulat ni Dr. Rizal sa wikang Tagalog at inaamin niyang siya’y hindi na
sanay managalog. At higit sa lahat ay lumitaw din sa kanyang liham na wala pa siyang
kaalam-alam noon sa Malolos (mula sa.
___________________________________________________________________________

Londres, Inglatera
22 Pebrero 1882
21
Minamahal kong kaibigang Plaridel:

Nariyan na ang mahaba kong mga paalala sa mga taga-Malolos. Ipagpaumanhin


ninyo ay iwasto sapagkat dito’y wala akong makausap na Tagalog at parang may
nalilimutan na ako. Inaakala kong dapat sabihin sa kanila ang higit pa sa isang
pangkaraniwang sulat, at iyan ay naririyan na. Pag-ingatan ninyong huwag mahulog sa
kamay ng mga fraile at mawala; iyan ang balangkas ng sinulat ko, ako’y walang sipi.

Ipagpaumanhin ang maikling sulat na ito, ngunit ang paalala sa mga taga-Malolos
ang siyang ipinangalay ng kamay.

Sumasainyo,
Laong Laan
________________________________________________________________________

Europa, (Febrero) 1889


Sa mga Kababayang Dalaga sa Malolos:

Nang aking sulatin ang Noli Me Tangere, tinanong kong laon, kung ang puso ang
dalaga’y karaniwan kaya diyan sa ating bayan. Matay ko mang sinaliksik yaring alaala;
matay ko mang pinagisa-ngisa ang lahat ñg dalagang makilala sapul sa pagkabatá, ay
mañgisa-ñgisa lamang ang sumaguing larawang aking ninanasá. Tunay at labis ang
matamis na loob, ang magandang ugalí, ang binibining anyó, ang mahinhing asal; ñgunit
ang lahat na ito’y laguing nahahaluan ñg lubos na pagsuyó at pagsunod sa balang sabi ó
hiling nang nagñgañgalang amang kalulua (tila baga ang kaluluwa’y may iba pang ama sa
Dios,) dala ñg malabis na kabaitan, kababaan ñg loob ó kamangmañgan kayá: anaki’y
mga lantang halaman, sibol at laki sa dilim; mamulaklak ma’y walang bañgo, magbuñga
ma’y walang katas.

Ñguní at ñgayong dumating ang balitang sa inyong bayang Malolos, napagkilala kong
ako’y namalí, at ang tuá ko’y labis. `Dí sukat ako sisihin, dí ko kilala ang Malolos, ni ang
mga dalaga, liban sa isang Emilia, at ito pa’y sa ñgalan lamang.

Ñgayong tumugon kayo sa uhaw naming sigaw ñg ikagagaling ñg bayan; ñgayong


nagpakita kayo ñg mabuting halimbawa sa kapuá dalagang nagnanasang paris ninyong
mamulat ang mata at mahañgo sa pagkalugamí, sumisigla ang aming pag-asa, inaaglahì
ang sakuná, sa pagka at kayo’y katulong na namin, panatag ang loob sapagtatagumpay.
Ang babaing tagalog ay di na payukó at luhod, buhay na ang pagasa sa panahong sasapit;
walá na ang inang katulong sa pagbulag sa anak na palalakhin sa alipustá at pagayop. `Di
na unang karunuñgan ang patuñgó ñg ulo sa balang maling utos, dakilang kabaitan ang
ñgisi sa pagmura, masayang pangaliw ang mababang luhá. Napagkilala din ninyo na ang
utos ñg Dios ay iba sa utos ñg Parí, na ang kabanalan ay hindi ang matagal na luhod,
mahabang dasal, malalaking kuentas, libaguing kalmin, kundí ang mabuting asal, malinis
na loob at matuid na isip. Napagkilala din ninyo na `dí kabaitan ang pagkamasunurin sa
ano mang pita at hiling ñg nagdidiosdiosan, kundi ang pagsunod sa katampata’t matuid,
sapagka’t ang bulag na pagsunod ay siyang pinagmumulan ñg likong paguutos, at sa
bagay na ito’y pawang nagkakasala. `Dí masasabi ñg punó ó parí na sila lamang ang
mananagot ñg maling utos; binigyan ñg Dios ang bawat isa ñg sariling isip at sariling loob,
upang ding mapagkilala ang likó at tapat; paraparang inianak ñg walang tanikalá, kundí
malayá, at sa loob at kalulua’y walang makasusupil, bakit kayá ipaaalipin mo sa iba ang
marañgal at malayang pagiisip? Duag at malí ang akalá na ang bulag na pagsunod ay
kabanalan, at kapalaluan ang mag isipisip at magnilay nilay. Ang kamangmañgan’y,
kamangmañgan at dí kabaita’t puri. `Di hiling ñg Dios, punó ñg kataruñgan, na ang taong
larawan niya’y paulol at pabulag; ang hiyas ñgisip, na ipinalamuti sa atin, paningniñgin at
gamitin. Halimbawá baga ang isang amang nagbigay sa bawat isang anak ñg kanikanyang
tanglaw sa paglakad sa dilim. Paniñgasin nila ang liwanag ñg ilaw, alagaang kusá at huag
patain, dala ñg pag-asa sa ilaw ñg iba, kundí magtulongtulong magsangunian, sa
paghanap ñg daan. Ulol na di hamak at masisisi ang madapá sa pagsunod sa ilaw ñg iba,
at masasabi ng ama: “bakit kita binigyan ng sarili mong ilaw?” Ñguni’t dí lubhang masisisi
ang madapá sa sariling tanglaw, sapagka’t marahil ang ilaw ay madilim, ó kayá ay totoong
masamá ang daan.

Ugaling panagot ng mga may ibig mang ulol, ay: palaló ang katiwalá sa sariling bait;
sa akalá ko ay lalong palaló ang ibig sumupil ng bait ng iba, at papanatilihin sa lahat ang
22
sarili. Lalong palaló ang nagdidiosdiosan, ang ibig tumarok ng balang kilos ng isip ng
DIOS; at sakdal kapalaluan ó kataksilan ang walang gawá kundí pagbintañgan ang Dios ng
balang bukang bibig at ilipat sa kanya ang balá niyang nasá, at ang sariling kaaway ay
gawing kaaway ng Dios. `Dí dapat naman tayong umasa sa sarili lamang; kundí
magtanong, Páhiná 4makinig sa iba, at saka gawain ang inaakalang lalong matuid; ang
habito ó sutana’y walang naidaragdag sa dunong ng tao; magsapinsapin man ang habito
ng huli sa bundok, ay bulubundukin din at walang nadadayá kungdí ang mangmang at
mahinang loob. Nang ito’y lalong maranasan, ay bumili kayo ng isang habito sa S.
Francisco at isoot ninyo sa isang kalabao. Kapalaran na kung pagka pag habito ay hindí
magtamad. Lisanin ko ito at dalhin ang salitá sa iba.

Sa kadalagahang punlaan ng bulaklak na mamumuñga’y dapat ang babai’y magtipon


ng yamang maipamamana sa lalaking anak. Ano kaya ang magiging supling ng babaing
walang kabanalan kundí ang magbubulong ng dasal, walang karunuñgan kungdí awit,
novena at milagrong pangulol sa tao, walang libañgang iba sa panguingue ó magkumpisal
kayá ng malimit ng muli’t muling kasalanan? Ano ang magiging anak kundí sakristan,
bataan ng cura ó magsasabong? Gawá ng mga ina ang kalugamian ngayon ng ating mga
kababayan, sa lubos na paniniwalá ng kanilang masintahing pusó, at sa malaking
pagkaibig na ang kanilang mga anak ay mapakagaling. Ang kagulañga’y buñga ñg
pagkabatá at ang pagkabata’y nasa kanduñgan ñg ina. Ang inang walang maituturó kundí
ang lumuhod humalik ñg kamay, huwag magantay ng anak ng iba sa duñgó ó alipustang
alipin. Kahoy na laki sa burak, daluro ó pagatpat ó pangatong lamang; at kung sakalí’t
may batang may pusong pangahas, ang kapangahasa’y Páhiná 5tagó at gagamitin sa
samá, paris ng silaw na kabag na dí makapakita kundí pag tatakip silim. Karaniwang
panagot ang una’y kabanalan at pagsinta sa Dios. Ñguní at ano ang kabanalang itinuró sa
atin? Magdasal at lumuhod ng matagal, humalik ng kamay sa parí, ubusin ang salapí sa
simbahan at paniwalaan ang balang masumpuñgang sabihin sa atin? Tabil ng bibig, lipak
ng tuhod, kiskis ng ilong..... bagay sa limos sa simbahan, sangkalan ang Dios, may bagay
baga sa mundong ito na dí arí at likhá ng Maykapal? Ano ang inyong sasabihin sa isang
alilang maglimos sa kayang panginoon ng isang basahang hiram sa nasabing mayaman?
Sino ang taong dí palaló at ulol, na mag lilimos sa Dios at magaakalang ang salantá
niyang kaya ay makabibihis sa lumikhá ng lahat ñg bagay? Pagpalain ang maglimos sa
kapus, tumulong sa mayhirap, magpakain sa gutom; ñguní at mapulaan at sumpain, ang
biñgi sa taghoy ng mahirap, at walang binubusog kundí ang sandat, at inubos ang salapí
sa mga frontal na pilak, limos sa simbahan ó sa frayleng lumalañgoy sa yaman, sa misa
de gracia ng may tugtugan at paputok, samantalang ang salaping ito’y pinipigá sa buto ñg
mahirap at iniaalay sa pañginoon ñg maibili ng tanikalang pangapus, maibayad ng
verdugong panghampas. Ó kabulagan at kahiklian ng isip!

Ang unang kabanalan ay ang pagsunod sa matuid, anoman ang mangyari. “Gawá at
hindí salitá ang hiling ko sa inyo” ani Cristo; “hindí anak ni ama ang nagsasabing ulit-ulit
ama ko, ama ko, kundí ang nabubuhay alinsunod sa hiling ñg aking ama.” Ang kabanalan
ay walá sa pulpol na ilong, at ang kahalili ni Cristo’y di kilala sa halikang kamay. Si
Cristo’y dí humalik sa mga Fariseo, hindi nagpahalik kailan pa man; hindí niya pinatabá
ang may yaman at palalong escribas; walá siyang binangit na kalmen, walang
pinapagcuintas, hiningan ng pamisa, at di nagbayad sa kanyang panalangin. Di napaupa si
San Juan sa ilog ng Jordan, gayon din si Cristo sa kanyang pangangaral. Bakit ngayo’y ang
mga pari’y walang bigong kilos na di may hinihinging upa? At gutom pa halos nagbibili ng
mga kalmen, cuentas, correa at ibapa, pang dayá ng salapi, pampasamá sa kalulua; sa
pagkat kalminin mo man ang lahat ng basahan sa lupá, cuintasin mo man ang lahat ng
kahoy sa bundok ibilibid mo man sa iyong bayawang ang lahat ng balat ng hayop, at ang
lahat na ito’y pagkapaguran mang pagkuruskurusan at pagbulongbulongan ng lahat ng
pari sa sangdaigdigan, at iwisik man ang lahat ng tubig sa dagat, ay di mapalilinis ang
maruming loob, di mapatatawad ang walang pagsisisi. Gayon din sa kasakiman sa salapi’y
maraming ipinagbawal, na matutubos kapag ikaw ay nagbayad, alin na ngá sa huag sa
pagkain ng karne, pagaasawa sa pinsan, kumpari, at iba pa, na ipinahihintulot kapag ikaw
ay sumuhol. Bakit, nabibili baga ang Dios at nasisilaw sa salaping paris ng mga pari? Ang
magnanakaw na tumubos ng bula de composicion, ay makaaasa sa tahimik, na siya’y
pinatawad; samakatuid ay ibig ng Dios na makikain ng nakaw? Totoo bagang hirap na ang
Maykapal, na nakikigaya sa mga guarda, carabineros ó guardia civil? Kung ito ang Dios na
sinasamba ñg fraile, ay tumalikod ako sa ganyang Dios.

Maghunos dilí ngá tayo at imulat natin ang mata, lalong laló na kayong mga babai, sa
pagka’t kayo ang nagbubukas ng loob ng tao. Isipin na ang mabuting ina ay iba, sa inang
linalang ng fraile; dapat palakhin ang anak na malapit baga sa larawan ng tunay na Dios,
Dios na dí nasusuhulan, Dios na dí masakim sa salapí, Dios na ama ng lahat, na walang

23
kinikilingan, Dios na dí tumatabá sa dugó ng mahirap, na dí nagsasaya sa daing ng
naruruhagi, at nangbubulag ng matalinong isip. Gisingin at ihandá ang loob ng anak sa
balang mabuti at mahusay na akalá: pagmamahal sa puri, matapat at timtimang loob,
maliwanag na pagiisip, malinis na asal, maginoong kilos, pagibig sa kapuá, at
pagpipitagan sa Maykapal, ito ang ituró sa anak. At dahil ang buhay ay punó ng pighatí at
sakuná, patibayin ang loob sa ano mang hirap, patapañgin ang pusó sa ano mang
pañganib. Huag mag antay ang bayan ng puri at ginhawa, samantalang likó ang
pagpapalaki sa batá, samantalang lugamí at mangmang ang babaing magpapalaki ñg
anak. Walang maiinom sa labó at mapait na bukal; walang matamis na buñga sa punlang
maasim.

Malaki ngang hindí bahagyá ang katungkulang gaganapin ng babai sa pagkabihis ng


hirap ng bayan, nguni at ang lahat na ito’y `dí hihigit sa lakas at loob ng babaing tagalog.
Talastas ng lahat ang kapanyarihan at galing ng babayi sa Filipinas, kayá ñgá kanilang
binulag, iginapus, at iniyukó ang loob, panatag sila’t habang ang iba’y alipin, ay ma-aalipin
din naman ang lahat ng mga anak. Ito ang dahilan ng pagkalugamí ng Asia; ang babayi sa
Asia’y mangmang at alipin. Makapangyarihan ang Europa at Amerika dahil duo’y ang mga
babai’y malaya’t marunong, dilat ang isip at malakas ang loob.

Alam na kapus kayong totoo ñg mga librong sukat pagaralan; talastas na walang
isinisilid araw araw sa inyong pagiisip kundí ang sadyang pang bulag sa inyong bukal na
liwanag; tantó ang lahat na ito, kayá pinagsisikapan naming makaabot sa inyo ang ilaw na
sumisilang sa kapuá ninyo babayi; dito sa Europa kung hindí kayamutan itong ilang sabi,
at pagdamutang basahin, marahil ay makapal man ang ulap na nakakubkob sa ating
bayan, ay pipilitin ding mataos ñg masantin na sikat ñg araw, at sisikat kahit banaag
lamang ... `Dí kami manglulumo kapag kayo’y katulong namin; tutulong ang Dios sa
pagpawí ñg ulap, palibhasa’y siya ang Dios ñg katotohanan; at isasaulí sa dati ang dilag
ñg babaying tagalog, na walang kakulañgan kundí isang malayang sariling isip, sapagka’t
sa kabaita’y labis. Ito ang nasang lagì sa panimdim, na napapanaginip, ang karañgalan ñg
babaying kabiak ñg pusó at karamay sa tuá ó hirap ñg buhay: kung dalaga, ay sintahin ñg
binatá, di lamang dahilan sa ganda ó tamis ñg asal, kundí naman sa tibay ñg pusó, taas
ñg loob, na makabuhay baga at makapanghinapang sa mahiná ó maruruwagang lalaki, ó
makapukaw kayá ñg madidilag na pagiisip, pag isang dalaga bagang sukat ipagmalaki ñg
bayan, pagpitaganan ñg iba, sapagka at karaniwang sabi sabi ñg mga kastilá at pari na
nangagaling diyan ang karupukan at kamangmañgan ñg babaying tagalog, na tila baga
ang mali ñg ilan ay malí na nang lahat, at anaki’y sa ibang lupá ay walá, ñg babaing
marupok ang loob, at kung sabagay maraming maisusurot sa mata ñg ibang babai ang
babaying tagalog..... Gayon ma’y dala marahil ñg kagaanan ñg labí ó galaw ñg dilá, ang
mga kastilá, at parí pagbalik sa Espanya’y walang unang ipinamamalabad, ipinalilimbag at
ipinagsisigawan halos, sabay ang halakhak, alipustá at tawa, kundí ang babaing si gayon,
ay gayon sa convento, gayon sa kastilang pinatuloy, sa iba’t iba pang nakapagñgañgalit;
sa tuing maiisip, na ang karamihan ng malí ay gawá ñg kamusmusan, labis na kabaitan,
kababaan ñg loob ó kabulagan kayang kalalañgan din nila..... May isang kastilang
nagayo’y mataas na tao na, pinakai’t pinatuloy natin sa habang panahong siya’y
lumiguyliguy sa Filipinas ... pagdating sa Espanya, ipinalimbag agad, na siya raw ay
nanuluyang minsan sa Kapangpañgan, kumai’t natulog, at ang maginoong babaying
nagpatuloy ay gumayon at gumayon sa kanya: ito ang iginanti sa napakatamis na loob ng
babayi ... Gayon din ang unang pahili ng pari sa nadalaw na kastila, ay ang kanyang mga
masusunuring dalagang tagahalik ng kamay, at iba pang kahalo ang ñgiti at
makahulugang kindat ... Sa librong ipinalimbag ni Dn. Sinibaldo de Mas, at sa, iba pang
sinulat ng mga pari, ay nalathala ang mga kasalanang ikinumpisal ng babai na di ilinilihim
ng mga pari sa mga dumadalaw na Kastila, at kung magkaminsan pa’y dinadagdagan ng
mga kayabañgan at karumihang hindi mapaniniwalaan ... `Di ko maulit dito ang mga di
ikinahiyang sinabi ng isang fraile kay Mas na di nito mapaniwalaan... Sa tuing maririnig ó
mababasa ang mga bagay na ito’y itinatanong namin kung Santa Maria kaya ang lahat ng
babaying kastila, at makasalanan na kaya baga ang lahat ng babaying tagalog; ñguni
kong sakali’t magsumbatan at maglatlatan ng puri’y ... Datapua’t lisanin ko ang bagay na
ito, sapagka’t `dí ako paring confesor, ó manunuluyang kastilá, na makapaninirá ñg puri
ng iba. Itabi ko ito at ituloy sambitin ang katungkulan ñg babai.

Sa mga bayang gumagalang sa babaing para ñg Filipinas, dapat nilang kilanlin ang
tunay na lagay upang ding maganapan ang sa kanila’y inia-asa. Ugaling dati’y kapag
nanliligaw ang nagaaral na binata ay ipinañgañganyayang lahat, dunong, puri’t salapi, na
tila baga ang dalaga’y walang maisasabog kundi ang kasamaan. Ang katapang-tapañga’y
kapag napakasal ay nagiging duag, ang duag na datihan ay nagwawalanghiya, na tila
walang ina-antay kundi ang magasawa para maipahayag ang sariling kaduagan. Ang anak

24
ay walang pangtakip sa hina ñg loob kundi ang alaala sa ina, at dahilan dito, nalunok na
apdo, nagtitiis ñg tampal, nasunod sa lalong hunghang na utos, at tumutulong sa
kataksilan ñg iba sa pagka’t kung walang natakbo’y walang manghahagad; kung walang
isdang munti’y walang isdang malaki. Bakit kaya baga `di humiling ang dalaga sa iibigín,
ñg isang marañgal at mapuring ñgalan, isang pusong lalaking makapag-ampon sa
kahinaan ng babai, isang marangal na loob na di papayag magka anak ng alipin? Pukawin
sa loob ang sigla at sipag, maginoong asal, mahal na pakiramdam, at huwag isuko ang
pagkadalaga sa isang mahina at kuyuming puso. Kung maging asawa na, ay dapat
tumulong sa lahat ng hírap, palakasin ang loob ng lalaki, humati sa pañganib, aliwin ang
dusa, at aglahiin ang hinagpis, at alalahaning lagi na walang hirap na di mababata ñg
bayaning puso, at walang papait pang pamana, sa pamanang kaalipustaan at kaalipinan.
Mulatin ang mata ñg anak sa pagiiñgat at pagmamahal sa puri, pagibig sa kapua sa
tinubuang bayan, at sa pagtupad ñg ukol. Ulituliting matamisin ang mapuring kamatayan
saalipustang buhay. Ang mga babai sa Esparta’y sukat kunang uliran at dito’y ilalagda ko
ang aking halimbawa:

Nang iniaabot ñg isang ina ang kalasag sa papasahukbong anak, ay ito lamang ang
sinabi: “ibalik mo ó ibalik ka,” ito ñga umuwi kang manalo ó mamatay ka, sapagkat
ugaling iwaksi ang kalasag ñg talong natakbo ó inuwi kaya ang bangkay sa ibabaw ñg
kalasag. Nabalitaan ñg isang ina na namatay sa laban ang kanyang anak, at ang hukbo ay
natalo. Hindi umiimik kundi nagpasalamat dahil ang kanyang anak ay maligtas sa pulá,
ñguni at ang anak ay bumalik na buhay; nagluksa ang ina ñg siya’y makita. Sa isang
sumasalubong na ina sa mga umuwing galing sa laban, ay ibinalita ñg isa na namatay daw
sa pagbabaka ang tatlong anak niya,—“hindi iyan ang tanong ko ang sagot ñg ina, kundi
nanalo ó natalo tayó?—Nanalo ang sagot ñg bayani. Kung ganoo’y magpasalamat tayo sa
Dios!” ang wika at napa sa simbahan.

Minsa’y nagtagó sa simbahan ang isang napatalong harí nila, sa takot sa galit sa
bayan; pinagkaisahang kuluñgin siya doon at patain ñg gutum. Ñg papaderan na ang
pinto’y ang ina ang unang nag hakot ñg bato. Ang mga ugaling ito’y karaniwan sa kanila,
kayá ñga’t iginalang ng buong Grecia ang babaing Esparta. Sa lahat ñg babai, ang pulá ñg
isa ay kayo lamang na taga Esparta ang nakapangyayari sa lalaki. Mangyari pa, ang sagot
ñg babai, ay kami lamang ang nagaanak ñg lalaki. Ang tao, ñg mga Esparta ay hindí
inianak para mabuhay sa sarili, kungdi para sa kanyang bayan. Habang nanatili ang
ganitong mga isipan at ganitong mga babai ay walang kaaway na nakatungtong ñg lupang
Esparta, at walang babaing taga Esparta na nakatanaw ñg hukbo ng kaaway.

`Dí ko inaasahang paniwalaan ako alang-alang lamang sa aking sabi: maraming


taong dí natingin sa katuiran at tunay, kundí sa habito, sa putí ñg buhok ó kakulangan
kayá ng ngipin. Ñguní at kung ang tanda’y magalang sa pinagdaanang hirap, ang
pinagdaan kong buhay hain sa ikagagaling ng bayan, ay makapagbibigay ñg tandá sa
akin, kahit maiklí man. Malayó ako sa, pagpapasampalataya, pag didiosdiosan, paghalili
kayá sa Dios, paghahangad na paniwalaa’t pakingang pikit-mata, yukó ang ulo at
halukipkip ang kamay; ñguni’t ang hiling ko’y magisip, mag mulaymulay ang lahat, usigin
at salain kung sakalí sa ngalan ng katuiran itong pinaninindigang mga sabi:

Ang una-una. “Ang ipinagiging taksil ñg ilan ay nasa kaduagan at kapabayaan ñg


iba.”

Ang ikalawa. Ang iniaalipustá ng isa ay nasa kulang ñg pagmamahal sa sarili at


nasa labis ñg pagkasilaw sa umaalipustá.

Ang ikatlo. Ang kamangmañga’y kaalipinan, sapagkat kung ano ang isip ay ganoon
ang tao: taong walang sariling isip, ay taong walang pagkatao; ang bulag na taga sunod
sa isip ng iba, ay parang hayop na susunod-sunod sa talí.

Ang ikaapat. Ang ibig magtagó ñg sarili, ay tumulong sa ibang magtagó ñg kanila,
sapagkat kung pabayaan mo ang inyong kapuá ay pababayaan ka rin naman; ang isa
isang tingting ay madaling baliin, ñguní at mahirap baliin ang isang bigkis na walis.

Ang ika-lima. Kung ang babaing tagalog ay dí magbabago, ay hindí dapat


magpalaki ñg anak, kungdí gawing pasibulan lamang; dapat alisin sa kanya ang
kapangyarihan sa bahay, sapagka’t kung dili’y ipag kakanulong walang malay, asawa,
anak, bayan at lahat.

Ang ika-anim. Ang tao’y inianak na paris-paris hubad at walang talí. Dí nilalang ñg
Dios upang maalipin, dí binigyan ñg isip para pabulag, at dí hiniyasan ñg katuiran at ñg
maulol ñg iba. Hindí kapalaluan ang dí pagsamba sa kapuá tao, ang pagpapaliwanag ñg

25
isip at paggamit ñg matuid sa anomang bagay. Ang palalo’y ang napasasamba, ang
bumubulag sa iba, at ang ibig paniigin ang kanyang ibig sa matuid at katampatan.

Ang ika-pito. Liniñgin ninyong magaling kung ano ang religiong itinuturó sa atin.
Tingnan ninyong mabuti kung iyan ang utos ng Dios ó ang pangaral ni Cristong panglunas
sa hirap ñg mahirap, pangaliw sa dusa ñg nagdudusa. Alalahanin ninyo ang lahat ñg sa
inyo’y itinuturó, ang pinapatuñguhan ñg lahat ng sermon, ang nasa ilalim ng lahat ng
misa, novena, kuintas, kalmen, larawan, milagro, kandilá, corea at iba’t iba pang iginigiit,
inihihiyaw at isinusurot araw-araw sa inyong loob, taiñga, at mata, at hanapin ninyo ang
puno at dulo at saka iparis ninyo ang religiong sa malinis na religion ni Cristo, at tingnan
kung hindí ang inyong pagkakristiano ay paris ng inaalagang gatasang hayop, ó paris ng
pinatatabang baboy kayá, na dí pinatatabá alang alang sa pagmamahal sa kaniya, kundí
maipagbili ng lalong mahal at ng lalong masalapian.

Magbulay-bulay tayo, malasin ang ating kalagayan, at tayo’y mag isip isip. Kung
itong ilang buhaghag na sabi’y makatutulong sa ibinigay sa inyong bait, upang ding
maituloy ang nasimulan ninyong paglakad.

“Tubó ko’y dakilá sa puhunang pagod” at mamatamisin ang ano mang mangyari,
ugaling upa sa sino mang mañgahas sa ating bayan magsabi ng tunay. Matupad nawá ang
inyong nasang matuto at harí na ñgang sa halaman ñg karunuñgan ay huwag makapitas
ñg buñgang bubut, kundí ang kikitili’y piliin, pagisipin muná, lasapin bago lunukin,
sapagka’t sa balat ñg lupá lahat ay haluan, at di bihirang magtanim ang kaaway ng
damong pansirá, kasama sa binhí sa gitná ñg linang.

Ito ang matindiñg nasá ñg inyong kababayang si JOSÉ RIZAL

Pinuri niya ang mga dalagang Pilipina, sinabi niya na sila ay mayumi, maganda,
mahinhin, may mabuting asal, malakas ang loob, at may paniniwala sa tunay na Maykapal.
Sila ang nagbigay ng buhay sa mga kabataan. Sila ang tanggulan na kung saan sila ang mga
tagabigay ng lakas ng loob at mga natatanging halimbawa sa mga naruruwag. Sila ang
nagsisilbing inspirasyon ng mga kalalakihan upang tumibay ang paninindigan para sa
ikabubuti ng bayan.

Dapat silang ipagtanggol sa mga nagpupumilit na sumira sa kanilang kapurihan. Sila’y


nirerespeto at di dapat na pagsalitaan ng nakapanggagalit ng mga salita ng mga dayuhan,
dapat nilang malaman ang tunay na ibig sabihin ng isang tunay na dalagang Pilipina.

Ipinabatid din niya na hindi na nila kailangang iyuko ang kanilang ulo sa kahihiyan o
patuloy na palakihin ang kanilang mga anak sa kasinunggalingan. Tama na rin ang sobrang
paghamak sa kanila ng mga dayuhan. Ngayon na nila dapat mabatid na hindi magkapareho
ang ninanais ng Diyos at nang mga kura, at mas mahalaga dito ay ang pagkakaiba ng
depinisyon ng relihiyon. Ang tunay na relihiyon ay hindi lamang nauukol sa pagluhod ng
matagal habang nagdarasal, o ang pagkakaroon ng mga rosaryo, nobena, at bibliya, ngunit
ang mas dapat bigyang pansin ay ang pagkakaroon ng magandang ugali, paninindigan, at
matuwid na paghusga.

Nabanggit din niya sa liham ang aklat ni Don Sinibaldo de Mas, isang ekonomista, na
nagtataglay ng mga paglalathala ng mga pari sa mga ikinumpisal ng mga babae sa kanila
upang siraan ang mga ito.

Ikinumpara rin nya ang mga Pilipinong babae sa mga babaeng dayuhan, tulad ng
babaing sparta sa Gresya na maliit palang ay sinasanay na sa pakikidigma. Kaya sila ay
matatapang at malalakas.Ipinahihiwatig na may malaking bahagi ang mga babae sa lipunan
dahil kasama sila sa pagtatanggol sa kanilang bayan.

Sa liham ipinakita din niya na may mahalagang tungkulin ng mga Pilipina sa ating
lipunan na sila ang naghuhubog sa isipan ng mga bata ng tamang asal o pag-uugali at
pagkakaroon ng matatag na paninindigan.

Sila ang mga ina ng tahanan na ating dinadakila at pikamamahal. At sa puntong ito, isa
siya sa may mataas na pagkilala sa kanyang ina. Tinawag niya ang kanyang ina na
pambihirang babae na nagpalaki sa kanya ng buong kalinga at pagmamahal. Kung walang
Teodora Alonzo ay walang dakilang bayani ang Pilipinas.

26
Reference:
Danganan, R.G. (2007). Jose Rizal : ang Pilipinong para sa mga Pilipino. Malolos, Bulacan : RGD Publishing.

27

You might also like