Professional Documents
Culture Documents
I. Kaligirang Pangkasaysayan
B. Talambuhay ng May-akda
Nagsimula si Ellen na magsulat noong Oktubre 1997, nang pumanaw ang kanyang
kabiyak. Mula noon, nakasulat na siya ng tatlong nobela, isa nga rito ang Paghuhunos. Ang
kanyang mga kwento at tula ay nalathala sa Diliman Review, Mirror Weekly, Ani, Likhaan
(CWC at UP Press), Lagda at sa antolohiyang Kwento ng Paglusong at Pag-ahon (Ateneo
Press). Nakasulat na rin siya ng screenplay: Ang Mga Kamay, na naging finalist sa First
Cinema Screenwriting Contest.
II. Paksa
III. Mensahe
Para sa akin, may iba’t ibang mensahe ang kuwento. Una ay likas lamang sa tao
ang pagkalimot dahil sa pagtanda, kung kaya’t kailangan tanggapin ang mga
pangyayaring kahiya-hiya sa proseso ng pag-alala. Pangalawa, hindi maipagkakaila
ang katiwalian sa pagbabayad ng buwis partikular na sa mga pribadong kompanya. Ang
dapat malalaki ang buwis ay maliit lamang ang ipinapataw na buwis, at ang dapat maliit
ang buwis ay siyang malaki. Panghuli, ang pagiging tapat sa iyong kabiyak kahit
anoman ang temptasyon sa iyong paligid. Ang hindi pagkalimot sa pangaral na mula sa
iyong mga magulang ay mahalaga.
IV. Estilo
A.
Ang antas ng wika na ginamit sa sanaysay ay Pambansa, dahil may mga salitang
Mapapansin din na kumbersesyunal lamang ang sanaysay, dahil batid naman natin na
ito ay pag-uusap ng dalawang magkaibigan.
B.
Ang kabuoan ng sanaysay ay nasa ikatlong panauhan dahil ang nagsasalaysay ay ang
mismong awtor. Sa aking palagay, ang akda ay di-pormal dahil hayagang binanggit ng awtor
ang kagaya ng salitang “ulol. At iba pa...”
V. Anyo at Estruktura
A. Nilalaman/Tema
B. Bahagi ng Sanaysay
Simula.
Gitna.
Wakas
C. Tono at Himig.
Ang akda ay may himig at tono na Paintelektuwal dahil ayon sa mga pahayag na
naglalaman ng mga salitang nasa larangan ng pagiging management analyst. May mga
terminong kailangan mo munang malaman o malawakang ideya sa mga termino upang
Mayroon din itong himig at tono na Satirical o may halong biro, dahil sa ito ay
kumbersesyunal na usapang ng dalawang magkaibigan. Tulad ng pahayag na ““Susan,
nagulat ka ano?” tumawa. “Akala mo isnatser na, ano?” “Talagang ikaw, masyadong palabiro,”
sabi niya. Pilit pa rin niyang iniisip ang pangalan…”
Para sa akin mayroon din itong Nangangaral na himig at tono dahil sa pahayag na
“Sumandal si Gaudencio nang sagad sa upuan, “kanya-kanya lang paraan ‘yan. Gamitan mo
lang ng utak.” Tumingin kay Susan. “Alam kong marami ka niyan. Utakan mo ang kliyente
singilin mo ng malaki, malaki rin ang sabit mo kapag nakursunadahan ng B.I.R. ang kliyente
mo.” Yan ay pag tatanga-tanga ka. Kailanagn alam mo ang lengguwahe ng lagay. Hindi dapat
garapal, ha? Sabi ko nga sa tagalakad ko watch out for the password. Doon ka dapat
matunog.” Mahihunuha na pinangaralan ng lalaking limot niya ang pangalan (Gaudencio) si
Susan na ganoon din naman ang maiisip o mararamdaman ng mambabasa.
Gayon din ang pagiging pamilyar o karaniwan ng sanaysay. Dahil hindi naman lingid
sa atin na ang isinalaysay ng awtor ay karaniwang nangyayari sa atin bilang tao. Kung ano
ang karaniwang nangyayari sa mga pagakakataong tayo ay nakakalimot.
May tono at himig itong Nagsisiwalat. Sa pagsasalaysay ng awtor gamit ang mga
tauhan nais nitong magsiwalat ng mga panlipunang isyu tulad ng katiwalian sa pagbabayad ng
buwis ng mga pribadong kompanya, ang hindi tamang pag-bigay ng report sa gobyerno ng
kanilang kita. Gayon din ang pagiging sunod-sunuran ng mga kompanya sa nakatataas kaysa
sa mga eksperto tulad ng private practitioner kaya nawawalang kabuluhan ang mga
isinasagawang pag-aaral nila.
Maaaring nais din ipahiwatig ng kuwento na ang tao ay likas na nakakalimot at kung
minsan pa’y napapahiya dahil sa pangyayaring nakakalimutan nila ang mga taong naging
parte ng kanilang buhay na
Ang pamagat na Ang lalaking Limot Niya ang Pangalan ni Ellen Sicat sa unang dinig
ng pamagat lamang ay maiisip mo na maaaring ang lalaki mismo ang pangunahing tauhan
ngunit kapag mababasa mo na ito, tumutukoy pala ang “niya” sa babaeng nakalimutan ang
pangalan ng lalaking naging parte ng kanyang nakaraan.
Para sa akin, ito ay karaniwang pamagat lamang dahil mahihinuha muna agad na
tungkol ito sa pagkalimot ngunit sa pamamagitan ng ganitong pamagat ay nagkakaroon ng
interes ang babasa kung ano ang laman ng sanaysay upang mas lalong maliwanagan ang
babasa.
Ang pamagat din na ito, kagaya ng mga nauna kong sinabi ay nagpapakita ng kalikasan
ng tao na makalimot ng pangalan lalo na’t naging parte o kilalang-kilala natin ang pagkatao
nito.