You are on page 1of 3

SLIDE 1:

Ang pagsulat ng tula ay isang bagay na kung titignan ay mahirap gawin.


Ngunit, sa kaunting pagsasanay lamang ay magiging natural na ito sa atin.
Tandaan lamang natin, kahit sino ay puwedeng sumulat ng tula. Hindi
importante ang edad sa pagsusulat, ang importante lamang ay
pagpahiwatig ng ating karanasan at damdamin.

SLIDE 3:
Ano Ang Tula? Ang Tula is isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong
maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat.Binubuo ang tula ng
saknong at taludtod. Marami naring depinisyon ang nailathala at naibahagi
tungkol sa kahulugan ng tula at hanggang sa ngayon ay may kalayaan ang
kahit sino na magbigay ng personal opinyon o kahulugan ng tula base na rin
sa interpretasyon ukol dito.

Ilan ding magigiting na manunulat ang nagbigay kahulugan sa panunula o


tula .Isa na dito ay si Edgar Allan Poe na kilala sa buong sanlibutan dahil sa
pagsulat ng nakagigimbal na mga maiikling kuwento at mga tula .Ayon sa
kanya ang tula ay masasabing ang maaliw-aliw na paglikha ng namumukod
na kagandahan. Sa isang banda naman, Ayon kay Dr. Rufino Alejandro, ang
tula ay nangangahulugan ng LIKHA at ang makata ay tinatawag na
MANLILIKHA.

Hindi lang sila ang maaaring magbigay kahulugan sa tula -maging tayo rin!
Kaya maging malikhain sapagkat sa aking palagay Ang tula ay isang
pagpapahayag ng kung anong nais sambitin ng puso na maitatanging obra
maestra at siyang gabay na tiyak na kapupulutan ng aral tungo sa buhay
natin.

SLIDE 4:
Ang pinagsama-samang salita na lilikha ng isang obra na may sariling pang-
unawa at pusong nangungulila sa kalayaan, kasiyahan, kaibigan, kalaro,
pamilya, pag-ibig.

SLIDE 5:
Upang maging mahusay ang isang tula ay kailangan ang tula ay may
larawang diwa kasi pag hindi mo ito gagamitan ng imahe o larawang diwa
ay mag kaka gulo ito at hindi maiintindihan. Pangalawa kailangan ang tula
ay gumigising ng damdamin at kamalayan at ang panghuli naman ay ang
tula ay dapat gumigising o nagpapagalaw ng mga guniguni ng mga
mambabasa hanggang sa makabuo ng mahusay napagpapakahulugan sa
tula. Sa tulong ng guniguni, ang buhay ay nabibigyan ng bagong anyo ng
makata. Kalikasan at buhay ang pinaghahanguan ng paksa ng makata at sa
pamamagitan ng larawang-diwa ay pinupukaw niya ang ating damdamin.

SLIDE 6:
Humanap Ng Inspirasyon – Eto ang pinaka importante sa lahat. Kung
wala ito, hindi magiging kapanipaniwala ang iyong mga sulat.

Saan ba ako makakakita ng Inspirasyon? – Hindi sa lahat ng pagkakataon


ay makakakuha ka ng inspirasyon. Minsan mayroong mga pangyayari o
tao na bigla na lamang bibigay sayo ng napaka tinding emosyon na para
bang umaapaw. Pag nakita mo na iyon, dapat handa ka ng mag sulat.

Magsimula sa Malayang Taludturan – Maraming pormal na paraan ng


pag sulat ng tula na gumagamit ng saktong sukat at tugma. Pero, mas
maganda pa rin na mag simula ka sa malayang taludturan
Pagkatapos, maari mo nang pag-aralan ang iba’t ibang uri ng tula tulad
lamang ng haiku, tanaga, tanka at iba pa.

Siguraduhing Alam mo ang Sinusulat mo – Hindi magiging kapani-


paniwala ang iyong tula kung hindi mo ito lubos na alam. Kung ang sulat
mo ay tungkol sa korupsyon sa gobyerno, dapat alam mo talaga kung
anong nangyayari

Ganun rin pagdating sa pag-ibig. Kung ikaw ay nasaktan na, gamitin mo


ang karanasan na iyon para maipahiwatig kung ano talaga ang
naramdaman mo sa pagkakataong iyon.

Magbasa ng Tula ng Iba – Hindi ka magiging mahusay na manunulat


kung hindi ka natututo sa iba. Sa pagbasa mo ng ibang tula, maaring
makakakita ka ng ibang paraan ng pag sulat na puwede mong kunan ng
inspirasyon.

Gumamit ng metaphor o simile kahit simple lamang ito – Ang paggamit


ng simile at metaphor ay isang paraan ng paglalarawan sa mga
pangyayari, tao, o bagay. Maaari ring gamitin ang personipikasyon sa
mga tula.

Halimbawa:
O sinta ko, kahit ang liwanag ng buwan,
Ay hindi maka pantay sa iyong kagandahan.
Ang mga bituin naman ay lubos sa ka inggitan,
Ikaw ay nasa puso, magpakailanman

You might also like