You are on page 1of 2

(PANGULONG TUDLING)

Protesta laban sa Russian invasion sa


Ukraine, sumiklab sa ilang bahagi ng
Europa
Sumiklab ang mga rali sa buong Europa na pabor sa mga Ukrainians na naipit sa
labanan, kung saan ang mga pamahalaan ng Kanluran ay hinimok na dagdagan ang
tulong. Sumama sa demonstrasyon ang ilang Pilipino laban sa brutal na pag-atake
ng Russia. Karamihan sa mga nagprotesta sa London ay mga Ukrainians na
naninirahan sa bansa, kasama ang mga Ruso at mga tao ng iba pang lahi na
kinokondena din ang mga aksyon ni Pangulong Vladimir Putin.

Tumugon ang European Union sa naunang kahilingan ng Punong Ministro ng UK na


si Boris Johnson sa mga pinuno ng G7 na tanggalin ang Russia mula sa sistema ng
pagbabayad sa mundo ng SWIFT upang mapilayan ang ekonomiya nito.

Para sa ilang mga raliyista, hindi sapat na tanggalin ang Russia mula sa sistema ng
pagbabayad sa mundo ng SWIFT . Sinasabi nila na ang mga parusang pang-
ekonomiya ay hindi epektibo at mas gusto nilang dagdagan ang suportang militar
para sa Ukraine.
(LATHALAING PANLIBANG)

Sagot o Lagot?
Sa Panulat Ni: Leslie C. Jimeno

May mga katanungan talaga tayo na hindi natin pwede sagutin kung saan ay
mas pipiliin na lang natin na tumanggap ng parusa kaysa sa may malaman
ang iba. Lumalabas na ito ay isang sekreto kapag iniiwasan at kukutyain
naman kapag ito ay nalaman. Sagot o lagot? Sasagutin natin kasi, why not?
madali lang ang katanungan “easy peasy” kung baga at kapag hindi naman,
teka ano ba ang parusa? Uminom ng toyo na may alak? Kumain ng exotic
foods? Halikan ang katabi? Ay parang bet ko yung last pero dapat si crush.
Katulad ng isang segment sa palabas ni Vice Ganda ang GGV kung saan
guest nya sina Donny at Robi. May mga katanungan silang tinatanggihan
nilang sagutan at game na game naman sila sa paggawa sa parusa. Pabor
na pabor naman sa mga audience ang isa sa mga parusa ng dalawang aktor
lalong lalo na si Meme Vice Ganda. Ang parusa? Kailangan lang naman
nilang magtagal ng damit sa buong laro. Halos puro lagot sila, O! diba? Ang
saya, mabubusog naman talaga ang iyong mga mata sa studio. Naisip ko
lang parang ang ganda nitong laruin sa inuman. Kaya ikaw? Sagot o Lagot?

(BALITANG PAMPALAKASAN)

TATAND - magsasanay pa para sa


Pilipinas!
Naiwan ang lima – UAAP star Justin Marana, Peter Purificacion, Krrald Frias
at teen protégée John Christian Pitarde at Criza Salvador – matapos ang
dalawang araw na ‘exhibition match’ ng TATAND-Philippine Team laban sa
mga collegiate champions mula sa South Korea (seoul) University,
Community University for Physical Education and Sports (CUPES) at Calauag
University ng Quezon.

“They will stay for over  one month para mas magsanay pa. Malaki ang
potensyal ng lima at mismong ang mga coach at trainer ng CUPES ang
magsasanay sa kanila,” pahayag ni Rey Genciana, honorary president ng
TATAND.

Naisayos ang pagsasanay ng mga atleta batay sa ‘Youth Sports Exchange’


program na isinulong ni table tennis ‘Godfather’ Mr. Angelito Tabernilla
honorary president ng Federation of Filipino Korean Association of the
Philippines.

You might also like