You are on page 1of 16

Broadcasting

Arestado ang 2 Malaysian matapos umanong mag-drug session sa isang hotel sa


Barangay 23, Pasay City nitong Sabado.
Isang 26-anyos na encoder at 28-anyos na investor ang inaresto.
Ayon sa pulisya, agad nag-report sa kanila ang manager ng hotel na tinuluyan ng mga
dayuhan matapos makakita ang housekeeping ng drug paraphernalia sa kuwarto.
Pa-checkout na sana ang 2 suspek nang inabutan sila ng pulisya.
Dinala sa presinto ang mga suspek at sumasailalim sa imbestigasyon.
MAYNILA — Inirereklamo ng magkakapitbahay sa isang subdivision sa Biñan City,
Laguna ang isang cooking oil refilling station dahil sa abala at ingay na nililikha umano nito.

"Ang issue is residential area, merong 10-wheeler na truck na dumarating doon para
magdiskarga for mga 2 hours, saka napakaingay ng makina," sabi ng residenteng si Tony
Ayson.

"Bigla nalang darating 'yung truck sa umaga tapos bobomba talaga 'yan sobrang lakas,
magigising ka talaga," sabi naman ni David Ayson.

Kinausap na raw nila ang may-ari ng BMS Enterprises pero tuloy pa rin ang operasyon ng
cooking oil refilling station.

"Noise pollution at air pollution ang dulot niyo dyan. Eh ang asawa ko kasi cancer survivor,"
reklamo ni Lourdes Antoja.

Idinulog ng "Tapat Na Po" kay Biñan City Mayor Walfredo "Arman" Dimaguila, Jr. ang
problema at pina-isyuhan na daw niya ng notice of violation ang BMS dahil ang permit nito
ay para sa retailing at hindi refilling.

Pero sa kabila nito, hindi naman ipinasara ng lokal na pamahalaan ang refilling station.

"We will give them ample time para lumipat," anang alkalde.

Ayon sa Business Permits and Licensing Office ng Biñan City, kasalukuyang ipinoproseso
ang pag-upgrade ng permit ng BMS.

Pero dahil sa reklamo ng mga residente, hindi muna magbibigay ang barangay ng clearance
for business permit.

Sinulatan at pinuntahan ng Tapat Na Po ang sinasabing may-ari ng BMS Enterprises para


makuhanan ng panig pero hindi ito sumagot.

Sa mga konsumer na nais magpadala ng reklamo, mag-post lamang sa Facebook page ng


Tapat Na Po.
Nanaig ang Ateneo Blue Eagles kontra karibal na De La Salle Green
Archers para masungkit ang kampeonato sa UAAP Season 80 men's
basketball tournament nitong Linggo.
Isang mainit na fourth quarter run ang pinakawalan ng Ateneo para
tuluyang iwan ang La Salle, 88-86, at maagaw sa kanila ang korona.
Umpisa pa lang ng laban, agad ipinakita ng Blue Eagles ang
determinasyon. Lumamang pa sila ng 10 sa pagtatapos ng unang quarter,
24-14.
Pagdating ng ikalawang quarter, pinilt ng La Salle na bumalik sa laban sa
pamamagitan ng shooting at inside plays nina Ricci Rivero at season Most
Valuable Player Ben Mbala.
Nagtapos ang unang half sa iskor na 45-38, lamang ang Ateneo.
Nagpakitang gilas ang Green Archers sa third quarter. Tumindi ang
dipensa para maitabla ang iskor sa 66.
Ito ang unang kampeonato ng Ateneo makalipas ang limang taon, nang
tuldukan ng La Salle ang kanilang five-peat domination.
Nagtala ng gate attendance na 22,000 sa Araneta Coliseum kung saan
idinaos ang laro.
Natapos na ang automatic spot ng Gilas Pilipinas para makasali sa 2020 Tokyo
Olympics matapos na talunin ng China ang Korea, 77-73 sa patuloy na FIBA
Basketball World Cup sa Guangzhou.

Nakuha kasi ng host country China ang pangalawang panalo sa apat na laro at
napunan ang automatic spot for Asia sa Tokyo Olympics.

Kailangan lamang na maipanalo ng China ang laban nila ng Nigeria sa Linggo para sa
automatic Olympic spot.

Maaring maagaw ng Iran ang Olympic slot sa China kapag matatalo nila ang Gilas
Pilipinas at matalo naman ang China sa Nigeria.

Bagamat talo ay may tsansa pa ang Gilas Pilipinas na makapasok sa Olympic sa


pamamagitan naman ito ng Olymic Qualifying Tournament (OQT) sa Hunmyo ng
susunod na taon.

Ang susunod kasing best 16 teams sa FIBA World Cup ay makakasama ang walong
wildcard teams sa OQT para paglabanan naman ang final four spot sa Olympics.
Sports News Sample

Tunisia pinahiya ang Gilas 86-65


Hindi pinaporma ng African champion Tunisia ang Gilas Pilipinas 86-65
sa kanilang paghaharap sa classification game ng 2019 FIBA World Cup.

Sa pagsisimula lamang ng laro ay dumanas ng kamalasan ang Gilas ng


makuha ng Tunisia ang 6-0 start. Pinangunahan nina Dallas Mavericks reserves
Salah Mejri at Makram Ben Rhamdane subalit highest scorer ng Tunisia ay si
Omar Adada na nakapagtala ng 16 points habang ang kanilang naturalized
player na si Michael Roll ay may 13 points.

Umabot pa sa 28 points ang naging kalamangang ng Tunisia at napababa


lamang ng Gilas ang score sa pagpasok ng last quarter. Aminado si Gilas coach
Yeng Guiao na hindi sila makasabay sa depensang ipinatupad ng Tunisia.
Nasayang naman ang nagawang 24 points ni Andray Blactche habang mayroong
9 points ang naitala ni Troy Rosario.
Sumakabilang-buhay na ang dating presidente ng Zimbabwe na si Robert Mugabe sa
edad na 95-anyos matapos ang mahabang panahon na pakikipaglaban nito sa sakit.

Kinumpirma ito ni Zimbabwe President Emmerson Mnangagwa sa


kaniyang Twitter account.

Ayon pa kay Mnangagwa, pumanaw si Mugabe habang nasa Singapore ito kung saan
siya simulang nagpagamot noong Abril.

Pinamunuan ni Mugabe ang naturang bansa noong 1980 hanggang 2017 bago ito
tuluyang magbitiw sa pwesto.

Kinamuhian ng marami si Mugabe dahil sa kaniyang pagnanais na magpakalat ng


death squads, magsagawa ng rig elections at maging ang pamumuno nito sa
Zimbabwe sa loob ng 37 taon.

Dahil dito, maraming influential war veterans — karamihan sa mga ito ay


nakipaglaban upang tuluyang makamit ng kaniloang bansa ang kalayaan noong 1980
— ay tumigil sa pagsuporta sa kanilang dating pangulo.
HINDI pinagbigyan ng China ang hiling ng dalawang US navy ships
na bumisita sa Hong Kong sa gitna na rin ng political crisis doon.

Ayon sa US officials, ang transport dock sa ship na Green Bay ay


nag-request na makabisita ngayong buwan habang ang guided-
missile cruiser na Lake Erie ay humiling ng visit sa Setyembre.

Pinakakalma ni US President Donald Trump ang China matapos


pakilusin ang mga tropa nito malapit sa border sa Hong Kong.

Hindi ito ang unang beses na tinanggihan ng China ang port visit ng
barko ng Amerika sa Hong Kong.
Sumakay ng motorsiklo ang aktres na si Kim Chiu para umabot sa kanyang
volleyball practice.
Sa Instagram Story ni Kim, ibinahagi niya ang kanyang kalungkutan dahil sa
trapik.
Kuwento pa ni Kim, noong mag-check siya sa app, 9 a.m. ang dapat sana'y oras
na nasa location na siya. Pero dahil sa trapik, naging 10:30 a.m. ang kanyang
exact time of arrival.
Kaya naman nang may dumaang motorsiklo sa gilid ng kanyang sasakyan ay
nagka-idea si Kim na umangkas na lang dito.
Inaabangan ngayon sa ABS-CBN Ball kung ano ang drama pag nagkita-kita sina Bea
Alonzo, Gerald Anderson, Julia Barreto at Joshua Garcia.

Sinabi raw ni Bea sa ilang close friends na dadalo siya sa ball na gaganapin sa
Shangri-La, Taguig sa September 14.

Ang sabi, mag-isa siyang rarampa dahil single naman siya ngayon and moving on.

Marami raw sa mga kaibigan niya na nag-aalok sa kanyang sa mesa na nila siya
sumali pero hindi pa alam kung kanino niya type mag-join.

Ang alam namin ay tiyak na dadalo sina Julia at Joshua, pero wala pang nagkumpirma
sa aming darating si Gerald. Kung matutuloy silang lahat, tiyak na sa kanila naka-
focus lahat.

ero bago ang ABS-CBN Ball, nag-confirm na rin daw si Bea na dadalo siya sa Sine
Sandaan ng Film Development Council of the Philippines na gaganapin sa Kia
Theater sa September 12.

Malaking selebrasyon itong aabot ng 300 showbiz luminaries ang dadalo, at isa rin sa
paparangalan ay si John Lloyd Cruz.
Broadcasting 2

Ginagamit ng mga bilanggo ang ward ng New Bilibid Prison (NBP) Hospital bilang tagpuan para
sa bentahan ng ilegal na droga, ayon kay Sen. Chrisotpher "Bong" Go.

Sa panayam kay Go ngayong Martes, sinabi ng senador na nakuha niya ang impormasyon sa
isang bilanggong nakilala niya sa NBP, na binisita niya noong Lunes.

"Mayroong alleged report of corruption dito sa New Bilibid Prison Hospital. Mayroon daw pong
ibinebentang hospital pass at illegal drug trade continues in the NBP with the NBP Hospital as
the new venue for illegal drug transactions," ani Go.

Nauna nang binunyag ni Go ang umano ay bentahan ng hospital pass sa mga bilanggo ng NBP.

May mga bilanggo, lalo iyong mga high profile, na pinepeke ang kanilang mga sakit at bumibili
ng hospital pass mula sa mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor), na nangangasiwa sa
NBP, ayon kay Go.

Karamihan daw sa mga pangangalakal ng ilegal na droga ay nangyayari sa ward 3 ng medical


annex ng Building 14, ani Go.

Mga "counterpart" ng "drug triad" ang sangkot umano sa bentahan ng hospital pass.

Nasa P200,000 hanggang P2 milyon ang presyuhan para ma-admit ang isang preso sa NBP
Hospital, iba pa sa P30,000 na board and lodging fee kada araw, ayon kay Sen. Panfilo Lacson.
Nagmodelo nitong weekend si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados para sa isang live
portrait painting session na nagsilbing fundraiser. 

Idinaos ito sa pagdiriwang ng Grandparent's Day. 

Suot ang mala-engkantadang white gown na gawa ni Cary Santiago, todo sa pag-pose si Ganados, na
tinaguriang "Diyosa" at "Goddess of Beauty" ng kaniyang fans. 

"Sitting pretty (ako noon), at least nakaupo naman ako," biro ni Ganados. 

Isa sa mga lumahok ang beteranong pintor na si Jonahmar Salvoza, na nahumaling sa ganda ni
Ganados. 
Bawal na ang open-air drinking party sakaling matapos
na ang FIFA World Cup tournament.

Hindi na pwedeng uminom sa publiko ang mga Russians


pagkatapos mismo ng World Cup dahil nakita umano na
nagbubulag-bulagan ang law enforcement officials sa
violations ng public drinking ban.

Maaari pa namang uminom at magsaya sa pampublikong


lugar sa Russia ngayon kasabay ng kabi-kabilaang
selebrasyon ng mga football fans para sa
sinusuportahang koponan sa World Cup na pasok na sa
quarterfinals.
Halos isang buwan matapos ianunsiyong hindi na sa Pilipinas gaganapin ang Southeast Asian Games
sa 2019, binawi ito ng gobyerno ngayong Huwebes at sinabing ang bansa na ang magiging host ng
nasabing paligsahan.
Sa isang press conference nitong Huwebes, sinabi ni Cayetano na isang pagkakataon ang pag-host ng
SEA Games para maipakita ang ganda ng bansa. 

Bagama't marami pang mga detalye ang kailangang plantsahin, sinabi ni Cayetano na posibleng sa
Zambales, Pampanga, at Bulacan ang magiging venue ng mga event.

Nauna nang iginawad sa Pilipinas ang pag-host sa 2019 SEA Games matapos itong tanggihan ng
Brunei, ang orihinal na host nito, dahil sa kakulangan sa pasilidad at manpower.

Subalit, tinanggihan ito ng Pilipinas noong Hulyo 21 dahil ililipat ang pondong nakalaan dito sa
pagpapanumbalik ng kaayusan sa mga bahaging apektado ng bakbakan sa Mindanao.
Gustong makuha ni Beauty Gonzalez ang titulong "Scream Queen."

Kuwento ni Beauty, idolo niya ang aktres at host na si Kris Aquino at mahilig siya sa mga
nakakatakot na pelikula.

Biro niya, abangan ang kanyang mga sigaw sa horror film na "Abandoned."

Kasama rin ang kanyang "Kadenang Ginto" co-star na si Seth Fedelin sa nasabing pelikula na
mapapanood nang libre sa iWant.
Nasungkit ni Rafael Nadal ang kanyang 19th Grand Slam title
matapos talunin si Russian Daniil Medvedev sa isang makapigil
hiningang US Open finals.

Tinalo ni Nadal ang fifth seed ng New York sa pamamagitan ng 7-


5 6-3 5-7 4-6 6-4 score.

Umabot ng halos limang oras ang palitan ng rally ng dalawang


tennis player bago tuluyang makuha ang panalo para kay Nadal.

"It has been an amazing final. It has been a crazy match," ayon
kay Nadal.
Upang matugunan ang kawalan ng tubig sa Paaralang Elementarya ng Hacienda Yap, pinagkalooban ito
ng 1.8 milyon na halaga ng water system.

Napakalayo ng pinagkukunan ng tubig para ng paaralan lalo na tuwing tag-araw. Pinapadala ng 1.5 na
bote ang mga bata tuwing uuwi sila para kumuha ng tubig sa kanilang mga tahanan at dalhin sa paaralan
bilang panggamit sa banyo, pandilig ng mga halaman at panghugas. Sa loob ng mahabang panahon ay
ganito ang ginagawa ng mga bata.

Kaya naman napakalaking ginhawa ang maibibigay ng water system project na ito na inisyatibo ng dating
mayor Jesus A. Valdez sampu ng kanyang mga kasamang namumuno sa bayan ng Rizal na ipinagpatuloy
ng kasalukuyang namamahala sa pangunguna ni Mayor Ernesto C. Pablo.

You might also like