You are on page 1of 10

Name: EARL KIRBY G ALEMAN DATE: SEPT 23 2022

GRADE AND SEC: ST12P5 SCORE: 100/100

Lalaking balak na i-apartelle ang nobya sa kanilang


monthsary, nanghablot ng cellphone sa kalye
 Setyembre 21, 2022 3:48pm GMT+08:00

Sa halip na magpalamig sa apartelle kasama ang nobya sa kanilang monthsary, sa


likod ng rehas ang bagsak ng isang lalaki matapos na masakote siya ng mga pulis
dahil sa panghahablot umano ng cellphone sa isang pasahero ng van sa Taguig
City.
Sa ulat ni Nico Waje sa GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkules, kinilala
ang suspek na si Moises Dagdag, na humingi ng tawad sa kaniyang biktima.
Nadakip si Dagdag ng mga pulis na tiyempong nasa C-5 sa kahabaan ng Fort
Bonifacio dakong 7:00 pm nitong Martes, nang humingi ng saklolo ang
pasaherong hinablutan niya ng cellphone.
Ayon sa biktima, sira ang aircon ng van na kaniyang sinasakyan kaya bukas ang
bintana nito nang bigla umanong hablutin ng suspek ang kaniyang cellphone.
Hinabol ng mga pulis ang suspek at inabutan. Mayroon umanong motorsiklo na
naghihintay sa suspek sa gagawing pagtakas. Defination
Noong una, sinabi ni Dagdag na hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip
niya at hinablot ang cellphone ng biktima.
RELATED STORIES

Abogado ni Deniece Cornejo, kinuwestiyon ang pananatili ni Vhong Navarro


sa NBI jail

Presyo ng bigas, pinapangambahan na magmahal ng P4 per kilo, ayon sa


isang farmers group

Lalaking lango sa alak at droga, nangholdap ng taxi driver na nauwi sa


carnapping

Pero inamin din niya kinalaunan na balak niyang ibenta ang cellphone.
"Para maano po yung girlfriend ko, malagay ko sa ano...mag-a-apartelle sana
kami," ani Dagdag na sinabing monthsary nila ng kasintahan sa Huwebes, Sept 22.
Natuklasan naman ng mga pulis na dati nang nasangkot sa iba pang kaso ang
suspek gaya ng pagnanakaw, illegal drugs at illegal gambling.--FRJ, GMA News
Tags: 

Problem and
solution
Truck, tumagilid matapos bumangga sa
poste sa QC; driver at pahinante, sugatan
 Setyembre 21, 2022 9:55am GMT+08:0

Bumangga sa poste ng kuryente at tumagilid ang isang dump truck madaling araw
nitong Miyerkules, at nasugatan ang driver at pahinante nito.

Sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita, sinabing nangyari ang insidente dakong
2 a.m. matapos mawalan umano ng preno ang truck at bumangga sa poste sa
kahabaan ng Payatas Road sa Quezon City.

Nabasag ng windshield at tumagilid ang dump truck at nagkalat sa kalsada ang


karga nitong buhangin. 

Galing umano ang truck sa Rodriguez, Rizal at patungo sana sa Mandaluyong.

Kwento ng driver, mabagal lang ang takbo nila at pagdating sa pababang bahagi ng
kalsada ay nag-brake siya pero hindi na kumagat ang preno. Nag-handbrake siya
pero hindi na kinaya, kaya ibinangga na lamang niya sa poste ang truck.

ENUMERA
STION
Kapwa ng driver at pahinante ay nagtamo ng mga sugat.

Bahagyang naapektuhan ang daloy ng trapiko sa lugar dahil nasakop ng tumagilid


na truck ang isang lane ng kalsada, ayon sa ulat.

Hindi pa natanggal ang truck hanggang sa oras ng pangbabalita. 

solution
Abogado ni Deniece Cornejo, kinuwestiyon
ang pananatili ni Vhong Navarro sa NBI
jail
 Setyembre 20, 2022 9:38pm GMT+08:00

Kinuwestiyon ng abogado ni Deniece Cornejo kung bakit nasa detention facility ng


National Bureau of Investigation (NBI) si Vhong Navarro sa halip na sa pulisya
matapos isilbi ang warrant of arrest laban sa aktor sa kasong panghahalay.

Sa ulat ni Saleema Refran sa GMA News “24 Oras” nitong Martes, sinabi ni Atty.
Ferdinand Topacio, abogado ni Cornejo, na dapat idetine si Navarro sa Taguig City
jail alinsunod umano sa batas.

“Ang batas ang dapat sundin... At nakalagay sa batas, ang procedure diyan, ang
taong naaresto para sa kaso na ito ay lilitisin sa lungsod ng Taguig, dapat nakapiit
sa Taguig City Jail. 'Yan ang batas,” giit ni Topacio.

DEFINATION
“Ang puwede lamang po i-detain sa NBI ay 'yung mga arestado in flagrante
delicto, 'yung mga caught in the act or iimbestigahan ng NBI,” dagdag niya.

Inilabas ng Taguig Regional Trial Court Branch 69 ang ikalawang warrant of arrest
laban kay Navarro na rape — kaso na walang piyansa.

Ayon sa kampo ng aktor, hindi pa nila natatanggap ang commitment order mula sa
korte at ang resolusyon na basehan ng demanda. Inihahanda na rin nila ang
paghahain ng petition for bail.

RELATED STORIES

Deniece Cornejo’s camp questions Vhong Navarro’s detention at NBI


jail

Presyo ng bigas, pinapangambahan na magmahal ng P4 per kilo, ayon sa


isang farmers group

Kampo ni Vhong Navarro, naghain ng apela sa CA kaugnay sa kaso


niyang rape

“To be honest, hindi namin inakala na ganun kabilis 'yung pag-issue ng warrant of
arrest dahil mayroon kaming at least three motions before the Honorable Court,”
ayon kay Atty. Alma Mallonga, abogado ni Navarro.

“Hindi lang sufficient na may kasong rape against Mr. Navarro. Dapat kapag
humingi kami ng bail, obligado ang prosecution to show na malakas ang
ebidensya, hindi lang kahit na anong level ng ebidensya, there should be strong
evidence,” dagdag niya.
solution
Sinabi rin ni Mallonga na igagalang nila ang pasya kung saan dapat madetine ang
aktor. Hinihintay din nila kung kailan babasahan ng sakdal si Navarr
Presyo ng bigas, pinapangambahan na
magmahal ng P4 per kilo, ayon sa isang
farmers group
 Setyembre 20, 2022 6:40pm GMT+08:00

Nangangamba ang isang grupo ng mga magsasaka ba baka madagdagan ng


hanggang P4 per kilo ang presyo ng bigas.

Inihayag ito ng Federation of Free Farmers Cooperative sa ulat ni Bam Alegre sa


GMA News' Unang Balita nitong Martes.

Ang posibleng pagtaas ng presyo ng bigas ay sanhi ng pagtaas pa rin ng halaga ng


mga produktong petrolyo.

Bukod pa diyan ang mahal na gastusin sa pagtatanim dahil sa tumataas na rin


umano ang presyo ng abono o pataba sa lupa.

enumeration
Noong nakaraang linggo, tumaas sa P15,000 ang halaga ng fertilizer mula sa
dating P12,000.

Dahil dito ayon sa grupo, nadagdagan ng P3 per kilo ang rice production cost.
Kaya ang profit margin ng magsasaka ay nasa P4 per kilo na lang umano.

RELATED STORIES

Pres. Marcos, hiningi ang suporta ng Pinoy community sa US para sa


turismo ng bansa

Grupo ng mangingisda sa Ilocos Sur, napasigaw sa tuwa sa nalambat


nilang uri ng isda

Raymund Marasigan, aminadong may ilangan nang muling makita ang


mga kasama sa Eraserheads

Ilang nagtitinda ng bigas ang nagtaas na umano ng kanilang presyo noong


nakaraang buwan. Pero dahil sa reklamo ng mga namimili, hindi nila maisagad ang
dagdag presyo na kailangan nilang ipataw.

Sa halip, umaasa na lang ang mga nagtitinda ng bigas na marami ang mamimili ng
produkto.

Sa ngayon, ang lokal na bigas ay nagkakahalaga sa mga pamilihan ng mula P38


hanggang P40 per kilo

defination
13-anyos na binatilyo, ginulpi at sinaksak
matapos na makursunadahan umano sa QC
 Setyembre 23, 2022 12:15am GMT+08:00

Nagtamo ng saksak at bugbog ang isang 13-anyos na binatilyo na may susunduin


lang sa paaralan matapos siyang makursunadahan at gulpihin ng isang grupo ng
kabataan sa Quezon City. Ang dalawang naaresto, parehong menor de edad.

Sa ulat ni Emil Sumangil sa GMA News “24 Oras” nitong Huwebes, sinabing
isinugod sa ospital ang biktima dahil sa tinamo nitong saksak at pinalo rin umano
ng baseball bat.

Nangyari ang insidente sa labas ng Judge Luna High School sa Barangay Bungad,
Quezon City, kung saan may susunduin lang umano ang biktima.

“Kapag baba ko po ng tricycle bigla nila akong binanatan… nakursunadahan lang


po,” ayon sa biktima na walang makitang posibleng dahilan para pagtangkaan ng
mga salarin ang buhay niya.

Defination
Dalawang suspek na edad 13 at 15 ang naaresto ng mga pulis. Positibo raw na
kinilala ng biktima ang dalawa na kabilang sa umatake sa kaniya.

“Nung tinuro sila ng victim, na-identify sila. Sila ‘yung mga kasama sa mga
nambugbog,” ayon kay Masambong Police Station commander Police Lieutenant
Colonel Imelda Reyes.

Pero itinanggi ng dalawang suspek na kasama sila sa nanakit sa biktima.

“Nung nagkahabulan po tiningnan ko lang po ‘yun tapos nadamay na po ako,” giit


ng isang suspek.

Pinaghahanap pa ng mga pulis ang lalaki na nakuhanan sa CCTV camera na tila


may dalang patalim. Gayundin ang lalaking pumalo ng baseball bat sa biktima.

“Ang nanaksak ay na-identify but at large. Mayroon din nag-baseball bat sa kanya
at ‘yun ang hindi na-identify dahil at large din,” ani Reyes

defination

You might also like