You are on page 1of 2

Biktima ng pambabastos sa bus, umani ng

kritisismo
Ni Christian Imperio (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 20, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines – Umani ng samu’t-saring reaksyon ang isang biktima ng pambabastos


matapos niyang ibahagi ang naging karanasan sa isang bus kung saan makailang ulit umano
siyang hinipuan ng isang lalaki.

Sa isang Facebook post, ikinuwento ni Kaye Domingo ang nangyaring pangbabastos sa kanya ng
isang matandang lalaki.

Aniya, sumakay siya ng bus sa Las Piñas dakong 5:25 ng umaga papuntang Maynila. Ngunit
bigla umano siyang nagising ng may tumabi sa kanyang lalaki.

Patuloy ni Domingo, dahil sa antok ay hindi niya agad namalayan na unti-unti na umano siyang
hinihipuan ng lalaki kung saan makailang beses umanong siyang hinawakan sa maseselang
bahagi ng kanyang katawan.

Ngunit dahil sa takot, wala umanong nagawa si Domingo.

Ipinakita rin ni Domingo ang mga larawan ng pangyayari, kung saan palihim niyang kinunan ang
mukha ng lalaki para mai-dokumento ang pangyayari.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Words cannot express how truly disgusted I am. Sobrang nakakatakot. Sobrang nakakadiri sa
pakiramdam. Nandidiri pa rin ako sa sarili ko kahit ako yung binaboy niya and not the other way
around. I wish I could have done more. I wish I could have done something habang ginagawa
niya sakin mga kahayupan na yun. But it's really different kapag ikaw na yung nasa ganong
situation. Sobrang nakakatakot talaga. Kahit gustuhin mong lumaban ang hirap gawin,” wika ni
Domingo.

Ngunit hati ang naging reaksyon ng mga netizens sa naging pahayag ni Domingo, ang ilan ay
sinisi pa ang dalaga sa nangyaring pangbabastos.

Ngunit sa kabila ng negatibong reaksyon ng iba, ipinagtanggol naman ni Domingo ang kanyang
sarili sa mga kritiko nito.

“So many people are blaming me even if I was harassed, victimized. Know that you are no
different from that middle-aged man who violated me and I pity you so much for being part of a
society that thinks rape is okay; harassment is okay,” patuloy niya.
Waiter sa bar, naningil, nabaril
ABS-CBN News

Posted at Jul 27 2017 07:11 PM

Patay ang isang waiter matapos barilin ng customer ng bar na kanyang pinagtatrabahuhan sa
Barangay San Jose, A. Bonifacio, Quezon City nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Narciso Besido Jr., na kusinero rin sa bar.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang pagpasok ni Besido sa bar habang papalabas naman ang isa
pang lalaki at kanyang tatlong kasamahan. 

Maya-maya pa, bigla na lang binaril ng suspek si Besido sa ulo. Dead-on-the-spot si Besido
habang mabilis na tumakas ang gunman at tatlo niyang kasamahan.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), posibleng napagtripan lang o kaya'y may galit ang
mga suspek sa biktima.

Kuwento ng ilang testigo, sinisingil umano ng biktima ang hindi nabayarang ininom ng grupo ng
suspek.

Mga regular na customer umano ng bar ang suspek at tatlong kasama nito.

Nakilala ang suspek na si Jonathan Martinez batay na rin sa kuha ng CCTV at sa mga salaysay
ng ilang testigo na nakakita sa krimen.

Tukoy na rin ng QCPD ang lahat ng pangalan ng mga kasama ni Martinez nang gabing maganap
ang pamamaril. Sasampahan sila ng kaso sa piskalya bukas.

Hustisya ang hiling ng naiwang live-in partner ng biktima na apat na buwang buntis.
        
Panawagan ng mga awtoridad sa publiko, itawag sa QCPD-Criminal Investigation and Detection
Unit ang anumang impormasyon ukol sa mga tumakas na suspek. 

-- Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

You might also like