You are on page 1of 2

Travis A. Tubao St.

John Macias Stem B

Lalaki, nagpatiwakal
matapos umano’y ma-bully
dahil sa kanyang napiling
pangulo
Raymond Lumagsao

Posted at May 6, 2022 07:22 am


in Balita, Eleksyon, Probinsya

Bagaman walang nakitang dahilan ang sariling pamilya sa pagpapatiwakal ng 23-


anyos na lalaki at masugid na tagasuporta ni Bongbong Marcos Jr sa Antique, para
sa malapit na kaibigan, hindi raw nito nakayanan ang mainit na sagutan sa social
media sangkot ang isang netizen.

Usap-usapan ngayon sa social media ang diumano’y pagpapatiwakal ng nakilalang


student leader, at masugid na tagasuporta ni Marcos Jr.

Sa ulat ng Radyo Bandera Antique nitong Biyernes, namataang wala nang buhay ng
kanyang pamilya ang isang lalaki matapos kitilin nito ang sariling buhay sa Brgy.
San Jose, Antique, pasado alas-singko ng umaga, Biyernes.

Ayon pa sa ulat, isang tawag ang tanggap ng lokal na pulisya kaugnay ng insidente
na kinasangkutan ng isang nakilalang student leader sa University of Antique.

Bagaman walang ideya ang sariling kamag-anak sa dahilan ng trahedya at napiling


pasya ng kanilang mahal sa buhay, isang nagpakilalang kaibigan ang tumawag ng
pansin ngayon sa social media.

Para kay Ray Magtiza Espine, ang kaibigang si Fredrick Mark Bico Alba, 23, ay
biktima ng cyberbullying.

Dagdag niya, ang naging mainit na sagutan ng kaniyang kaibigan sangkot ng isang
Kakampink o tagasuporta ni Vice President Robredo ang dahilan ng naging
pagpapatiwakal nito.

Sa isang Facebook post, ilang serye ng larawan ng palitan ng pananaw ng kanyang


kaibigan at ng umano’y Kakampink ang ibinalandra nito sa kanyang Facebook post,
Biyernes.

Makikita rin sa isa pang paskil ang umano’y pag-inda ni Fredrick sa personal na
pag-atake ng nasabing Kakampink dahilan para mauwi sa masakit na pasya ang
binata.
Mababakas din ang mga huling saloobin ni Fredrick sa hiwalay na Facebook posts
na tila dinedepensahan ang kanyang pasya na iboto ang UniTeam kung saan
senatoriable si Sen. Loren Legarda.

Wala pang pahayag ang sangkot na indibidwal sa ukol sa insidente.

Sa imbestigasyon ng San Jose Municipal Police Station, walang ring posibilidad ng


foul play ang mababakas sa insidente

You might also like