You are on page 1of 1

Mga kaanak ng sanggol na pinatay at

ginahasa, nanawagan ng hustisya

Napapaluha pa rin ang lola ni alyas "Mike" tuwing naaalala ang pagiging
malambing ng kaniyang 1 anyos na apo.Nadiskubre ng lola ang bangkay ni Mike
nitong Miyerkoles sa ilalim ng mga kahoy sa loob ng tinitirhang abandonadong
gusali sa Makati, na hubo’t hubad at posibleng ginahasa."Kung alam ko lang na
mamamatay ka, sana tinali na lang kita sa katawan, sininturon ko na lang sana 'yung
bata," sabi ng lola.Sa burol ni Mike sa gilid ng kalsada, nagtitimpla pa rin ang mga
magulang niya ng gatas para sa kaniya kada dalawang oras.Nakapatong ito sa
kaniyang ataul kasama ng mga paborito niyang pagkain.Nasa trabaho ang mga
magulang ni Mike noong gabing nawala ang bata. Nabalot sila ng pagsisisi na hindi
nila nakita ang anak bago ito mamatay."Sana po hindi ko na lang siya iniwan. Sana
po hindi nangyari iyon," kuwento ng ina.Kinasuhan na ng rape with homicide ang
28 anyos na construction worker na si Gerald Reparip, na binisita ng lolo ni "Mike"
noong kaarawan nito at umamin umano sa krimen.Pero ayon sa tatay ni Mike, hindi
niya kilala ang suspek."Hindi ko nga po siya kilala, nagulat na lang ako na ayan ang
suspek. Sabi ko sa isip ko, first time nito pumunta rito ba't nakagawa nang ganu'n
iyon," aniya.Kinondena ng Commission on Human Rights ang pagpatay at
nangakong babantayan ang kaso laban sa suspek.Ikinagalit din ng Malacañang ang
nangyari kay "Mike." Pero anila, patunay raw ito ng mga epekto ng droga."Ayan
ang matagal nang sinasabi ng presidente, these drug syndicates are destroying the
fabric of our society," ani Presidential Spokesperson Salvador Panelo.Sinagot na ng
lokal na pamahalaan ang gastos sa burol at sa pagpapalibing ni "Mike" na
nakatakda sa Linggo.Pero para sa pamilya, hindi basta-basta maibabaon ang
panlulumo na idinulot ng brutal na pagkamatay niya.

You might also like