You are on page 1of 1

Patrizia D.

Tomas Panunuring Pampanitikan-7:00-10:30am


MAED-Filipino 05-11-19

Pagsusuri sa akdang “Ang Ama” salin ni Mauro R. Ravena

Tauhan:
Ama
Ina
Mui Mui
Mga kapatid ni Mui Mui

Tagpuan:
Bahay, Sementeryo, Bansang Singapore

Teoryang Sikolohikal
Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga
salig sa pagbuo naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa
isang tauhan sa kanyang akda. Ipinapakita sa akd na ang tao ay nagbabago p
nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago ito.

“Magkahalo ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang
sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi.”
“Ang katuna’y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung hindi ito umuuwing
lasing at naggulpi sa kanilang ina.”
“Noong gabing umuwi ang ama na masamang- masama ang timpla dahil
nasisante sa kanayang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isang
mahabang halinghing at di mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata. Walang
ano ano, ang kamao ay bumagsak sa naangusong mukha ng bata na tumasik sa kabila
ng kwarto, kung saan ito nanatiling walang galaw.Si Mui Mui ay namatay..”
“Ngayo’y naging napakalawak ng kanyang sarili bilang isang malupit na inulilang
ama na ipinaglalamay ang wala-sa-panahong pagkamatay ng kanyang dugo at laman.
Mula sa kanyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas ng pagmamahal sa patay na
anal! Nakita niya ito sa kanyang libingan sa tabi ng gulod-payat, maputla at ang mga
alon ng lungkot ng awa na nagpayanig sa matipuno niyang mga brasong kayumanggi at
nakatatakot tingnan”

Teoryang Sikolohikal na pananaw sa akdang “Ang Ama” ni Mauri R. Ravena

Sa akdang “Ang Ama” ay ipinakita ang isang ama sa umpisa ng kuwento na


laging lasing sa tuwing uuwi sa kanilang bahay. Kung hindi ang asawa niya ang
sinusuntok ang kanyang mga anak naman ang pagbabalikan ng suntok. Sa huli ang
ama ay nagbago ang pag-uugali niya nang namatay ang kanyang anak na si Mui Mui
dahil sa pagkakasuntok ng kanyang ama.Ang dating malupit, nangbubugbog sa
kanyang asawa at mga anak. Ang amang kinatatakutan ng kanyang mga anak sa
tuwing darating siya sa bahay ay naging parang maamong tupa sa kanyang mga anak
at sa kanyang asawa.
Minsan ang isang tao nagbabago ang kanyang pag-uugali kung ito’y may nag-
udyok o nangyari sa kanyang buhay na maaaring magbago ang kanyang pagkatao at
pananaw sa buhay.

You might also like