You are on page 1of 1

Donna A.

Lagoyo 9-Betelgeuse July 8, 2019


Output: Pagsusuri ng teksto batay sa mga elemento ng maikling kuwento
I. Pamagat
- Ang Ama (Isang kuwento mula sa Singapore)
II. Pangalan ng Awtor
- Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena
III. Uri ng Teksto
- Ito’y isang maikling kuwento namay naratibong uri ng teksto
IV. Pagsusuri
Buod
-Unang bumungad sa kuwento ay ang pagsasalaysay kung gaano ka takot palagi ang mga bata sa
kanilang ama. Ipinakilala rin ang mga tauhan sa kuwento.
-Ikalawa, inaalala nila noong minsan ay nagdala ang pansit ang kanilang ama. Ngunit pagkatapos nito
ay hindi na ito naulit pa.
-Ikatlo, nasisante sa trabaho ang ama, kung kaya’t nagging mainit ang kanyang ulo noong umuwi siya at
nakitang humahaling-hing si Mui-mui.
-Ikaapat, ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng
kuwarto, kungsaan ito nanatiling walang kagalaw-galaw.
-Ikalima, pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay.
-Ikaanim, nagsisi ang ama sa kanyang naggawa. At doon niya napagtanto na hindi na siya kailanman
iinum at bibili ng alak at tuluyang magbagong-buhay.
-Ikapito at panghuli, kumuha ng pera mula sa abuloy ang ama at bumili ng alay para sa kay Mui-mui.
Sumalo narin ang mga bata at ang ina sa isang munting piging na inialay ng ama para kay Mui-mui.
Tauhan
-Ang Ama, Mui mui, ang iba pang mga anak/kapatid ni Mui mui, ang ina
Tagpuan
1. Ang Bahay ng Mag-anak
2. Sementeryo
3. Bayan
Suliranin
1. Pagiging lasenggero at marahas ng ama sa kanyang pamilya
2. Ang kahirapan ng pamilya
Kasukdulan
- Ang kasukdulan ng "Ang Ama" ay ang pagsuntok ng ama sa anak nitong si Mui Mui na naging sanhi
ng kanyang pagkamatay.
Katapusan
- Nagsisi ang ama sa nagawa niya sakanyang anak na si mui -mui, nagpunta ito sa libing ng kanyang
anak at inalayan ng mga pagkain.
Paksa
- Ang ama ay tungkol sa isang iresponsableng ama na nagbago mula sa pagiging lasenggero at malupit
na haligi ng tahanan dahil sa isang masamang pangyayari na naganap sa kanyang buhay at ayon ay ang
kamatayan ng kanyang anak na si Mui mui dahil sa kanyang sariling kagagawan.
Istilo ng Awtor
- Ang maikling kwentong ito ay gumagamit ng pagsasalaysay at paglalarawan. Isinasalaysay ng maayos
ng may-akda ang mga mahahalagang pangyayari sa kwento at inilalarawan ng malinaw ang kilos at
galaw ng bawat tauhan lalong-lalo na ang pangunahing tauhan. Tradisyunal din ang paglalahad ng akda
dahil may karaniwang panimula at sinundan ng saglit na kasiglahan na kung saan nakakahikayat sa mga
mambabasa na magpatuloy sa pagbasa. Dumaan din sa kapana-panabik na sandali at mabilis ang dalos
ng mga pangyayari hanggang wakas.
Aral na napulot
-Lahat tayo ay pwedeng magbago mula sa ating mga pagkakamali.
-Dapat ay isawasto mo ang maling landas na iyong tinatahak habang maaga pa, upang hindi na umabot
pang may mangyaring isang hindi magandang bagay na iyong pagsisisihan.

You might also like