You are on page 1of 1

BUOD NG ITIM NA NIYEBE NI LUI HENG

Ang kuwento ay nagsimula sa araw ng paparating na Bagong Taon. Magpapakuha


ng larawan ang pangunahing tauhan na si LI HUIQUAN. Kailangan niya ang apat na
kopya lamang ngunit minabuti niyang magpagawa na ng labing lima. Gagamitin niya ito
upang makakuha siya ng lisensya upang makapagtinda sa may bangketa sa tulong na
rin ng kanyang Tiya Luo, na tumulong sa kanya upang makausap ang mga opisyal ng
gobyerno na namamahala sa pagtitinda. Dahil sa isang ulila na si LI kailangan niya ang
tulong ng ibang tao upang magkaroon siya ng pagkakakitaan. Alam ni LI na mas mabilis
maitinda ang mga prutas at Malaki ang tutubuin dito, ngunit sa kasamaang palad
naubusan na siya ng pwesto para dito. Sa halip, kumuha na lamang siya ng kariton para
makapagtinda siya ng damit kahit ito ay segunda mano at di na maayos ang pagtakbo.
Marami naman paanyaya kay LI na mula sa mga kakilala at akaibigan niya na sa bahay
na lang ng mga ito dapat siyang magpalipas ng Bagong Taon. Ngunit minarapat ni LI na
salubungin na lang ang Bagong Taon na magisa. Matapos kumpunihin ang gulong ng
nabiling kariton, nagsimula na siya sa pagtitinda kahit na matumal na matumal sa una.
Kahit maraming kalaban sa negosyo, pinilit ni LI na makipagsapalaran. Naniniwala siya
na tiyaga ang susi para sa isang buhay na matatag. Ang kuwentong ito ay nagsasaad
ng pakikibaka ni LI upang mabuhay ang sarili at maging produktibong miyembro ng
lipunan na hindi aasa sa iba, magpapalimos o mangaabala pa ng kapwa. Hindi dapat
mawalan ng pag-asa ang sino mang tao. Darating din ang oportunidad at walang sino
man ang malas sa lahat ng panahon.

You might also like