You are on page 1of 14

Reci

pe

par

a sa

Matiw
asay

na

Lipu

nan

Mga
Sangkap:

Dalawang laud ng pakikipag-ugnayan


Anim na kwardas ng pagmamahalan
Isang milyong octavina ng pagkakaisa

Isang daang pahinga (rest) ng pagkakaunawaan

Dalawamput apat na mga nota ng pagtutulungan

Sampung staff ng ligaya


Isang pick ng pagtiyatiyaga
Tatlong sharps ng respeto
Limang flats ng disiplina

Pamamaraan
:
Kumuha ng tatlong sharps ng respeto at ihalo ito sa
limang flats ng disiplina upang magkaroon ng
magandang ugali at katangian ang bawat tao sa ating
lipunan. Ihanda ang sampung staff ng ligaya, na
nagpapahiwatig sa atin na sa bawat luhang nadarama

ay may ligayang aapaw at ilagay ito sa isang mainit na


kalan. Sunod na ilagay ang isang pick ng pagtiyatiyaga
at dalawamput apat na nota ng pagtutulungan upang
maasam natin ang isang lipunang may isang hangarin
na mapalawak ang pagiging matulungin ng bawat isa, at
ang pagiging matiyaga nito para sa kaginhawaan ng
kanilang minamahal. Hayaan itong bumukal hanggang
limang munuto at pagkatapos ay ilagay ang isang
daang pahinga o rest ng paguunawaan upang
mapatibay ang relasyon ng bawat isa at upang maging
matiwasay ang pamumuhay ng pamumuhay ng

pamayanan sa pamamagitan ng pagbigay unawa sa


kapwa. Kung naluto na ang mga pahinga, ihanda ang
anim na kwardas ng pagmamahalan. Ihalo ito sa rest
ng pagkakaisa para sa kahit anong kagipitang
hinaharap , ay mangingibabaw ang pagmamahalan at
pagkakaisa ng bawat mamamayan upang masolusyunan
ang problema at iba pang mga trahedya na darating
satin. Sunod na ihalo ang dalawang laug ng
pakikipagugnayan upang matamasa natin ang
pagkakaunawaan ng bawat isa. Ito ay isang
mahalagang sangkap sa ating niluluto sapagkat kung

wala ito, malimit na magkakaintindihan ang bawat tao


at walang pagmamahalan na maibibigay sa isat isa.
Sapat na dami ng pakikipagugnayan lamang ang
kailangan upang mapasarap itong ating niluluto. Ang
pinakahuling sangkap para sating recipe ay ang isang
milyon ng pagkakaisa, bukod sa pakikipagugnayan,
kailangan natin ang sangkap na ito upang matamo ang
minimithi ng bawat isa na magkaroon ng isang
matiwasay na lipunan.

You might also like