You are on page 1of 2

(Boggs)- SALITANG MAIUUGNAY SA PAG-IBIG- Sa paksang ito, ating tatalakayin

kung ano ang mga halimbawa ng mga salita na maiuugnay natin sa pag ibig.
Maraming kahulugan ang pag-ibig, may kaniya-kaniyang interpretasyon o
dikaya'y depenisyon ang tao sa pag-ibig. Maaring ilang bagay na mag bibigay ng
konting ligay maaring bagay o sa mga kinalilibangan. Maari na isang masidhing
damdamin ng pagtingin nang kahulugan nito, isang emosyon. Madalas
tumutukoy ito sa interpersonal na pagmamahal. Iyan lamang ay ilan sa
kahulugan ng pag-Ibig. (Jodi)- Sa pag-ibig may layunin din ito sa mundong ating
ginagalawan ng tao. Ito ay upang makapagbigay ng kapayapaan at
pagkakaunawaan. Alam naman natin sa mundong ating ginagalawan ay puno ng
karahasan, pag-aaway, at kung anu-ano paman, samadaling salita makasalanan
na ang nangingibabaw sa atin. Ngunit kung may pag-ibig o may pag-ibig ang
nangingibabaw hindi mangyayari ang ganitong bagay, hindi ka makakapanakit
sa kapwa mo. Dahil dyan hindi malalayong mangyari ang magkaroon ng
kapayapaan, at dahil din sa pag-ibig ay nagkakaroon ng pagkakaunawaan,
sapagkat nauunawaan natin ang bawat opinyon o maging sa kanilang
nararanasan, pinapalawak ang ating isip upang itoy maintindihan at iyan ay
dahil sa may respeto tayo. (Nicko)- Ang kahalagahan ng pag-ibig ito ay susi
upang magkakaroon ng pagkakaisa, kapayapaan, at kalayaan. Kung walang pag-
ibig, ang mga tao ay hindi makakaramdam ng emosyon. Tayo'y nasasaktan at
nalulungkot ng dahil sa natural nasa atin iyon at dahil sa aspetong emosyon na
kung saan na nakadama tayo ng ibat-ibang damdamin at isa na riyan ang
pinakaimportanteng elemento at iyon ay ang pag-ibig. Gayon paman, ang pag-
ibig ang siyang nagbibigay ng pag-asa na meron tayo upang lumaban sa lahat ng
mga problema na ating nararanasan, iyan din ang dahilan kung bakit ang mga
tao ay nagsisikap ng mabuti na gawin ang lahat ng kanilang makakaya kahit ano
pa man ang mangyari. Ang pag-ibig din ay mahalaga dahil ito ang
nakapagbibigay sagot sa ating mga problema na maresolba ang mga ito. At ang
panghuli, ang pag-ibig pinag mulan ng ating kaligtasan.(Marinella)- Mayroong
mga paraan upang malaman malaman natin kung ito'y pag-ibig. Ilan sa mga ito
ang mga sumusunod: nagbibigay ito ng ibang kagalakan sa inyong sarili. Hindi
maipaliwanag na damdamin ang nangingibabaw, kung saan sa simula palang ng
iyong araw ay lagi mo na itong iniisip, gumawa ka ng bagay na makakapagligaya
sa iyo man o sa iba. Hindi ka humihingi sa iba ng na mag-sakripisyo sa kanila
para lang mapatunayan ang kanyang pag-ibig. Kahit na maganda man o hindi ay
naakit ka pa rin nagpapatunay lang na ang iyong pangako sa taong iyon walang
takda at nariyan ang respeto, paghanga, at pagtitiwala sa taong iyon.(Boggs)-
Tayong mga tao ay may tinatawag na emosyon na kung saan tayo nakadama ng
ibat-ibang klaseng emosyon at natural sa isang tao na makadama ng pag-ibig.
Nagbibigay kulay ito sa bawat buhay natin. Hindi lamang pighati, kalungkutan o
daikaya'y kasiyahan at iba ang ating nadarama (Jodi)- Mayroon din na hindi
natin namamalayan na ating nadarama ay pag-ibig na pala. Ang Dakilang
Panginoon ang siyang una-unang nagbigay kahulugan ng pag-ibig iyon ay ang
pag-aalay niya ng kaniyang sarili upang tayo'y makaligtas, dahil sa mahal nya
tayo. (Sean)- Ang panghuli ang pag-ibig ay mas madarama mo kung may
inaalayan ka ng iyong pag-ibig. May pinagaalayan ka ng iyong pag-ibig. Maari
pag-ibig sa pamilya, sa isang relasyon ng magkabiyak, sa kaibigan at Poong
Maykapal.(Andrea) Sa pamilya, kung may pag-ibig magiging bukas ang bawat
miyembro ng pamilya sa kanilang mga problema. Walang alinlangan sapagkat
alam nila na ang mas mahalaga ang may sumusuporta at gumagabay sa kanila.
(Nathalie)- Ito rin ang nagpapatibay sa samahan ng bawat isa. Sa isang relasyon
kung may pag-ibig hindi mo na tinitignan kung ano man ang nasa panlabas na
anyo kundi sa panloob nito at nagpapatibay din ito nang relasyon kahit ano pa
man ang mga pinagdaanan ninyo (Sean)- Sa kaibigan, handa mong tanggapin
ang lahat na kung ano ang kaniyang kamalian, ano siya at kung mahal mo siya
ay hindi mo nababaguhin na kung ano ang wala sa kanya.(Marinella)- Ang
panghuli ang pag-ibig na iaalay natin sa Poong Maykapal, alam naman natin
wala tayo rito kung hindi dahil sakanya. At bilang isang tao ang maiibabalik lang
natin sa kanyang pagsakripisyo ay ang gumawang mabuti sa kapwa, at pag-ibig
lamang ang dapat nating pairalin.(Boggs)-Ang Poong Maykapal sa kanya
nanggaling lang tayo sa kanya. Ang buhay natin ay magiging maganda at
matiwasay

You might also like