You are on page 1of 1

Japhet G.

Gealone Bulan National High School


Grade 11 – STEM A December 5, 2022
PAGSULAT SA PILIPINO AT PILING LARANG

“Love is like a rosary, It is full of mystery”. Totoo ngang mahiwaga ang


pag-ibig, maraming nagagawa ang pag-ibig sa buhay ng tao, maari nitong
mabago ang isang tao, mabuti o masama man ang epekto. Ano nga ba ang pag-
ibig? siguro lahat naman tayo naranasan nang umibig. Masasabi bang ang pag-
ibig ay makikita lamang sa isang relasyon? Hindi, ang pag-ibig ay maraming
bersiyon, halos araw-araw tayo’y umiibig. Pagmamahal para sa ating pamilya,
pagmamahal sa ating mga alaga, sa mga bagay na gustong- gusto natin, mga
paboritong pagkain, mga magagandang damit at pati narin sa mga palabas na
gusto nating panoorin. Maraming klase ang pagmamahal at masasabi mong
likas sa tao ang makadama ng pag-ibig.
Ano naman ang mga naidudulot o mga epekto ng pag-ibig sa atin? Iba’t
iba ang epekto ng pag-ibig sa ating pagkatao, maraming mga magaganda at pati
narin mga hindi kanais-nais na nagagawa ang pag-ibig. Una muna ang mga
magaganda, dahil sa pagmamahal nagiging masaya tayo at nagkakaroon tayo ng
pagkakaunawaan sa ibang tao. May mga hindi maganda ding naidudulot ang
pag-ibig, marami ang nalulungkot at nadedepress kapag sawi sa pag-ibig na
maari humantong sa pagkitil ng sarilig buhay. Ginagamit ang pag-ibig para
makapanloko ng kapwa, yan yung tinatawag nating love scam na kadalasang
nangyayari sa mga kababayan nating nangibang bansa. May mga tao ding dahil
sa lubos na pag-ibig ay nabubulag na sa kung ano ang tama’t mali, nagagawa
nilang gumawa ng mga masasamang bagay para sa kanilang kapareha dahil sa
sobrang pagmamahal. Nagkakroon ng mga hidwaan at gulo dahil sa hindi
pagkakunawaan na bunsod ng hindi natin pinapairal ang pagmamahal palagi sa
ating puso. Kapag palaging may pagmamahal sa ating puso magagawa nating
magkaunawaan at maresolba ang anumang hidwaan sa pagitan ng bawat isa.
Sa makatuwid ang pag-ibig ay isang makapangyarihang bagay o
damdamin na maaring makaganda o makasama sa atin. Palagi lang sana nating
isapuso ang pagmamahal dahil kapag ang mga tao sa mundo ay puno ng
pagmamahal maiiwasan nating ang anumang kaguluhan.

You might also like