You are on page 1of 7

REPLEKTIBONG SANAYSAY

Ipinapasa kay:

Sheireen T. Luriz

Ipinapasa nina:
Alyssa Claire A. Nepomuceno
Angelica Pineda
Magnifico

Ito ay isang istorya na kung saan ay kapupulutan ng aral at matutong umunawa

sa lahat ng bagay. Mararamdaman mo ang saya,lungkot, pagdadalamhati at

pagmamahal. Si Pikoy ay ang bidang lalake. Sya ay mapagmahal na kapatid, anak,

apo, at kapwa. Sa murang edad ni Pikoy o Magnifico, naranasan nya ang hirap na

dinadanas din ng iba. Dahil sa kagustuhang tumulong ni Magnifico, sya ay madalas

gumagawa ng paraan upang maka bawas manlang sa kahirapan na kanilang dinanas.

Papauwi na si Pikoy sa kanilang tahanan ng tawagin sya ni Pracing upang ibili sya nito

ng soft drinks sa tindahan. Bago nya ito pinabili ay may inihabilin syang sabihin kay

Cristy. Pagkatapos nyang sabihin iyon ay biglang dumating si mang Carlo upang bumili

rin. Pinaabot ni Cristy ang kanyang pakikipag dalamhati sa pagka matay ng kanyang

nanay. Pagkatapos ipaabot ay nag salita ulit si Cristy at sinabing “bakit dika pa mag

asawa? Tulad neto, sino ng mag aalaga sayo? Buti pa si Mokong kahit lassingero

merong nag aalaga” dipa man natatapos ang usapan ay umalis na si Pikoy upang

ibigay kay Pacing ang pinabibili nitong soft drinks. Pagkadating nya sa bahay sya ay

ring pag dating ng kanyang kuya na si Miong. Nagmano sya sa kanyang nanay at tatay

at galak na galak silang makita sya. Medyo nagtaka ang mga magulang nya sa maaga

nyang pagdating. Ng biglang nahulog ang lola mula sa kanilang bubong. Sa sobrang

taranta ay napatakbo palabas ang mag anak. Agad na isinugod ang matanda sa ospital

upang magamot ito. Namrublema ang nanay at tatay ni Magnifico sapagkat nagkaron

ng bone cancer stage 2 ang kanilang lola. Na sinasabing may taning na ang buhay ni

lola.
Samantalang ang kanyang kapatid naman ay may cerebral pulsy. Sobrang liit

lamang ng kinikita ng kanyang asawa upang mapunan iyon at dumagdag pa ang

pagkawala ng scholarship ni Miong. Dahil sa hirap, naisipan ni Magnifico na tumulong

mula sa simpleng bagay na pag aalaga sa kapatid at lola at magtinda ng palamig sa

perya upang pag ipunan ang nalalapit na burol ng kanyang lola. Sa pag iikot ni

Magnifico upang hanapan ng mga gagamitin para don ay nakilala nya si Aling During.

Sya ay matandang dalagang masungit na may medyo nakakatakot o nakakatawang

boses dahil masakit ang lalamunan nito. Nakita ni Magnifico na kinukutya si Aling

During ng mga bata at pinagbawalan nya ito. Ng makita sya ni Aling During ay pinaalis

nya rin ito gamit ang masungit nyang boses. Hindi manlang naparating ni Magnifico ang

kanyang gustong sabihin dahil sa kasungitan ng matanda. Pagkatapos ay nag tanong

rin sya sa isang bilihan ng kabaong at damit para sakanyang lola. Ng malaman na ni

magnifico ay nagulat sya sapagkat ito ay may kamahalan. Nag sumikap si Magnifico na

kumita ng pera para pag ipunan ang nalalapit na burol ng kanyang lola na hindi alam ng

kanyang nanay at tatay.

Madalas ay kasama nya ang kanyang kaibigan upang mag tinda ng palamig sa

perya. Dahil sa may kamahalan ang pagbili ng kabaong, naisipan ng bata na igawa

nalang sya ng kabaong upang makatipid. Naghanap sya ng mga materyales na

gagamitin upang makabuo nito. Pinuntahan ni Magnifico ang kanyang lola upang

sukatin gamit ang medida para sa sukat ng kabaong na kanyang gagawin. Ng makuha

na nya ay agad sinimulan ni Magnifico ang kanyang plano. Nakita siya ng kanyang

tatay na nagpuputol ng kahoy at mukang nahihirapan si Magnifico rito dahil sa

kamusmusan nya. Pagkatapos na pagkatapos nilang putultulin ay napatanong ang


kanyang tatay kung saan nya ba gagamitin ang bagay na iyon. Pero nanatiling tahimik

lamang si Magnifico. Pagkatapos non ay pinadadalhan nya ng gamot si Aling During

upang gumaling na ang kanyang masakit na lalamunan. Ngunit nananatiling masungit si

Aling During. Ng makita ni Magnifico si mang Carlo ay humingi ito ng pabor, na

rentahan nya ang wheelchair na pinaggamitan ng kanyang nanay. Nagkasundo naman

sila sa halagang tatlong daan. Kauwi ni Magnifico ay inalagaan nya ang kanyang

kapatid at pinangakuan nya itong ilalabas nya at mag peperya sila kapag nakaipon na si

Magnifico. Makikita mo ang saya ni Helen sa pagbanggit ng kuya nya ng ganon.

Samantalang ang kuya naman nya na si Miong ay nahuli na kasama ang kanyang

kasintahan na anak ng amo ng kanyang tatay. Laking galit ng ama ng dalaga sapagkat

mahirap lamang sila Miong. Nangako naman si Miong sa mga magulang ng dalaga na

mag susumikap syang umangat sa buhay upang maging karapat dapat sya sa anak

nila. Kinabukasan, naparoon ang dalaga upang ibigay ang biniling damit ni Magnifico.

Ng marinig nya ang pag aaway ng pamilya ng dahil sakanya. Tumulo nalamang ang

luha ng dalaga at biglang tumakbo papalayo. Nakita sa ni Magnifico ngunit hindi nya ito

nahabol. Ng makita ni Magnifico ang dala ng dalaga ay ipinasukat nya agad ito sa

kanyang lola. Nagmukang ikakasal ang kanyan lola dahil may balak pa ata syang

lagyan ito ng belo. Biro nya sakanyang lola. Kinagabihan, magtitinda sana sila ng

palamig sa perya ngunit naunahan sila ng isang grupo. Nalungkot sila dahil tumumal na

ang kanilang tinda. Masyadong ginabi si Magnifico dahil hindi agad naubos ang

kanilang tinda. Hinahanap sya ng kapatid nya bago ito matulog. At doon na nga ay dali

dali silang nag ayos upang pumunta sa perya. Pagkababa nila galing sa ikalawang

palapag ng kanilang bahay ay nag iwan sya o sila ng ngiti sa lola at sakanyang nanay
sa nakita nila. Pusan pusan ni Magnifico si Helen papuntang perya. Habang naglalakad

sila ay isinakay sila ng barkada ng kanyang kuya. Laking pasalamat nila dahil di na sila

naglakad papunta roon. Pagkadating nila ay nilibot muna ni magnifico si Helen at

ikinwento ang bawat makikitang bagay ni Helen sa perya. Una nilang sinakyan ang

carousel meron silang discount dahil sa kalagayan ng kapatid nya. Pagkababa nila ay

inilibot ulit ni Magnifico si helen dahil kulang na ang kanilang pera upang sumakay pa

sa ibang palaruan. At dun nakita ni Magnifico si ate Cristy at ate Paring binigyan nila ng

tig isang daan si Magnifico upang isakay pa sa ibang rides ang kanyang kapatid. Bawat

sakyan nilang rides ay libre nalamang dahil diskwalipikado ang kanyang kapatid. Labis

ang saya ng mag kapatid ng sumakay sa mga rides. Ng uwian na, nakita ni Magnifico

ang kanyang tatay sa daan at sinabayan na silang umuwi. Doon nakita ni mang Carlo

ang kalagayan ng bata kaya napagtanto nya na gusto na nyang ibigay ang wheelchair

sa bata. Pagkauwi nila ay sobrang sarap ng tulog ni Magnifico sa pagod ng bata.

Kinabukasan ay pinuntahan nya ulit si aling During upang bigyan na naman ng gamot.

Doo palamang ininom no aling During ang gamot na binibigay ni Magnifico. Gumaan

nman ang oagsasalita nya at nawala ang sakit ng lalamunan nya. Naging makulay ang

kabaong na ginawa nila dahil sa mga tira tirang pintura ng kanyang ama. Pinatawag sya

ni Mang Carlo sa terminal dahil may gusto itong ibigay. Ng nagkita na sila ay sobrang

daming sasakyan ang dumaan. Muntikan ng masagasaan si mang Carlo pero sumigaw

si Magnifico. Pagkalingon ni Mang Carlo ay nahagip na ng sasakyan si Magnifico.

Na naging dahilan ng kanyang pagkamatay. Labis ang pagdadalamhati ng lahat.

Dahil sa murang edad ay binawian na ng buhay ang bata. Ang pinag ipunan nyang

para sa pagpapalibing sa kanyang lola ay syang ginamit sakanya. Maraming nakiramay


sa lamay ni Magnifico dahil sa sobrang bait nito. Naroon lahat ng mga taong natulungan

nya sa araw na inilibing sya. Napahagulgol n iyak ang kanyang ina ng makita nya mula

sa gamit ng bata ang paghahanda nito sa burol ng kanyang lola. Sobra din ang iyak ng

kanyang ama ng makita nya ang isang lalagyan ng stick o ng pera para rin sakanyang

lola. Proud na proud ako kay Magnifico dahil kahit sa huling hininga nya ay dinya inisip

ang sarili nya kahit sa murang edad ay sobrang lawak ng kanyang pag iisip

Kahit sa hirap ng kanilang buhay hindi hadlang kay magnifico ito dahil sa

kanyang murang edad kaya niya ng mag isip ng tama at kung anong nakabubuti sa

kanayang kapwa. Kahit na hindi sya magaling sa eskwela ant kabilang sya sa

mahihirap na pamilya, si magnifico ay mayroon pas ring busilak na puso at sya ay

lagging nag iisip ng positibo para makatulong sa kanyang pamilya at pati na rin sa

kanilang barangay.

You might also like