You are on page 1of 5

De Guzman Haidee L.

BSED FILIPINO 3

Panuto: 
Isulat ang buod ng maikling kwentong pinamagatang “Sa Pula, sa Puti” ni Francisco Rodrigo.

 Mga Tauhan

Kulas - ang pangunahing tauhan sa kwento, isang sabongero na hindi nawawalan ng pag-asang
suwertehin sa pagsasabong.
Celing - maybahay ni kulas, laging nagpapaalala kay kulas na tigilan na nito ang pagsasabong.
Pumupusta siya ng palihim sa manok ng kalaban dahil manalo man o matalo ang kanyang
asawang si kulas ay hindi mababawasan ang kanilang salapi.
Sioning - kaibigang matalik ni Celing. Tanging napagsasabihan ni Celing ng kanyang mga
saloobin patungkol sa patuloy na pagsasabong ni kulas.
Castor - isang bihasa sa pagsasabong na nagtulak pa lalo kay kulas para huwag mawalan ng
pag-asa sa pagsasabong. Pinagpayuhan niya si kulas sa mga nararapat umano nitong gawin
upang manalo sa sabong.
Teban - isang engot na kasambahay nila Kulas at Celing. Siya ang inuutusan ni Celing upang
pumusta ng palihim sa manok ng kalaban ni Kulas.

 Tagpuan : Sa sabungan

 Banghay
Simula :
Si Kulas at Celing ay ang magasawang hindi masyadong mayaman o mahirap, katamtaman lang
ang katayuan nila sa buhay. Kaya lamang ang asawa nitong si Kulas ay nalululong sa bisyo  ng
pagsasabong ng manok. Namomroblema  itong si Celing sa asawa sapagkat lagi nalang talo
kung umuwi ang asawang si kulas galing sa sabong. Kung kaya ay umisip siya ng paraan para
hindi sila tuluyang mabaon sa kahirapan. Palihim niyang pinapupusta ang engot na kasambahay
na si Teban sa manok ng kalaban upang kahit manalo man o matalo si kulas sa sabong ay wala
pa ring talo.
Gitna:
Nagpatuloy ang ganoong Gawain hanggang sa isang araw ay para yatang nawawalan nan g pag-
asa itong si Kulas sapagakat hindi naman daw pabor sa kanya ang suwerte kung kaya ay
nakapagdesisyon siyang iwan na ang pagsasabong. Ngunit nagbago na lamang ang kanyang isip
ng siya ay mapagpayuhan ni Castor,  kasamahan rin niya sa sabongan, sa mga sandaling iyon ay
tinuruan ni Castor si Kulas sa mga nararapat nitong gawin na mga estratehiya upang manalo si
kulas. Sa katagalan ng kanilang pag-uusap, hangga ng sa muli nanamang nabuhayan itong si
Kulas a mananalo siya sa sabong sa pagkakataong ito. Muli ay nanghingi siya perang pamusta sa
sabong kay Celing sabay nangakong kung matatalo pa siya sa pagkakataong iyon ay malaya na si
Celing na ihawin ang lahat ng kanyang Tinali at nangako rin siyang kakalimutan na niya ang
sabong.

Wakas:
Sumapit na nga ang oras ng pagsasabong at pumunta ng palihim si Kulas na pumusta sa manok
ng Kalaban gaya ng itinuro ni Castor sa kanya. Pinapusta rin ni Aling Celing si Teban sa manok ng
kalaban. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ang manok ni Kulas na sadyang tinusok ng karayom
ang paa upang sadyang humina at tuluyang matalo ay siya palang mananalo sa labanan ng mga
tinali. Sa pagkakataong iyon ay kapwa natalo sa sugal ang mag-asawang Kulas at Castor at wala
man lang silang  nakuha kahit ni katiting na kusing. At natupad ang kasunduan ng mag-asawa na
iihawin ang lahat ng tinali at magbabago na si Kulas sa kanyang bisyo ng psgsusugal.

Panuto: Bumuo ng sariling maikling kwento na taglay ang lahat ng elemento ng kwento kung
saan ikaw mismo ang pangunahing tauhan. Maaaring hango sa totoong karanasan at maaari
ring kathang-isip. Tukuyin ang anyo o genre ng iyong ginawa. Pagkatapos, suriin ang isinulat na
kwento gamit ang organizer sa susunod na slide.

Signus

Isang umaga, masaya ang gising ng aking ama sapagkat ito ang araw na iniintay niya sa
pagtingin ng sasakyan na bibilhin niya. Kasama niya ang isa sa aking tiyuhin. Malapit lamang ang
bahay nila sa amin kaya noong narinig niyang gising na ang aking ama ay gumising na din siya.
Kumain lamang sila ng umagahan at gumayak na papunta sa Batanggas sapagkat naroon ang
sasakyan. Pareho silang mahilig sa mga sasakyan kaya silang dalawa ang nagsama sa pagbili.
Hindi pa man nakakaalis ay madami ng mga bagay na tila pumipigil sa pag-alis ng dalawa.
Ngunit dahil nga desidido na ay tumuloy sila s pag-alis sakay sa isang motorsiklo.
Masayang umalis ang dalawa, kaming mga naiwan ay bumalik na sa aming mga
ginagawa. Noong umagang iyon,napakadaming motor ang dapat sana ay sasakyan ngunit ni isa
ay walang gumana dahil may sira, flat at walang gasulina, ngunit tumuloy pa din ang tiyuhin ko
sa paggamit, pinalagyan nya ng gasolina ang motor at yon ang kanilang sinakyan. Walang kahit
sino ang may alam na may mangyayari palang hindi kanais-nais.
Bandang tanghali, habang naghahanda ako ng pagkain, dumaan ang patrol ng barangay,
sakay ang ilan sa mga kakilala naming at ilang opisyal ng barangay. Tinawag ang aking ina at
sinabi na nagkaroon daw ng aksidente. Wala akong inisip na masama dahil ang naisip ko ay mga
galos o sugat lamang ang natamo. Hindi magkaintindihan ang mga tao sa amin kayat naisip ko
na tawagan ang cellphone ng aking ama at ng aking tiyuhin. Doon na ako nagsimulang mag-
alala dahil bawat ring ay pinapatay. May isang tumawag na nasa ospital daw ang aking ama at
hindi nakaligtas ang aking tiyuhin. Isa ito sa pagkakataon na hindi ko alam ang tunay na
mararamdaman ko sapagkat buhay ang aking ama ngunit may isang taong malapit din sa akin
ang binawian ng buhay. Ang mg ganitong sitwasyon at karanasan ang hindi gusto ng isang tao
ngunit walang magagawa kapag oras mo na, oras mo na talaga kahit nasaan ka pa.

Tauhan:
Ama- bibili sana ng sasakyan, kasama ng tiyuhin
Tiyuhin- kasama ng ama, drayber ng motorsiklo

Tagpuan: Sa bahay naming kung saan nagkagulo ng malaman ang balita.


Sa Batangas kung saan nangyari ang aksidente.

Banghay:
Simula:
Isang umaga, masaya ang gising ng aking ama sapagkat ito ang araw na iniintay niya sa
pagtingin ng sasakyan na bibilhin niya. Kasama niya ang isa sa aking tiyuhin. Malapit lamang ang
bahay nila sa amin kaya noong narinig niyang gising na ang aking ama ay gumising na din siya.
Kumain lamang sila ng umagahan at gumayak na papunta sa Batanggas sapagkat naroon ang
sasakyan. Pareho silang mahilig sa mga sasakyan kaya silang dalawa ang nagsama sa pagbili.
Hindi pa man nakakaalis ay madami ng mga bagay na tila pumipigil sa pag-alis ng dalawa.
Ngunit dahil nga desidido na ay tumuloy sila s pag-alis sakay sa isang motorsiklo

Gitna:
Masayang umalis ang dalawa, kaming mga naiwan ay bumalik na sa aming mga ginagawa.
Noong umagang iyon,napakadaming motor ang dapat sana ay sasakyan ngunit ni isa ay walang
gumana dahil may sira, flat at walang gasulina, ngunit tumuloy pa din ang tiyuhin ko sa
paggamit, pinalagyan nya ng gasolina ang motor at yon ang kanilang sinakyan. Walang kahit
sino ang may alam na may mangyayari palang hindi kanais-nais. Bandang tanghali, habang
naghahanda ako ng pagkain, dumaan ang patrol ng barangay, sakay ang ilan sa mga kakilala
naming at ilang opisyal ng barangay. Tinawag ang aking ina at sinabi na nagkaroon daw ng
aksidente. Wala akong inisip na masama dahil ang naisip ko ay mga galos o sugat lamang ang
natamo. Hindi magkaintindihan ang mga tao sa amin kayat naisip ko na tawagan ang cellphone
ng aking ama at ng aking tiyuhin. Doon na ako nagsimulang mag-alala dahil bawat ring ay
pinapatay.
Wakas:
May isang tumawag na nasa ospital daw ang aking ama at hindi nakaligtas ang aking tiyuhin. Isa
ito sa pagkakataon na hindi ko alam ang tunay na mararamdaman ko sapagkat buhay ang aking
ama ngunit may isang taong malapit din sa akin ang binawian ng buhay. Ang mg ganitong
sitwasyon at karanasan ang hindi gusto ng isang tao ngunit walang magagawa kapag oras mo
na, oras mo na talaga kahit nasaan ka pa.

You might also like