You are on page 1of 1

"Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros"

Jemlani, Hannah Mae P.


BSED-MATH2C
Miyerkules, 9:00-12:00 am

Ang banghay ng pelikula ay naglalaman ng anim na elemento, ito ay ang simula, suliranin, papataas na
aksyon, kasukdulan, pababang aksyon at wakas. Sa simula ng pelikula, ipinapakilala ang buhay ng bida na si
Maximo Oliveros, na kung saan sa maagang edad, namulat na siya sa kaniyang kasarian na siyay nagdadamit
pambabae o kumikilos na parang tunay na babae. Sa kaniyang mga kilos tanging pagmamahal at buong
pagtanggap ang kaniyang nadama sa kaniyang ama at dalawang kapatid na lalaki, ngunit sa mga taong
nakapalibot sa kanilang lugar ay hindi maiiwasan ang mga mapanghusga at walang magawa sa buhay. Dito na
pinakita ang unang suliranin sa pelikula na kung saan isang gabi habang naglalakad pauwi si Maxi sa isang
eskinita ay minolestiya siya ng kaniyang mga kapitbahay na adik, siya ay hinubaran at muntik ng gahasain. Mabuti
na lamang ay may isang pulis na nagngangalang Victor ang nakakita sa kaniya, tinulungan siya nito hanggang sa
pag-uwi, at don na nagsimula ang kanilang pagkilala sa isa't-isa, hindi aakalain ni Maxi na sa puntong yun ay
makakadama na siya ng paghanga kay Victor dahil sa nagawa nitong kabaitan. Sa mga nagdaang araw, mas lalong
naging magkasundo si Maxi at Victor, dito narin sa puntong to ipinakita ang papataas na aksyon. Ang
nakakatandang kapatid ni Maxi ay nakagawa ng krimeng pagpatay, isang gabi nakita ni Maxi ang kaniyang
kapatid na duguan ang kamay kaya agad itong nagduda, sinunog niya ang damit ng kaniyang kapatid upang
walang maiiwan na ebidensya. Kinabukasan, habang nag uusap si Victor at Maxi, ay nabanggit ni Victor nung
nakita niyang sinusunog ni Maxi ang mga damit kaya kinausap niya rin si Maxi kung may kinalaman ba ang
kaniyang pamilya sa krimen na iyon, ngunit hindi nagsalita si Maxi sapagkat siya ay takot na makukulong ang
kaniyang kapatid. Dahil sa pagdududa ni Victor dito na pumasok ang kasukdulan, binugbog siya at binantaan
ng kapatid, ama at mga kakilala nila Maxi upang hindi na ito magsasalita pa tungkol sa isyung iyon. Nag-alala si
Maxi sa nangyari kaya't pinuntahan niya si Victor at inalagaan ito, sa eksena ding ito ay ipinakita na ni Maxi ang
kaniyang nararamdaman para kay Victor, na siya namang ikinalayo ng loob ni Victor sa kaniya. Ilang araw
nakalipas, dumalaw ang isang hepe sa selda kung saan naka destino si Victor, kinausap siya ng Hepe at nag alok
ito sa kaniya na tutulungan siyang magsanay upang maging isang tunay na pulis, hindi naman nagdalawang isip
si Victor na tanggapin ito. Sa mga susunod na eksenang ito ipinapakita ang pababang aksyon na kung saan,
gusto sanang makipagita ng ama ni Maxi kay Victor upang makipag areglo ngunit sa kasamaang palad, nung
nagkita na sila, kasama pala ni Victor ang hepe at sa hindi ko maintindihan at mabigyang eksplenasyon ay bigla
nalang pinatay ng hepe ang ama ni Maxi. Nakita pa mismo ni Maxi ang nangyari ngunit tinignan lamang siya ni
Victor na para bang walang pakealam, dito na nagsimula ang pagkawala ng paghanga ni Maxi sa kaniya dahil
napalitan ng poot. Kinabukasan, pagkalaya ng kapatid ni Maximo ay agad itong nagwala at nais pang ipaghiganti
ang nangyari sa kaniyang ama, ngunit dahil sa ipinakitang kilos ni Maxi na ayaw na niya ng gulo ay nagbago ang
desisyon ng kaniyang mga kapatid. Bumalik sila sa kanilang kinaugaliang pamumuhay na kung saan ay nag aral
muli si Maximo at ang kaniyang mga kapatid ay naghahanap buhay parin, at ito ang Wakas.
Isa sa pinakaimportanteng parte ng pelikula ay ang mga teknikal, sapagkat ito ang nagbibigay buhay sa
pelikula, dito rin masisigurado ang kalidad ng proyekto na kung saan dapat na maiparating ng malinaw ang mga
larawan at ibang aspetong teknikal. Para sa pelikulang ito, ang aking maikokomento sa elementong teknikal ay
hindi ko gaanong nagustuhan ang ilaw ng set sapagkat madalas hindi klaro ang expresyon at emosyon ng isang
karakter, may eksena pa akong nakita na hindi ko namalayan na umiiyak pala si Victor, napansin ko nalang nong
pinanuod ko ulit ang eksenang iyon. Sa musika naman ay medyo malumanay, bagamat yun ang uso nong mga
panahong ginawa itong pelikula ngunit para sakin may iilang eksenang hindi ko masyadong dama ang eksena
dahil sa musikang ginamit, lalong lalo na nong pinatay ang ama ni Maximo. Sa disenyo naman sa pelikula, sa
lugar ng kinagagalawan ng mga karakter, para sakin ay maganda at tugma talaga sa storya ng pelikula.
Sunod na aking ipapaliwanag ay ang pag akting naman ng mga karakter, para kay Maximo, maganda
naman ang kaniyang pag akting subalit may mga eksenang hindi niya gaanong mailabas ang kaniyang emosyon
lalong lalo na't sa pag iyak. Para naman kay Victor, may mga eksena rin na nahihirapan siyang gamitin ang
kaniyang ekspresyon sa mukha na naayon sa kaniyang emosyon. Sa iba pang mga karakter, wala na akong
nakitang mali sa kanilang akting dahil maayos, magaling at maganda nila itong nagawa.
Hindi man ako propesyonal sa mga parte ng paggawa ng pelikula at may mga hindi man ako nagustuhan
at naintindihan ay masasabi ko paring maganda ang pelikulang ito, marami tayong mapupulutang aral. Iba't
ibang aspeto kasi ng buhay ang ipinaparating nito, tungkol sa kasarian, pamilya, pagmamahal, paghiganti at iba
pa, at sa mga ito mas nabibigyan tayo ng kaalaman saating mundong kinagagalawan.

You might also like