You are on page 1of 2

Pascua, Adrian Jerome C.

11-CAMPION

Rainbow’s Sunset

Para sa akin, isa itong kakaibang pelikula dahil marahil nasanay na akong manood ng mga
pelikula tuwing pasko na laging gumaganap sila Vic Sotto, Vice Ganda at iba pang mga suki na sa mga
MMFF. Isa itong bagong karanasan para sa akin at lalo na, na ang pinag-uusapan pa rito at ang paksa ng
pelikula ay tungkol sa mga kababayan nating kabilang sa LGBTQ na komunidad. Dati pa lamang, ako’y
nalantad na sa mga ganitong mga bagay at mayroon na akong kaalaman tungkol sa kanila dahil mayroon
din akong mga kamag-anak at kaibigan na kabilang sa kanila, at para sa akin, hindi dapat pandiriian at
kasuklaman ang mga katulad nilang mga tao na napabibilang sa ganitong komunidad. Mula sa pelikula
na ito, maaaring makita ang “Isip Manok” na panananaw na hango sa babasahin ni G. Tiongson dahil
mismo sa nakasaradong isipan ng mga anak ni Ramon Estrella noong una dahil hindi pa tanggap ng mga
anak ni Fredo dahil nadadamay na ang pangalan ng kanilang pamilya bilang isa mayroon napapabibilang
sa kanilang pamilya sa larangan ng politika at nadadamay na rin ang mga apo nila Ramon at Sylvia sa
mga isyu na ito at iyon ang pinaninindigan nina Emman at Georgina. Dahil sa ganoong pag-iisip naging
mahirap na maintindihan nila ang estado ng relasyon nina Fredo at Ramon dahil na rin sa matanda na
sila at gayun din na mahirap para sa kanila na matanggap ang sa ganoong pagkakataon at dahil dito
nagkaroon ng mga pagkakataon na nagpatong-patong ang problema ng pamilya mula sa eskandalo ni
Emman, pagka-suspende ni Rufus na siyang anak naman ni Georgina, at ang madalas na bangayan ni
Georgina at Marife, at hindi mo rin naman masisisi ang lahat mapa sila Sylvia dahil mahirap nga ang
ganitong sitwasyon at dapat ay unti-unti itong maayos. Para sa akin marami akong natutuhan sa
pelikulang ito dahil na rin sa nagbigay ito ng pagkakataon upang mamulat ako sa mga estado sa buhay
ng mga taong kabilang sa LGBTQ na komunidad at nabigyang linaw pa ako na mayroong mga ganitong
pagkakataon na nagaganap sa pamilya at nabigyang aral pa ako lalo na sa aspeto ng pamilya at
pagmamahalan bilang isang pamilya at hindi lamang tungkol sa LGBTQ na mga tao sa ating lipunan.
PASCUA, Adrian Jerome C.

11-CAMPION

Jak Em Poy: Pulis Incredibols

Marahil suki na at laging kasama sa mga pelikula sa MMFF ang batikang komedyante na si Vic
Sotto at ang sikat na sikat na aktor ngayon na si Coco Martin dahil sa kaniyang mga makapigil-hiningang
mga stunts at aksyon sa kaniyang mga palabas at ang kanilang mga pelikula na laging mayroong
katatawanan na kasama at aksyon na kaakibat naman kay Coco. Dahil lagi na silang kasama sa mga
ganitong festival, talagang patok na patok sa ating masa ang mga pelikulang ginagawa nila, at talagang
tinatangkilik na ang kanilang mga gawa at inaabanagan bawat Pasko. Maaari ko na ring masabi na isa
ako sa mga masugid na patron ng mga palabas ni Vic Sotto dahil kinalakahihan ko ng panoorin ang
kaniyang mga pelikula tuwing pasko pati na rin ang kaniyang mga palabas sa telebisyon kaya’t hindi ko
na naman pinalampas ang pagakakataong ito na masilayan siya muli sa takilya. Para sa iba ngayon, halos
ayaw na nilang panoorin ang ibang mga pelikula ni “Bossing” dahil nga raw ay para lamang sa perakaya
gumagawa siya ng bagong mga pelikula at ‘di na tulad ng dat o kaya’y unti-unti ng nalalaos. Para sa akin,
hindi naman ganito dahil sa halos patuloy pa rin naman ang pamamayagpag ni Bossing sa takilya at sa
pamamagitan ng pelikulang ito, muling pinatunayan ni Bossing na mayroon pa siyang maibubuga. Sa
pelikulang ito, akmang-akma ang “Masaya ang Aliw” dahil na rin sa pangunahing dahilan ng pelikula, ang
magbigay tuwa sa mga manonood. Marahil hindi lamang tuwa ang nais nilang maramdaman ng mga
manonood pero talagang kapag ang usapan na pelikula ni Bossing ito, alam na ng mga manonood na
ito’y magbibigay halakhak at tuwa sa kanila, at ayon nga, muling nagpasaya sila Bossing Vic mula sa mga
sikat niyang linya na: “Hi Fans!”, at sa mga eksena nila Jose,Paolo at Wally na siyang kasama ni Bossing
sa pagbibigay saya sa mga manonood. Siguro ang iniisip ng iba na kapag nanood ka ng pelikula nila
Bossing ay baduy ka na agad na tao dahil kumabaga wala ka ng “taste” sa panonood, pero sa mga
ganitong pelikula, talagang pinakikita at umuusbong ang kultura natin bilang mga Pilipino pa rin at ang
mga ‘di matatawarang ambag ng mga artista na gumaganap dito para sa estado ng ating bansa ngayon
at di lamang bilang isang taga-hanga ni Vic Sotto, ngunit bilang isang kritiko, mainam pa rin na mayroon
mga palabas na ganito basta’t may saysay at dahilan ang kanilang nais iparating sa mga manonood.

You might also like