You are on page 1of 3

Ang pelikulang Filipino na pinamagatang "Billie and Emma" noong 2018 sa ilalim ng direskyon

ni Samantha Lee ay patungkol sa istorya kung paano kinaharap ng dalawang babae ang ilan sa mga isyung
panlipunan na mayroon hanggang ngayon patungkol sa kasarian at relihiyon. Si Zar Donata bilang Isabelle
“Billie” Santos ay isang tomboy na nagmula sa Manila at ipinadala ng kaniyang ama sa kaniyang tiyahin
at pinapasok sa isang Catholic School sa pagnanais na ito ay matauhan at "gumaling" mula sa kaniyang
pinagdaraanan samantalang si Gabby Pangilinan bilang Emma Cagandahan naman ay isang popular at
modelong estudyante sa naturang paaralan na nabuntis ng kanyang kasintahan na si Ryle Paolo Santiago
bilang Miguel at umibig kay Billie. Ipinakita sa pelikulang ito ang mga pangyayari na taliwas man sa
nakagawian ng iba ngunit tunay at normal na nangyayari sa ating kapaligiran.. Ang “Mamu and a Mother
Too” naman na isa ring pelikulang Filipino sa ilalim ng direksyon ni Rod Singh ay patungkol sa istorya ni
Mamu na si Iya Mina isang transgender na sex worker at may pangarap na maging isang cook balang araw.
Ngunit hindi ito sinuportahan ng kanyang nobyo na pitong taon na niya itong kinakasama na si Aaron
Villaflor bilang Vincent na kung saan naman ay nagnanais na magtrabaho sa Cebu ngunit siya ring
tinututulan ni Mamu na mangyari. Nagbago ang takbo ng buhay nila noong kinupkop ni Mamu si EJ
Jallorina bilang Bona, na anak ng yumao nitong kapatid, at tumayo bilang isang ina para sa kaniya. Ipinakita
sa pelikulang ito ang mga ilang normal na pangyayari sa buhay ng isang transgender na pilit kinukuwestiyon
ng karamihan sa atin at kung hanggang saan ang kayang tiisin ng isang ina, para sa isang taong tinuturing
nitong isang anak.

Sa pelikulang Billie and Emma, ipinakita ang mga pangyayari sa totoong buhay ng mga guro,
estudyanteng kabataan, at mga lesbian sa pamamagitan ng pagrerepresenta sa mga ito nang tapat at totoo
sa reyalidad. Naipakita sa pelikula ang pagkakaroon ng paboritong estudyante ng mga punong-guro ng mga
paaralan at kung paano nila sinusubukan na kontrolin ang mga buhay ng mga ito para sa kapakanan ng
imahe ng kanilang paaralan. Ito ay nakita sa parte kung saan nalaman na ng mga guro na si Emma ay buntis.
Pinakita rin ang mga kaugalian ng mga estudyante sa paaralan kung saan nasusunod ang mga popular na
estudyante. Mayroon ding nagpapabayad upang gumawa ng isang takdang-aralin. May mga estudyante ring
ipinakita na pinag-uusapan nila ang kanilang mga guro. Ang mga kapusukan ng mga kabataan sa panahon
ngayon ay naisalamin rin sa pelikulang ito kasama na ang mga gawain na kanilang pinagdedesisyunan
kapag sila ay nalagay sa isang alanganing sitwasyon Sa buhay naman ng mga lesbian ay sa umpisa ng
pelikula naipakita kung ano ang tingin ng mga karaniwang tao sa isang tao na naiiba ang ayos sa kanila
kahit na magkapareho lamang ang kanilang kasarian. Ito ay makikita sa umpisa ng pelikula kung saan
naghihintay si Billie sa isang waiting shed kung saan may dumating na babae na Minamata o kung
makatingin kay Billie hindi mawari dahil pinagtataasan siya ng kilay dahil sa ayos nito. Ang pelikulang ito
ay matapat sa reyalidad dahil naipakita dito ang iba’t ibang uri ng mga lesbian na katulad ni Billie na totoo
CANTA, RACHELLE JOY M.
“Hindi hadlang ang ibang kasarian sa ating lipunan”
Isang pagsusuring realismo sa pelikulang Billie and Emma at Mamu and a Mother Too
sa kaniyang sarili ngunit pinipilit na makibagay sa kaniyang lipunan upang hindi maging kapansin-pansin
at mayroon din naman katulad ng tiyahin ni Billie na pinipilit itago ang totoong siya hanggang sa ito ay
tumanda na. Naipakita sa pelikulang ito ang mga desisyon na ginagawa ng iba katulad ng pagpapalaglag na
mali man sa paningin ng iba ngunit kung iyong pag-iisipang mabuti ay masasabi mong karapatan din nilang
gawin dahil ito ay sarili nilang buhay. Ang sinabi ng tiyahin ni Billie na ang ang pinakamasarap na
pakiramdam para sa mga taong tulad nila ay ang mahalin din ng mga taong gusto nila ay naipakita sa pag-
iibigan ng mga karakter na sina Billie at Emma.

Sa pelikulang “Mamu and a Mother Too”, masasabi ko na ito ay tapat din sa reyalidad dahil unang-
una ang kanilang mga diyalogo ay walang filter. Ang buong pelikula ay wala ding censorship na matatawag
kaya naman ito ay talagang sumasalamin sa reyalidad. Makikita sa pelikula ang isang buhay na mayroon
ang mga transgender, na merong nobyo na mga transgender, bakla, at buhay ng pagiging isang ina na kahit
hindi nila ito kadugo. Sa pelikulang ito makikita ang trabaho ni Mamu bilang isang sex worker na isang
normal na uri ng trabaho para sa mga transgender. At ang bagay na kinakatakutan at kinakainsikyuran ni
Mamu bilang isang transgender katulad ng pagkakaroon ng dibdib, pagiging matanda, at ang pangyayaring
baka siya ay iwanan ng kaniyang katuwang sa buhay kapag ito ay napalayo sa kanya. Sa buhay naman
bilang nobyo ng isang transgender ay naipakita kung gaano kahirap at kasakit sa kanila ang hindi lubos na
mapagkatiwalaan ng mga transgender kahit na totoo nilang minamahal ang mga ito dahil na rin sa mga
stereotype na tumatak na sa isipan ng mga transgender na wala nang magmamahal ng totoo sa kanila kaya
naman pilit nilang kinukulong ang kanilang mga nobyo sa kanilang mundo upang ito ay hindi makawala.
Sa buhay naman ng isang bakla na katulad ni Bona ay naisalamin kung paano sila nabibighani sa mga lalaki
at kung gaano nila gustong may maibigay sa mga ito, dahil sa oras na nilalaan ng isang lalaki para sa kanila.
Ang pag-ayaw din sa pagpasok sa eskwelahan dahil sa kadahilanang kinakailangan niyang baguhin ang
kaniyang ayos ay naipakita rin sa pelikula. Ito ay nararamdaman ng marami sa LGBTQIA+. Bilang isang
ina naman ay naipakita sa pelikula kung gaano ang kayang tiisin ng isang ina para sa kaniyang tinuturing
na anak. Gagawin ang lahat kahit na matapakan ang kaniyang pagkatao para sa ikabubuti ng anak. Sa
pelikuang Mamu sa parte ng buhay ng mga kinukupkop ng mga taong hindi naman talaga nila magulang
dahil sa umpisa ay naramdaman ni Bona na siya ay hindi tanggap sa buhay nina Mamu. Ang pakiramdam
na ito ay normal at totoong nangyayari para sa mga taong inaampon o kinukupkop ng ibang tao.

Sa kabuuan ang dalawang pelikula na ito ay 8/10 dahil ito ay talagang nangyayari sa reyalidad na
tumatalakay sa buhay ng isang komunidad sa ating bansa na tinatawag ngayon na LGBTQIA+. Ang director
din ng mga pelikulang ito ay kabilang sa naturang grupo o samahan, kaya naman talagang nairepresenta ng
maayos ang tema na gusto nilang maiparating sa mga manonood. Nairepresenta sa parehas na pelikula ang

CANTA, RACHELLE JOY M.


“Hindi hadlang ang ibang kasarian sa ating lipunan”
Isang pagsusuring realismo sa pelikulang Billie and Emma at Mamu and a Mother Too
mga stereotypes sa kanilang kinabibilangang komunidad at ipinakita rin nila ang katotoohanan sa likod ng
mga stereotypes o nakagawian na tingin at paniniwala ng mga karaniwang tao sa kanilang komunidad. Ang
pinagkaiba naman ng pelikulang ito ay ang “Billie and Emma” ay nagpokus sa kwento ng mga kabataan,
mga lesbian at kinuwestiyon din dito ang relihiyon samantalang ang “Mamu and a Mother Too” naman ay
nagpokus sa buhay ng isang matandang transgender at ang kapasidad nito maging isang ina. Ang mga
pelikulang may temang ganito ang masasabi kong isang paraan upang mabuksan ang mga kaisipan ng mga
taong hindi pa rin nauunawaan o tanggap ang ganitong klaseng komunidad sa ating bansa dahil naipakita
sa mga pelikulang ito na naiiba man ang LGBTQIA+ sa mga karaniwang tao, sila ay nagkakamali,
nasasaktan, nagmamahal, nangangarap at higit sa lahat ay tao pa rin katulad natin.

CANTA, RACHELLE JOY M.


“Hindi hadlang ang ibang kasarian sa ating lipunan”
Isang pagsusuring realismo sa pelikulang Billie and Emma at Mamu and a Mother Too

You might also like