You are on page 1of 3

Dexter L.

Salvador
BSIT 2A

Pagsusuri ng Pelikulang “Pagdadalaga ni Maximo Oliveros” ni Araeus Solito

Pamagat ng Pelikula
Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros
Talambuhay ng may akda- Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros ay akda ni Araeus Solito.
Si Solito ay isa sa mga kinikilalang Internationally Award Winning Filipino filmmaker ng ating
bansa. Tubong Palawan at napabibilang sa lahi ng mga Shaman saTimog Palawan. Siya ay
ipinanganak sa Maynila, nagtapos ng Sekundarya sa Philippine Science High School at nag-aral
ng Teatro sa Unibersidad ng Pilipinas.Isa sa mga nangungunang Independent Film Maker ng
Pilipinas at kamakailan nga ay napili sa Take 100, Ang The Future of Film, ay isang aklat na
inilathala sa Phaidon Press,New York na kung saan ay naglalaman ng survey na nagpapakita ng
isangumuusbong na henerasyon ng mga pinaka-mahuhusay na filmmakers sa buongmundo at
siya ay napili bilang pangsampu sa mga ito. At Ang kanyang unang Pelikula na pinamagatang
Ang Pagdadalaga ni MaximoOliveros ay nagwagi ng 15 international awards.
Genre
Ang Genre ng Pelikula ay katatawanan at melodrama.
Katatawanan sapagkat ipinakita ng isang karakter na si Maxi na patawanin ang manonood sa
maraming paraan tulad ng pagbibigay ng joke, paggaya sa nakakatawang kilos o galaw ng ibang
tao, pagpapalitan ng nakakatawang diyalogo at ang paggamit ng slapstick. At melodrama rin
dahil sa ibang parte ng pelikula ay may mabigat ang dating , magpapaiyak ka sa mga
madamdaming tagpo at sa matinding pangyayaring nakakaantig sa sensibilidad ng tao.

Mga Tauhan
Maximo Oliveros – Siya ay dose anyos na bakla na nanggaling sapamilya ng mga kriminal.
Napamahal siya sa isang pulis.
Victor Perez – Siya ang bagong pulis na nadestino sa lugar nila Maxi nadedikado sa kanyang
trabaho na hulihin ang mga masasamaang tao.
Paco Oliveros – Siya ang am ani Maxi na utak din ng mga kriminal sakanilang lugar.
Boy Oliveros – Ang panganay na kapatid ni Maxi na aksidentengnakapatay ng estudyante
habang nang-hoholdap.
Bogs Oliveros – Isa pang kapatid ni Maxi na naakusahang pumatay saestudyante.
Bagong sergeant – Siya ang bagong sergeant na hindi na nagpapasuholsa mga kriminal. Siya rin
ang bumaril at pumatay sa tatay ni Maxi na si Paco.

Suliranin
Kahirapan, kriminalidad, pag-alispusta sa mga homosexual, at panunuhol ng mga kriminal sa
mga pulis
Labanan
Sa parting ito inilahad ang tunggalian ng kwento kung saan masasangkot si Boy sa isang krimen
na pagpatay. Dahil dito si Maxi ay sasabak sa isang hamon na susukat sa katapatan niya sa
kanyang pamilya at sa natatanging kaibigan na si Victor. Pilit na kinukuhanan ng impormasyon
tungkol sa kanyang kuya si Maxi ng kaibigan nitong si Victor subalit tumanggi ito. Sa murag
edad ay naiwang gumawa ng isang malaking desisyon sa buhay si Maxi habang unti-unti nitong
dinidilat ang musmos niyang mga mata sa kalupitan ng realidad.
Kalutasan ng Suliranin
Kahirapan – Nasoslusyonan ang kahirapan sa pelikula sa maling pamamaraan. Pinili ng mga tao
na magnakaw at pumatay upang makakuha ng pera pangtustos sa pang araw-araw na
pangangailangan.
Kriminalidad – Matapos mapatay ang utak ng mga kriminal sa kanilang lugar na si Paco
Oliveros, natauhan ang kanyang mga anak at iba pang mga kriminal.
Pag-alipusta sa mga homosexual – Nasagip ng bagong destiong pulis na si Victor ang dose anyos
na si Maxi mula sa mga abusadong kalalakihan.
Panunuhol ng mga kriminal sa mga pulis – Pinakita sa pelikula ang pagtanggi ni Victor Perez sa
suhol mula sa mga kriminal kaya nabugbog siya. Dumating rin ang bagong sergeant na dati ay
nagpapasuhol sa mga kriminal, ngunit ngayon ay nagbagong buhay na.

Wakas
Matapos ang mga kaguluhang nasapit ng pamilya Oliveros sa kabuuan ng pelikula, ito’y
nagtapos na nakangiti ang lahat ng miyembro ng pamilya at determinadong ipagpatuloy ang
buhay na kanilang nasimulan.

Mensahe o Aral
Ang paggawa ng tama ang tanging susi sa mapayapang pamumuhay. Ngunit ang paggawa na sa
tingin mo ay tama ang tanging susi sa maligayang pamumuhay at upang makahaon sa hirap ng
buhay. Sa kalagayan ni Maxi, nagdesisyon siyang piliin ang sa tingin niya kung ano ang tama.
Pinili niya na unahin ang kanyang pamilya kahit na ang mga kriminal ito kaysa sa pagtingin niya
sa bagong pulis na si Victor na siyang nagligtas sa kanya.
Ipaliwanag kung bakit ang “Pagdadalaga ni Maximo Oliveros” ay isang halimbawa ng
panitikan hinggil sa isyung pangkasarian.
Ang kwentong “Pagdadalaga ni Maximo Oliveros” ay umiikot sa buhay ng isang homosekswal
na batang lalaki na lumaki sa piling ng kaniyang ama at dalawang nakakatandang kapatid. Ang
kaniyang tatay ay kilala sa pangalang Mang Paco (Paco Oliveros) at ang kaniyang dalawang
nakatatandang kapatid na si Boy at Bogs Oliveros.
Ipinakita sa kanyang karakter na nag ngangalang Maxi (Maximo Oliveros) ang isang napakabait,
responsible, maalagang bunsong anak at kapatid. Sa kanyang kasarian , nagagwa niya ang
gawaing bahay na karaniwang ginagampanan ng isang babae katulad ng paglalaba, pagsasaing,
pagluluto, pagtatahi ng butas na damit at iba pa. Ito ay sa kadahilanang sa murang edad ay
pumanaw na ang ina nito. Inilahad din sa kwento ang araw-araw na pakikipagsapalaran ni Maxi
bilang isang nagdadalagang bading. Katulad ng ibang homosekswal, nagsusuot siya ng damit
pambabae at headband, naglalagay ng bulaklak sa tenga at palamuti sa kanyang mukha,
pakendeng kendeng kong lumakad, sumasali sa pagandahan at nanonood ng mga pelikula sa
isang DVD House kasama ang mga kaibigan.

You might also like