You are on page 1of 4

Ang pagdadalaga ni Maximo

Oliveros
Movie Review sa Piling Larang
I.Direksyon

Si direk Auraeus Solito ay naiiba sa ibang mga director dahil ang kanyang mga
pelikula ay mga naiiba katulad nalamang ng pelikulang ito. Kahit na naiiba ang
istorya nito hindi naman nalalayo sa totoong buhay. Ang pelikulang ito ay nagkamit
ng 19 na parangal at 14 nomination sa iba;t ibang division kaya hindi
mapapagkailangan ang pelikulang ito ay nabigyan ng magandang direksyo.

II. Istoryang Pampelikula

ang istoryang ito ay tungkol sa isang mahirap bakla na umibig at nagkagusto sa


isang pulis ngunit pilit itong hinahadlangan dahil sa bawal ito dahil ang mga kapatid
ni maximo ay mga criminal. Kaya hindi ito maari kung magustuhan man siya nito ay
mahuhuli ang kanyang mga kapatid.

Sumasalamin ang pelikula sa katotohanang nangyayari sa tao. Lalo na sa mga


nakatira sa squatters area. Ang iba’y nagiging masama dahil sa kapaligiran ngunit
maaari parin naman syang magbago. Dapat tanggapin natin ang isang tao kahit ano
pa man ang kasarian niya.

III.Pagganap
Maximo Oliveros – bida, 12 yrs. Old na bading ngunit matulungin sa tao.
Bogz Oliveros- kuya ni Maximo. Nakulong dahil sa kasong murder.
Boy Oliveros- Panganay na kapatid ni Maximo. Nakapatay ng dalagitang estudyante.
Victor Perez- police na nagligtas kay Maximo nang tangka na syang gahasain.
Nagustuhan ni Maximo.
Hepe Dominguez- nakapatay sa tatay ni Maximo.Ama ni Maximo- nagtitinda ng
nakaw na cellphone.
Nathan Lopez ... Maxi Soliman Cruz ... Paco J.R. Valentin ... Victor Neil Ryan Sese ...
Boy
Ping Medina ... Bogs Bodjie Pascua ... New Sergeant
Nandito rin sina
Elmo Redrico ... Sarge Ivan Camacho ... Art Lucito Lopez ... PulisSir Jett Desalesa ...
Leslie - Maxi’s friend Anastacio Cruz ... Nar - Maxi’s friend Raychell Torre ... Monique
- Maxi’s friend Peter Anthony Tombasa ... Peter - Maxi’s friend

IV.Sinematograpiya
Maganda ang pagkakalapat ng mga liwanag/dilim ngunit di konagustuhan ang
pinangyarihan dahil puro squatter ang mga bahay, madumi at magulo.
ILAW –madilim at wala sa ayos ang mga ilaw nito
ANGGULO- Nasa tama naman ang mga anggulo ng camera
DAMIT- ang damit ng mga gumanap dito ay simple at medyo madumi dahil siguro sa
kanilang set. Pero tumugma naman ito sa pelikula.

V. Disenyong Pamproduksyon
Naging angkop ang mga kagamitan, tanawin at iba pa sa ginawang pelikula.

VI. Editing
Maayos ang pagkaka-edit sa pelikula. Sa tingin ko naman walang pinutol sa pelikula.
Ngunit ang ilang mga malalaswang parte ay dapat na di sinali sa pag-editBuod

VII. Musikal Iskoring


Nakatulong ang paglalapat ng mga tunog dahil mas pinaganda nito ang pelikula.

VIII. Paglapat ng Tunog


Maayos naman at maganda ang mga pagkakalapat ng mga tunog angkop naman ito
sa pelikula at malaki ang naitulong nito upang mas lalong gumanda ang pelikula.

IX. Buod
Si Maximo Oliveros ay isang 12 taong gulang na kabilang sa third sex. Sa kabila nito
sya’y masiyahin at matulungin sa lahat. Mahal na mahal sya ng kanyang pamilya
kahit na isa syang bakla. Matagal na ring patay ang kanyang ina. Ang kanyang ama
ay nagtitinda ng nakaw na cellphone ngunit mabuti itong ama sa tingin ni
Maximo.Ang kuya Boy na ang panganay sa kanila. Wala itong kinatatakutan at hindi
rin sya marunong magdasal ngunit lagi nyang pinoprotektahan si Maximo. Ang kuya
Bogz naman ng ay parang adik dahil sa haba ng buhok, hikaw sa tenga at sa mga
tattoo sa braso. Mahilig rin nyang lokohin ang mga dalaga sa kanilang
barangay.Mahilig manood ng sine si Maximo. Nanonood sya sa maliit ng kwarto na
para ring cinema house at nagbabayad din sila doon. Kasama nya ang mga kaibigan
nya. Iyon nga lang pirated CD’s ang ipinapalabas. Isang araw ang mga kaibigang
bakla ni Maximo ay nagkaroon ng kunwaring beauty contest. Pumunta sila sa bahay
ng isa nilang kaibigan at nanghiram ng mga costumes.Rumampa sila na suot ang
mga damit. Umarte sila na parang nasa isang beauty contest. Noong nasa question
& answer portion na, na may tanong na: “Para sa’yo ano ang love?” Hindi iyon
masagot ni Maximo dahil hindi pa nya iyon nararanasan. Nagpaalam na sya sa
kanyang mga kaibigan gabi narin kasi noon. Habang sa daan muntikan na ma-rape
si Maximo buti na lang at dumating si Police-of-Officer Victor Perez. Pinasan nya si
Maximo hanggang sa bahay nito. May kung anong naramdaman si Maximo sa
nangyari. Hinatid ng pulis si Maximo sa bahay nito. Kinabukasan dinalhan ni Maximo
si Victor ng pananghalian sa police station. Simula noon lagi nang dinadalhan ni
Maximo si Victor ng pananghalian.Lagi ring pumupunta si Maximo sa bahay ni
Victor. Isang pumunta sina Victor at ang ilang kasama nitong pulis upang hulihin
ang drug pusher sa barangay ni Maximo. Pinigil sila ng tatay ni Maximo at sinabing
“Magkano ang halaga upang pakawalan nyo ang lalaking ito” Tumanggi si Victor at
hinuli parin ang lalaki. Walang nagawa ang tatay ni Maximo. Naging malapit ang
pamilya ni Maximo kay Victor. Minsan iniimbitahan pa ng tatay ni Maximo si Victor
upang uminom sa kanila.Dati iyon simula nang masangkot ang kuya Boy ni Maximo
sa pagpatay ng isang estudyante at nakita pa ni Victor ang damit na sinusunog ni
Maximo. Nagkaroon ng lama tang pagkakaibigan ni Victor at ng pamilya ni Maximo.
Binugbog ng tatay ni Maximo nang nalaman nya na si Boy ang pumatay sa
estudyante. Pinagtatago nya ito sa bahay ng tiyahin nya.Binugbog nina Bogz at ng
tatay nito si Victor upang din a matuloy ang paghuli kay Boy. Dinala ni Maximo si
Victor sa bahay nito at nilinisan ang sugat binihisan at binantayan magdamag.
Kinabukasan pinagluto nya si Victor ng umagahan ngunit wala parin itong kibo.
Umalis ng bahay ang tatay ni Maximo upang katagpuin si Hepe Dominguez. Di
inaasahang binaril ni Hepe Dominguez ang tatay ni Maximo at agad itong
namatay.Nakita ito ni Boy. Wala syang nagawa kundi ang malungkot sa nangyari.
Umiyak si Maximo sa nangyari sa pinakamamahal na ama. Dinalaw nila si Bogz sa
kulungan dahil nasangkot rin sya isang patayan. Sa nalamang masamang balita
nagwala si Bogz sa loob ng selda. Nakalaya na si Bogz at gusting gantihan ang
pumatay sa tatay nila. Iniwan nila si Maximo sa bahay mag-isa. Ilang saglit ay
bumalik sila sa bahay at nagbagong buhay na.Nagsimula na ulit na mag-aral ni
Maximo. Naging mabuting kapatid na rin sina Boy at Bogz. Sa kabila ng pagkamatay
ng mga magulang ni Maximo masaya parin sya. Pinipilit na nyang maging tunay na
lalaki.
X. Aral O mensahe
Hindi masama ang umibig ilagay lang ito sa tama.

You might also like