You are on page 1of 3

Ang pagdadalaga ni Maximo

Oliveros
Movie Review sa Piling Larang
I.Direksyon

Si direk Auraeus Solito ay naiiba sa ibang mga director dahil ang kanyang mga pelikula ay
mga naiiba katulad nalamang ng pelikulang ito. Kahit na naiiba ang istorya nito hindi naman
nalalayo sa totoong buhay. Ang pelikulang ito ay nagkamit ng 19 na parangal at 14
nomination sa iba;t ibang division kaya hindi mapapagkailangan ang pelikulang ito ay
nabigyan ng magandang direksyo.

II. Istoryang Pampelikula

ang istoryang ito ay tungkol sa isang mahirap bakla na umibig at nagkagusto sa isang pulis
ngunit pilit itong hinahadlangan dahil sa bawal ito dahil ang mga kapatid ni maximo ay mga
criminal. Kaya hindi ito maari kung magustuhan man siya nito ay mahuhuli ang kanyang mga
kapatid.

Sumasalamin ang pelikula sa katotohanang nangyayari sa tao. Lalo na sa mga nakatira sa


squatters area. Ang iba’y nagiging masama dahil sa kapaligiran ngunit maaari parin naman
syang magbago. Dapat tanggapin natin ang isang tao kahit ano pa man ang kasarian niya.

III.Pagganap
Maximo Oliveros – bida, 12 yrs. Old na bading ngunit matulungin sa tao.
Bogz Oliveros- kuya ni Maximo. Nakulong dahil sa kasong murder.
Boy Oliveros- Panganay na kapatid ni Maximo. Nakapatay ng dalagitang estudyante.

Victor Perez- police na nagligtas kay Maximo nang tangka na syang gahasain. Nagustuhan
ni Maximo.

Hepe Dominguez- nakapatay sa tatay ni Maximo.Ama ni Maximo- nagtitinda ng nakaw na


cellphone.
Nathan Lopez ... Maxi Soliman Cruz ... Paco J.R. Valentin ... Victor Neil Ryan Sese ... Boy
Ping Medina ... Bogs Bodjie Pascua ... New Sergeant
Nandito rin sina
Elmo Redrico ... Sarge Ivan Camacho ... Art Lucito Lopez ... PulisSir Jett Desalesa ... Leslie -
Maxi’s friend Anastacio Cruz ... Nar - Maxi’s friend Raychell Torre ... Monique - Maxi’s friend
Peter Anthony Tombasa ... Peter - Maxi’s friend

IV.Sinematograpiya
Maganda ang pagkakalapat ng mga liwanag/dilim ngunit di konagustuhan ang
pinangyarihan dahil puro squatter ang mga bahay, madumi at magulo.
ILAW –madilim at wala sa ayos ang mga ilaw nito
ANGGULO- Nasa tama naman ang mga anggulo ng camera

DAMIT- ang damit ng mga gumanap dito ay simple at medyo madumi dahil siguro sa
kanilang set. Pero tumugma naman ito sa pelikula.

V. Disenyong Pamproduksyon
Naging angkop ang mga kagamitan, tanawin at iba pa sa ginawang pelikula.

VI. Editing
Maayos ang pagkaka-edit sa pelikula. Sa tingin ko naman walang pinutol sa pelikula. Ngunit
ang ilang mga malalaswang parte ay dapat na di sinali sa pag-editBuod

VII. Musikal Iskoring


Nakatulong ang paglalapat ng mga tunog dahil mas pinaganda nito ang pelikula.

VIII. Paglapat ng Tunog


Maayos naman at maganda ang mga pagkakalapat ng mga tunog angkop naman ito sa
pelikula at malaki ang naitulong nito upang mas lalong gumanda ang pelikula.

IX. Buod
Si Maximo Oliveros ay isang 12 taong gulang na kabilang sa third sex. Sa kabila nito sya’y
masiyahin at matulungin sa lahat. Mahal na mahal sya ng kanyang pamilya kahit na isa syang
bakla. Matagal na ring patay ang kanyang ina. Ang kanyang ama ay nagtitinda ng nakaw na
cellphone ngunit mabuti itong ama sa tingin ni Maximo.Ang kuya Boy na ang panganay sa
kanila. Wala itong kinatatakutan at hindi rin sya marunong magdasal ngunit lagi nyang
pinoprotektahan si Maximo. Ang kuya Bogz naman ng ay parang adik dahil sa haba ng
buhok, hikaw sa tenga at sa mga tattoo sa braso. Mahilig rin nyang lokohin ang mga dalaga
sa kanilang barangay.Mahilig manood ng sine si Maximo. Nanonood sya sa maliit ng kwarto
na para ring cinema house at nagbabayad din sila doon. Kasama nya ang mga kaibigan nya.
Iyon nga lang pirated CD’s ang ipinapalabas. Isang araw ang mga kaibigang bakla ni
Maximo ay nagkaroon ng kunwaring beauty contest. Pumunta sila sa bahay ng isa nilang
kaibigan at nanghiram ng mga costumes.Rumampa sila na suot ang mga damit. Umarte sila
na parang nasa isang beauty contest. Noong nasa question & answer portion na, na may
tanong na: “Para sa’yo ano ang love?” Hindi iyon masagot ni Maximo dahil hindi pa nya iyon
nararanasan. Nagpaalam na sya sa kanyang mga kaibigan gabi narin kasi noon. Habang sa
daan muntikan na ma-rape si Maximo buti na lang at dumating si Police-of-Officer Victor
Perez. Pinasan nya si Maximo hanggang sa bahay nito. May kung anong naramdaman si
Maximo sa nangyari. Hinatid ng pulis si Maximo sa bahay nito. Kinabukasan dinalhan ni
Maximo si Victor ng pananghalian sa police station. Simula noon lagi nang dinadalhan ni
Maximo si Victor ng pananghalian.Lagi ring pumupunta si Maximo sa bahay ni Victor. Isang
pumunta sina Victor at ang ilang kasama nitong pulis upang hulihin ang drug pusher sa
barangay ni Maximo. Pinigil sila ng tatay ni Maximo at sinabing “Magkano ang halaga
upang pakawalan nyo ang lalaking ito” Tumanggi si Victor at hinuli parin ang lalaki. Walang
nagawa ang tatay ni Maximo. Naging malapit ang pamilya ni Maximo kay Victor. Minsan
iniimbitahan pa ng tatay ni Maximo si Victor upang uminom sa kanila.Dati iyon simula nang
masangkot ang kuya Boy ni Maximo sa pagpatay ng isang estudyante at nakita pa ni Victor
ang damit na sinusunog ni Maximo. Nagkaroon ng lama tang pagkakaibigan ni Victor at ng
pamilya ni Maximo. Binugbog ng tatay ni Maximo nang nalaman nya na si Boy ang pumatay
sa estudyante. Pinagtatago nya ito sa bahay ng tiyahin nya.Binugbog nina Bogz at ng tatay
nito si Victor upang din a matuloy ang paghuli kay Boy. Dinala ni Maximo si Victor sa bahay
nito at nilinisan ang sugat binihisan at binantayan magdamag. Kinabukasan pinagluto nya si
Victor ng umagahan ngunit wala parin itong kibo. Umalis ng bahay ang tatay ni Maximo
upang katagpuin si Hepe Dominguez. Di inaasahang binaril ni Hepe Dominguez ang tatay ni
Maximo at agad itong namatay.Nakita ito ni Boy. Wala syang nagawa kundi ang malungkot
sa nangyari. Umiyak si Maximo sa nangyari sa pinakamamahal na ama. Dinalaw nila si Bogz
sa kulungan dahil nasangkot rin sya isang patayan. Sa nalamang masamang balita nagwala
si Bogz sa loob ng selda. Nakalaya na si Bogz at gusting gantihan ang pumatay sa tatay nila.
Iniwan nila si Maximo sa bahay mag-isa. Ilang saglit ay bumalik sila sa bahay at nagbagong
buhay na.Nagsimula na ulit na mag-aral ni Maximo. Naging mabuting kapatid na rin sina Boy
at Bogz. Sa kabila ng pagkamatay ng mga magulang ni Maximo masaya parin sya. Pinipilit
na nyang maging tunay na lalaki.

X. Aral O mensahe
Hindi masama ang umibig ilagay lang ito sa tama.

You might also like