You are on page 1of 3

Pangalan: Angelica Mae R.

Ricaña
Taon at Kurso: BSCHM II-A

SINESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN (SINESOS)


Panuto: Pumili ng isang pelikulang panlipunan at lumikha ng isang pagsusuri gamit ang
alinman sa apat na teoryang natalakay. Gamitin ang pormat sa ibaba bilang gabay sa
pagsusuri.

“Ang Pagdadalaga ni Maximo Olivares”

A. Pagpapakilala sa Pelikula (2-3 pangungusap)


“Ang Pagdadalaga ni Maximo Olivares” ay isang kwento ng labindawalang taong gulang
na baklang nagngangalang Maximo, na kung tawagin ng lahat ay “Maxi.” Isang gabi muntikan
na siyang magahasa ngunit nakilala niya si Victor, ang bagong pulis na nakadestino sa kanilang
lugar at ito ang nagligtas sa kaniya. Dito masusubok ang tunay na pagmamahal ni Maxi kay
Victor at ang katapatan nito sa kaniyang pamilya.
B. Pagpapaliwanag sa Pamagat (2-3 pangungusap)
Mababatid na sa unang kita pa lamang sa pamagat ay nakatuon na mismo ito sa
pangunahing tauhan na si Maxi. Si Maxi ang umaako sa lahat ng responsibilidad sa gawaing
bahay, gaya ng paglilinis, pagluluto at paglalaba at kung ano pa na karaniwang gawain na
ginagagampanan ng isang kababaihan. Siya rin ay nagsusuot ng damit pambabae, naglalagay
ng palamuti sa kanyang mukha at naglalagay ng bulaklak sa tainga nito, at pakendeng kendeng
pa kung siya ay maglakad.
C. Paksa ng Pelikula (Ipaliwanag ang usaping panlipunan na higit na itinatampok ng
pelikula at maglahad ng konsepto kaugnay nito; 7-10 panungusap)
Ang kwento ay hindi lamang nakatuon sa sekswalidad o pagiging bakla ni Maxi, bagkus
ang pelikula mismo ay tumatalakay sa kahalagahan at pagmamahal sa pamilya. Ang
pagkamulat niya sa pag-ibig, pagkawala ng kamusmusan at pagtanggap sa bagong mundong
salungat sa kinagisnan noon ay kanyang naranasan. Ipinakita sa kwento ang kagustuhan ni
Maxi na maging isang ganap na babae at nagbabakasakaling makakakita siya ng lalaking
magmamahal sa kanya balang araw. Siya ay parang prinsesa kung ituring ng kanyang mga
nakakatandang kapatid. Mayroon ding isang eksena sa pelikula na naglalambing ang Kuya
Bogs nito at nagpapatirintas sa kaniya. Kaya siguro mahal na mahal siya ng kaniyang pamilya
at hindi ito kinakitaan ng anumang pangmamaltrato. Hindi lingid sa kaalaman ni Maxi ang
totoong trabaho ng kaniyang pamilya ngunit hindi ito kailanman kwinestyon ang maling
pamamaraan ng hanapbuhay ng kaniyang pamilya. Nagsimulang mamulat sa katotohanan si
Maxi ng makilala niya si Victor. Nakaapekto ang relasyon nito kay Victor na nakapagpabago sa
kanyang pananaw sa buhay. Nasaksihan ng dalawang mata ni Maxi kung paano namatay ang
ama nito. Subalit ito ang nakapagbago sa buhay ng pamilya Oliveros. Kasabay ng pagkamatay
ng isa sa pinakaimportanteng tao sa kanilang pamilya, ay siya ring dahilan ng pag-iiba sa
pananaw ng buhay. Makikita sa huling klip ng eksena, ang hindi paglingon ni Maxi kay Victor,
determinadong mas pinipili ang pamilya kaysa sa nararamdaman nito.
D. Teoryang Papanitikan (Pumili lamang ng isang teorya at maglahad ng atleast 3 na
magpapatibay sa teorya mula sa pelikulang napili. Nasa estratehiya kung paano
palilitawin ang teorya sa pelikulang napili.)
Gumamit ng dulog na Realismo ang pelikula sapagkat ito ay makatotohanan.
Masasalamin dito ang tunay na kalagayan sa totoong buhay. Makikita sa unang bahagi ng
pelikula ang maingay na komunidad, mga tambay na ginagawa ang mga bisyu sa madilim na
eskinita, at mayroon ding batang umiinom ng tubig mula sa gripo na hindi sigurado kung ligtas
ba itong inumin. Sa maikling salita sila ay nakatira sa iskwater area. Iilan lamang ito sa mga
bagay nagmumungkahi ng isang nasyong kulang sa suporta at atensyon galing sa gobyerno.
Ang sakit na hindi agad naipagamot ay ang nagdulot sa maagang pagkamatay ng kanyang ina.
Ipinabatid din sa pelikula kung paano binuhay ng haligi ng tahanang Oliveros na si Paco,
kasama na ang dalawang anak pa nito sa pamamagitan ng pagnanakaw ng cellphone upang
may panggastos sila araw-araw. “Hindi mo ba iniisip na nakasalalay ang buhay namin,
makakain ka lang araw-araw…… Ano papasok ako sa factory? Kakayod na parang
kalabaw sa katiting na sweldo? Tapos may magkakasakit, tas hindi ako
makakapagbayad sa ospital. Hindi na. Hinding hindi na mababawasan ang pamilyang
ito.” Nakakalungkot isipin subalit ang mga ganitong pangyayari ay laganap sa totoong buhay.
Kung siguro ang lahat ay nababayaran ayon sa kakayahag gumawa, tiyak walang ni isang
taong mararapating pumasok sa illegal na trabaho.
Si Paco, ang tinaguriang haligi ng tahanan ngunit siya rin pala ang utak ng krimen sa
kanilang lugar. Makikita sa unang parte ng kwento na magkasundo ang mga kriminal at
kapulisan. Ipinapahiwatig nito ang magandang pakikitungo sa parehong partido ngunit isa rin ito
sa nagpapakita ng katiwalian. Sapagkat ang mga nasa mataas na posisyon ay tumatanggap ng
suhol galing sa kriminal. Maituturing na isang banta ang pagkadestino ni Victor sa lugar nila.
Salungat sa pinapakita ng dating hepe, ito namang si Victor ay ginagampanan nang maayos
ang trabaho, at hindi kailanman kinunsinti ang masasamang gawain. Sinasagisag nito ang
isang tapat na mamamayan sa gobyerno. “Maraming masamang tao sa mundo, Maxi.
Minsan kailangan mo silang tapatan. Dahil kung hindi walang magbabago.”
Ang paglalarawan ni Solito sa pangunahing tauhan nito na si Maxi, isang mabait,
mahinhin, maalaga at matapat na binabaeng bata, ay representasyon ng homosekswal o
LGBTQ community sa lipunang Pilipino. Ang kamangha-manghang pagtanggap ng pamilya
Oliveros kay Maxi at ang panunuksong ginagawa ng mga tao sa kanilang lugar ay
nagpapahiwatig na mayroon pa ring diskriminasyon na nangyayari sa totoong buhay. Masasabi
man natin na ligtas ito sa piling ng kaniyang pamilya, ngunit may mga bagay pa rin na
humahadlang sa nais na makamit nito. Dagdag pa rito ang pamumuong pagmamahal na
nararamdaman ni Maxi kay Victor.
E. Mensahe ng Pelikula (3-5 pangungusap)
Sa kabuuan, iminumulat ng may akda ang manonood sa reyalidad ng buhay sa
pamamagitan nang pananaw ng isang batang homosekswal at ang kainosentehan nito sa isang
masalimuot na mundo. Sa pamamagitan ni Maxi, ipinakita nito na matutong harapin nang buong
tapang ang kinabukasang puno ng posibilidad. Ang isang magulong mundo ay hindi kaagad
nag-uudyok ng radikal na pagbabago. Ang pagnanasang baguhin ang mundong kinagagalawan
ay kailangan na rin dahil sa pagbabagong nais nating imulat ang ating mata sa totoong
kamalayan sa mundo. Hindi lahat ng nakikita ng mata ay totoo. Minsan kailangang mo ring
intindihin kung ano ang ipinapabatid ng iba sa’yo. Nagsisimula lamang ang pagbabago kung
alam ng tao ang dapat na baguhin. Ang panantiling walang alam ay desisyon ng taong takot
harapin ang kinabukasan.

You might also like