You are on page 1of 2

Module 2

Jonathan B. Bigueras BSSW 3-C

Parasite ni Bong Joon-Ho

Sa pelikulang Parasite ay pinapakita at tinatalakay ang kasalukuyang isyung panlipunan


sa lente ng Marxismo at Realismo. Ang Marxismo ay teoryang pampanitikan na nagpapakita ng
pag unlad ng kapitalismo at ang epekto nito sa uring panlipunan na nagdudulot ng tunggalian
dahil sa kaisipan,pag uugali at estado ng buhay ng mga tao. At ang Realismo naman ay ang
pagpapakita ng makatotohanang pangyayari sa lipunan at ang panitikang ito ay hango sa
totoong buhay at mga pangyayari. Ito ay pinakamalapit sa tao sapagkat ito ay naglalahad ng
nakikita, nararandaman at iba pang karanasan ng tao na naisasalin sa panitikan.

Sa mahigit dalawang oras ng pelikula ay ipinakita ang taas at baba ng ating lipunan. Ito
ay sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan at ugnayan ng mga uring panlipunan ng mayaman
at mahirap sa pangkalahatan. Ang Parasite sa tunggalian sa pagitan ng mahihirap, sa
kagustuhan nilang guminhawa ang buhay ay nagnais na maging empleyado ng mayayaman
upang makaalpas sa kanilang kinasasadlakan. Malinaw ang mga maniobra ng mahirap na
pamilyang Kim para makapag trabaho sa bahay ng mayamang pamilya Park, habang
nagpapanggap na hindi sila magkaanu-ano: mula sa kaunting pagsisinungaling hanggang
lubusang pagsisinungaling, pag-imbento ng kasalanan, paglalagay sa panganib ng buhay ng
iba, at pagpeke ng ebidensya. Pero hindi lang tunggalian ng mahihirap ang ipinakita ng
pelikula; ipinakita rin nito ang mas malaking tunggalian sa pagitan ng mayayaman at mahihirap.
Mapapansin ang mga pinong detalye na hindi madaling makita sa kapana-panabik na takbo ng
kwento. Hindi lang yaman at kapangyarihan ang kaibahan ng mayayaman sa mahihirap. Sa
maraming dekada nilang pagiging mayaman, may nabuo na silang pandama – o “pang-amoy”
sa masaklaw na pakahulugan – para mapag-iba ang kauri sa hindi. Ang akala ng mga nasa
panggitnang uri, sapat na ang magbihis at kumilos na parang mayaman para makahanay at
makabagay sa kanila. Pero mayroong mga pananda ang mahihirap, lalo na sa mata ng
mayayaman, na nagpapakita ng kaibahan: isa na nga ang amoy – pero nariyan din ang kutis ng
balat, ayos ng ngipin, punto ng pananalita lalo na ng Ingles, gaspang ng kamay at paa,
kostumbre sa pagkain at marami pang iba pa.

Sa takbo ng kwento ng Parasite ay mayroong kakaibang paglalarawan, hindi siguro ng


mulat na pagkakaisa, kundi ng obhetibong pagkakaisang-hanay, ng masang anakpawis. Sa
takbo ng kwento, kinakatawan ng mga pamilya ni Geun-sae at Mang Kim ang masang anak
pawis. Sa pelikula, ang pagkakaisang-hanay na ito ay inuudyok hindi ng pagmamahalan o
anumang positibong damdamin ng masang anakpawis sa isa’t isa. Sa halip, itinutulak ito ng
malupit na pagkamalay sa pagkakapareho ng pagturing-pangmamata – at sabihin pa, kaapihan
at atake – na dinaranas sa kamay ng mga nakakaangat ang estado sa buhay. Sa aspeto ng
pagkainsulto dahil naituring ng mayayaman na katulad lang ng nakakababang uri, maaaring
pasaklawin ang katotohanan ng Parasite mula sa masang anakpawis hanggang sa uring
petiburgis. Naitulak at maitutulak din ang uring petiburgis sa pagkagalit sa naghaharing uri sa
mga pagkakataong itinuring ito, o ang mga elemento nito, na katulad ng nakakababang mga
uri. Makikita rin ang tema ng ekonomiya bersus kultura. Malay ang lahat ng mahihirap sa
pelikula na naiiba ang pang-ekonomiyang katayuan nila sa pamilya Park – at tanggap nila ito,
wala silang problema rito. Pero nagkaroon ng bitak ang pagtingin ni Mang Kim sa kanyang
employer nang malaman at makita niya ang kakaibang pagtingin nito sa kanya – sa kanyang
amoy, partikular, sa antas-kultura, bagamat nagmumula sa ekonomiya. Ang mas nakakarami,
tanggap ang pag-iral ng pang-ekonomiyang pang piling tao, pero maaasahang magalit at
magwala kapag nakakita ng elitismo, sa makitid na pangkulturang kahulugan.

Ang Parasite ay ituturing na isang pelikula na maibubuod sa isang sosyalistang pangaral


o mensahe, o alegorya, mabibigo ito, dahil magmumukha itong masyadong simple o tahas.
Masasabi kong mahusay ang literal na pagtalakay ng pelikula sa kaibahan ng katayuan ng
mayayaman at mahihirap, at sa pangmamata ng una sa huli. SWalang pagkakaisa ng
manggagawa rito, malinaw – isa itong matinding labanan sa pagitan ng nagtatrabahong
mahihirap, naglalabanan para sa mumo mula sa mesa ng mayayaman. Isa itong obra na
nagtutulak sa ating maging mapanuri sa isyung panlipunan na nakakaapekto sa buhay ng
pangkalahatan. Ito’y usaping pang-ekonomiya at pangkulturang pag-angat sa loob ng
namamayaning sistema.

You might also like