You are on page 1of 5

MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY

College of Teacher Education

MGA PARAAN NG PAGTALAKAY BATAY SA MGA TEORYANG PAMPANITIKAN

REALISMO

Introduksyon:

Sinusuri ng lecture na ito ang mga paraan ng pagtalakay batay sa mga teoryang
pampanitikan lalong-lalo na ang Realismo. Sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga paraan ng
pagtalakay batay sa mga teoryang pampanitikan ay makatutulong ito upang mas malaman pa ng
mga mag-aaral ang bawat teorya na naayon sa ating panunuring pampanitikan. Ang lecture na ito
ay umaakit din ng sa mga mag-aaral sa kritikal na pagsusuri ng mga patuloy na isinasagawang
panitikan na maaaring maibahagi sa susunod pang henerasyon.

Mga Layunin

Pagkatapos ng araling ito inaasahan na ang bawat mag-aaral ay lubos na maunawaan ang
mga sumusunod:

(a) Nalaman ang kahulugan ng Realismo

(b) Naisapuso ang katotohanan kaysa sa kagandahan; at

(c) Nasuri ang isang akdang pampanitikan.

Lecture

TEORYANG REALISMO

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


 cte@mmsu.edu.ph (077) 600-2014
www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education

Ang teorya ng realismo ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitong


pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian,
kahirapan at diskriminasyon. Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno. Mahalaga
din sa nagsusuri ng mga akda na sinusuri sa teoriyang ito na maiugnay ang mga pangyayari sa
akda o teksto sa lipunan.

Layunin nito na ipakita ang mga karanasan at masaksihan ng may-akda sa kanyang


lipunan. Higit na pinahahalagahan ang paraan ng pagsasalaysay kaysa sa paksa. Samakatwid
ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-
alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang isinulat. Nagpapahayag ito
ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng buhay.

Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang tao,


anumang bagay at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging makatotohanan ang
paglalarawan o paglalahad. Karaniwang nakapokus ito sa paksang sosyo-pulitikal kalayaan,
at katarungan para sa mga naapi. Kalimitang paksain ang nauukol sa kahirapan,
kamangmangan, karahasan, krimen, bisyo, katiwalian, prostitusyon at kawalan ng
katarungan.

KASALAN SA NAYON

Ang kasalan sa nayon ay isang maikling kuwento na isinulat ni Eleuterio P. Fojas. Ang
paksa ng maikling kuwentong ito ay kung ano nga ba ang nangyayari kapag ikinakasal ang
isang tao. Mga bagay na kayang gawin ng mga magulang mapasaya lamang ang kanilang mga
anak. Si Alberto na nagnanais ng magarbong kasalan katulan ng kaniyang kuya Saro ay ginawa
ng kaniyang mga magulang. Sa kadahilanang ayaw mapahiya ito sa kanilang anak ay nangutang

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


 cte@mmsu.edu.ph (077) 600-2014
www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education

ng palihim sina Alberto ang ng kanyang ina para magkaroon ng magarbong kasalan sa kanilang
nayon.

Masasabing ang maikling kuwentong ito ay TEAORYANG REALISMO sapagkat


nararanasan natin ito sa totong buhay. Halimbawa na lang sa kasalan, bago pa man sumapit
ang kasal ay nagkakaroon ng maikling pagtitipun-tipon ang isang nayon upang bigyang
pansin ang pagkakasalan ng dalawang magkasintahan. Sa gabing ito nagkakantahan,
nagsasayawan, umiinom ng mga alak, atbp. Nagsisidating rin ang mga kamag-anak upang
bigyang halaga ang kasal ng isa sa miyembro ng kanilang pamilya. Sa araw ng kasal ay
maraming tao ang dumadalo upang saksihan ang pagpapakasal ng dalawang magkasintahan.
Pagkatapos ng kasal, ay nagtitipun-tipon lahat ng tao upang kumain at sa gabi naman ay
patuloy ang selebrasyon. Ngunit sa kabila ng selebrasyong ito ay hindi maikakaila ang mga
nagastos ng mga pamilya ng nagpakasal.

Ang lahat ng ito nagagawa natin dahil mahal natin ang isang tao. Gagawin natin ang lahat
maging masaya lang ito. Sa totoong buhay, kinakaya natin ito dahil nagiging masaya tayo kung
nakakakita tayo ng isang taong masaya dahil sa ginawa nating maganda. Kaya’t TEORYANG
REALISMO ito sapagkat masasalamin ito sa totoong buhay.

LUGMOK NA ANG NAYON

Ang lugmok na ang nayon ay isang halimbawa ng Maikling Kuwento na isinulat ni


Edgardo M. Reyes. Si Edgardo M. Reyes ay isinilang noong Setyembre 20, 1936 at
pumanaw noong Mayo 15, 2012, ang isa sa mga tinaguriang Haligi ng Kontemporaryong
Panitikang Pilipino. Bukod sa pagiging isang manunulat, si Edgardo ay isa ring mahusay
nascreenwriter, nobelista at kuwentista. Ilan sa kanyang mga likha tulad ng Laro sa Baga

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


 cte@mmsu.edu.ph (077) 600-2014
www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education

at Mga Uod at Rosas ay nagkamit na ng mga papuri. Ang mga ito ay nakilala sa buong
mundo at naisalin na sa iba’t-ibang wika.

PAKSA NG MAIKLING KUWENTO

Ang paksa nito ay ang pagiging matulungin ng mga taga-nayon o probinsya kahit na
sila ay hikahos sa buhay ay handa silang tumulong o magbigay ng tulong sa mga humihingi sa
kanila. Maganda ang kwentong ito sapagkat ang kwento ay tumutukoy sa pagiging mainit sa
pagtanggap sa mga bisita kahit na nasa nayon kayong nakatira.

TEORYANG PAMPANITIKAN

Ang “Lugmok na ang Nayon” ay uri ng maikling kwento na Realismo sapagkat


sumasalamin ito sa tunay na buhay natin. Totoo na kung tayo ay pumupunta sa mga nayon o
probinsya man natin ay pinagsisilbihan tayo at ang pinakamagaganda lang ang ipinapakita
sa atin ng mga tao roon kahit hikahos sila.

Masasabing REALISMO ang uri ng maikling kwentong ating binasa sapagkat ito ay
sumasalamin sa tunay na buhay. Halimbawa na lamang nito ang pagiging magiliw ng mga tao
sa kanilang bisita lalo na sa kanilang mga kamag-anak.

Makikita rin natin na ang paglalarawan sa nayon ay hindi lamang kathang-isip kundi
makatotohanan.

KAUGNAYAN NG PAMAGAT SA KABUUAN

Kung ating mababasa/babasahin ang buong storya ng Maikling kuwento ng lugmok na


ang nayon mapapansin natin na sa umpisa pa lamang ay mapapansin na kung ano ang kaugnayan

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


 cte@mmsu.edu.ph (077) 600-2014
www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education

ng titulo nito sa mismong istorya na kung saan ang pinaka paksain ng istorya ay ang
pagkakaroon ng kahirapan o kalbaryo na kinahaharap ng mga tao sa nayon ng sapang
putol na dumaranas ng paghihikahos dahil narin sa mga taga lungsod.

Sanggunian

https://prezi.com/m6wzaq7lynfv/teoryang-realismo/

https://prezi.com/p/uus8dmcxdkpq/maikling-kwento/

Inihanda nina:
Andres, Jasmine
Calamayan, Jherome
BSEd- FILIPINO 2A

Susuriin ni:
Dr. Maria Eliza Lopez
Propesor ng PAN 123

Pebrero 12, 2022

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


 cte@mmsu.edu.ph (077) 600-2014
www.mmsu.edu.ph

You might also like