You are on page 1of 8

Silay Institute, Incorporated

Lungsod ng Silay, Probinsya ng Negros Occidental


Junior High School Department
Taong-Panuruan 2020-2021

RICHARD ABORDO PANES, LPT

MODYUL
SA
FILIPINO 8
( Unang Markahan )
Silay Institute, Incorporated
Lungsod ng Silay, Probinsya ng Negros Occidental
Junior High School Department
Taong-Panuruan 2020-2021

RICHARD ABORDO PANES, LPT

ARALIN 3
EPIKONG BANTUGAN

Introduksyon

Ang pulo ng Mindanao ay mayaman sa likas na yaman.


Isang pulo na kung saan hindi lubusang nasakop ng Espanyol.
Kung panitikan ang pag-uusapan hindi rin pahuhuli ang pulo na
Mindanao. Napatunayan ito sa Katipunan ng aklat na
nagtataglay ng epikong pinamagatang Darangan. Ang mga
epikong ito ay binubuo ng 25 kabanata. Ito ay naglalaman ng
kabayanihan, kagitingan, at kahangang-hangang gawain ng mga
Meranao. Ang aklat na ito ay inihahalintulad sa Iliad at Odyssey
ni Homer. Tinawag itong Odyssey ng Lanao. Ilan sa kilalang-
kilalang epiko mula sa Darangan ay ang Bantugan, ang
Indapatra at Sulayman, at ang Daramoke-a-Babay.

Sa araling ito ay matutunghayan ang isa sa tatlong


mahalagang akda ng Darangan, ang Bantugan, na orihinal na
naitala sa wikang Meranao na sinasabing isang wikang Malayo-
Polynesian. Ito ay buong tiyagang inilagay sa katitikan ni Dr.
Frank Laubach noon lamang 1930 na nagpapasalin-salin laamng
sa isip at bibig noon.
Silay Institute, Incorporated
Lungsod ng Silay, Probinsya ng Negros Occidental
Junior High School Department
Taong-Panuruan 2020-2021

RICHARD ABORDO PANES, LPT

Matapos mong maunawaan ang katangian at kahalagahan


sa buhay ng mga Pilipino ng ilang sinaunang panitikan, sa
bahaging ito ay iyong makilala ang isa pang itinuturing na
maipagmamalaking matandang panitikan – ang epiko. Kung nais
nating mabakas ang kasaysayang may kaugnayan sa kalinangan
ng ating lahi at nais nating matagpuan muli ang ating mga sarili
ay napapanahon na upang balikan at pagtuunan ng pansin ang
ating mga epiko. Bagama’t ito ay nalikha batay sa kababalaghan
at nagtataglay ng mga di- kapani-paniwalang pangyayari,
kasasalaminan ang epiko ng kultura ng rehiyong pinagmulan
nito na tunay na maipagmamalaki.

Ang araling ito ay tutulong sa iyo upang maunawaan mo


kung bakit napabilang ang epiko sa matatandang uri ng
panitikan na nananatili pa rin sa kasalukuyan.

Nakapaloob din sa araling ito ang pagtatalata at


pagpapalawak ng paksa. Ang talata ay isang maikling kathang
binubuo ng mga pangungusap na magkakaugnay, may
balangkas, may layunin, at may pag-unlad ang kaisipang
nakasaad sa pinakapaksang pangungusap na maaaring lantad o
di lantad. Layunin nito na makapaghatid ng isang ganap na
kaisipan sa tulong ng mga pangungusap na magkakaugnay.

Sa kasanayang pangwika naman, tatalakayin ang mga


hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari. Dito mapagtanto
ng mga mag-aaral na ang malinaw, mabisa at lohikal na
Silay Institute, Incorporated
Lungsod ng Silay, Probinsya ng Negros Occidental
Junior High School Department
Taong-Panuruan 2020-2021

RICHARD ABORDO PANES, LPT

pagpapahayag ay maipapakita sa maayos na pag-uugnayan ng


mga salita, parirala, at pangungusap.

Halaw sa ( file:///C:/Users/admin/Desktop/FILES%20from
%20REALME/Unang_Markahan_Baitang_7_Supplemental_Le.pdf )

Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali ng


Kaharian ng Bumbaran. Dahil sa kanyang katapangan, walang
mangahas na makipagdigma sa Bumbaran. Bukod sa pagiging
matapang ni Bantugan, siya pa rin ang naghahari at namamayani
sa puso ng maraming mga kadalagahan. Dahil sa inggit sa kanya
ng kanyang kapatid na si Haring Madali, ipinag-utos nito na
walang makikipag-usap kay Bantugan at ang sinumang
makikipag-usap sa kanya (Bantugan) ay parurusahan ng
kamatayan.

Nang malaman ito ni Bantugan, siya ay labis na


nagdamdam at dahil sa laki ng kanyang pagdaramdam, siya ay
nangibang-bayan. Dahil sa matinding pagod sa paglalakbay
kung saan-saan, si Bantugan ay nagkasakit hanggang sa siya ay
abutin ng kamatayan sa pintuan ng palasyo ng kaharian ng
lupaing nasa pagitan ng dalawang dagat.

Nang matagpuan siya ni Prinsipe Datimbang at ng kapatid


nitong hari, sila ay nagulumihanan sapagkat hindi nila kilala si
Bantugan. Tinawag ng magkapatid ang konseho upang
isangguni kung ano ang kanilang dapat gawin. Habang sila ay
nag-uusap, isang loro ang dumating sa bulwagan at sinabi sa
Silay Institute, Incorporated
Lungsod ng Silay, Probinsya ng Negros Occidental
Junior High School Department
Taong-Panuruan 2020-2021

RICHARD ABORDO PANES, LPT

kanilang siya ay galing sa Kaharian ng Bumbaran at ang


bangkay ay ang mabunying Prinsipe Bantugan ng Bumbaran.

Nang magbalik ang loro sa Bumbaran ay ibinalita niya kay


Haring Madali ang pagkamatay ni Bantugan. Kaagad lumipad sa
langit si Haring Madali kasama ang isang kasangguni upang
bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Samantala, dinala naman ni
Prinsipe Datimbang ang bangkay ni Bantugan sa Bumbaran.
Pagbalik ni Haring Madali ay pinilit niyang ibalik ang kaluluwa
ni Bantugan. Nang muling mabuhay si Bantugan ay nagsaya ang
lahat at nagbago si Haring Madali.

Nang mabalitaan ni Haring Miskoyaw, kaaway ni Haring


Madali na si Bantugan ay namatay, lumusob si Haring
Miskoyaw kasama ang marami niyang kawal sa Bumbaran.
Dumating ang pangkat ni Miskoyaw sa Bumbaran na
kasalukuyang nagdiriwang dahil sa pagkabuhay na muli ni
Bantugan na hindi nalalaman ni Miskoyaw. Natigil ang
pagdiriwang at ito ay napalitan ng paglalabanan.

Pumailanlang sa himpapawid si Bantugan at siya ay


nakipaghamok sa mga kalaban. Dahil sa karamihan ng mga
tauhan ni Miskoyaw at kagagaling lamang ni Bantugan sa
kamatayan, siya ay nanghina hanggang sa mabihag ng kanyang
mga kaaway. Siya ay iginapos subalit unti-unti ring nagbalik ang
kanyang lakas nang makapagpahinga. Nalagot niya ang
pagkakagapos sa kanya at muling lumaban. Dahil sa malaking
Silay Institute, Incorporated
Lungsod ng Silay, Probinsya ng Negros Occidental
Junior High School Department
Taong-Panuruan 2020-2021

RICHARD ABORDO PANES, LPT

galit sa mga kaaway, higit siyang naging malakas hanggang sa


mapuksang lahat ang mga kalaban. Pagkatapos ng labanan ay
dinalaw ni Bantugan ang palibot ng Kaharian ng Bumbaran at
pinakasalang lahat ang kanyang mga katipan at sila ay dinala sa
kanyang kaharian. Sinalubong sila ni Haring Madali nang buong
katuwaan at muli, lahat ay nagdiwang. Nabuhay nang maligaya
si Bantugan sa piling ng kanyang mga babaeng pinakasalan.

Maaaring basahin ang mahabang buod sa aklat ng Pinagyamang Pluma 8, Ikalawang


Edisyon nina Ailene G. Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, Mary Grace G. Del Rosario, at
Alma M. Dayag mula pahina 54-57

ALAMIN NATIN!

Ang talata ay isang maikling kathang binubuo ng


mga pangungusap na magkakaugnay, may balangkas, may
layunin, at may pag-unlad ang kaisipang nakasaad sa
pinakapaksang pangungusap na maaaring lantad o di
lantad. Layunin ng isang talata ang makapaghatid ng isang PAGTATALATA
ganap na kaisipan sa tulong ng mga pangungusap na
magkakaugnay. AT
Upang maging mabisa ang isang talata, ito ay dapat
na may isang paksang diwa, buong diwa, may kaisahan, PAGPAPALAWAK
maayos ang pagkakalahad, at may tamang pagkakaugnay at
pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan. NG

May iba’t ibang uri ng talata ayon sa kinalalagyan sa PAKSA


Silay Institute, Incorporated
Lungsod ng Silay, Probinsya ng Negros Occidental
Junior High School Department
Taong-Panuruan 2020-2021

RICHARD ABORDO PANES, LPT

1. PAGBIBIGAY-KATUTURAN O DEPINISYON-
may mga salitang hindi agad-agad maiintindihan
kaya’t kailangang bigyan ng depinisyon. Ito’y mga
bagay o kaisipang nangangailangan ng higit na
masaklaw na pagpapaliwanag. Ang kaurian,
kaantasan, at kaibahan ng mga salitang ito ay
binibigyang-diin sa pagbibigay ng depinisyon.
TEKNIK
2. PAGHAHAWIG O PAGTATAMBIS- may mga
bagay na halos magkapareho o nasa SA
kategoryang iisa. May mga bagay rin namang
magkakaiba. Samakatuwid, ang mga bagay na PAGPAPALAWAK
magkakatulad ay pinaghahambing upang
mapalitaw ang kanilang mga tiyak na katangian, NG
samantalang ang mga magkakaiba ay
pinagtatambis naman upang maibukod ang isa PAKSA
sa isa.

3. PAGSUSURI- ang pagsusuri ay nagpapaliwanag


hindi lamang ng mga bahagi ng kabuoan ng
isang bagay kundi pati na rin ang kaugnayan ng
Silay Institute, Incorporated
Lungsod ng Silay, Probinsya ng Negros Occidental
Junior High School Department
Taong-Panuruan 2020-2021

RICHARD ABORDO PANES, LPT

Isaisip Natin!

Ang malinaw, mabisa, at


lohikal na pagpapahayag ay
naipapakita sa maayos na pag-
uugnayan ng mga salita, parirala, at
pangungusap. Mahalaga rin sa MGA
pagpapahayag ang maingat na HUDYAT
pagpili ng mga salitang gagamitin NG
upang higit itong maging malinaw sa SANHI
lahat. Kagaya na lamang sa AT
pagpapahayag ng sanhi at bunga, BUNGA
may mga hudyat na ginagamit upang NG
maipahayag ito nang may kalinawan. MGA
PANGYAYARI
1.Hudyat na nagpapahayag ng sanhi
o dahilan ( sapagkat/pagkat,
dahil/dahilan sa, palibhasa at kasi/
naging )

You might also like