You are on page 1of 5

Silay Institute, Incorporated

Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: EEE02
Antas & Pangkat: BEEd III-A&B
Akademikong Taon & Semestre 2020-2021, Unang Semestre

MODYUL 8:
Ang Panitikan sa Panahon ng Aktibismo ( Dekada ’70 )

1
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: EEE02
Antas & Pangkat: BEEd III-A&B
Akademikong Taon & Semestre 2020-2021, Unang Semestre

Introduksyon
Tatlong salita – imperyalismo, feudalism, at facismo. Ito ang mga salitang kadalasang
isinisigaw ng mga estudyante sa kanilang mga pagmimiting o rally. Ito ang panahon ng aktibis,o,
na pinaniniwalaang nagsimula nang dumating ang mga Amerikano noong 1945. Ang
paghihimagsik ng kanilang damdamin ay sumidhi at ito ay tumagal hanggang 1970.
Ang paghahangad ninumamn na mawala o huwag bigyang-pansin ang tatlong “ismo” ay
ipagpapalagay na tatak ng pagkamakabansa. Samantalang ang sumusuporta sa isinisigaw na
tatlong “ismo” ay kaaway ng demokrasya o pagkakapantay-pantay ng tao.
Kung bibigyan ng pansin ang kahulugan ng tatlong “ismo” na ito ay ganito ang magiging
paliwanag;
a. IMPERYALISMO- pagpapalawak ng lakas o impluwensiya
b. FEUDALISMO- suliranin sa pagmamay-ari ng mga lupang sakahan
c. FACISMO- pagiging diktador o paggamit ng kamay na bakal at hindi paggalang
sa Karapatan ng kapwa.
Kaya mapaglilimi na ang imperyalismong Amerikano ang kinakalaban noon ng mga
lider-estudyante. Bagama’t nagkaroon ng kalayaan ang Pilipinas noong Hulyo 4, 1946,
sinasabing naging malawak ang kanilang impluwensiya, na ang isang katibayan ay ang
pananatili noon ng Clark Air Base, Subic Sangley, at ilan pa.
Kasabay ng madalas na demonstrasyon ng lider-estudyante ay nangaglabasan din ang
mga babasahing komiks, panooring bomba at musika. Anupa’t ang naging anyo ng panitikan ay
tunay na napakababa sa paningin ng lahat pagakt ginagamitan ng malalaswang pananalita na
karamihan nauukol sa sex.
Bukod sa pagdagsa ng mga komiks at magasing naglalaman ng buhay ng kandidato ay
dumagsa rin ang mga leaflets at mga lathalaing mimeograph ng mga aktibista.
Maging ang awiting Tagalog na karaniwan ay naririnig sa mga radyo, telebisyon, o
panahon ng demonstrasyon ay nagpapahiwatig ng di-pagkakaroon ng kasiyahan sa takbo noon
ng pamamahala sa ating bayan. Ang mga awiting: Inang Laya, Pagpupuyos, Babae Ka, Wala
Nang Tao sa Santa Felomina, Base Militar, Walang Lagay at Titser ay buhat sa isipan ng mga

2
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: EEE02
Antas & Pangkat: BEEd III-A&B
Akademikong Taon & Semestre 2020-2021, Unang Semestre

nangungunang kabataang nagtatanong at nagpapahiwatig ng mga kalituhan na naghahanap ng


lunas.

Tara ! Tuklasin Natin ang mga Panitikan sa Panahong Ito!

Mga Uri ng Akdang Nasusulat sa Panahon ng Aktibismo

1. Ngayon
2. Ang Tao at ang Hayop ( Rodolfo S. Jose )
3. Ang Matapat na Kawani ( Rodolfo S. Jose )

Iba Pang Akda sa Panahon ng Aktibismo

Ang dating kakimian ng gawa ng katutubong ugaling Pilipini ay napalitan ng matapang


na paggamit ng mga salitang dati ay hindi ginagamit sa anumang uri ng katha. Tuwirang natukoy
pati maseselang bahagi ng katawan ng tao at ang mga gawaing pansarili tulad ng mga pagtatalik
ay nasusulat sa lantarang paglalarawan.
Hindi na rin nangimi ang mga manunulat na gumamit ng mahahayap na pagmumura sa
mga akdang progresibo at aktibista, naging palasak din ang panghihiram ng mga salitang Ingles,
Kastila at ibang likhang salita sa kanto at pabalbal.
Kung minsan naman ito ay nagpapahayag ng ngitngit na may halong himutok ng
kawalang pag-asa sa pagbabago ng kulang sa pagpapalit ng pamamaraan o sistema ng
pamahalaan at lipunan tulad ng isinasaad ng isang tula ni Rio Alma.

“ Marahil, dahop ang diwa ko upang isaulo’t ipaliwanag


Ang panaginip at kamatayan ng sanlaksang anakpawis
Saksi ako sa palahaw ng mga dalagitang

3
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: EEE02
Antas & Pangkat: BEEd III-A&B
Akademikong Taon & Semestre 2020-2021, Unang Semestre

Tila kinatay na baboy habang ginagahasa


Ng mga hayok na pulitiko’t negosyante
Sa sabuyan ng putik ng mga kongresistang
Pagkuwan, kapiling ang kanya-kanyang alipores
At tagapayong Puti ay nag-uunahang ibenta ang bayan
Ano ang silbi ng kabayanihan? Ng limos na laurel at ginto?
Ipangalanan sa iyo’y isang kalyeng baku-bako
O kaya’y lumuting monumentong ihian ng mga lasenggo”

Ang pagkadakila sa mga anakpawis ay umabot sa sukdulan sa panahong ito ng


rebolusyong pangmasa. Kapuna-puna ang pagkatig ng mga manunulat sa mga lumalabang lakas
laban sa pamahalaan:

“ mga kapatid, magbangon! Ngayon at magpakailan pa man!


Mga pulubing manggagawa, inaliping anakpawis
Mabuhay ang bangkay ng pag-asa’t pagmimithi
Magkikita tayo, Giliw, sa Tierra Virgin ng himagsikan
Sapagkat nasuklam ikaw sa halik ni Marie Antoinette
Pinugutan mo ng ulo- Pahimakas ng matimtimang birhen
Ang api’y di-matiyagang manalangin
Ipinagkanulo ka sa Bundok Buntis, kapagka’y iniluwal
Sa tayug at Maliwalu sumiklab ang rebolusyon
Inunan mo ang Das Kapital nang ika’y mapalaot;

Unti-unting nagising ang kamalayan, maraming kabataang manunulat ang sumulpot na


may unibersal na pananaw hindi lamang dahil sa mga pangyayari sa bansa bago dumating ang
1970 kundi dahil sa mga pangyayari sa ibang bahagi ng daigdig kaya ang dating pananalig sa
demokrasya at sa Amerika ay nanlamig.

“ ano ka mo?

4
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: EEE02
Antas & Pangkat: BEEd III-A&B
Akademikong Taon & Semestre 2020-2021, Unang Semestre

Sosyalista?
Hindi?
Ito ang demokrasyang handog ni Samwel.
Bakit ayaw mo ba ng handog ni Hegel?
Ang buong Silanga’y pula sa liyab
Ng nagtutumpukang paniwalang hubad
Ang kalapati mo ay ibig lumipad
At ang iyong tigre nais makakalag
Patuloy ang pagkakagulo
Ng bukang liwayway na ginagatungan
Ng nagliliyab na katawan
Ng mga mongheng budisal”

Ang pagtutol sa komunismo ay naipahayag sa pamamagitan ng panulat ng mga


progresibong manunulat. Ang kanilang protesta ay nasasaad na tulad sa sumusunod na mga
saknong.

“ ang panitik ni Karl Marx


Ang ginagawang espada
Isinaksak sa puso
Ng Czar ng Lumang Rusya
Ang panulat ni karl Marx
Ay may bagong dinsulan
At ito’y yaong puso
Ng ibong kalayaan

You might also like