You are on page 1of 6

Silay Institute, Incorporated

Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: EEE02
Antas & Pangkat: BEEd III-A&B
Akademikong Taon & Semestre 2020-2021, Unang Semestre

MODYUL 10:
Panitikan sa Panahon ng Bagong Demokrasya ( Simula 1986 )

1
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: EEE02
Antas & Pangkat: BEEd III-A&B
Akademikong Taon & Semestre 2020-2021, Unang Semestre

Introduksyon
Hindi malilimutan ang naganap noong Pebrero 22-25, 1986. Tinagurian din itong
People’s Power Revolution. Kasunod nito, naluklok si Corazon C. Aquino at naalis si Ferdinand
Marcos sa pagkapangulo.

Kaugnay ng mga Pangyayari

Ang mapayapang rebolusyon ay naganap noong Pebrero 22, sa pangunguna nina Juan
Ponce Enrile na Minister ng Tanggulang Bansa at Fidel Ramos na isang Heneral. Kinukumbinse
nila ang mga sundalo ng huwag sumunod sa order ni Marcos. Nanawagan sila, kasama ni
Cardinal Jaime Sin at iba pa, na pumunta sa EDSA sa pagitan ng Camp Aguinaldo at Camp
Crame.

Sa loob ng 77 na oras ay napatalsik ng mga tao si Marcos, kasama ang pamilya at mga
kroni sakay ng helicopter papuntang Clark Air Base. Mula sa Clark Air Base ay dinala sila sa
Hawaii.

Ipinahayag ang 77 oras na matahimik na rebolusyon noong Pebrero 26. Natapos ang
kaguluhan at nagsimulang nanungkulan si Cory Aquino.

Tila mga ibong nakalaya sa hawla ang mga komentarista sa radyo at telebisyon sa
paglalahad ng pros and cons sa pamahalaan.

Namayani ang mga babasahin na ang lamay ay tungkol sa kalagayan ng kabuhayan,


pulitika, at iba pa.

Naging malaya rin ang mga pahayagang pampaaralan na naglalaman ng mga


impormasyon sa iba’t ibang bagay sa paaralan, mga lathalain, at mga akdang bunga ng
umusbong na talino ng mga kabataan.

2
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: EEE02
Antas & Pangkat: BEEd III-A&B
Akademikong Taon & Semestre 2020-2021, Unang Semestre

Inaasahang magpapatuloy ang ganitong uri ng panitikan na magpapatunay ng


kalagayan sa pamamahayag. Ang mga kabataan manunulat ay hinuhubog sa lalong mahusay na
paraang nakakaya ng mga nagtuturo.

Dahil dito, maningning ang tinatanaw na bukas ng panitikan ng lahi. Maaaring ang mga
manunulat na Pilipino ay makarating sa kinaluluklukan ng mga kilalang manunulat sa buong
daigdig. Makikilala sila hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong daigdig man sa larangan ng
panulat.

Tara ! Tuklasin Natin ang mga Panitikan sa Panahong Ito!

ANG KALAGAYAN NG PANITIKAN SA PANAHONG ITO


Bagama„t iilang buwan pa lamang ang pagkakasilang ng tunay na Republikang Pilipinas
ay may mababakas nang pagbabago sa ating panitikan. At ang mgapagbabagong ito ay
madarama na sa ilang mgaTULA, AWITING PILIPINO, sa mga PAHAYAGAN , sa
mgaSANAYSAY at TALUMPATI , at maging sa mgaPROGRAMASA TELEBISYON.

PANULAANG PILIPINO

Ang mga tula sa kasalukuyan ay naglalaman ng halos walang kakimiangpagpapahayag


ng tunay na damdamin ng mga makata: a.) Ang kanilang mga tuwirang panunuligsa sa mga
nanunungkulang may mga tiwaliang gawa. b.) pagpuri sa mga nakagagawa ng kabutihan.

Giting ng Bayan
ni Francisco Soc. Rodrigo

3
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: EEE02
Antas & Pangkat: BEEd III-A&B
Akademikong Taon & Semestre 2020-2021, Unang Semestre

I
Akala ni Marcos, ay pampalagiang Kaniyang mabobola„t mapaglalaruan Ang dating maamo at
sunud- sunurang Mga matiisin nating taong bayan.
II
Salamat sa Diyos, ngayon ay gumising Itong baying dati„y waring nahihimbing Salamat at
ngayo„y sumiklab ang giting Nitong Bayang dati ay inaalipin.
III
Kaya nama„t ngayon ay taas noo Nating Pilipinoo sa harap ng mundo Pagkat tayo„y laang
magsakripisyo Sa ngalan ng laya ng tama„t totoo.

Himala ni Bathala
ni Francisco Rodrigo

Walang bahid alinlangan,


yaring aking paniwala
Na himalang mahiwaga na nagmula kay Bathala
Yaong mga pangyayaring hindi inakala
Na nagbukas nang biglaan sa pintuan ng paglaya
Para sa’ting inalipin at inaping Inang Bansa!

Lumaya ang Media (Hango sa Taliba,Abril


16, 1986)

Noong dineklara ni Apo Ferdinand


Noong setenta‟y-dos (1972) ang Batas Militar
Kinontrol ang media‟t mga pahayagan
At pati ang “rumor mongering” ay bawal.

4
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: EEE02
Antas & Pangkat: BEEd III-A&B
Akademikong Taon & Semestre 2020-2021, Unang Semestre

Ngayong diktadura‟y nilansag ni Cory


Ang lahat ng Media‟y malaya at libre
Na mangagsipuna kahit umatake
Sa mga minister, opisyal, kawani
At maging sa Bise at Presidente.

Bawasan ang Amortisasyon (Hango sa Taliba,


Abril 16, 1986)

Dahil sa gabundok na laki ng utang


Na minana natin kay Apo Ferdinand
Ang salaping sana‟y dapat na ilaan
Sa pangangailangan nitong Inang Bayan
Ay nagagamit lang panghulog sa utang.

Kailangang ihanap ng wastong solusyon


Ang problemang ito ng naaping nasyon
Mapaliit sana ang amortisasyon
Na ibinabayad natin taun-taon
Upang may matirang kuwartang pamproduksyon.

AWITING PILIPINO

Ang Magkaisa nina Tito Sotto, Homer Flores, at E.dela Pena, ang Handog ng Pilipino sa
Mundo ni Jim Paredes ay ilan sa mga awiting nagpakita ng makasaysayang tagpong naganap sa
sambayanang Pilipino na hinangaan sa sandaigdigan.
Ang binuhay na awiting Bayan Ko ni Freddie Aguilar mula sa panulat ni Jose Corazon de
Jesus ay ang pangunahing pumailanlang ngayon sa mga radyo at telebisyon.At dahil sa pagiging

5
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: EEE02
Antas & Pangkat: BEEd III-A&B
Akademikong Taon & Semestre 2020-2021, Unang Semestre

makasaysayan nito noong nakaraang matahimik na rebolusyon, iminungkahi ngayon sa


“Constitutional Commission” na gawin itong pangalawang Pambansang Awit ng Pilipinas.

Iba pang Mahalagang Impormasyon sa Panahong Ito!

 Sanaysay- Maging sa mga sanaysay, damang- dama ang labis na katuwaan ng mga
Pilipinosa nakamit sa bagong kalayaan. Mga halimbawa ng sanaysay:

1. Pag-ibig Laban sa Tangke – Teresita Sayo


2. Bukas na Liham – Jocelyn M. David
3. Susi sa Ganap na Kalayaan – Manuel T. Salva Cruz
4. Dikta ng Dayuhan – Romulo Alenio Caralipio

 Programa sa Radyo at Telebisyon- Maririnig na ang pagpapahayag ng tunay na


niloloob nang walang takot o pangamba ang mga tagapagsalita sa radyo at mga
lumalabas sa telebisyon.

 Dulang Katatawanang Ipinalabas sa Telebisyon


1. Chicks to Chicks
2. Eh, Kasi Babae
3. Sa Baryo Balimbing

 Iba pang Manunulat


1. Ponciano Pineda- Direktor ng Surian ng Wikang Pambansa
2. Isagani Cruz
3. Edgardo Reyes
4. Domingo Landicho
5. Ruth Mabanglo
6. Lydia Gonzales

You might also like