You are on page 1of 1

Necole R.

Dineros 09-11-20

BUWAN NG WIKA ‘20


WIKA NG KASAYSAYAN KASAYSAYAN NG WIKA

Sinasabing ang wika ay “kaluluwa ng kultura” at ito rin ay apoy


ng kamalayan sa sangkatauhan, ngunit ano nga ba ang ating kultura?

Taong, 2020, ay taon na kung saan bukana pa lamang ng bagong taon


ay sunod-sunod na ang mga trahedyang naganap. Pinakamabigat na
suliranin ngayon ng buong mundo ay ang lumalaganap na COVID-19.
Maraming taong binalot ng pangamba at marami ring tila ba walang
pakialam.

Ang wika o salita ay may kapangyarihan na pag-ugnayin ang mga


tao, at sa tulong ng wikang ating kinalakihan; na siyang
pinagpasapasahan na ng heneresyon, ating muling angkinin ang bansang
ating sinilangan sa sakunang lumulupig sa atin, at sa patuloy nitong
pagsakop, tayo’y ‘wag pasisiil.

Bilang mamamayang Pilipino, isa sa ating kultura ay ang


pagbabayanihan o pagkakaisa at bawat tao ay binigyan ng kalayaan na
ipahayag ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng salita o wika o kung
ano pa mang pamamaraan, kaya naman mapa-guro man, mag-aaral, opisyal
at kahit ano pang estado sa buhay ating IDEKLARA ang PAGKAKAISA upang
tayo’y tuluyan nang MAKAWALA sa mahigpit na pagkakahawak ng PANDEMYA.

You might also like