You are on page 1of 1

PANGALAN: JACOB CLINT A.

LIPURA PETSA: August 19, 2021

SEKSYON: STEM 11-8 DIGNITY

“Hindi hiwalay ang wika sa kanyang tao”

Sa paglaganap ng pandemya, nasubok ang pagiging matatag, pagtutulungan,at


pagkakaisa ng mamamayang Pilipino. Maraming naapektuhan ang
pandemya.Naapektuhan nito ang paraan ng pamumuhay ng mga tao, ang kita ng
mganagtatrabaho, biglaang pagtigil ng mga negosyo, at pati na rin ang pag-aaral ng
mga estudyante. Napigilan din nito ang pagdiriwang at pagkikita-kita ng mga tao, ngunit
gayumpaman ay hindi nito napigilan ang ating pagkakaisa. Bukod sa ating mga
frontliners, marami ring magagandang loob ang naghatid ng tulong. Kahit na marami na
ang gumagamit sa app na tiktok na kung saan ay gumagawa at nagbibigay ito iba’t
ibang sayaw at awit na iba-iba ang linggwahe, hindi parin natin nakalimutan ang ating
wikang Filipino.

Hindi lamang simbolo ng pag-unlad at pagiging Pilipino ang paggamit sa wikang


Filipino. Bilang tunay na Pilipino, mahalagang walang naiiwan o napapag-iwanan. Sa
patuloy na modernisasyon at pagharap sa global na komunidad na lumalamon at
pumapatay sa wikang katutubo, mahalagang maiposisyon ang ating mga sarili, batas,
ahensya at buong bansa sa pagprotekta sa yaman ng katutubong wika. Hindi dapat
nating isipin na ang wikang katutubo ay hadlang sa pag-unlad at pagkakaisa. Ang
anumang wika ay instrumento sa pagpapalaya, kaya nitong pabagsakin ang mapang-
api at mapang-abuso. Ang wika ay tulay sa pagtulong at pagkalinga. Ang wika ay
nanggagamot sa sugat ng mamamayang hinahambalos ng pandemya.

Sa panahon ng pandemya at kawalang akses sa impormasyon dulot ng panggigipit ng


estado, ang wika ay nagsisilbing boses sa pagsisiwalat. Kinakausap at ipinararating nito
ang nakapanlulumong kalagayan ng mga komunidad sa iba’t ibang panig ng bansa na
patuloy na dumaranas ng pasakit dulot ng pandemya. Nananatili ang ating pag-asa at
pagbangon sa kabila ng pag-abandona ng pamahalaan sa atin sa gitna ng krisis
pangkalusugan, dahil sa mga salita at wika ng pag-asa na ibinibigay natin sa bawat isa.
Tayo-tayo na lang ang nagpapalakas sa bawat isa, tayo-tayo na lamang ang
nakikisimpatya sa bawat isa, totoong tayo-tayo na lamang sa pagharap sa hamon ng
pandemya.

You might also like