Professional Documents
Culture Documents
MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS
MODYUL 7:
Panitikan sa Panahon ng Bagong Kalayaan ( Simula 1946 )
1
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental
MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS
Introduksyon
Nagbunyi at nagdiwang ang mga Pilipino nang matapos ang digmaan noong 1945. Ang
matagal na inaasam na pagkahango sa kalupitan ng mga Hapones ay natupad na rin. Ang
iniwang kapinsalaan sa buong kapuluan, tulad ng mga nawasak na gusali, mga paaralan, tulay at
lansangan-bayang ay nangailangan ng pagsasaayos. Ang pagbabagong tatag sa napinsalang
kabuhayan ay naging panibagong suliranin sa mga Pilipino. Naging suliranin din ang mga
paghihinalang may kilalang tao, na ang iba ay may mga katungkulan pa, na nakipagsabwatan o
nakipagtulungan sa mga Hapones sa panahon ng pananakop. Sinasabing sa mga nakipagtaksil na
ito ay may ilang kilalang pinatunayang hindi kolaboretor at ang pakikisamang ginawa nila sa
mga Hapones ay sinadya nila upang maging daan din ng pagtulong sa mga Pilipino.
Ang Pilipinas naman ay tinulungan sa panahong ito ng Estados Unidos, sa pamamagitan
ng mga pagkain, mga pangunahing kagamitan, at ilang milyong dolyar upang makabangon kahit
paano sa bumagsak na kabuhayan. May mga nagsasagawa ng kahilingan na pasukan ng
pagbabago ang Saligang-Batas ng Pilipinas, na binibigyang-karapatan ang mga mamamayang
Amerikano sa ating mga likas na kayamanan ( parity rights ). Walang magawa ang mahigpit na
pagtutol nina Claro M. Recto at Jose P. Laurel, sapagkat ang mamamayan ay sumang-ayon na rin
dahilan sa mahigpit na pangangailangan ng naghihirap na bansa.
Ang kalayaan ng mga Pilipino ay ipinagkaloob sa bisa ng Batas Tydings-McDuffue
noong Hulyo 4, 1946, ngunit masasabing walang ganap na kalayaan dahil sa kahirapan ng bayan
at kakulangan ng wastong pagplano para sa pagpapanibagong tatag ng bansa
2
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental
MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS
Ang naging kalagayan ng panulatang Tagalog sa panahong ito ay tulad din noong bago
magkadigmaan. Ang pagkabuhay at pagkamatay ng mga akdang Tagalog ay nakasalalay sa mga
mambabasa. Ang karamihang tumangkilik sa babasahing Tagalog ay yaong mga hindi nakapag-
aral o nakatapos ng pag-aaral. Ang mga nagsipag-aral ay hindi nagkahilig sa pagbabasa nito.
Kaya’t noong Liberasyon (1945 ) hanggang sa pagsapit ng 1950, nawala’t lumitaw ang mga
babasahing Tagalog gaya ng Sinagtala, Malaya, at Kayumanggi, sa ilalim nina Clodualdo del
Mundo, Teodoro Agoncillo, at Alejandro Abadilla. Ang Maikling Kwentong Tagalog 1886-1948
( 1949 ) na pinamatnugutan ni Teodoro Agoncillo ay nabilang mga akdang may uri na
kinagigiliwan ng marami.
Taong 1946 nang sumigla ang Panitikang Filipino, sapagkat bawat manunulat ay nagnais
na makasama ang kanilang mga akda sa mga Katipunan ng mga piling-akda na nang panahong
ito ay nagkasunod-sunod ang mga aklat-katipunan na naglalaman ng mga maituturing na may
uring katha.
Nakilala rin ang mga aklat-pampaaralan ni Juan C. Laya na Diwang Kayumanggi at
Diwang Ginto ni Brigido Batungbakal. Dahilan sa mga pinasimulang ito, unti-unting nakilala sa
mga paaralan ang kahalagahan ng mga akdang nagpapalawak sa kaisipan at pananaw ng mga
kabataang mag-aaral, kaugnay ng layuning pagbibigay-halaga sa panitikang Filipino.
Ang mga sumusunod na akda mula sa Katipunan ng mga akda ni Alejandro G. Abadilla
( 1948 );
a. Silakbo ni Marcial I. Aguila
b. Siya sa Ibabaw ng Daigdig ni Brigido C. Batungbakal
c. Maganda ang Ninang Ko at Sining Din ng Buhay ni Liwayway Arceo
d. Nupling Ang Isang Munting Halaman ni Pedro S. Dandan
e. Kalansay ni Genoveva Edroza.
Ang mga sumusunod na akda mula sa katipunan ng mga akda ni Alejandro G. Abadilla
(1948): Silakbo ni Marcial I. Aguilla; Siya sa Ibabaw ng Daigdig ni Brigido C. Batungbakal;
Maganda ang Ninang Ko at Sining Din ng Buhay ni Liwayway Arceo at Nupling Ang Isang
Munting Halaman ni Pedro S. Dandan; Kalansay ni Genoveva Edroza, at marami pang iba.
3
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental
MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS
Sina Abadilla, F.B. Sebastian, at A.D.G. Mariano (1945) ay ilan sa mga nanguna sa
larangan ng maikling kathang Tagalog, gayundin ang mga sumusunod: Aloha ni Deogracias A.
Rosario; Kasalanan sa Nayon ni Eleuterio P. Fojas; Bunga ng Kasalanan ni Cirio H. Panganiban;
Ang Lupang Tinubuan ni Narciso G. ; Reyes; at Ang Langit ni Ka Martin ni Macario G. Pineda.
Si Edroza ay may likas na giliw sa mga bata na mapapansin sa ilan niyang mga akda.
Mapupunang maingat na ilalahad ni Edroza ang mga kaalaman pansikolohiya sa pag unawa sa
mga suliranin.
Ang mga manunulat at makata noon pang unang panahon hanggang sa kasalukuyan ay
nagbibigay – kaalaman sa tunay na larawan ng kapaligiran at may layuning ipaunawa sa
kamalayan ng babasa ang mga ideya, paniwala, at pananaw sa ibat-ibang kulay ng buhay, at
maging ito ay kahapon, ngayon, at bukas.
4
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental
MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS
Si Valeriano H. Peña ay isinilang noong Disyembre 12, 1958 sa San Jose Bulacan,
Bulacan. Siya ang bunso ng isang maralitang platero tinuruan siya ng kartilya ng isang
matandang kapitbahay, at natutong bumasa at sumulat ng Tagalog sa gulang na sampung taon.
Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa paaralang bayan. Gumamit siya ng sagisag na
“Kintin Kulirat” sa kanyang pitak na “Buhay Maynila” sa pahayagang Muling Pagsilang.
Sampung taon siyang naging manunulat sa naturang pahayagan. Ang Muling Pagsilang ay
nahalinhinan ng Taliba, at nagpatuloy sa pagsulat dito si Mang Anong. Ang Buhay Maynila ay
napasalin kay Jose C. De Jesus na gumamit sa sagisag na “Huseng Batute” ng namatay si Peña.
Obra Maestra niya ang Nena at Neneng.
Amado V. Hernandez
5
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental
MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS
Alejandro Abadilla
Ang makata ng bagong panahon na nakabago sa tulang Tagalog nang higit kanino may ay
si Alejandro Abadilla. Isinilang siya sa Cavite ngunit sa Maynila higit na nakilala dahil sa
mapanghimagsik na impluwensiya sa anyo at nilalaman sa tulang Tagalog. Ipinagpakasakit ni
Abadilla ang kaunlaran at kaginhawaan ng pamilya dahil sa matinding paninindigan niya sa may
uring panitikan. Sa panulaan ay ipinakilala niya ang malayang taludturan at ang mapanghimagsik
na diwa ng impresyonismo.
6
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental
MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS
Teo S. Baylen
Marami karangalan natamo ang makatang si Teo S. Baylen, kasama na rito ang pagiging
makata ng Taong 1964, ayon sa Talaang Ginto pinagtibaay ng surian ng Wikang Pambansa;
nagtamo ng gatimpalang pangkalinangan sa Panitikan noong 1963 (Republic Cultural Heritage
Award) dahil sa aklat katipunan ng kanyang mga tula, ang Tinig ng Darating; Palanca Memorial
Awardee (1965). Kabilang sa kanyang aklat katipunan ng mga tula ang Pinsel at Pamansing at
Kalabaw at Buffalo.
Ildefonso Santos
Si Ildefonso Santos ay tubong Malabon, Rizal, at isinilang noong Enero 23, 1897.
Nagtapos siya ng pag-aaral sa Philippine Normal School, at nag turo sa paaralang bayan ng
Malabon. Sa National Teachers College niya tinapos ang Batsilyer sa Edukasyon. Naging
Superbisor din siya ng Wikang Pambansa sa kawanihan ng pagtuturo, kilala sa tawag niya na
DepEd ngayon.
Bilang makata, nag tago siya sa sagisag panulat na “Ilaw Silangan”. Hinangaan ng
marami ang mga tula niyang Ang Ulap, Panghulo, Ang Mangingisda, Gabi, at iba pa.
Aniceto F. Silvestre
7
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental
MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS
damdamin rin. Nagtamo siya ng maraming karangalan sa Panulaan, kabilang na rito ang apat na
unang gantimpala bago nagkaroon ng digmaan, ikatlong gantimpala panahon ng malasariling
pamahalaan, unang gantimpala noong ika-10 ng taon ng Republika, at unang gantimpala sa
Palanca noong 1969.
Teodoro A. Agoncillo
8
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental
MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS
I
Bawat plakard ng dugo’y isang kasaysayan.
Isang kasaysayan sa loob ng mga kasaysayan.
Mga kasaysayan sa loob ng isang kasaysayan.
Kangina pa namimigat, kangina pa kumikinig
ang ating mga palad, wari’y mga
munting bungong may kutsilyong nakatarak.
Sa look ng kurdon,
tayo’y tila mga tupang halos katnig-katnig,
magkahiramang-hininga, magkapalitang-pawis.
Bawat ngiti’s duguang balahibo
ng isang martines na walang mahapunan.
May dilang namimigat sa pangil ng tigre,
may dilang kumikisig sa abo ng dahon,
may dilang tusuk-tusok ng tinik ng suha,
ay, kampilang bungi-bungi sa lalamunan
ng isang lalaking sumusuntok sa ulap
sa tanghaway ng unat na bato!
II
Sa labas: isang lura, isang pukol ang layo,
mata sa mata,
ano’t tila kumikisay ang mga bituing
nakatusok sa mga balikat? Mga ngiti’y
nakatahing paruparo sa pawisang mga manggas.
Kaytikas ng ating mga pastol.
Namimigat ang berdeng mga ulo,
ang huberong mga ulo, ang kuping mga ulo.
Nagsisipagningning ang mga batuta, baril,
kalasag, holster. Bakit mangangambang
maluray ng hangin? Mga leong
walang buntot naman ang ating mga pastol.
III
Hagupit ng hangin sa sanga,
hagupit ng sanga sa hangin!
9
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental
MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS
IV
Itaas ang mga plakard, ang pulang watawat,
ang mga kartelon. Sa loob ng kurdon, sa loob.
Hayaan na munang humingalay ang Dayaming-
Bayani sa ilalim ng baog na puno.
Hintayin na munang matigib ng dighay
ang tiyan ng Kuweba. Hindi magtatagal,
sa paglabas ng Buwayang Maharlika
kasunod ang mga klerigong bangaw,
mga banal na uwak at buwitre: gisingin
ang Dayaming-Bayani, gisingin
at hayaang sabihing “Amigo no
lo comas todo, dejame algo.”
At siya, sa gayon, ay ating
paligiran, ngitian, pagpugayan, sindihan!
Mga kababayan,
kung pagtitig sa atin ng Buwayang Maharlika
ay kumikislap-kislap sa luha ang kanyang
mga mata, habang nakanganga,
sinuman sa ati’y malayang mangarap,
mangarap ng muling paghimlay
sa sinapupunan ng ating ina;
sinuman sa ati’y malayang mag-alay,
mag-alay ng sarili, kapatid, magulang;
o magnasang makakita ng bungangang
walang dila, walang tonsil, walang pangil.
Kusutin ang diwa, mga kababayan,
kusutin, kusutin.
10
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental
MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS
Maikling Katha
Ang maikling katha ay tinatawag ding maikling kuwento o kung minsan ay payak na
kuwento. Ito ay isang mahalagang pangyayari sa buhay ng isang tauhan (maaring tao, hayop, o
bagay) na siyang iniitkutan ng iba pang pangyayari na nagbubunga ng tunggalian na umaantig ng
damdamin ng mambabasa.
Ang makabagong maikling katha ay hindi hinahanapan ng banghay (plot) sapagkat ang
layunin ay ang tumpak na paglalarawan ng buhay, o kaya’y isang mahalagang bahagi nito.
Walang makinis na balangkas ang buhay, kaya hindi ring dapat magkaroon ng banghay ang
kathang naglalayong maglarawan ng buhay.
11
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental
MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS
Impeng Negro
(Rogelio Sicat)
“Baka makikipag-away ka na naman, Impen.” Tinig iyon ng kanyang ina. Nangangaral
na naman. Mula sa kinatatalungkuang giray na batalan, saglit siyang napatigil sa paghuhugas ng
mumo sa kamay.
“Hindi ho,” paungol niyang tugon.
“Hindi ho. . .” Ginagad siya ng ina. “Bayaan mo na nga sila. Kung pagpapansinin mo’y
lagi ka ngang magbabasag-ulo.”
May iba pang sinasabi ang kanyang ina ngunit hindi na niya pinakinggan. Alam na niya
ang mga iyon. Paulit-ulit na niyang narinig. Nakukulili na ang kanyang tainga.
Isinaboy niya ang tubig na nasa harap. Muli siyang tumabo. Isinawak niya ang kamay,
pinagkiskis ang mga palad at pagkaraa’y naghilamos.
“Dumaan ka kay Taba mamayang pag-uwi mo,” narinig niyang bilin ng ina. “Wala nang
gatas si Boy. Eto’ng pambili.”
Tumindig na siya. Nanghihinamad at naghihikab na itinaas ang mahahabang kamay.
Inaantok pa siya. Gusto pa niyang magbalik sa sulok na kanyang higaan. Ngunit kailangang
12
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental
MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS
lumakad na siya. Tatanghaliin na naman bago siya makasahod. At naroon na naman marahil si
Ogor. Kahit siya ang nauna ay lagi siyang inuunahan ni Ogor sa pagsahod.
Umiingit ang sahig sa kanilang barung-barong nang siya’y pumasok.
“Nariyan sa kahon ang kamiseta mo.”
Sa sulok ng kanyang kaliwang mata’y nasulyapan niya ang ina. Nakaupo ito, taas ang
kaliwang paa, sa dulo ng halos dumapa nang bangko. Nakasandig ang ulo sa tagpiang dingding.
Nakalugay ang buhok. Bukas ang kupasing damit na gris, nakahantad ang laylay at tuyot na
dibdib. Kalong nito ang kanyang kapatid na bunso. Pinasususo.
“Mam’ya, baka umuwi ka na namang. . . basag ang mukha.”
Bahagya na niyang naulinigan ang ina. Nakatitig sa tatlo pa niyang kapatid. Sunod-sunod
na nakatalungko ang mga ito sa isa pang bangkong nasa tagiliran ng nanggigimalmal na mesang
kainan. Nagsisikain pa.
Matagal na napako ang kanyang tingin kay Kano, ang sumusunod sa kanya. Maputi si
Kano, kaya ganito ang tawag dito sa kanilang pook. Kakutis ni Kano ang iba pa niyang kapatid.
Marurusing nguni’t mapuputi. May pitong taon na si Kano. Siya nama’y maglalabing-anim na.
Payat siya ngunit mahahaba ang kanyang biyas.
Hinalungkat na niya ang kahong karton na itinuro ng ina. Magkakasama ang mga damit
nila nina Kano, Boyet at Diding. Sa may ilalim, nakuha niya ang kulay-lumot niyang kamiseta.
Hinawakan niya iyon sa magkabilang tirante. Itinaas. Sinipat.
“Yan na’ng isuot mo.” Parang nahulaan ng kanyang ina ang kanyang iniisip.
Isinuot niya ang kamiseta. Lapat na lapat sa kanya ang kamisetang iyon noong bagong
bili ngunit ngayo’y maluwang na. Nagmumukha siyang Intsik-beho kapag suot iyon ngunit wala
naman siyang maraming kamisetang maisusuot. Mahina ang kita ng kanyang ina sa paglalabada;
mahina rin ang kanyang kita sa pag-aagwador.
Nagbalik siya sa batalan. Nang siya’y lumabas, pasan na niya ang kargahan. Tuluy-tuloy
niyang tinungo ang hagdan.
“Si Ogor, Impen,” pahabol na bilin ng kanyang ina. “Huwag mo nang papansinin.”
Naulinigan niya ang bilin na iyon at aywan kung dahil sa inaantok pa siya, muntik na
siyang madapa nang matalisod sa nakausling bato sa may paanan ng kanilang hagdan.
13
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental
MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS
Tuwing umagang mananaog siya upang umigib, pinagpapaalalahanan siya ng ina. Huwag
daw siyang makikipagbabag. Huwag daw niyang pagpapansinin si Ogor. Talaga raw gayon ito:
basagulero. Lagi niyang isinasaisip ang mga biling ito ngunit sadya yatang hindi siya
makapagtitimpi kapag naririnig niya ang masasakit na panunukso sa kanya sa gripo, lalung-lalo
na mula kay Ogor.
Si Ogor, na kamakailan lamang ay bumabag sa kanya, ang malimit magsimula ng
panunukso.
“Ang itim mo, Impen,” itutukso nito.
“Kapatid mo ba si Kano?” isasabad ng isa sa mga nasa gripo.
“Sino bang talaga ang tatay mo?”
“Sino pa,” isisingit ni Ogor, “di si Dikyam.”
Sasambulat na ang nakabibinging tawanan. Pinakamatunog ang tawa ni Ogor. Si Ogor
ang kinikilalang hari sa gripo.
Noong una, sinasagot niya ang mga panunuksong ito:
“E, ano kung maitim?” isasagot niya.
Nanunuri ang mga mata at nakangising iikutan siya ni Ogor. Pagkuwa’y bigla na lamang
nitong kakayurin ng hintuturo ang balat sa kanyang batok.
“Negrung-negro ka nga, Negro,” tila nandidiring sasabihin ni Ogor. Magsusunuran nang
manukso ang iba pang agwador. Pati ang mga batang naroon: Tingnan mo’ng buhok. Kulot na
kulot! Tingnan mo’ng ilong. Sarat na sarat! Naku po, ang nguso. Namamalirong!
Sa katagalan, natanggap na niya ang panunuksong ito. Iyon ang totoo, sinasabi niya sa
sarili. Negro nga siya. Ano kung Negro? Ngunit napipikit siya. Ang tatay niya’y isang sundalong
Negro na nang maging anak siya’y bilang nawala sa Pilipinas.
Ang panunuksong hindi niya matanggap, at siya ngang pinagmumulan ng nakaraan
nilang pagbababag ni Ogor, ay ang sinabi nito tungkol sa kanyang ina. (Gayon nga kaya kasama
ang kanyang ina?)
“Sarisari ang magiging kapatid ni Negro,” sinabi ni Ogor. “Baka makatatlo pa ang
kanyang nanay ngayon!”
Noong dinadala ng kanyang ina ang kapatid niyang bunso ay iniwan ito ng asawa. Hindi
malaman kung saan nagsuot. At noon, higit kailan man, naging hamak sila sa pagtingin ng lahat.
14
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental
MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS
Matagal-tagal ding hindi naglalabada ang kanyang ina, nahihiyang lumabas sa kanilang barung-
barong. Siya ang nagpatuloy sa pag-aagwador. At siya ang napagtuunan ng sarisaring
panunukso.
Natandaan niya ang mga panunuksong iyon. At mula noon, nagsimula nang umalimpuyo
sa kanyang dibdib ang dati’y binhi lamang ng isang paghihimagsik: nagsusumigaw na
paghihimagsik sa pook na iyon ayaw magbigay sa kanila ng pagkakataong makagitaw at
mabuhay nang payapa.
Sariwa pa ang nangyaring pakikipagbabag niya kay Ogor, naiisip ni Impen habang
tinatalunton niya ang mabatong daan, patungo sa gripo. Mula sa bintana ng mga barung-barong,
nakikita niyang nagsusulputan ang ulo ng mga bata. Itinuturo siya ng mga iyon. Sa kanya rin
napapatingin ang matatanda. Walang sinasabi ang mga ito, ngunit sa mga mata, sa galaw ng mga
labi, nababasa niyang isinisigaw ng mga paslit: Negro!
Napapatungo na lamang siya.
Natatanaw na niya ngayon ang gripo. Sa malamig ngunit maliwanag nang sikat ng araw,
nakikita na niya ang langkay ng mga agwador. Nagkakatipon-tipon ang mga ito.
Nagkakatuwaan. Naghaharuan.
Sa langkay na iyon ay kilalang-kilala ang anyo ni Ogor. Paano niya malilimutan si Ogor?
Sa mula’t mula pa, itinuring na siya nitong kaaway, di kailan man binigyan ng pagkakataong
maging kaibigan.
Halos kasinggulang niya si Ogor, ngunit higit na matipuno ang katawan nito. Malakas si
Ogor. Tuwid and tindig nito at halos hindi yumuyuko kahit may pasang balde ng tubig; tila sino
mang masasalubong sa daan ay kayang-kayang sagasaan.
Nang marating niya ang gripo ay tungo ang ulong tinungo niya ang hulihan ng pila.
Marahan niyang inalis sa pagkakawit ang mga balde. Sa sarili, nausal niyang sana’y huwag siya
ang maging paksa ng paghaharutan at pagkakatuwaan ng mga agwador. . .
Nakakaanim na karga na si Impen. May sisenta sentimos nang kumakalansing sa bulsa ng
kutod niyang maong. At may isa pang nagpapaigib sa kanya. Diyes sentimos na naman. Kapag
tag-araw ay malaki-laki rin naman ang kinikita ng mga agwador. Mahina ang tulo ng tubig sa
kanilang pook. At bihira ang may poso.
15
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental
MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS
Tanghali na akong makauuwi nito, nausal niya habang binibilang sa mata ang mga
nakapilang balde. Maluwag ang parisukat na sementong kinatitirikan ng gripo at ang dulo ng
pila’y nasa labas pa niyon.
Di kalayuan sa gripo ay may isang tindahan. Sa kalawanging yerong medya-agwa niyon
ay nakasilong ang iba pang agwador. May naghubad na ng damit, at isinampay na lamang sa
balikat. May nagpapaypay. May kumakain ng haluhalo.
Sa pangkat na iyon ay kay Ogor agad natutok ang kanyang tingin. Pinilit niyang supilin
ang hangaring makasilong. Naroon sa tindahan si Ogor. Hubad-baro at ngumingisi. Mauupo na
lamang siya sa kanyang balde. Mabuti pa roon kahit nakabilad sa init. Pasasaan ba’t di iikli ang
pila, naiisip niya. Makakasahod din ako.
Kasalukuyan siyang nagtitiis sa init nang may maulinigan siyang sigaw mula sa tindahan:
“Hoy, Negro, sumilong ka baka ka pumuti!”
Si Ogor iyon. Kahit hindi siya lumingon, para na niyang nakita si Ogor. Nakangisi at
nanunukso na naman.
“Negro,” muli niyang narinig, “sumilong ka sabi, e. Baka ka masunog!”
Malakas ang narinig niyang tawanan. Ngunit hindi pa rin siya lumilingon. Tila wala
siyang naririnig. Nakatingin siya sa nakasahod na balde, ngunit ang naiisip niya’y ang bilin ng
ina, na huwag na niyang papansinin si Ogor. Bakit nga ba niya papansinin si Ogor?
Tinigilan naman ni Ogor ang panunukso. Hindi pa rin siya umaalis sa kinauupuang balde.
At habang umiisod ang pila, nararamdaman niyang lalong umiinit ang sikat ng araw. Sa paligid
ng balde, nakikita niya ang kanyang anino. Tumingala siya ngunit siya’y nasilaw. Nanghahapdi
at waring nasusunog ang kanyang balat. Tila ibig nang matuklap ang kanyang balat sa kanyang
batok, likod at ibabaw ng kanyang nguso. May butil na rin ng pawis sa kanyang ilong.
Itinaas niya ang tirante ng kamiseta. Hinipan-hipan niya ang manipis na dibdib. Di
natagalan, isinawak niya ang kamay sa nalalabing tubig sa balde. Una niyang binasa ang batok –
kay lamig at kay sarap ng tubig sa kanyang batok. Malibag. Binasa niya ang ulo. Kinuskos niya
ang kanyang buhok at nabasa pati ang kanyang anit. Binasa niya ang balikat, ang mga bisig. May
nadama siyang ginhawa ngunit pansamantala lamang iyon. Di nagtagal muli niyang
naramdamang tila nangangalirang na naman ang kanyang balat. Kay hapdi ng kanyang batok at
balikat.
16
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental
MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS
“Negro!” Napatuwid siya sa pagkakaupo nang marinig iyon. Nasa likuran laman niya ang
nagsasalita. Si Ogor. “Huwag ka nang magbilad. D’on ka sa lamig.”
Pagkakataon na ni Ogor upang sumahod. At habang itinatapat nito ang balde sa gripo,
muli niyang nakita na nginingisihan siya nito.
Napakatagal sa kanya ang pagkapuno ng mga balde ni Ogor. Napabuntonghininga siya
nang makitang kinakawitan na ni Ogor ang mga balde. Sa wakas, aalis na si Ogor, naisip niya.
Aalis na si Ogor. Huwag na sanang bumalik.
May galak na sumusuno sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang pagkapuno ng
sinusundang balde. Susunod na siya. Makasasahod na rin ako, sabi niya sa sarili, pagkaraan ng
kargang iyon ay uuwi na siya. Daraan pa nga pala siya kay Taba. Bibili ng gatas.
Datapuwat, pagkaalis ng baldeng hinihintay niyang mapuno, at isasahod na lamang ang
sa kanya, ay isang mabigat at makapangyarihang kamay ang biglang pumatong sa kanyang
balikat. Si Ogor ang kanyang natingala. Malapit lamang pala ang pinaghatidan nito ng tubig.
“Gutom na ako, Negro,” sabi ni Ogor. “Ako muna.”
Pautos iyon. Saglit siyang hindi nakakibo. Natingnan laman niya si Ogor. Iginitgit ni
Ogor ang bitbit na balde at kumantong ang kanilang mga balde. Iginitgit din niya ang sa kanya,
bahagya nga lamang at takot na paggitgit. Kadarating mo pa lamang, Ogor, nais niyang itutol.
Kangina pa ako nakapila rito,
Ako muna sabi, e,” giit ni Ogor.
Bantulot niyang binawi ang balde. Nakatingin pa rin kay Ogor. Itinaob niya ang kaunting
nasahod na balde at ang tubig ay gumapang sa semento at umabot sa kanilang paa ni Ogor. Uuwi
na ako, bulong niya sa sarili. Uuni na ko. Uuwi na ako. Mamaya na lang ako iigib uli. Nakatingin
sa araw, humakbang siya upang kunin ang pingga ngunit sa paghakbang na iyon, bigla siyang
pinatid ni Ogor.
“Ano pa ba’ng ibinubulong mo?”
Hindi na niya narinig iyon. Nabuwal siya. Tumama ang kanang pisngi sa labi ng
nabitawang balde. Napasigaw siya. Napaluhod siya sa madulas na semento. Kagyat na bumaha
ang nakaliliyong dilim sa kanyang utak. Habang nakaluhod, dalawang kamay niyang tinuptop
ang pisngi. Takot, nanginginig ang kanyang mga daliri. Dahan-dahan niyang iniangat iyon. Basa.
. . Mapula. . . Dugo!
17
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental
MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS
Nanghilakbot siya. Sa loob ng ilang saglit, hindi niya maulit na salatin ang biyak na
pisngi. Mangiyak-ngiyak siya.
O..gor. . . O-gor. . .” Nakatingala siya kay Ogor, mahigpit na kinukuyom ang mga palad.
Kumikinig ang kanyang ulo at nagngangalit ang kanyang ngipin. “Ogor!” Sa wakas ay naisigaw
niya.
Hindi minabuti ni Ogor ang kanyang pagsigaw. Sinipa siya nito. Gumugulong siya.
Buwal ang lahat ng baldeng nalalabi sa pila. Nagkalugkugan. Nakarinig siya ng tawanan. At
samantalang nakadapa, unti-unting nabuo sa walang malamang sulingan niyang mga mata ang
mga paang alikabukin. Paparami iyon at pumapaligid sa kanya.
Bigla siyang bumaligtad. Nakita niya ang naghuhumindig na anyo ni Ogor. Nakaakma
ang mga bisig.
“O-ogor. . .”
Tumawa nang malakas si Ogor. Humingal at nakangangang napapikit siya. Pumulas ang
luha sa sulok ng kanyang mga mata. Nasa ganito siyang kalagayan nang bigla niyang
maramdaman ang isang ubos-lakas na sipa sa kanyang pigi. Napasigaw siya. Umiiyak siyang
gumugulong sa basa at madulas na semento. Namimilipit siya. Tangan ang sinipang pigi. Ang
buong anyo ng nakaangat niyang mukha’y larawan ng matinding sakit.
Matagal din bago napawi ang paninigas sa kanyang pigi. Humihingal siya. Malikot ang
kanyang mga mata nang siya’y bumangon at itukod ang mga kamay sa semento.
Si Ogor. . . Sa mula’t mula pa’y itinuring na siya nitong kaaway. . . Bakit siya
ginaganoon ni Ogor? Bakit? Bakit? Bakit?
Kumikinig ang kanyang katawan. Sa poot. Sa naglalatang na poot. At nang makita niyang
muling aangat ang kanang paa ni Ogor upang sipain siyang mula ay tila nauulol na asong
sinunggaban niya iyon at niyakap at kinagat.
Bumagsak ang nawalan ng panimbang na si Ogor. Nagyakapan sila. Pagulong-gulong.
Hindi siya bumibitiw. Nang siya’y mapaibabaw, sinunod-sunod niya: dagok, dagok, dagok,
dagok, dagok. . . pahalipaw. . . papaluka. . . papatay.
Sa pook na iyon, sa nakaririmarim na pook na iyon, aba ang pagtingin sa kanila.
Maruming babae ang kanyang ina. Sarisari ang anak. At siya, isang maitim, hamak na Negro. . .
Papatayin niya si Ogor. . . papatayin. Papatayin!
18
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental
MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS
Dagok, dagok, dagok. . . Nag-uumigting ang kanyang mga ugat. Tila asong nagpipilit
makapaibabaw si Ogor. Tila bakal na kumakapit ang mga kamay. Sa isang iglap, siya naman ang
napailalim. Dagok, dagok. Nagpipihit siya. Tatagilid. Naiiri. Muling matitihaya. Hindi niya
naiilagan ang dagok ni Ogor. Nasisilaw siya sa araw. Napipikit siya. Mangungudngod siya,
mahahalik sa lupa. Ngunit wala siyang nararamdamang sakit. Wala siyang nararamdamang sakit!
Nakakatatlo nang asawa si Inay. Si Kano. . . si Boyet. . . si Diding. . . at siya. . . Negro.
Negro. Negro!
Sa mga dagok ni Ogor, tila nasasalinan pa siya ng lakas. Bigla, ubus-lakas at nag-uumiri
siyang umigtad. Napailalim si Ogor. Nahantad ang mukha ni Ogor. Dagok, bayo, dagok, bayo,
dagok, bayo, dagok. . . Kahit saan. Sa dibdib. Sa mukha. . . dagok, bayo, dagok, bayo, dagok,
bayo, dagok, dagok. . .
Mahina na si Ogor. Lupaypay na. Nalalaglag na ang nagsasanggang kamay. Humihingal
na rin siya, humahagok. Ngunit nagliliyab pa rin ang poot sa kanyang mga mata. Dagok.
Papaluka. Dagok, bayo, dagok, dagok. . .
Gumagalaw-galaw ang sabog na labi ni Ogor.
“Impen. . .”
Muli niyang itinaas ang kamay. Dagok.
“I-impen. . .” Halos hindi niya narinig ang halinghing ni Ogor. “I-impen, s-suko n-na. . .
s-suko n-na. . . . . . a-ako!”
Naibaba niya ang nakataas na kamay. Napasuko niya si Ogor! Napatingala siya. Abut-
abot ang paghingal. Makaraan ang ilang sandali, dahan-dahan at nanlalambot siyang tumindig,
nakatuon ang mga mata kay Ogor. Wasak ang kanyang kamiseta at duguan ang kanyang likod.
May basa ng dugo’t lupa ang kanyang nguso.
Maraming sandaling walang nangahas magsalita. Walang nakakibo sa mga agwador.
Hindi makapaniwala ang lahat. Lahat ay nakatingin sa kanya.
Isa-isa niyang tiningnan ang mga nakapaligid sa kanya. Walang pagtutol sa mga mata ng
mga ito. Ang nababakas niya’y paghanga. Ang nakita niya’y pangingimi.
Pinangingimian siya!
May luha siya sa mata ngunit may galak siyang nadama. Luwalhati. Hinagud-hagod niya
ang mga kamao. Nadama niya ang bagong tuklas na lakas niyon. Ang tibay. Ang tatag. Ang
19
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental
MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS
kapangyarihan. Muli niyang tiningnan ang nakabulagtang si Ogor. Pagkaraa’y nakapikit at buka
ang labing nag-angat siya ng mukha.
Sa matinding sikat ng araw, tila siya isang mandirigmang sugatan, ngunit matatag na
nakatindig sa pinagwagihang larangan
20