You are on page 1of 21

Silay Institute, Incorporated

Lungsod ng Silay, Probinsya ng Negros Occidental


Junior High School Department
Taong-Panuruan 2020-2021

RICHARD ABORDO PANES, LPT

MODYUL
SA
FILIPINO 8
( Unang Markahan )
Silay Institute, Incorporated
Lungsod ng Silay, Probinsya ng Negros Occidental
Junior High School Department
Taong-Panuruan 2020-2021

RICHARD ABORDO PANES, LPT

ARALIN 2:
ANG PINAGMULAN NG MARINDUQUE

Introduksyon

Ang alamat ay isa sa pinakatanyag na akdang pampanitikan na


masasabi nating mayaman tayo. Ang alamat ay isang uri ng panitikan na
nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari
hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa
kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan. Ito
ay kwentong nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan. Ang mga
pangyayari sa alamat ay maaaring maging totoo o likha lamang ng
mayamang imahinasyon ng isang manunulat.

Ang alamat ay halimbawa ng isang kwentong-bayan. Ang


kwentong-bayan ay isang tuluyang kuwentong nagsasalaysay ng mga
tradisyong Pilipino. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang
tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain.
Silay Institute, Incorporated
Lungsod ng Silay, Probinsya ng Negros Occidental
Junior High School Department
Taong-Panuruan 2020-2021

RICHARD ABORDO PANES, LPT

Sa araling ito, matatalakay ang isa sa tanyag na alamat sa bansang


Pilipinas at ito ay ang “ Ang Pinagmulan ng Mariduque “ . Hindi lamang
ang pinagmulan ng isang lugar ang tinatalakay ng alamat na ito bagkus
isa sa pinakalayunin ng alamat na ito ay ang maikintal sa puso’t isipan
ng mga mag-aaral o kahit sinumang makabasa nito ang aral na
makukuha rito. Dito mababakas ang ang tunay at wagas na
pagmamahalan ng dalawang taong nagmamahalan.

Pahapyaw ding matalakay ang dalawa sa mga uri ng kwentong-bayan,


ang alamat at epiko at ang ang elemento nito. Sa kasanayang pangwika
naman kailangang maidalumat ng mga mag-aaral ang isa sa mga bahagi
ng pananalita, ang Pang-abay at mga Uri nito

Ang Pinagmulan ng Marinduque


Pablo M. Cuasay

Halaw mula sa aklat ng Pinagyamang Pluma 8, Ikalawang


Edisyon nina Ailene G. Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, Mary
Grace G. Del Rosario, at Alma M. Dayag mula pahina 30-34

Noo’y bago pa lamang kapapadpad sa ating dalampasigan


ng mga Kastila. Sa balangay ng Batangan, ngayo’y Batangas, ay
Silay Institute, Incorporated
Lungsod ng Silay, Probinsya ng Negros Occidental
Junior High School Department
Taong-Panuruan 2020-2021

RICHARD ABORDO PANES, LPT

kalakip ang Mindoro at mga lupalop ng timog-kanluran ng


Laguna hanggang Kamarines.

Si Batumbakal ay kilalang datu ng Batangan at mga


balangay sa karatig nito. Sila’y mayaman at makapangyarihan.

Tampok ng Katagalugan ang kanyang kaisa-isang anak na


si Mutya Marin. Si Mutya Marin ay maganda, mahinhin at halos
ang lahat ng katangian ng dalagang Silangan ay napisan sa
kanya. Siya’y kayumangging kaligatan. Alun-alon ang buhok na
hinabi ng hatinggabi. Mapungay ang mga mata, matangos ang
ilong, linalik ang baba at may gatla sa leeg. Siya’y may nunal sa
batok. Balangkinitan ang katawan. Katamtaman ang taas. Ang
baywang ay hugis hantik. Manipis ang alak-alakang
nagbabadyang siya ay masipag, ayon sa matandang kasabihan.

Maraming tagahanga si Mutya Marin at kabilang dito ay si


Datu Bagal na ubod ng yaman. Ang kaharian niya’y kilala sa
tawag na Mindoro (Mina de Oro). Sina Datu Sagwil ng Laguna
at Datu Kawili ng Kamarines ay mga tagahanga rin subali’t ang
nagpatangi sa lahat kay Marin ay isang dukhang mang-aawit, si
Silay Institute, Incorporated
Lungsod ng Silay, Probinsya ng Negros Occidental
Junior High School Department
Taong-Panuruan 2020-2021

RICHARD ABORDO PANES, LPT

Garduque, manghahabi ng tula at tagahanga ng kalikasan. Siya’y


taga-Taal at isang mandaragat sa lawang Bunbon.

Isang araw, nagpabalita na magkakaroon ng palaro sa


palasyo bilang parangal sa mga anito. Ang mga manlalaro ng
iba’t ibang kaharian ay nagsidalo.

Dumating ang palarong pinakahihintay. Natipong lahat ang


mga pambato ng sarisaring palakasan. Angunang labanay
pagbinitng palaso. Ang nakatamo ng gantimpala ay bantog na
Mangyan ng Mindoro na si Balindada.

Ang ikalawang paligsahan ay palayuan ng pagbato sa


ibayong ilog. Ang nagkamit ng karangalan ay Igorot na
kinatawan ng Bulu-bundukin.
Ang karera sa kabayo ay isinunod at sinalihan ng mga prinsipe.
Sinumang makatalo kay Mutya Marin ay siya niyang paka-
kasalan. Subali’t lahat ay nabigo. Sa bilis, si Mutya Marin ay
kawangis ng limbas. kaya napahiyang lahat ng kanyang
tagasuyo.
Silay Institute, Incorporated
Lungsod ng Silay, Probinsya ng Negros Occidental
Junior High School Department
Taong-Panuruan 2020-2021

RICHARD ABORDO PANES, LPT

Sa huli, si Marin ay itinanghal na reyna ng paligsahan at


siya’y pinutungan ng korona ng karangalan. Ang nagkapalad
magputong ng korona ay walang iba kundi ang makatang
kasintahan.

Natapos ang parangal sa mga anito at nagsialis ang mga


panauhin.

Nagbalik sa kaharian ang mga araw na katulad ng dati.

Dahil sa sina Datu Bagal, Sagwil at Kawili ay mga


kapalagayang-loob ng ama ni Marin, sa loob at labas ng
kaharian ay nakapaghahandog sila ng pag-ibig sa mutyang
dalaga. Sa kabilang dako naman, ang binatang makata ay di-
mamakailang pinagbawalan ni Datu Batumbakal na huwag
makipagkita sa kanyang butihing anak.

“Bakit ka pumapasok sa loob ng aking kaharian nang wala


akong pahintulot?” ang minsa’y tuligsa sa kaawa-awang makata.

“Ako po’y sumusunod lamang sa utos ng iyong anak.”


Silay Institute, Incorporated
Lungsod ng Silay, Probinsya ng Negros Occidental
Junior High School Department
Taong-Panuruan 2020-2021

RICHARD ABORDO PANES, LPT

“Mula ngayo’y di ko gustong makita ang pagmumukhang


iyan, pangahas,” ang pagbabala ng datu.

“Hindi po ako pangahas. Hindi ko po masuway si Mutya


Marin. Ako po’y pinabibigkas ng mga tulang kanyang
kinagigiliwan.”

“Magtigil ka, walang-turing!”

Umalis ang makatang ang mukha’y nasa talampakan.

Hindi na matiis ni Mutya ang paglait ng kanyang ama sa


minamahal. Kaya minsa’y ipinagtanggol ni Marin ang binata.

“Hari kong Ama, utang na loob! Huwag ninyong hamakin


ang aking kasintahan. Siya ang tumutugon sa aking mga saligan
sa buhay.”

Hindi pa nakatapos si Marin sapagka’t si Datu Batumbakal


ay nagsalita. “Ikaw ay nabubulagan. Ipagpaliban natin
Silay Institute, Incorporated
Lungsod ng Silay, Probinsya ng Negros Occidental
Junior High School Department
Taong-Panuruan 2020-2021

RICHARD ABORDO PANES, LPT

anghinggil sabagay na iyan. Sa iba nang araw natin pag-


usapan.”

Napipi si Marin at siya’y hindi na nakaimik kaputok man.

Maluwat ding panahon ang lumipas na di pumapasok ang


mang-aawit sa palasyo. Likha palibhasa ng di-matingkalang
kapangyarihan ng pag-ibig, si Mutya Marin ay sadyang
nagliwaliw sa kaparangan sa pagbabaka-sakaling matagpuan
doon ang abang makata. Nakarating siya sa matulaing Hog
Pansipit. Napadako si Mutya sa panig ng baybaying ilog na
mapanganib. Dito’y maraming mga buwaya na sumisilangtao.

Nang sisilain na lamang at sukat si Marin ng isang


mabangis na buwaya, ay siya namang pagdating ng makatang
kasintahan. Sa kabutihang-palad kapagkaraka’y buminit ang
binata sa palaso. Natudla and buwaya kaya nasagip si Marin sa
nakaumang na sakuna.

“Salamat, Mahal! ipinag-aadya pa ako ng ating mga anito!”


Silay Institute, Incorporated
Lungsod ng Silay, Probinsya ng Negros Occidental
Junior High School Department
Taong-Panuruan 2020-2021

RICHARD ABORDO PANES, LPT

“Bakit ka nangahas maglibot sa kagubatan? Di mo ba alam


na ikaw ay kagigiliwan ng nuno sa punso? Kung magkagayon,
hindi ka na makababalik sa palasyo.”

“Ewan ko ba! Hindi ako mapalagay kung hindi kita makita.


Maluwat nang hindi mo ako sinisipot. Kay dali mong
makalimot!” ang pagtatampo ng dalaga.

“May babala sa akin ang iyong ama.”

“Kung talagang tapat sa akin, kung tunay ang iyong


pagmamahal, hahamakin ang lahat. Kahit kamataya’y iyong
susuungin kung dahil sa akin.”

“Marin, tunay nga bang ako’y iyong minamahal? Ako’y


isang dukha, kumain dili. Bakit mo ako itatangi? Si Datu Bagal
ay mayaman. Si Datu Sagwil ay makapangyarihan. Si Datu
Kawili ay marahas. Bakit ako ang pag-uukulan ng iyong
kalinga?”

“Ang puso ko’y iyong sinusugatan,” pakli ng dalaga.


Silay Institute, Incorporated
Lungsod ng Silay, Probinsya ng Negros Occidental
Junior High School Department
Taong-Panuruan 2020-2021

RICHARD ABORDO PANES, LPT

“Sundin mo ang iyong mahal na ama. Ang datu ay ayaw sa


akin. Ano nga naman ang iyong mapapala sa isang mang-aawit
na tulad ko? Maaari ka bang pakainin lamang ng aking mga
tula?”

“Hindi ang pagkain lamang ang nakabubuhay sa tao. Banal


ang iyong kaluluwa.”

“Salamat, Marin Nalalaman mo bang ang pakikipagkita


mong ito sa aki’y ipinagbabawal ng datu?”

“Oo.”

“Nalalaman mo bang ang pakikipagtagpo mo sa aki’y


nanga-ngahulugan ng pagtagpas sa aking ulo? Baka pati ikaw ay
maparamay.”

“Nababatid ko. Ako’y nakipagtagpo sa iyo upang minsan


pa nating sariwain ang sumpaang sa ating dalawa ay walang
mamamagitan kundi kamatayan!”
Silay Institute, Incorporated
Lungsod ng Silay, Probinsya ng Negros Occidental
Junior High School Department
Taong-Panuruan 2020-2021

RICHARD ABORDO PANES, LPT

“Isinusumpa ko. Kita’y mamahalin hanggang langit.”

“Magmamahalan tayo hangga’t may daigdig. Magsadya ka


mamayang gabi sa palasyo, sa halamanang dati nating tagpuan.
Mayroon akong ipagtatapat.”

“Umalis ka na at baka hanapin ka ng iyong ama.”

“Siya nga. Isa lamang aliping dalaga ang kasama.”

Inihatid ng binata ang dalaga hanggang sa tabi ng


kabayanan.

Nang kinahapuna’y ipinatawag si Marin ng ama. “Bakit ka


ba nakikipagtagpo nang lihim sa dukha mong kasintahan? Ito’y
sinsay sa aking mga kautusan at kaugalian ng balangay. Ang
maharlika ay sa maharlika at ang alipi’y sa alipin. Bukas na
bukas din aking papupugutan ang iyong kasintahan.”
Silay Institute, Incorporated
Lungsod ng Silay, Probinsya ng Negros Occidental
Junior High School Department
Taong-Panuruan 2020-2021

RICHARD ABORDO PANES, LPT

Hindi nakuhang makapagmatuwid ang dalaga. Alam niya


ang bawa’t sabihin ng ama’y masusunod. Napakasungit ng datu!
Pinasusian si Mutya Marin sa itaas ng tore. Nang dumating ang
tipanang oras ay walang makitang Marin sa halamanan. Hinanap
ng binata ang dalaga.

Nakita niyang maliwanag ang tore kaya sinapantahang


naroon ang hinahanap. Sumagi sa kanyang hinala na namalayan
ng datu ang pakana nilang pagtatagpo.

Ang mang-aawit ay nagpunta sa paanan ng tore nguni’t


paano niya maaakyat iyon? Wala siyang mahagilap na lubid o
anumang tali. Siya’y naupo at nag-isip. Namataan niya na may
aninong gumagalaw sa bintanaat ilang saglitpa’y may naglawit
ng lampara. Napag-alaman niyang si Marin ay gising. Nahinuha
niyang batid ni Marin na siya’y nasa paanan ng tore at
naghihintay. “Dapat sana siyang mag-ingat sa paglalawit ng ilaw
sapagka’t baka mahalata ng bantay,” ang bulong ng makata sa
sarili.
Silay Institute, Incorporated
Lungsod ng Silay, Probinsya ng Negros Occidental
Junior High School Department
Taong-Panuruan 2020-2021

RICHARD ABORDO PANES, LPT

Samantalang ang binata ay nasa ganitong pagmumuni-


muni, bigla siyang namangha nang makita si Marin sa kanyang
harapan. Ang dalaga pala’y naghugos sa tore sa pamamagitan ng
lubid at mga piraso ng damit na pinagbuhol-buhol.

“Giliw,” ang Simula ni Marin, “bukas ay papupugutan ka.”

“Ako’y nakahanda. Pumapayag ka ba?”

“Hindi maaari. Tayo ay magtanan habang may panahon.


Mayroon akong kinasabuwat na mga alipin na gagaod sa ating
bangka. Sa Wawa tayo hinihintay.”

“Saan tayo tutungo?”

“Tayo’y tatakas. Tayo’y pasasatimog… saan man… doon


sa walang amang makapanghihimasok sa pag-ibig ng anak.”

Ang dalawa’y nagtanan. Magdamag silang naglayag sa


lawak ng karagatan.
Silay Institute, Incorporated
Lungsod ng Silay, Probinsya ng Negros Occidental
Junior High School Department
Taong-Panuruan 2020-2021

RICHARD ABORDO PANES, LPT

Nag-umaga. Nang mag-aalmusal na, siyang pagkapansin ng


datu na si Marin ay wala na. May nakapagsumbong na siya’y
tumakas. Inihanda at iniutos ng datung habulin ng mabilis na
batil pandigma ang magkasintahang tumalikod sa kaugalian ng
balangay.

Nagpabalita si Datu Batumbakal sa tatlong datung tagasuyo


ni Mutya Marin. Si Datu Sagwil ay madaling tumugon.

Sa mga nagsihabol ay kasama si Datu Kawili na siyang


gustong pagpakasalan kay Marin. Si Datu Bagal ay sumama rin
nang magdaan sa Mindoro ang mga humahabol.

Anong magagawa ng munting sasakyang kinalululanan ng


magkasintahan? Walang pagsalang sila’y aabutin! Lima lamang
oras ang nakalipas matapos makapag-almusal ang datu nang
abutin ng dambuhalang sasakyang humahabol ang mga
nagsitakas.

Binuo ng magkasintahan sa kanilang sarili na sila’y di


pabibihag nang buhay, kaya sinabi na mangyari na ang dapat
Silay Institute, Incorporated
Lungsod ng Silay, Probinsya ng Negros Occidental
Junior High School Department
Taong-Panuruan 2020-2021

RICHARD ABORDO PANES, LPT

mangyari. Bilang pagmamatigas ng binata ay pinagkaisahan


nilang magpatihulog sa karagatan. Pinagtali ang dalawang
kamay ng matibay na lubid at ito’y ikinabit sa mabigat na bato
upang sila’y magtuloy-tuloy sa kailaliman ng dagat.

Ganito nga ang nangyari. Nang iilan na lamang dipa ang


agwat ng maliit na sasakyan sa malaking sasakyang humahabol,
ay magkayapos na tumalon sina Marin at ang binata. Tuloy-
tuloy sa kailaliman ng tubig dahil sa mabigat na pataw na
nagsilbing sangkap ng kamatayan.

“Paalam, Batumbakal,” ang sabi ni Garduque


Hindi matagpuan ang magkasintahan. Para manding bulang
hinigop ng buhawi.

Kinaumagahan, anong pagtataka ng mga nagsisihanap nang


makita ang isang malaking pulo sa dakong tinalunan ng
magsinggiliw. Mula noon ay pinangalanan ang pulo na
MARINDUQUE, galing kina Marin at Duque.
Silay Institute, Incorporated
Lungsod ng Silay, Probinsya ng Negros Occidental
Junior High School Department
Taong-Panuruan 2020-2021

RICHARD ABORDO PANES, LPT

Nagsisi si Datu Batumbakal nguni’t huli na. Bilang


pagtitika sa kanyang nagawang pagmamalupit, siya’y
nagpakatino. Siya’y naging mapagmahal sa kanyang mga sakop.
Ang mga alipin ay kanyang pinag-ukulan ng pagtingin na higit
sa rati. Binago niya ang mga batas na pinaiiral sa balangay. Ang
mga alipin at mga maharlika ay naging pantay-pantay sa
dambana ng mga anito tungkol sa pag-ibig at suliranin sa puso.

Ang Marinduque ngayon ay isang pulong may magaganda


at matulaing tanawin. Pinilas ang ganda kay Marin at hiniram
ang tula sa dakilang mang-aawit.

KWENTONG
-BAYAN Basa Ulit Tayo!
( ALAMAT
AT EPIKO )

AT ANG
MGA
ELEMENTO
NITO

Ang kwentong-bayan ay isang tuluyang kuwentong


nagsasalaysay ng mga tradisyong Pilipino. Karamihan ng mga
kwentong-bayan ng mga Pilipino ay tungkol sa kanilang mga
diyos at mga espiritu na siyang nagtatakda ng kapalaran ng tao.
Silay Institute, Incorporated
Lungsod ng Silay, Probinsya ng Negros Occidental
Junior High School Department
Taong-Panuruan 2020-2021

RICHARD ABORDO PANES, LPT

Dahil masasabi na ang kwentong-bayan ay isang uri ng salaysay,


mababakas sa balangkas nito ang pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangyayari. Ang banghay nito ay maaaring maging payak o
komplikado. Ang mga pangyayari dito ay hindi kapani-paniwala
o makatotohanan bagama’t may mga pangyayari na kakikitaan
ng kultura ng mga Pilipino, gayundin ang mga gintong aral na
lagging nakapaloob sa uri ng panitikang.
Dalawa sa halimbawa ng kwentong-bayan ay ang alamat at
epiko. Ang alamat ay nagtataglay ng kababalaghan o di
pangkaraniwang pangyayari. Sinasabi na ang alamat ang siyang
pinagmulan ng mga bagay rito sa mundo. Karaniwang paksa
nito ay ang mga katutubong kultura, kaugalian, at kapaligiran.
Isa sa mga tanyag na alamat sa bansang Pilipinas ay ang Alamat
ni Maria Makiling. Kung epiko naman ang pag-uusapan, ito ay
halimbawa ng kwentong-bayan na may di-kapani-paniwala,
mahiwaga, at kagila-gilalas na pangyayari. Ito ay tumatalakay sa
kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao laban sa kapwa
tao. Pinakatanyag na epiko ay ang Biag ni Lam-ang ng mga
Iloko at ang Prinsipe Bantugan na isa sa matatagpuan sa
kalipunan ng aklat ng Darangan. Ang Darangan ay isa sa
Silay Institute, Incorporated
Lungsod ng Silay, Probinsya ng Negros Occidental
Junior High School Department
Taong-Panuruan 2020-2021

RICHARD ABORDO PANES, LPT

pinakamatandang epikong Pilipino na binubuo ng 25 na


kabanata, kasama rito ang Indarapatra at Sulayman.

Tatlong Bahagi ng Kwentong Bayan

a. SIMULA – dito matatagpuan ang dalawang mahahalagang


sangkap o elemento ng kwentong-bayan, ang tauhan at
tagpuan. Sa simula pa lang, ipinapakilala na ang maging
pangunahing tauhan at ang maging katunggali nito. Sa
tagpuan naman, inilalahad kung saan mangyayari ang isang
eksena o kwento kalakip dito ang oras o panahon o ang
lugar mismo.
b. GITNA- ang gitna naman dapat ay nagtataglay ng
pagkakasunod-sunod na pangyayari o ang tinatawag na
banghay. Sa bahaging ito, mababakas din ang mga diyalogo
ng mga tauhang sangkot sa kwento. Kinakailangan ang
diyalogo ay natural at hindi artipisyal. Sa bahaging ito
matatagpuan rin ang tinatawag na saglit na kasiglahan, ang
tunggalian, at ang kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan na
tinatawag, ito yong pagkikita ng pangunahing tauhan at
katunggaling tauhan. Ang tunggalian naman ay maaaring
Silay Institute, Incorporated
Lungsod ng Silay, Probinsya ng Negros Occidental
Junior High School Department
Taong-Panuruan 2020-2021

RICHARD ABORDO PANES, LPT

tunggalian sa sarili, sa kapwa, o sa lipunan. Pinakamadula


naman o kapana-panabik na bahagi naman ang makikita sa
kasukdulan.
c. WAKAS- sa bahaging ito naman matatagpuan ang
kakasalasan at ang resolusyon na tinatawag. Sa kakalasan,
ito ay ang unti-unting pagkakabuhol-buhol ng mga
pangyayari at sa resolusyon ito ang magiging wakas na
maaaring masaya o malungkot, o maaaring tagumpay o
kabiguan.

Isaisip Natin!

PANG-ABAY AT MGA URI NITO

 Bahagi ng pananalita na kung saan nagbibigay-turing sa


pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay.

1. PAMANAHON- nagsasaad kung kailan nangyari ang


sinasabing pandiwa sa pangungusap. May mga pananda
Silay Institute, Incorporated
Lungsod ng Silay, Probinsya ng Negros Occidental
Junior High School Department
Taong-Panuruan 2020-2021

RICHARD ABORDO PANES, LPT

itong ginagamit gaya ng nang, sa, noong, kung, tuwing,


buhat, mula, umpisa, at hanggang. Ang mga walang
pananda naman ay tulad ng kahapon, kanina, ngayon,
mamaya, bukas, sandali, at iba pa.

Halimbawa: Noong unang panahon, tahimik at payapa


ang paligid.

2. PANLUNAN- pang-abay na tinatawag na pariralang sa.


Kumakatawan ito sa lugar kung saan ginagawa ang kilos.

Halimbawa: Pumunta kami kanina sa plasa para


mamasyal.

3. PAMARAAN- pang-abay na sumasagot sa tanong na


paano ginanap, ginaganap, o gaganapin ang sinasabi ng
pandiwa sa pangungusap.

Halimbawa: Masayang nagbabasa ang mga batang


mahilig sa karunungang-bayan gaya
ng alamat.

4. PANGGAANO/PANUKAT- ang pang-abay na nagsasaad


ng sukat o timbang.

Halimbawa: Isang daang porsiyento ang nakapasa sa


pagsusulit sa asignaturang Filipino.

5. KATAGA O INGKLITIK- katagang karaniwang


sumusunod sa unang salita ng pangungusap. May 16 kataga
na kilalang pang-abay na ingklitik. Ito ay ang sumusunod;
Silay Institute, Incorporated
Lungsod ng Silay, Probinsya ng Negros Occidental
Junior High School Department
Taong-Panuruan 2020-2021

RICHARD ABORDO PANES, LPT

man, kaya, din/rin, pala, kasi, yata, ba, na, sana, tuloy, pa,
naman, nang, lamang/lang, muna, daw/raw.

Halimbawa: Makikita rin ang paniniwala at kultura ng


isang pamayanan sa pamamagitan
ng alamat.

You might also like