You are on page 1of 3

La Consolacion College Tanauan A member of the

UnifiedLaConsolacionCollege
Middle School Department – South Luzon
School Year 2022 - 2023

Pangalan: Jerold Hendrix M. Elan

Pamagat: ALAMAT NG BULKANG TAAL

Tauhan:
Datu Balinda - datu sa Batangan.
Prinsesa Lita o Taalita - anak ni Datu Balinda
Datu Mulawin- nagmula sa Nasugbu na naging asawa ni Prinsesa Lita o Taalita
Matandang Nuno- lihim na naiingit sa mag asawa

Tagpuan: malapit sa lawa

Simula:
Mayroong isang Datu na bukod na kapita-pitagan ang kanyang reputasyon,mabuti siyang pinuno,
maayos at maganda ang pamamalakad sa kanyang nasasakupan. Datu Balinda ang tawag sa kanya. Ang
kanyang balangay ay matatagpuan din ang balangay ng Batangan.
Isang nililiyag na anak na babae ang madalas pagtuunan ng Datu. Bukod sa kaisa-isa lamang,
magigiliw ka sa taglay nitong katangian. Maganda, mayumi at mahinhin si Taalita at mapagmahal sa
sariling tradisyon at kultura. Prinsesa Lita o Taalita ang tawag sa kanya, na ang kahulugan ay Taal sa
Tagalog at puspos ng ugaling kinagisnan.
Dahil ang tirahan nila ay malapit sa lawa, nakahiligan ng Prinsesa Taal ang mamangka pagmalapit
ng lumubog ang araw sa Lawa ng Bunbon. Dahil siya ay isang Prinsesa tinatanuran siya ng kanyang alipin
at mga abay.

Gitna:
Nahulog sa lawa ang singsing ng prinsesa na bigay ng kanyang namayapang ina.
Di kalaunan ay may isang Datu ang humingi ng tulong sa mga anito. Panalanging tulungan siyang masisid
ang nawawalang singsing mula sa Prinsesa. Datu Mulawin ang ngalan ng lalaki at nagmula siya sa
Nasugbo.
Matiyaga niyang nilusong ang Lawa ng Bunbon. Mula umaga hanggang hapon. Walang tigil sa
paglangoy.
Habang sa pagsisid ni Datu Mulawin ay may nahuli siyang buteteng laot na malaki ang tiyan.
Nagtaka ang lalaki dahil sa maliit na butete ay malaki na agad ang tiyan nito. Ginawa niyang hiwain ang
tiyan nito upang malaman ang laman. Ngunit laking gulat niya ng matagpuan doon ang nawawalang
singsing ng prinsesa.

Sa Kasamaang-palad ang prinsesa ay nahulog at lumubog. Mabilis namang tinalon ni Datu Mulawin
ang asawa upang sagipin. Subalit, kapwa sila lumubog. Lumubog sila dahil sa kapangyarihan ng
matandang nuno na binalak silang mapinsala.
La Consolacion College Tanauan A member of the
UnifiedLaConsolacionCollege
Middle School Department – South Luzon
School Year 2022 - 2023

Wakas:
Marami ang nagtangkang sisirin ang dalawa upang makita ang bangkay. Ngunit nabigo silang lahat.
Mula noon, may isang pulo ang lumitaw sa gitna ng Lawa Bunbon. Ang tawag nila rito ay Bulkan Taal.
Pangalang ibinigay ng Datung pumalit kay Mulawin. Tanda na rin ito para laging maalala sina Mulawin at
Prinsesa Taal.

Aral ng alamat:

Makuntento sa kung anong meron ka. Lahat tayo ay nilikha ng Diyos na may kanya-kanyang
katangian. Huwag maging mainggitin sa iba. Maaring ang kahinaan mo ay maging kalakasan ng iba.
Gamitin mo ito upang makatulong sa kapwa.Ang sikreto sa pagiging masaya at payapang pamumuhay ay
ang pagiging kuntento. Huwag laging tingalain ang iba. Sa halip ay pagyamanin mo kung anong meron ka
at matutong maging masaya para sa iba.

Lugar kung saan nanggaling ang alamat: Batangas

Wikang lugar: Pilipino / Tagalog

Sining nakilala sa nasabing lugar:


Ang pagagawa ng balisong at pagbuburda ay ilan lamang sa mga sining sa Batangas. Isa ang mga
ito sa ikinabubuhay ng mga batangueno. Ang burdang taal ay isa sa pinakamatantang sining sa pilipinas
noon pang 1900

Kultura:

“Matandang Dugo”, ito ang napakagandang tradisyon ng mga taga-Batangas, dahil dito
napapatunayan ang pagiging marespeto ng bawat Batangueno sa mga nakatatanda sa kanila, ngunit ang
mas nagging magandang halaga nito ay hindi lamang ang mga nakatatanda ang nirerespeto nila dahil
kahit mga nakababata o kasing edad lamang nila ay nirerespeto din nila.
Ang mga kaugaliang pagmamano, mga pamahiin at paniniwala sa kasal, libing at iba pang okasyon,
mga larong panlahi, at ang paggamit ng po at opo ay mga tradisyong kinalakihan na ng ating mga
magulang, at lolo at lola.

Ipinagdiriwang ang “Parada ng Lechon” kasabay ang pagdiriwang ng kapistahan ni San Juan
Bautista. Ito ang patron ng bayan ng Balayan. Ito ay ginaganap tuwing Hunyo 24 kada taon. Ang bawat
barangay dito ay nagdadala ng kani-kaniyang lechon para iparada sa buong bayan ng Balayan. Ang mga
lechon ay sinusuotan o pinapalamutian ng iba’t ibang disenyo na angkop sa tema ng piyesta. Pagkatapos
ng parada, pinagsasaluhan ng buong bayan ang mga lechong kanilang pinarada.
La Consolacion College Tanauan A member of the
UnifiedLaConsolacionCollege
Middle School Department – South Luzon
School Year 2022 - 2023

Ang buwan ng Mayo ay pinagdiriwang ng buong Batangas bilang buwan ng mga bulaklak.Kung saan
ay nag aalay ng mga bulaklak at panalangin kay Birheng Maria. Ang kababaihan ay ngdarasal ng rosaryo
upang pasimulan ang alayan. Ang ibang kalalakihan naman ang siyang umaawit ng mga awitin para kay
Maria.

Lahi/Pangkat-etniko: Tagalog

You might also like