You are on page 1of 40

Republic of the Philippines

Surigao del Sur State University


Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

Panimula

Ang pagsasalin ay ang gawain ng pagpapaunawa ng mga kahulugan ng


panitikan, at ng kinalabasang paglikha ng katumbas na teksto, na tinatawag na
salinwika, na naghahatid ng kaparehong mensahe na nasa ibang wika. Ang pagsasalin
ay isang paraan ng pagsulat kung saan isinusulat muli ang teksto sa ibang wika batay
sa gagamitin ng tagasalin subalit hindi nawawala ang diwa ng orihinal nito.

Ang pagsasalin na ito ay binubuo ng mga literaturang pambayan na nagmula sa


bayan ng Cortes. Pinaniniwalaang hitik sa mga kwento at kamangha manghang awitin
na naipasa ng mga ninuno ng bayan na ito hanggang sa kasalukuyan. Kabilang na dito
ang Tiyanak sa kubo, Ang Anghel na si Biridilla, Ang Pamilyang Lamok at marami pang
iba. Naging bunga ang mga literaturang ito dahil sa mga karanasan na naranasan
mismo ng mga tagabayan at ng mga nagsasalaysay. Naibahagi ang mga literaturang ito
sa pamamagitan ng pagsasalaysay ng mga kamag-anak ng tagasalin.

Sa pamamagitan ng pagsasaling ito, mailalarawan kung sino at kung anong


mayroong kaugalian at kultura ang bayan ng Cortes. Bahagi din ito ng pagkakakilanlan
ng mga Cortesanon.

Ju
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

Talaan ng Nilalaman

Ang Pamilyang Lamok (Pabula) isinalaysay ni Charlito Mira

Tiyanak sa Kubo (kuwentong bayan) isinalaysay ni Madelyn Mira

Gunitain (Sanaysay) kwento ni Madelyn Mira

Alamat ng Unggoy (Alamat) isinalaysay ni Madelyn Mira

Ang Anghel na si Biridilla ( kuwentong bayan) isinalaysay ni Ricky Ramas

Si Tuwaang at ang dalaga ng buhong na langit ( epiko ng mga Manobo)

Si Nanay at Tatay ( Awiting Bayan) isinalaysay ni Charlito Mira

Dadansoy (Awiting Bayan)

Halika rito, Kapayapaan(Soneto)

Pag-ibig na Wagas (Awit)


Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

Pabula

Ang pamilyang Lamok

Isinalaysay ni: Charlito Mira

Lubcon, Mabahin, Cortes, SDS

Nagsimula ang kwento sa lugar kung saan namamahay ang magpamilyang


Lamok sa loob ng basurahan sa kanto. Masaya si Amang Lamok at Inang Lamok dahil
nakadilihensya sila ng dugo ng tao, may maipapasipsip na sila sa anak nilang si
Bunsong Lamok. Pagdating ng mag-asawang Lamok sa kanilang tahanan naabutan
nila ang kanilang Bunsong anak na naglalaro sa tubigan. Tinawag nila ito at
pinagsabihan, “Anak, Bunsong Lamok, huwag kang lalayo sa ating tahanan at baka
ikaw ay mapahamak” sabi ng Inang Lamok, “ Huwag lalabas ng bahay at baka makita
ka ng mga tao at ikaw ay saktan” sabi naman ng Amang Lamok. Opo Amang at Inang
sabi ng Bunsong Lamok. Halina kayo at pagasasaluhan natin ang nakuha naming dugo
ng Itang mo anak, hindi na tayo magugutom hanggang sa susunod na mga raw.
Masaya ang Pamilyang Lamok dahil matagal tagal silang hindi makakalabas ng
kanilang tahanan mas matagal nilang makakasama ang Bunsong anak na Lamok. Sa
tuwing lalabas kasi sila ng kanilang tahanan upang maghanap ng masisipsip na dugo
ay nangangamba silang baka hindi na sila makabalik pa, dahil palaging nasa bingit ng
kamatayan ang kanilang buhay sa pagkuha ng kanilang masisipsip na dugo. Isang araw
naubusan na sila ng dugong masisipsip wala silang magagawa at kailangan ng mag-
asawang Lamok na maghanap ng dugo para sa kanilang Bunsong anak na Lamok.
Kaya nagpaalam na sila sa anak, “Bunsong Lamok huwag lumabas ng bahay ha uuwi
kami kaagad ng iyong Amang, maghahanap lang kami ng masisipsip nating dugo” sabi
ng Inang Lamok. “Opo Inay, dalhan niyo po ako ng maraming dugo Inay, mahal na
mahal ko po kayo ni Amang sabi ng Bunsong Lamok, “ oo anak ipagdasal mong hindi
kami mahahampas ng Amang mo sabi ng Inang Lamok, hindi nila alam na iyon na pals
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

ang huling sandali na makakasama nila ang kanilang Bunsong anak na Lamok dahil sa
pagkakataon ito ay mamalasin silang mag-asawa dahil mahahampas sila at
mamamatay, nagiging ulila na sa magulang ang Bunsong anak na Lamok. Kaya
tandaan natin na sa bawat pagpatay natin ng Lamok ay may nauulilang mga supling na
Lamok.
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

Ang Pamilyang Lamok

Gisaysay ni: Charlito Mira

Lubcon, Mabahin, Cortes, SDS

(Bisaya)

Gasugod ang estorya sa lugar kung asa gapuyo ang pamilya nga Lamok sa
sulod sa basurahan daplin sa kanto. Nalipay si Amahang Lamok ug Inahang Lamok
tungod kay nakakuha silag dugo nan tao, may maipasupsop na sila sa ilang ani nga si
Kinamanghurang Lamok. Pag-abot nan mag-asawa nga Lamok sa ilang balay, ilang
naabtan ang ilang Kinamanghurang anak na gadula sa tubigan. Gitawag nila kini ug
gisultian “ Anak Kinamanghurang Lamok, ayaw pagpalayo sa atong balay basin
madisgrasya ka” sulti sa Inahang Lamok. “Oo Nay ug Tay” tubag sa Kinamanghurang
Lamok. Dali na mo kay magsalo tag ug supsop sa nakuha na dugo nan imo Amahan,
dili na ta magutom hangtod sunod na adlaw. Lipay kaayo ang pamilya nga lamok kay
dugay na napod sila makagawas sa ilang puy-anan, mas dugay nila makauban ilahang
anak na kinamanghuran. Kada gawas man gud nila sa ilang puy-anan para mangitag
dugo nga supsupon kay mabalaka sila nga basin dili na sila makabalik pa, tungod kay
delikado kaayo ang ilang kinabuhi sa pagkuha sa ilang masupsop nga dugo. Usa ka
adlaw nahutdan na silag dugo nga masupsop, walay ilang mahimo ug kinahanglan jud
sa mag-asawang Lamok na maghanap nan masupsop na para sa ilahang anak nga si
Kinamanghurang Lamok. Nananghid na sila sa ilang anak “ Kinamanghurang Lamok,
ayaw ug gawas sa atong puloy-anan ha, mouli dayon mi sa imong Amahan, maghanap
ra mi nan atoa masupsop nga dugo” ingon ni Inahang Lamok. “Oo Nay, dal-e ko ug
daghang dugo ha Nay, palangga ko kaayo mo Nay ug Tay” ingon sa Kinamanghurang
Lamok. “ Oo anak e ampo mo kami nga dili mi madagpi nan imo Amahan” ingon ni
Inahang Lamok. Wala sila kabalo na mao na diay ang katapusang pag-uban nila ang
ilang Kinamanghurang anak nga Lamok, tungod kay kadtong higayuna madisgrasya
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

man ang mag-asawang Lamok kay madagpi man sila ug mamamatay, nahimong wa
nay ginikanan ang Kinamanghurang Lamok. Ato jud timan-an na sa kada patay natog
may mga bata nga mga Lamok ang nawad-an ug ginikanan.
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

Kwentong-bayan

Tiyanak sa Kubo

Isinalaysay ni Madelyn “Nenengl” Mira

Lubcon, Mabahin, Cortes, SDS

May mag-asawang dumating galing Maynila sa isang bayan sa Castillo, mga


dayo ang mga ito at walang nakakakilala sa mga ito. Nakatira ang mag-asawa sa isang
maliit na kubo sa liblib na bukid na hindi masyadong kalayuan sa bahay nila Neneng.
Ang kubong iyon ay madadaanan ng mga estudyante kapag pumapasok ang mga ito sa
eskwelahan, kadalasan nakasarado ang bahay na iyon na para bang walang nakatira.
Kapag dumadaan si Neneng sa parte ng may kubo ay tumataas ang kanyang balahibo
sa batok at kamay. Hindi pa niya maintindihan ang nangyayari dahil bata pa siya kaya
hindi niya ito pinapansin. Isang araw habang naglalakad si Neneng sa tabi ng kubo ay
nakarinig siya ng iyak ng sanggol, hindi niya ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad,
subalit habang papalayo siya ay palakas ng palakas ang iyak nito kaya kinabahan siya,
tila ba may nakasunod sa kanya, kaya kumaripas na siya ng takbo. Pag-uwi ng bahay
ay agad siyang nagsubong sa kanyang Inay tungkol sa naranasan niya sa may kubo.
Kaya ikinwento ng kanyang Inay ang kababalaghan tungkol sa kubong iyon. Usap
usapan sa kanilang baryo ang pagkawala ng mag-asawa sa kubo, may nagsabi na
namatay daw sa panganganak ang babaeng asawa at ang sanggol nito. May nagsabi
rin na pinatay ng lalaki ang kanyang mag-ina at binalot lang sa isang banig at inilibing
sa silong ng kanilang kubo. Kaya hindi matahimik ang kaluluwa ng sanggol at gustong
maghiganti sa kanyang ama dahil sa ginawa nito. Kaya ang sanggol ay naging tiyanak,
isang uri ng halimaw na pumapatay ng lalaki, nag-aanyong sanggol upang
makapanlinlang ng kanilang mabibiktima. Magpahanggang ngayon ay misteryo parin sa
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

bayan ng Castillo ang pagkawala ng pamilya, kaya naging Isang kababalaghan ang
nangyari sa pamilya dahil sa mga kakaibang nararanasan ng mga tao roon.
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

Tianak sa Payag

Gisaysay ni Madelyn Mira

Lubcon Mabahin Cortes SDS

(Bisaya)

May mag-asawa nga niabot gikan Manila sa usa ka baranggay sa Castillo, mga dayo
kini sila sa lugar ug walay makaila nila. Nagpuyo Ang mag-asawa sa gamay nga payag
sa hilit kaayo nga daplin sa bukid nga dili kaayo layo sa balay nila Neneng. Ang kadtong
payag kay maagian ra nan mga estudyante kung molabay sila padulong ug
eskwelahan. Pirme sirado ang payag na murag walay gapuyo niini . Kung moagi si
Neneng sa daplin saay payag kay manibawot ang iyang balahibo sa liog ug kamot.
Wala pa niya masabti ang mga nahitabo tungod kay bata pa siya ug wala nalang niya
kini panumbalinga. Usa ka adlaw mintras galakaw si Neneng daplin sa payag kay may
iya nabatian nga hilak sa bata, wala niya kini gipansin ug magpadayon nalang siya sa
paglakaw, apan mintras gapalayo siya nikusog na nikusog ang hilak sa bata, gikulbaan
na siya, murag may gasunod sa iyaha, maoy hinungdan na nidagan siya’g kusog. Pag-
uli niya ug balay, gisumbong dayon niya sa iyang nanay ang iya naagian sa may
payag.Tag- estorya sa iyang nanay ang hadlok na panghitabo mahitungod sa payag.
Gidungog sa ilang baryo ang pagkawala sa mag-asawa sa ilang gipuy-an nga payag.
May ga estorya nga namatay daw ang buntis sa pagpanganak. May ga-estorya pod nga
gipatay kini sa iyahang bana ug giputos ang patay nga lawas na buntis sa usa ka banig
ug gilubong sa silong sa bagay sa payag. Maoy hinungdan nga dili mahimutang ang
kalag sa bata ug gusto kining manimalos sa iyang amahan tungod sa gibuhat niini. Ug
ang bata nahimo’g Tiyanak, usa ka klase nga maligno nga gapamatay ug mga lalaki,
kini murag bata nga bag-o pa nga gianak para makapanlinla sa ilang biktimahon.
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

Hangtod karon usa pa gihapon ka misteryo sa baryo sa Castillo ang nahitabo sa mag-
asawa, ug may naagian ang mga mamuluyo sa maong baryo nga dili masabtan.
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

Sanaysay

Gunitain

Ni: Rexchelle Mira

(Kuwento ni Madelyn “Neneng” Mira)

Si Madelyn Mira ay ipinanganak noong June 21,1971 sa Lanuza, Surigao del


Sur, siya ay aking ina. Inse o neneng ang palayaw niya, pang anim siya walong
magkakapatid. Anak siya nina Monico Mira at Maria Repeso. Mula pagkabata ay
marami na akong kuwentong naririnig mula sa kanya. Sabik na sabik akong marinig
palagi ang kanyang mga kuwento at karanasan niya noong bata pa siya

Sariwang sariwa pa sa aking alaala ang mga kuwento ni Inay noong kabataan
niya. Pinakapaborito ko sa lahat ay yung kuwento niya noong nag-aaral pa siya sa
Castillo, San Miguel. Sa edad na siyam ay masasabi kong, napakatapang niya para sa
isang bata ang mag-isa lang na bumabagtas sa gubat, nasa unang baitang pa lamang
siya noon, para lamang makapag-aral ay binabagtas niya ang pagkalayo layong daan
upang makarating sa paaralan ng Elementarya ng Castillo, may mga panahon habang
binabagtas niya ang daanan na iyon, ay marami siyang di makakalimutang mga
karanasan, makikita niya ang mga naglalakihang punong kahoy na binabahayan ng
iba’t ibang uri ng unggoy ang iba’y binabato siya nito kapang dumadaan siya, ang iba
naman tatangkain siyang habulin. Napakasukal ng kanyang dinadaanan halos
matabunan siya ng mga halamang damo, may mga ahas pa na bigla bigla nalang
susulpot sa kanyang daraanan, kung minsan pa nga ay nakakarinig pa raw siya ng iyak
ng sanggol subalit hindi niya alintana ang mga iyon ang mahalaga sa kanya ay ang
makapag-aral. Baon niya ang kamoteng kahoy na nakabalot sa dahon ng saging na
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

magsisilbing pananghalian niya sa klase, mababakas ko sa kanyang mga mata habang


nagkukuwento, ang kagustuhan niyang mag-aral sa kabila ng hirap na pinagdaanan.

Noong nalipat sila ng matitirhan sa bayan ng Matho kung saan sila lumaking
magkakapatid. Simple at payak ang kanilang pamumuhay, madaling araw pa lamang
ay pumapalaot na sila kasama ang buong pamilya sa pangunguha ng isda sa
pamamagitan ng baling, iyon ang ikinabubuhay ng kanilang pamilya. Noong nasa
Elementarya pa lamang siya ay nakaranas siya na maglako ng isda, ipinapatong niya
ang palanggana na may isda sa kanyang ulo habang naglalako, para may pambili sila
ng lapis at papel. Bata pa lamang ay naiintindihan niya na ang hirap kumita ng pera,
kaya nagsikap siyang makatulong sa kanyang nanay dahil alam niya ang hirap ng
buhay nila. Tumutulong din silang magkakapatid sa pagsasaka tuwing bakasyon.
Nangunguha sila ng pato dela Mar sa bukid, baboy ihalas at Ulang sa sapa kapag
walang klase. Sariwang sariwa ang hangin na nalalanghap nila, malinis ang tubig sa
batis kung saan sila naglalaro at naliligo.

Masaya ang buhay nilang magkakapatid sabi ni Inay, sila yung matatawag mong
kontento na sa simpleng buhay, wala mang magagarang damit, bahay at mga laruan,
puno naman sila sa pagmamahal at pag-aaruga. Ang libangan nila ay maghabulan sa
dalampasigan, bitbit ang niyog at kamote na tanging meryenda nila matapos maglaro,
naalala pa niya may aso silang ang pangalan ay Browny, napaka espesyal ng aso na
iyon para sa kanilang magkakapatid, sabi pa nga ni Inay napakatalino ng asong iyon,
araw-araw nilang nakakasama sa pag-akyat sa bukirin. Parang tao daw mag-isip ang
asong si Browny, isang beses pa nga nang dumating sila galing paaralan, walang silang
ulam ng mga panahong iyon, kaya inutusan ng nakakatandang kapatid ni Inay ang aso
na maghanap ng uulamin nila, umalis ang aso pagbalik nito ay may kagat kagat itoin na
malaking ibon. Doon nila napagtanto na nakakaintindi pala asong si Browny mula noon
ay mas napamahal sa kanila yung aso, hindi dahil naghahanap ito ng pagkain para sa
kanila kundi mabait, masunurin, at matapat na aso si Browny. Umiyak pa nga raw siya
ng mamatay ito dahil sa sobrang katandaan na, hindi niya malilimutan ang asong iyon.
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

Nagsimulang magbago ang mga buhay nilang magkakapatid noong nag-aaral na


sila sa Sekundarya, mahirap man sila ay nakapag aral sila sa isang praybeyt skol sa
Saint Louis Catholic school sa bayan ng Tigao, ito’y bunga ng pagsisikap nilang
makakuha ng iskolarship sa nasabing paaralan. Masaya ang kanilang pamumuhay
kahit simple lang, nakakapag-aral sila subalit ng kalauna’y huminto si Inay sa pag-aaral
dahil hindi na kaya ng kanilang mga magulang ang pag-aralin silang lahat. Kaya
namasukan ang Inay upang makatulong sa pang araw-araw na pangangailangan ng
kanilang pamilya. Nagkasakit din ng mga panahong iyon ang kaniyang nakakatandang
kapatid at kailangan ng malaking pera para sa panggagamot, naibenta ang kanilang
lupang sakahan at dahil doon nagsumikap si Inay na magdoble kayod para makatulong

Hindi na muling nakapag aral si Inay, huminto na rin sa pag-aaral ang iba pa
niyang mga kapatid, dalawa nalang sa kanila ang nagpatuloy sa pag-aaral, nagkaniya-
kaniya silang sikap para makatulong sa kanilang magulang. Masayang masaya siya ng
makatapos ang dalawa niyang bunsong kapatid sa Sekundarya, sabi pa nga niya
mabuti naman at may nakapagtapos sa kanila ng Sekundarya may maipagmamalaki na
siyang mga kapatid. Sinusuportahan niya parin ito habang nag-aaral sa kolehiyo.
Minsan nalang kung makauwi ang Inay noon habang nagadadalaga siya, kung saan
saan siya namasukan. Hanggang sa nag-asawa siya sa edad na dalawampu’t pito,
nagka-anak at ako ang naging bunga, tatlo kaming naging anak niya at ako ang
panganay. Nakapagtapos ang dalawa niyang kapatid ang isa ay naging guro sa
Sekundarya at ang isa naman ay Seaman. Masaya si Inay sa kabila ng hirap na
pinagdaanan niya dahil nagtagumpay naman sa buhay ang kanyang mga kapatid.

Naisip ko tuloy, siguro kung hindi huminto ang Inay sa pag-aaral at


nakapagtapos, ano kaya ang propesyon niya? Subalit naisip ko rin na hindi man si Inay
nakapagtapos o naging matagumpay sa buhay, masasabi ko naman na puno ng
masasayang alaala ang kanyang kabataan na hindi naranasan ng mga kabataan
ngayon. Noon pambatang laro, magazine, at komiks ang tanging libangan ng mga
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

kabataan, masayang naghahabulan ng walang problema sa buhay, hindi katulad sa


mga kabataan ngayon, lulong sa mga gadget at online games, halos hindi naarawan,
palaging nakakulong sa kwarto, babad sa facebook, tiktok at iba pa. Kaya naman
masasabi ko talaga na mas maswerte ang kabataan noon kaysa ngayon.
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

Taghuna-huna

Gisaysay ni Madelyn “Neneng” Mira)

Gipanganak si Madelyn Mira sa bulan sa Hunyo 21, 1971 sa Lanuza, Surigao del
Sur, akoa siyang inahan. Inse o Neneng ang iyahang dagnay. Ika unom siya sa walo ka
mag-igsuon. Anak siya ni Monico Mira ug Maria Repeso. Sugod pagkabata, daghan
nako nabatian nga mga estorya gikan niya. Ganahan jud ko makabati pirme sa iyang l
estorya ug kaagi sa bata pa siya.

Lab-as pa kaayo sa akoang memory’s ang mga estorya ni Nanay kadtong bata
pa siya. Paborito kaayo nako ang iyang estorya sa nag eskwela pa siya sa Castillo San
Miguel. Sa edad niya nga siyam, makasulti jud ko nga isog kaayo siya bisan bata pa,
kaya niya baktason ang kalasangan, grade wan pa siya kadtong higayuna. Para
makaeskwela ginabaktas niya ang layo kaayo nga dalan aron makaabot sa Castillo
Elementarya School, may mga panahon mintras gabaktas siya sa kadtong agihan kay
daghan siya dili malintan nga mga kaagi. Makita niya ang dahil ng mga kahoy na
ginapuy-an sa lain lain nga klase sa unggoy, ang uban kay ginabato siya mintras
galakaw siya, ang uban kay gukdon siya. Sagbuton kaayo ang iyang again, halos
matabunan na siya sa mga sagbot, may mga halas pa jud na kalit na lamang musulpot
sa iyang agian, naa pay panagsa nga makabati pa daw siya ng hilak sa bata pero wala
ra to niya ang importante nga makaeskwela siya. Ang iyang balon kay kamote nga
giputos sa dahon sa saging, amo ang iya himoon nga paniudtuhon sa klase, makita jud
nako sa iyahang mga mata samtang ga-estorya, ang kagustuhan nga makaeskwela
bisan lisod iyang naagian.
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

Kadtong nibalhin sila ug puy-anan sa baryo sa Matho diin asa sila gadako nga
mag-igsuon. Simple ra kaayo ang ilang pagkinabuhi, kaadlawon pa moadto na silag
dagat uban ang tibook pamilya aron mamaling. Kadtong naa pa siya sa Elementarya,
nakaagi siya nga magsuroy ug isda, iya kining lukduhon sa iyang ulo mintras gasuroy
aron makapalit sila nan lapis ug papel. Bata pa siya nakasabot na siya unsa kalisod
mangitag kwarta, maong naningkamot siya na makatabang sa iyang nanay kay kabalo
siya nga lisod ilang kinabuhi. Gatabang usab silab nga mag-igsuon basta bakasyon sa
mga trabahoon sa basakan. Gapandakop pod sila ug pato de Lamar sa bukid, Baboy
ihalas, ug Ulang sa sapa kung walay klase. Lab-as kaayo ang hangin na mahaklo
nila,impyo ang tubig sa sapa diin sila gadula ug galigo.

Malipayon ang ilang kinabuhi nga mag-igsoon ingon ni Nanay, sila ang matawag
nga kontento na sa simple nga kinabuhi, wala man sila mga nindot nga mga sinina,
bahay ug dulaan puno man pod sila sa pagmahal ug pag-atiman sa ilang mga
ginikanan. Ang ilang lingaw kay mag lanat lanat sa baybayon, bitbit ang unog sa niyog
ug kamote na amoy ilang himoon nga meryenda paghuman ug dula. Nakadumdom pa
siya nga may ila iro nga ginganlag Browny, espesyal kini nga iro. Adlaw adlaw nila kini
kauban nga mosaka ug bukid . Murag tawo daw maghuna huna si Browny, usa ka
higayon niabot sila gikan ug eskuylahan, walay ila sud-an kadtong panahona,
hinungdan nga gisugo sa magulang nga igsoon ni Nanay ang iro nga maghanap ug
ilang sud-anon, nilakaw jud ang iro ug pagbalik niini kay may gipaak kini nga dako nga
langgam. Didto nahunahunaan nga makasabot ang iro nga si Browny.

Nagbag-o ang ilang keep nabuhi ni Nanay nan nitungtung na sila sa highschool,
lisud man sila apan naka eskwela sila sa usa ka praybeyt skol sa Saint Louis Catholic
school. Bunng kini sa ilang pagpaningkamot nga makakuha ug scholarship sa maong
eskwelahan. Malipayon sila bisan simple ra, makaeskwela sila, apan sa kadugayon
niundang nalang so Nanay kay dili na sila kaya pa eskwelahon sa ilang ginikanan. Ug
nanrabaho si Nanay bilang masugo aron makatabang sa adlaw adlaw nga ilang
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

panginahanglanon. Nagkasakit pa gyud ang iyang kinamagulangang igsoon ug


kinahanglan niini nan dako nga kantidad aron magpatambal. Nabaligya ang ilang
basakan ug tungod ato double ang pagpaningkamot ni Nanay aron makatabang.

Wala na nibalik ug eskwela si Nanay, niundang pod ang iyang uban nga mga
igsoon, duha nalang ang nabilin nga nag eskwela sa ilaha, nag iya iya na silag
paningkamot aron makatabang sa ilang ginikanan. Nalipay kaayo si Nanay kadtong
nahuman sa pag-eskwela sa highschool ang duha ka igsoon niya, ingon pa niya nga
maayo nga may nakatapos sa ila sa highschool, garbo niya kini. Tagsuportahan
gihapon ni Nanay ang iyang duha ka igsoon mintras ga eskwela sila sa kolehiyo.
Panagsa nalang makauli si Nanay samtang gadalaga siya. Bisan asa ra siya
gapanrabaho. Hangtod sa naminyo siya sa edad nga bayte says, ug isa ako mga anak,
tatlo kami ug ako ang panganay. Nakahuman ang duha niya ka mga igsoon, ang usa
maestra, ug ang usa Isa ka Seaman. Malipayon gihapon so Nanay bisan sa mga
kalisod nga iyang naagian tungod kay nagmalampuson sa kinabuhi ang duha niya ka
igsoon.

Nakahunahuna ko nga, kung nakahuman kaha si Nanay unsa kaha iya nahuman
nga propesyon? Apan nahunahunaan pod nako nga, Bisan tood Wala kahuman si
Nanay, damo man gihapon ang malipayon nga mga memorya o kaagi nan bata siya, na
Wala agihi sa mga kabataan unan karon na panahona. Sa una ang ila lingaw kay
pambata nga mga dula, pagbasa ug dyaryo o magazine ilang kalingawan. Dili patehas
karon nga adik kaayo ang mga kabataan sa mga online games, dili maadlawan naa ra
sa kwarto kay tungod sa mga social media nga mga buluhaton. Kanaman makasulti ko
nga suwerte jud ang kabatan-unan sa una kumpara karon nga panahon.
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

Alamat

Alamat ng Unggoy

Isinalaysay ni Madelyn Mira

Lubcon, Mabahin, Cortes, SDS

May mag-asawang naninirahan sa isang liblib na lugar malayo sa bayan. Walang


anak ang mag-asawa, at namumuhay ng simple at payak sa araw-araw. Nais ng
asawang babae na magkasupling kaya ginawa niya ang lahat para lang magkaanak.
Isang araw may matandang babae na lumapit sa Ginang, sinabihan siya nito na ibibigay
ang lahat ng kanyang kahilingan sa isang kondisyon, kapag siya ay nagkaanak ng lalaki
ay ibibigay niya ito sa matanda at kung babae naman ay kanya na ito, pumayag naman
sa alok ng matanda ang Ginang dahil desperado siyang magkaanak. Natupad nga ang
inaasam ng Ginang na magkaroon ng anak subalit sa kasamaang palad ay lalaki ang
kaniyang iniluwal na sanggol. Umalis papuntang bayan ang mag-asawa dala ang
sanggol na lalaki upang itago ito sa sa matandang ermetanya. Mahal na mahal ng mag-
asawa ang bata kaya naisipan nilang itago ito. Noong una ay akala nilang hindi na sila
gagambalain ng matanda subalit kalauna’y natuntun sila ng matandang ermetanya.
Nais nitong kunin sa kanila ang lalaking sanggol subalit hindi papayag ang mag-asawa
naging matigas sila sa pakiusap ng ermetanya. Nagmakaawa pa ang mag-asawa sa
matanda na huwag silang paglayuin ng kanyang supling dahil ikamamamatay niya kung
mawawala ito sa kanya. Ang ermetanya ay nakapagisip ng paraan, sinabihan niya ang
mag-asawa na hindi niya paghihiwalayin ang kanilang pamilya sa isang kondisyon,
magiging Isang uri sila ng hayop at titira sila gubat, pumayag ang mag-asawa dahil sa
labis na pagmamahal nila sa kanilang anak. Nagsimulang magdilim ang kalangitan at
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

umalingawngaw ang napakalakas na kidlat at doon nag-anyong hayop na para ring tao
ang pamilya, dali dali silang pumunta sa gubat bitbit ang kanilang sanggol at doon
nanirahan. Noon, wala pang pangalan ang mga ito subalit kalauna’y naging Unggoy
ang tawag ng mga tao rito. Makikita silang palaging magkasamang pamilya na para
bang ayaw maghiwalay, kanlong palagi ng Inang Unggoy ang kayang sanggol saan
man ito magpunta.
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

Alamat ng Unggoy

Gisaysay ni Madelyn Mira

Lubcon, Mabahin, Cortes, SDS

(Bisaya)

May mag-asawa nga nagpuyo sa suok nga lugar layo sa baryo. Wala’y anak ang
mag-asawa ug gakinabuhi sila nga simple ra sa adlaw – adlaw. Gusto sa asawa nga
magkaanak maong gihimo niya ang ang tanan aron magkaanak ra. Usa kaadlaw may
tigulang nga babaye ang niduol sa asawa, giingnan siya ani na ihatag niya ang tanan
niya pangayuon apan naay kondisyon, kung moanak ang asawa ug lalaki kinahanglan
nga ihatag niya kini sa tigulang, nisugot siya kay tungod desperado na siya magkaanak.
Natuman jud ang taghinam hinam sa asawa nga manganak apan sa walay suwerte
lalaki nga bata iyang gianak. Nihawa ang mag-asawa uban ang baitang lalaki nga iyang
gianak aron itago kini sa tiguwang nga ermetanya. Pinangga kaayo sa mag-asawa ang
bata ug ila kining gitago. Sa una abi nilag dili na sila samukon sa tigulang apan sa
kadugayan nasakpan ra jud sila ug gusto kini kuhaon ang batang lalaki , apan wala
nisugot ang mag-asawa nagpatigas sila sa hangyo sa tigulang nga ermetanya.
Nagpakalooy ang mag-asawa nga dili sila ibulag sa ilahang anak kay mamatay kini
kung mawala sa iyaha iyang anak. Nakahunahuna ug paagi ang ermetanya, mosulti kini
nga dili niya bulagon ang mag-asawa sa ilahang anak apan naay kondisyon, mahimo
sila ug usa ka klase nga mananap ug mupuyo sila sa lasang. Nisugot ang mag-asawa
tungod sa grabe nila nga gugma sa ilahang anak. Nagsugod ug dulom ang ug nitingog
ang kusog nga kilat ug didto nahimo’g mananap nga murag tawo ang mag pamilya,
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

nidali silag adto ug lasang bitbit ang ilang anak ug didto na sila gapuyo. Sa una wala pa
kini hinganli, apan sa kadugayon, nahimo’g Unggoy ang tawag sa mga tao nila. Makita
sila nga magpamilya nga murag dili magbuwag sa usag usa. Ginagakos sa Inahang
Unggoy ang iyang anak bisan asa kini moadto.
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

Kuwentong bayan

Ang Anghel na si Biridilla

Isinalaysay ni Ricky Ramas

Lubcon, Mabahin, Cortes, SDS

Noong unang panahon ay may mga Anghel na bumababa sa lupa at nag-


aanyong mortal. Isa si Biridilla sa mga kawal na Anghel na ginawang sugo ng Bathala
na bumaba sa lupa upang maging gabay ng mga mortal. Si Biridilla ay walang kasarian
sapagkat, walang kasarian ang mga Anghel at maging ang Bathala. Isang araw ay
ipinadala ng Bathala si Biridilla sa lupa upang magsubaybay sa mga mortal. Ipinag-utos
ng Bathala na ilista ni Biridilla ang bawat galaw at pag-uugali ng mga mortal upang tiyak
na hindi niya ito makaligtaan. Bumaba na nga sa lupa si Biridilla at nagsimulang
magmasid sa mga mortal. Inilista niya ang lahat ng galaw at kilos ng mga ito. Bumalik
uli ng langit si Biridilla upang ipakita sa Bathala ang kanyang ginawang paglilista.
Nagalit ang Bathala dahil nakita niya sa lista ang pagiging sakim at mapagmataas ng
mga mortal kaya nakapag-isip ng paraan ang Bathala, bibigyan niya ng huling
pagkakataon ang mga mortal, subalit kung makakapasa ang mga ito sa pagsubok na
kanyang ibibigay at kung hindi naman ay bibigyan niya ng napakalaking unos ang lupa.
Inutusan ulit ng Bathala si Biridilla na bumaba sa lupa at subukin ang mga mortal.
Bumaba agad ng lupa si Biridilla at nag-anyong matandang babae na gusgusin.
Nagsimulang manghingi ng makakain at tubig si Biridilla sa mga mortal, nais niyang
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

malaman kung hindi madamot ang mga ito subalit sa kasamaang palad ay
pinagbuhatan pa siya ng kamay ng mga ito, pinatulungan siyang bugbugin at
pagkatapos ay inihagis siya sa kinailaliman ng dagat. Nagpupuyos sa galit ang Bathala
dahil sa ginawa ng mortal sa Anghel na si Biridilla, iniahon niya mula sa dagat si Biridilla
at ginawang unos na nakakahindik at nakakakilabot, naging mapaghiganti ang unos na
si Biridilla sa mga tao. Pinahirapan niya ang mga mortal sa pamamagitan ng bagyo at
lindol, marami ang nawalan ng buhay ang iba naman ay nagkaroon ng matinding
karamdaman dulot ng unos na ginawa ni Biridilla, magmula noon natuto na ang mga
mortal subalit habang tumatagal at bumalik uli ang mga mortal sa dati nitong mga ugali.
Walang magawa ang unos na si Biridilla kundi magbigay ng bagyo at lindol taon-taon
upang ipaalala sa mga mortal ang mga kasakiman na ginagawa ng mga ito.
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

Ang Anghel na si Biridilla

Gisaysay ni Ricky Ramas

Lubcon, Mabahin, Cortes, SDS

Sa una nga panahon kay may mga Anghel nga gapanaog sa lupa ug anyong tao
kini sila. Isa si sa mga mangugubat nga sugo sa Bathala aron munaog sa lupa aron
nahimo’g giya sa mga tawo. Si Biridilla kay wala’y kinatawo tungod kay wala’y kinatawo
ang mga Anghel apil pod ang Bathala. Usa sa kaadlaw, gipadala sa Bathala si Biridilla
sa lupa aron maniid sa mga tawo, tagsugo sa Bathala nga ilista niya ang tanang lihok
ug pamatasan sa mga aron dili niya kini malimtan. Ninaog na si Biridilla sa lupa aron
sugdan ang pagpaniid sa mga katawhan. Gilista niya ang binuhatan ug lihok sa mga
tawo. Nibalik na ug langit si Biridilla aron ipakita sa Bathala ang gibuhat niya nga
pagpanglista. Nasuko ang Bathala kay nakita niya sa lista ang pagkahakog ug
pagkargarbo sa mga tawo ug naghunahuna ug paagi ang Bathala, tagaan niya ug
tsansa ang mga tawo kung ila malamposan ang ihatag niya nga pagsulay ug kundili
hatagan niya ug dako nga unos ang lupa. Gisugo utro sa Bathala si Biridilla sa lupa
aron sulayan ang mga tawo. Ninaog dayon si Biridilla sa lupa ug nagpa aroningnon nga
tigulang nga hugaw. Nagsugod ug pangayog pagkaon sa mga tawo si Biridilla, tag
sulayan niya kung dili kini mga hakog, apan sa pagkawalang swerte tagbun-og pa siya
sa mga tawo, tagtabangan siya ug kulata human gilabay dayon siya sa lalom nga
dagat. Nalagot kaayo ang Bathala sa gihimo sa mga tawo sa Anghel na si Biridilla.
Iyang gikuha si Biridilla sa lalom nga dagat ug gihimo kuyaw kaayo nga bagyo
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

nahimong nagpanimalos ang unos nga si Biridilla. Gipalisudlisuran niya ang mga tawo
pinaagi sa linog ug bagyo. Daghan kaayo ang mga namatay, ang uban kay nagkasakit
tungod sa unos nga si Biridilla. Sugod ato nagbag-o ang mga tawo apan sa kadugayon
nibalik ra sila sa ilang daan nga mga kinaiyahan. Wala’y mahimo ang unos nga si
Biridilla kundili tagaan nan linog ug bagyo ang mga tawo aron ipahinumdum sa mga
tawo ang kahakog ug garbo na ila pamatasan.
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

Epiko

“Si Tuwaang at ang dalaga ng buhong na langit”

Epiko ng mga Manobo

Sa Kaharian ng Kuaman, may isang lalaking nagngangalang Tuwaang. Tinawag


niya ang kaniyang kapatid na si Bai.

Lumapit si Bai, at ito ay nagdala ng nganga. Ang magkapatid ay ngumuya ng


nganga. Sinabi ni Tuwaang na may dalang mensahe ang hangin na pinapapunta siya
sa kaharian ni Batooy, isang bayani sapagkat may dalagang dumating sa kaharian
ngunit hindi siya nakikipag-usap sa mga kalalakihan doon, kaya pinatawag ng isa sa
mga kalalakihan ang hangin para ipatawag si Tuwaang.

Hindi pumayag si Bai sa gagawing paglalakbay ni Tuwaang. Kinakabahan si Bai


sa maaaring mangyayaring masama kay Tuwaang. Pero hindi nakinig si Tuwaang sa
sinabi ni Bai. Agad-agad na naghanda si Tuwaang at isinuot ang kanyang mga armas.
Kinuha niya ang kaniyang sibat at kalasag at tinawag ang kidlat upang dalhin siya sa
lugar ng Pinanggayungan.

Pagkarating doon ay bumisita siya sa bahay ng Binata ng Pangavukad.


Sinamahan siya ng binata ng Pangavukad sa kaniyang paglalakbay.
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

Sila’y nakarating sa tahanan ni Batooy. Humiga si Tuwaang sa tabi ng dalagang


nagbalita sa kaniya at kaagad na nakatulog. Bumunot ang dalaga ng isang buhok ni
Tuwaang na nakalawit. Nagsalita ang dalaga at nakilala na nila ang isa’t isa.

Ang dalaga ay ang Dalaga ng Buhong na Langit. Tumakas siya at nagtatago


mula sa Binata ng Pangumanon, isang higante na may palamuti sa ulo na abot ang
mga ulap. Gusto siyang pakasalan ng binata ngunit tinanggihan niya ang alok.

Nagalit ang binata at sinunog ang bayan ng dalaga. Sinundan niya ang dalaga
saan man siya mapadpad at sinunog niya ang mga bayan na pinagtataguan ng dalaga,
kaya naghanap ang dalaga ng pagtataguan sa mundong ito.

Pagkatapos magkuwento ang dalaga kay Tuwaang, dumating bigla ang Binata
ng Pangumanon, balot ng apoy, at pinagpapatay niya ang mga tao sa kaharian ni
Batooy.

Naglaban si Tuwaang at ang Binata ng Pangumanon gamit ang kanilang mga


sandata. Ngunit magkasinlakas silang dalawa, at nasira ang kanilang mga sandata.
Tinawag ng Binata ng Pangumanon ang kaniyang patung, isang mahabang bakal. Ito’y
kaniyang ibinato at pumulupot kay Tuwaang. Lumiyab ito ngunit itinaas ni Tuwaang ang
kaniyang kanang bisig at namatay ang apoy. Tinawag ni Tuwaang ang kaniyang patung
at ibinato sa binata. Lumiyab ito at namatay ang binata. Pagkatapos ng labanan ay
binuhay niya ang mga namatay na tauhan gamit ng kaniyang laway. Dinala niya ang
dalaga sa kaniyang bayan sakay ng kidlat.

Ikinuwento ng Gungutan na nakita niya sa kaniyang panginip na darating si


Tuwaang sa Kawkawangan. Inalok naman ni Tuwaang ang Gungutan na sumama sa
paglalakbay niya; tinanggap naman ito ng Gungutan. Tumuloy na sila sa paglalakbay.

Nakarating si Tuwaang at ang Gungutan sa kasal. Dumating ang Binata ng


Panayangan, na nakaupo sa gintong salumpuwit, ang Binata ng Liwanon, ang Binata
ng Pagsikat ng Araw, at ang Binata ng Sakadna, ang ikakasal na lalaki, at kaniyang 100
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

pang tagasunod. Nakiusap ang Binata ng Sakadna na linisin ang mga kalat sa kasal (o
mga hindi imbitado/kailangang bisita) ngunit sinagot naman siya ni Tuwaang na may
pulang dahon (mga bayani) sa okasyon.

Nagsimula ang mga unang seremonya ng kasal. Binayaran ng mga kamag-anak


ang mga savakan (mga bagay para sa babaeng ikakasal at mga nakabalot na pagkain
na inaalay ng mga kamag-anak ng lalaking ikakasal) ng babaeng ikakasal, hanggang
may naiwang dalawang hindi mabayaran. Umamin ang Binata ng Sakadna na hindi niya
kayang bayaran ang dalawang bagay, pero tinulungan siya ni Tuwaang gamit ng
paglikha ng isang sinaunang gong bilang kapalit sa unang bagay at gintong gitara at
gintong bansi (o gintong plawta) sa pangalawang bagay.

Lumabas ang Dalaga ng Monawon, ang dalagang ikakasal para magbigay ng


nganga sa lahat ng bisita. Pagkatapos niyang bigyan ang lahat ng panauhin ng nganga,
umupo siya sa tabi ni Tuwaang. Nagalit ang Binata ng Sakadna. Hinamon ng binata si
Tuwaang sa labas ng bahay. Ang Gungutan, samantala ay nakapatay na ng mga
kasama ng binata hanggang sa anim na lang ang natira. Nagkipaglaban ang dalawa sa
anim na kalaban hanggang ang natira na lamang ay si Tuwaang at ang Binata ng
Sakadna.

Binato nang napakalakas ni Tuwaang ang binata at lumubog siya sa lupa at


nakita niya ang isa sa mga tagapagbantay ng mundong ilalim. Bumalik agad sa mundo
ang binata at itinapon naman si Tuwaang sa mundong ilalim, kung saan nakita rin ang
tagapagbantay rito. Nalaman ni Tuwaang ang kahinaan ng binata, at pagkalabas niya
roon, kinuha ang gintong plawta na nagtataglay ng buhay ng binata. Dahil mas ginusto
ng binata na mamatay kaysa mapabilang sa kampon ni Tuwaang, sinira ni Tuwaang
ang plawta at ang binata ay unti-unting namatay.

Inuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman kung saan siya ay naghari


habambuhay.
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

Awiting Bayan

Si Nanay at Tatay

Isinalaysay ni Charlito Mira

Lubcon, Mabahin, Cortes, SDS

May maliit na bahay sa burol

Si Nanay at Tatay ang siyang gumawa

May batang nakadungaw sa bintana

Si Neneng pala iyon na bata

Si Nanay at Tatay sa baryo


Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

Painom inom pa ng Kulafu

Patagay tagay pa silang dalawa

Pagdating sa bahay puro away

Awiting Bayan

(Panghele ito ng aking ina na si Madelyn Mira noong mga bata pa kami ng
kapatid ko sa pagpapatulog sa amin)

Kundiman

Ito ay ang awit ng pag-ibig.

Dandansoy (isinalin mula sa Sugbuwanon/Cebuano)

Dandansoy, bayaan na kita

Uuwi na ako sa payaw

Kung sakaling maulila ka sa akin,

Tanawin mo lamang ako sa payaw

Dandansoy, kung susunod ka sa akin


Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

Huwag kang magdadala ng tubig,

Kung sakaling ikaw ay mauhaw

Humukay ka ng balon sa daan.

Soneto

HALIKA RITO, KAPAYAPAAN

Nais namin ng kapayapaan

Doon sa lupang ka-Mindanawan

Pagkat iyon ang makatarungan

Sa lahat doong naninirahan.

Hustisya’y nais ng mamamayan

At pagkain sa hapag-kainan

Kapayapaan, hindi digmaan,

Ang sagot at hindi karahasan.

O, nasaan ka, kapayapaan

Tila kay-ilap mo’t di abutan

O ikaw ba’y naririyan lamang

At abot-kamay ng mamamayan.
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

Halika rito, kapayapaan

At yakapin mo ang sambayanan.

Awit

Pag-ibig na Wagas

May isang dalaga na ubod ng yaman,

Umibig sa abang binatang utusan;

Langit at lupa ang kanilang pagitan

Kaya’t pagmamahala’y maraming hadlang.

Pamilya ni Lira’y ayaw sa binata

Pagkat mangyari’y isa s’yang hampaslupa

Mababang tingin pilit pinamumukha

Kay Simsong mabait, masipag mat’yaga.

Minsang umakyat ‘tong si Simson ng ligaw

Dala’y gitara at bulaklak na dilaw

At kahit na sa kanya ay sadyang ayaw

Ng ama ni Lira’y pilit siyang dumalaw.

Ngunit hindi pa man sa may tarangkahan,

Naroroon ang Don, tila nag- aabang


Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

Kasama’y mga lalaking naglalakihan

Habang mga mata’y puno ng kasamaan.

Pilit tinatagan pusong nagmamahal

Sa Don ay lumapit at nagbigay galang

Ngunit anong sakit nang siya’ duraan

Matapos hamakin ay sinaktan naman.

Mga tauhan nito’y bigla siyang sinuntok

Binugbog, sinipa at sa lupa’y nalugmok

Di pa nasiyaha’y pinalo sa batok

Saka pinatakbo sa hudyat ng putok.

Dahil sa takot ‘di siya nag-alinlangan

Tumakbong matulin tungo sa kung saan

‘Di inalintana sakit ng katawan

Ang makalayo ang tanging nais lamang.

Si Simso’y humayo ng araw ding yaon

Batid na pangarap tangi lamang baon,

Sa kanyang minamahal ‘di maglalaon

Ang maging marapat sa tamang panahon.

Doo’y hinarap samu’t saring hamon

Lahat tiniis para lang maka-ahon

Pilit pinanindigan kanyang desisyon


Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

Na ang kanyang paglayo’y magkakatugon.

Dahil sa nangyari, si Lira’y tumamlay

Masisiglang mata’y nawalan ng kulay;

Nagmukmok sa silid, kalungkuta’y taglay

Pagbabalik ng irog ang hinihintay.

Nagmamahal na ama’y di nakatiis

Para sa anak ay naglaho ang bangis,

Sinaliksik si Simon sa buong libis

Kasiyahan ng anak ang tanging nais.

Ngunit isang taon na ang dumaraan,

‘ni anino ni Simso’y di nasilayan;

Naratay si lira sa kapighatian,

Nagistulang patay ang pusong sugatan.

Lumipas ang araw si Simso’y lumitaw

Matikas na binata ang s’yang bumuglaw

Pansin ang karangyaan sa bawat galaw,

Kaya’t mga kanayo’y tila ba natuklaw.

Tahanan ni Lira ang agad tinungo,

Tiwala sa sarili’t loob ay buo;

Sa pangalawang beses, handang sumuyo,

At muling balikan kabiyak na puso.


Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

Si Don Damyan ang una niyang hinarap

Na nagka-ayos rin matapos mag-usap,

Habang si Lira’y malugod s’yang tinanggap

At muling nabuo, pag-ibig na wagas.

Konklusyon

Bilang tagapagsalin, ako’y lubos na nagagalak sa gawaing ito sapagkat


nadiskubre kong napakayaman pala ng panitikan ng aking bayan. Sa pamamagitan ng
pagsasalin ay mas lumawak pa ang aking kaalaman hinggil sa mga panitikan na
ibinahagi ng aking kamag-anak at magulang. Tunay na napakaganda at kamangha
mangha ang bawat estorya at mga awitin na galing pa mismo sa ninuno ng aming lahi,
ang ibang literatura na dapat ipagmalaki at panatilihing buhay sa pamamagitan ng
pagtangkilik sa mga ito. Karapat-dapat na ipagmalaki ang ganitong uri ng literatura
sapagkat ito ang aking pagkakakilanlan at bahagi ng aking pagkatao na nabibilang sa
isang napakayaman na kultura.

Ako’y nagkaroon ng masayang pakikipanayam at nag-enjoy ng husto sa mga


kwento at mga kababalaghan na aking narinig tungkol sa aming bayan na ibinahagi ng
aking ina at mga kamag-anak. Naging bonding narin namin ng aking pamilya ang
gawaing ito. Nais ko ring ibahagi ang literaturang aking narinig sa susunod na
henerasyon upang mapanatili ang kinagisnang kultura na ingatan nang napakatagal na
panahon ng aming mga ninuno.

Naniniwala ako bilang isang tagasalin na naisalin ko ng angkop ang bawat


salitang aking inilapat upang mas maunawaan at malinaw ang pagkakasulat, na hindi
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

nagbabago sa orihinal na wika o salita na ginamit ng mga nagsasalaysay batay sa


kanilang ibinahagi na literaturang pambayan.

Tungkol sa Tagapagsalin

Ang tagapagsalin na si Rexchelle Mira ay tubong Lubcon Cortes, panganay sa


tatlong magkakapatid na anak ng mag-asawang Ricky at Madelyn Ramas. Ang
kanyang ama ay isang Ilonggo at ang kanyang ina naman ay isang Bisaya na lumaki sa
Matho, Mabahin , Cortes. Bagama’t iba ang kanyang apilyedo sa kanyang mga
magulang ito ay sa kadahilanang nagkamali ang staff ng pagamotan sa paggawa ng
kanyang rehistro, kaya’t ang naging resulta ay sa kanyang ina ang nagamit nitong
apilyedo. Ipinaganak siya noong ika-28 ng Setyembre taong 1995 sa Mandaluyong City
Manila. Kabilang ang kanilang pamilya sa katatamtaman lamang kita, pagsasaka ang
ikinabubuhay nilang pamilya at paglalako ng isda. Subalit kahit simple lang ang
kanilang buhay ay masaya naman silang pamilya.

Nag-aral siya sa Jacinto P. Elpa National High School ng Sekundarya at sa


Buenavista Elementary School sa Elementarya. Maraming masasayang alaala ang
kanyang naranasan noong nasa Elementarya at Sekundarya pa lamang siya. Hindi man
gaanong matalino ay nagsumikap siyang mag-aral para makakuha ng mataas na
marka. Sa Unibersidad ng Surigao del Sur siya nag-aral ng kolehiyo, subalit nahinto
siya dahil sa problimang pinansyal. Pagkahinto niya ng pag-aaral ay namasukan siya
bilang kahera sa isang mall sa Metro sa Lungsod ng Cebu. Kalauna’y nag-asawa at
nagkaroon ng sariling pamilya, nakilala niya ang kaniyang asawang Muslim na si Masod
Casan, isang maliit na negosyante ng Isdaan. Nagkaroon sila ng isang supling na lalaki
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
2nd Semester, A.Y. 2020 – 2021

at pinangalanan nila itong Isaac at limang taong gulang na ito sa kasalukuyan. Naisipan
ng kanyang asawa na pag-aralin siya ulit dahil alam niya na pangarap talaga nitong
maging guro, kaya pinursige siya nitong mag-aral at kaagad naman itong pumayag.

Naudlot man ang pangarap niya dahil sa pagsubok na binigay ng panahon,


subalit alam niyang hindi siya susuko para mapatunayan sa kaniyang sarili, na may
kakayanan siya bilang babae at iyon ay ang mapakapagturo sa mga kabataan na
katulad niya ring nangangarap at maging bahagi ng tagumpay ng mga kabataang
kanyang matuturoan sa hinaharap

You might also like